Mula ng malaman ni Lucas ang totoong nangyari at inosente talaga si Anna, sa ipinaratang nila dito, ay ninais na niya kaagad makabalik ng Pilipinas. Galit na galit si Lucas sa sarili, lalo na at naniwala agad siya sa sabi-sabi at hindi muna niya inalam ang totoo. Masakit din sa kalooban niya na mas naniwala pa siya kay Lyka, kaysa kina Manang Fe na wala ng ginawa kundi ipaalalang hindi iyon kayang gawing ni Anna. At hindi ang mga ito naniniwala na magagawa iyon ni Anna. Bagkus ngayon ay siya pa ang may malaking kasalanan ngayon sa dalaga. Pero ang nangyari ay nangyari na. Ang gusto niya ngayon ay makabawi kay Anna. Gusto niyang pagsisihan ang ginawa niya dito. Pero pagnaiisip niyang nagdadalangtao ito, sa kanyang anak, ay hindi din niya maiwasang hindi maging masaya, sa katotohanang mag

