IKAAPAT NA KABANATA: AMETHYST HIGH ACADEMY AND HER DISAPPEARANCE

1244 Words
Isang mapayapang araw sa Amethyst High Academy. Ngayon ang ika 16 ng Agusto, ang simula ng panibagong school year sa AHA. Nagsisidatingan na ang mga bagong 100 na estudyante na inaasahang mag aaral sa loob ng AHA campus. Ang AHA campus ay ang pinakaprestihiosong paaralan sa Pilipinas at pang lima sa buong Asya. Maliban sa state of the art facilities, tila maliit na syudad ang loob ng academy. Matatagpuan mo dito ang matayog na Goldenline Mall of Amethyst, mayroon ding mga pasyalan, bar, casino, malalawak na golf courses at marami pang iba. Sa pagpasok mo sa Amethyst High Academy, nangangailangan ng identification card at dadaan ka pa sa loob ng isang malaking machine kung saan kukuhanin nito ang iyong biometrics tulad ng iris, thumbprints, blood sample at kung ano ano pa to verify your identity. Pagkatapos ay may nakaabang na trainhouse (isang lumulutang na sasakyang maihahalintulad sa isang tren) na nakapagsasakay ng isandaang katao. Doon makakasabay nila ang ilang senior students na magtotour sakanila nakasalansan na mga nagtatayugang buildings sa loob ng AHA. GWEN POV Hi, I am Gwen, a senior student and vice president of the best student base organisation here in AHA. And me and my troop were assigned for touring and guiding these new students who are just coming in. I kinda bored in doing this pero dahil utos nga from up above, wala ako magagawa. I am sitting already sa front ng trainhouse habang pinagmamasdan ang bagong batch ng mga spoiled brats. Yeah, most students na nakakapasok dito is not because they are intellectually good but most are just brats from business tycoons, or from very influencial families. New batch of trouble maker and head aches. I was like that when I was in my fresh years but eventually I grew up. AHA is the right place to make these proud rockheads be the best individuals as the school is known in creating greatness and excellence. One of my member told me that 99 students lang ang dumating and they are now being oriented. I looked out and saw that only few of them are giving attention sa orientation. "Leave the safety tips for this tour" sabi ko na ikinanhiyi naman ni Angela. I love making these new chicks learn a lesson. Oh this will be fun! As the students sat on their seats, I controlled the trainhouse and prepared for take off without reminding them to turn on their safety belts. I winked at Angela and jumpstarted the engine. I can still hear ang mga gulat at takot nilang hiyaw nang magsihulog sila sa kanikanilang upuan. Their curses next. Hahaha. "Shut up if you don't want to fall from this height and f*ck*ng listen well to Ms Angela. Don't think of calling your daddy and mommy cause we seniors, we don't give a sh*t of who you were." Sabi ko giving them a deadly glare that made a few students flinch. Of course some will still be hard to control, but I really wanted to put them in their place. And off we go to our tour around the city. Angela and Anthon were the one giving them a very precise details of everything. So lucky to have these two and their patience. Sa gitna ng malawak na lugar na ito matatagpuan ang mismong paaralan na pinalilibutan uli ng matatayog na pader na gawa sa pure metal. May dadaanan na tulay papasok sa school. Ito ang nagiisang tulay na nagdudugtong sa school at sa mini city sa loob ng AHA. Sa ilalim ng tulay na ito ay isang malalim na tubig na ayon sa mga kwento kwento ay may nakahalong lason, ngunit hindi pa naman napapatunayan. Pagkatapos maikot ng 99 freshmen ang city ay lumapag na ang trainhouse sa tapat ng tulay kung saan nakaabang ang buong officials ng AHA. Mula sa Academy President, mga Dean and acting Dean ng bawat department, at mga professors. Andito rin ang mga officials in administration. Kung tutuusin ay napa kadami ng officials sa school na iyon. Nagbigay ng munting welcome remarks ang cold president ng academy at mabilis ding naglaho papasok sa main gate ng school. Pagkatapos naman ay nagbigay ng houserule ang isang matandang professor. Bago ituloy ang tour sa loob ng mismong AHA vicinity ay minabuti muna namin na ihatid muna ang mga freshies sa panibago nilang tutuluyan. Ang AHA residency. Malapit lang ang mga ito sa mismong paaralan. Ang AHA residency ay binubuo ng dalawang matayog na building. Bawat estudyante ay magkakaroon ng sarili nitong unit at ang unit nila ay nakasaad na sa form 6 nila. Ang form 6 ay naglalaman ng kanikanilang subjects at kanikanilang schedules. Naroon din ang room number nila. Maaaccess nila ang kanilang form 6 online sa aming students portal. Ibig sabihin ay halo halo ang seniors, freshies at proffesors sa dalawang building na iyon. Libre ba ang stay dito sa AHA? The answer is No. Babayaran ng mga estudyante ang kanilang rent, water, food, personal and school expenses. Ngunit may exception, ang mga scholars ay nabibigyan ng card kung saan maeexempt sila sa lahat ng expenses though only few are able to meet the requirements to be a school scholar. Sa school rin na ito ay maaaring makaipon ang bawat estudyante bawat semester sapagkat nabibigyan ng cash rewards ang mga estudyante na nagpapakita ng kagalingan sa pag aaral. Saan nakakakuha ang AHA ng fund? Maraming sponsors, shareholders o investors ang AHA around the world. Also kumikita rin ito sa mga facilities and enterprises sa loob ng AHA campus. THIRD PERSON POV Sa kabilang banda naman, patuloy parin na hinahanap nina kapitan Isko at aling Ester ang anak nilang si Akira. Nakailang balik na sila sa presinto para kamustahin ang imbestigasyon ngunit wala parin silang napala. Nagsisisi silang pinayagan ang anak na lumabas kasama ang mga barkada nito. Ayon sa magkakabarkada, magkakasama silang lahat na naginuman sa bahay nina Jeremiah, ngunit ng dahil sa kalasingan ay hindi na nila napansing nawawala si Akira. Ayon naman kay Carlos, ang anak anakan nina kapitan Isko at aling Ester, nakatulog daw ito ng maaga sapagkat may lakad ito ng maaga kinabukasan ng pangyayari. Nag imbestiga rin sila sa tahanan nina Carlos ngunit walang iniwang bakas si Akira sa pagkawala nito. Tila bigla nalang nawala sa hangin si Akira kaya panay ang pagluluksa di lamang ng pamilya nito kundi ng buong malapit kay Akira. Kahit na ganon, di parin nawawalan ng pag asa ang pamilya na mahahanap pa nila ang kanilang prinsesa. Carlos POV "Kuya, napapansin kong matamlay ka mula nung mga nakalipas na araw, may sakit ka ba?" tanong ni Jeremiah saakin. "Ah, wala to. Mamimiss lang kita" sabi ko habang nag eempake ako ng mga gamit. Pagkatapos ng ilang gabing di ako makatulog ng dahil sa pighati at konsenya, napagdesisyonan kong tanggapin ang offer ng kompanya na ilipat ako sa branch ng company sa HongKong. Siguro ito nalang ang way out ko para makalimot. Hinatid ako ni Jeremiah sa airport at tinawagan ko din sina mommy at daddy na kasalukuyang nasa business trip nila sa Palawan. Natutuwa naman sila sa naaabot ng career ko at dahil sineseryoso ko ang mga opportunities. Sa kabila ng mahaba at matamis tawag nila at ang mahigpit na yakap ni Jeremiah bago ako tuluyang maglaho sa loob ng eroplano, ang tanging nararamdaman ko lang ay konsenya at poot sa aking sarili. Sa bawat pagpikit ko ng mata, si Akira parin ang aking nakikita. Ang kanyang katawan habang tinatabunan ko ng lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD