IKALIMANG KABANATA : ANG PAGBABALIK MULA SA KAMATAYAN

1176 Words
ART POV Flashback August 9 midnight Ilang oras nalang..... Bulong ko sa sarili habang tahimik na nagaabang sa likod ng kurtina sa tahimik na probinsyang ito. "arthur... Come.. In...." kinuha ko ang tawag mula sa frequency mula sa headquarter. Pagsagot ko sa tawag na iyon ay biglang dumaan ang anino ng pinakaaantay namin. Si Shadow. Wala pang nakakakita sa mukha nito. Si Shadow ay kabilang sa most wanted criminal and mafia lord sa buong Asya. Isang anino na nagpapatakbo sa pinakamalaking drug syndicate sa Pilipinas. At heto siya, sa aming bitag na maingat na inihanda. Ako, kasama ang pinakamagagaling na agents ng ASI combined with the national and international force ay lihim na nakaabang sa kaniya. Nakasuot ito ng maitim na jacket at pants at tila isang inosenteng mamamayan na naglalakad ng dyis oras ng gabi. Dahan dahan namin siyang sinundan ngunit tila nakaramdam ito at nagsimulang tumakbo. Doon nagsimula ang habulan sa pagitan namin at ng mag isang leader ng sindikato. Sa pagliko niya sa isang kanto ay tila itong bulang naglaho. Sinenyasan ko ang aking mga kasama na maghiwahiwalay habang pinasok ko ang pinaka malapit na bahay na maaari niyang pinagtaguan. Ingat na ingat ako upang di ko magising ang sinumang naninirahan dito. Tahimik akong naghanap sa dilim nang biglang may kumaluskos sa may veranda. Mabilis at tahimik kong sinugod ang pinagmulan ng tunog at di nga ako nagkakamali dahil andun siya. Si shadow. Nakaupo at nakaharap saakin na tila ba hinihintay ako. "Sumuko ka na Shadow" madiin kong sambit. May suot itong mask at sumbrero kayat di ko makita kung saakin ba ito nakatingin o narinig ba nito ang aking sinabi. Sinigurado kong nakatapat ang baril ko sa kanya ngunit tila wala parin itong pakealam. Pagkatapos ng ilang saglit ay tumayo ito at mabilis na sinunggaban ang baril na hawak ko. Nagsimula na kaming maglaban at di ko inaasahan ang bilis at galing nito. Nagagawa niyang mailagan lahat ng binibigay kong suntok. Tama nga ang intel, isa itong pro. Alam kong medyo nakakalikha na kami ng ingay at pinagdarasal kong walang lumabas na residente at baka madamay pa sila. Natyempuhan kong bukas ang mukha nito kayat sinunggaban ko agad ang mask na suot nito. Matagumpay kong nahila ang mask nito sabay ng pagbukas ng ilaw sa veranda at pagsilip ng isang matanda. Agad kong pinapasok ang matanda ngunit sa mga segundo na iyon, nakapagpaputok ito ng baril at tumalon mula sa veranda. Sabay din noon ang pagkawala ng ilaw ng dahil sa brown out. Sa kasamaang palad, di ko nakita ang mukha ni Shadow. Napaupo ako sa may veranda, mabuti nalang at hindi na lumabas ang matandang babae kanina. Habang nakaupo ako, sinubukan kong alalahanin at i replay ang mga nangyari. Ngayon ko lang nakaharap si Shadow ng personalan. Ngayon ko lang din napatunayan at napaniwalaan ang kakayahan ni Shadow. Tahimik, kalkulado ang kilos, mabilis- Napalingon ako ng may marinig akong ingay sa katapat na bahay. May lumabas na lalake na may dalang malaking bag na inilagay nito sa trunk ng sasakyan nito. Pumasok muli ito at sa susunod na paglabas ay may dala dala muli itong malaking trashbag. Halatang takot ang lalake na ito na lumilingon lingon upang siguraduhing walang tao. Alam kong hindi ito ang pinunta ko dito ngunit dahil narin sa tawag ng tungkulin , sinundan ko ang sasakyan na iyon. Tinungo nito ang daan papunta sa gubat at doon nga ay una nitong inilabas amg trashbag, binuhusan ng gasoline at sinunog. Ano ginagawa niya? Nagsusunog ng basura sa gantong oras? Sa gitna ng kawalan? Maya maya ay nilabas nito ang malaking bag na dala nito at binuhat papasok sa gubat. Maya maya ay sinundan ko rin ito ngunit nakalayo na ito. Hinanap hanap ko ang maaari nitong dinaanan o mga bakas na naiwan ngunit tila ako ang naligaw. Pagkatapos ng ilang ikot ay nakarinig ako ng mahinang pagandar ng sasakyan mula sa di kalayuan. s**t! Umalis na siya. Susundan ko na sana ang direksyon na pinanggalingan ng tunog ngunit nakaramdam ako ng malambot na lupa. Inilabas ko ang flashlight ko at kung di ako nagkakamali, kakagalaw lang ng lupang kinatatayuan ko. Agad akong dumapa at naghukay gamit ang aking sariling kamay at nagulat ako sa aking natagpuan. (END OF FLASHBACK) "Agent Art!" tawag ni V saakin habang naglalakad sa hallway ng aming headquarters dito sa AHA. Ang headquarter ng Amethyst Speacial Intelligence ay matatagpuan underground of AHA campus. I am Arthur Vangeozi. Part of the best special task force group and the one of the best and most handsome agent of ASI. Nilingon ko ang cute petite but deadly partner of mine, Si agent V, Stands for Vivian Del Rama. "Tawag ka sa taas. I think, its about the girl" Bumilis ang t***k ng puso ko at napatakbo papunta sa elevator. Dumeretso ako sa own health facility ng ASI (still underground) kung saan nakita kong hinihintay na ako ni Doc Geff. Pagpasok ko sa kaniyang lab nakita ko si Ace. Ang babaeng natagpuan kong walang malay at halos wala ng buhay sa gubat isang linggo na ang nakakalipas. Nasa kabila siya ng isang mirror glass. Buhay. "Kamusta siya Doc?" tanong ko pero di ako sinagot ni doctor Geff. Maya mayay dumating ang superior namin. The highest official in ASI and it is my honor to be acknowledged. I remembered nang itinakbo ko ang babaeng ito dito sa headquarters ay pinatawag ako ng aming superior na kaharap ko ngayon. Mahigpit na Pinagbabawal kasi ang pagpasok ng sibilyan dito sa headquarter kaya i explained my part mula sa operation to capture shadow hanggang sa natagpuan ko ang babae. Malakas ang kutob ko na nakita ng babaeng ito ang mukha ni Shadow at baka siya nalamang ang natitirang string para mahuli si Shadow. Bumuntong hininga si doctor Geff na pumukaw ng atensyon. "Tulad ng nakikita niyo, buhay, at gising na si Ace which is a good thing. Bago ang lahat. Nalaman ng ating system ang tunay na pagkakakilanlan ni Ace, Siya ay si Akira dela Cruz. 17 years old at siya ay kasali sa mga scholars ng AHA. Ang mga magulang niya ay patuloy parin sa paghahanap sa anak nila. The bad thing is that. Wala itong maalala. May posibilidad ba na makaalala pa siya o bumalik ang ala ala niya? Oo. Pansamatala lamang ang amnesia niya. Gaano katagal bago bumalik ang ala ala niya? Iyon ang walang kasiguraduhan. A part of her brain which holds her memories are damaged, it is almost a miracle na nabuhay pa siya. Also she recovered very fast. She is one amazing gal. " sabi ni doc Geff. Narinig kong bumuntong hininga si sir. Malaman ba naman kasi na walang kasiguraduhan kung kailan babalik ang ala ala ng babaeng iyon, ibig sabihin, matatagalan pa namin malalaman ang hitsura ni Shadow o kung nakita nga nito ang hitsura ni Shadow. Napagdesisyonan na mananatiling Ace ang pangalan nito at mananatili ito sa loob ng AHA. Nang nilingon ko muli ang babaeng iyon, nakita ko siyang nakatingin din saamin, clever. I think she knew its a two way mirror
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD