Ilang araw pa ang inilagi ni nina Anna sa bahay nina Lucas ng magdesisyon siyang puntahan naman ang kanyang mga magulang. Sa tagal ng panahon na hindi niya nakikita ang mga ito ay sobra na niyang namimiss ang pamilya niya. Nasa garden sila ngayon, habang si Anna ay nagdidilig ng halaman. "Baby, hindi na dapat ikaw ang gumagawa niyan. Nandyan naman sina Liza." Wika ni Lucas habang karga-karga si Lucci. "Ano naman ang gusto mong gawin ko? Tumanga lang dito? Hindi ako sanay. Si Gia nga na ngayon ko lang nalaman, na anak pala ni Sir Diesel si Gael. Ay mas gusto pa ring maging katulong. Ay ako pa na nagmula naman ako na katulong. Pati pagdidilig lang ito ng halaman, hindi naman mabigat na gawain." Wika ni Anna na ikinabuntong hininga ni Lucas. "Ang tigas talaga ng ulo ninyo ni Gia. Hindi di

