Halos magtatanghali na ng dumating sina Lucas ng bahay nila. Pagkababa pa lang ni Anna, ay nakita niya si Gia, Liza at Manang Fe. Mabilis namang tumakbo si Liza pagkakita sa kanya, ganoon din si Gia at Manang Fe. "Namiss kita Anna girl. Bakit bigla ka na lang umalis. Noong nakita ka ni Manang Fe, sa huling pagkakataon, hindi ka naman daw niya nahabol. Ang bilis mo daw kasing maglakad Anna." Wika ni Liza na ikinayakap pa nito at ni Gia. Si Manang Fe naman ay tahimik na nakatingin sa kanila, pero makikita ang namumuong luha sa mga mata. "Namiss ko kayong lahat. Namiss po kayo Manang Fe. Akala ko po hindi ko na kayo muling makikita. Kung ano po ang naging problema noon, hindi ko po talaga alam iyon. Nito ko lang po nalaman na ganoon po pala ang nangyari. Pero sa maniwala po kayo at sa hin

