Linggo ng umaga at masarap ang ihip ng hangin. Nasa labas ng bahay si Anna, habang pinagmamasdan at hinahayaang kusang tumayo at humakbang si Lucci. Safe naman ang pwesto nila. Lalo na at ang paligid ng lalakaran ni Lucci ay napapalibutan ng makapal na bermuda grass. Hindi masasaktan si Lucci kung sakali man itong madapa. Maganda din na hayaan si Lucci na tumayo sa sarili niyang mga paa. Mas mapapabilis noon na matuto itong maglakad, ng hindi umaasa sa tulong ng iba. Sa unang hakbang ni Lucci, ay nadapa na agad ito. Nais sana niyang lapitan, para tulungang makatayo ang anak. Pero narinig niya ang mumunting hagikhik nito. Napangiti na rin lamang si Anna, lalo na ng mapagmasdang mabuti, ang masayang mukha ng anak habang pumapalakpak pa. Halos nasa anim na dipa lang naman ang layo ni Anna

