Kill's POV
Dalawang linggo na kaming nandito sa camp. Puro training ang ginawa namin. Tuwing Wednesday and weekends ang rest day namin. Sa isang araw para kaming binugbog pagkatapos ng araw dahil sa sobrang pahirap nilang magtraining. Lunch break at five minutes break lang ang break namin. Minsan sa isang araw, dalawang beses lang kami pinagbre-break ng five minutes break kaya talagang pagod na pagod kami.
Hindi nila kami pinahawak ng bola sa loob ng dalawang linggong yon. Puro kami takbo at basic exercise. Puro reklamo na din ang mga kasamahan ko sa nangyayari samin pero hindi naman pinaparinig sa mga seniors dahil baka dagdag pa ang ipagawa samin. Habang tumatakbo kaming mga rookies, ang ilang seniors naman nagpra-practice. Si Avey ang madalas na nagbabantay samin at ni minsan, hindi namin sya nakitang magpractice kasama sila Juls.
At tungkol sa nangyari samin ni Avey sa banyo namin. Hindi namin pinag-usapan ni Avey yon. Hindi ko alam kung ayaw nya lang bang pag-usapan o ano. Pero simula din non, panay na ang lapit nya sakin. Mga pasimpleng akit nya sakin kapag walang nakatingin sa kanya lalo na kapag kaming dalawa lang sa kwarto. Madalas nya akong halikan pero dahil ayoko nang maulit ang nangyari, lumalayo ako sa kanya. Kaya madalas din nasa sala ako nakatambay kapag nasa kwarto sya kahit pagod na pagod ako sa training. Hinihintay ko din syang makatulog bago ako matulog dahil last time na nauna akong natulog sa kanya, nasa tabi ko na sya at hinahalikan ako sa leeg. Sobrang clingy nya kapag kaming dalawa lang pero ang galing nyang mang-akit kapag may kasama kaming iba dahil hindi sya nahuhuli.
Tumatakbo na naman kaming pito ngayon pero nakaupo naman sa bench ang mga seniors namin na nagkwe-kwentuhan. Ang chill lang nila habang kami panay ang takbo. Tumingin na ako sa harapan nang makitang nakatingin samin si Avey. Binilisan ko ang takbo ko nang ikarinig ko ng reklamo kanila Ashley pero binilisan din naman nila. Fifty laps ang gagawin namin ngayon paikot sa dalawang outdoor court. Nakakatwenty pa lang kami at nakakaramdam na ako ng pagod.
"Sila Warren!" sigaw ni Maybelle. Napatingin naman kami kung saan ang mga seniors namin. May kasama silang tatlong lalaki.
"Girls! tama na muna yan, dito muna kayo!" sigaw ni Sharm kaya naman natuwa sila Shiela at tumakbo papunta sa kanila. Naglakad lang ako papunta sa kanila.
Pagkalapit ko sa kanila, nagpakilala sila Shiela sa tatlo. Tuwang tuwa din sila nang makilala ang dumating parang nung dumating sila Scarlette nung nakaraan.
"Hi." bati sakin ni Warren. Tumango ako sa kanya tapos tumingin ako kay Kuya na nakatingin din sakin.
Kasama ko sila Kuya Tristan at ang kakambal ko na nakapasa dito sa training camp. Natuwa si Kuya Kyle sa nalaman nilang balita dahil lahat kaming magkakapatid nakapasa dito sa camp pero ang panganay namin ay umalis na ng camp at nagpamilya na.
"Hello." nakangiting bati ni Killua na nakaakbay kay Kuya Tristan. "May kamukha ka." hinawakan nya ang baba nya at tila nag-isip. "Si Tairon, tama yung rookies din namin." sabi nya. "Kapatid nito ni Tristan." turo nya kay Kuya.
"Malamang, kapatid ko din yan." masungit na sabi ni Kuya Tristan na ikagulat nilang lahat bukod sa nakakalaam na magkapatid kami, si Shiela at si Noimi.
"Kaya pala parehas kayong masungit!" sabi ni Killua na ikatawa naman ng lahat bukod samin ni Kuya.
"Kamusta ang training ninyo dito?" tanong ni Warren. Nag-umpisa na magsabi sila Maybelle sa mga pinagdaanan namin dito. Nagsimula na din silang magreklamo na hindi naman pinapansin ng mga seniors namin.
Maya maya hindi na nakisali si Warren sa pakikipagkwentuhan at nilapitan si Avey. Pasimple itong hinahawakan ang kamay ni Avey habang kung ano ano ang sinasabi na ikinangingiti ni Avey.
Naisandal ko ang sarili ko sa likod ng puno habang nakatingin sa dalawa na naglalambingan. Bakit nakalimutan ko na may boyfriend pala itong si Avey at si Warren yon? Hindi ko na tanda kung kailan naging sila pero nagviral sila sa social media dahil ang dalawang kapitan ng Dragon Empire ay may relasyon na matagal ng inaasam ng mga fans nila.
So niloloko pala nitong ni Avey si Warren dahil sa ginawa nitong panlandi sakin tapos ginusto nya ang nangyari sa amin noon. Napailing ako at ipinikit ang mga mata. Akala ko matinong babae itong si Avey pero nagawang lokohin ang boyfriend at landiin ako. Mabuti na lang hindi na ako nahuhulog pa sa mga pinaggagawa nya sakin. Mas klaro na sakin na layuan ang taong ito. Madamay pa ako sa kanila.
Pero bisexual ba itong si Avey at nilalandi ako? ako alam ko sa sarili kong straight ako dahil never pa akong hindi nagkagusto sa babae pero aaminin kong nagustuhan ko ang halik ni Avey at nang hawakan ko ang ibabang parte nya. Hanggang ngayon ramdam ko pa din sa daliri ko ang parte na yon.
"Bwisit kayo! hindi ninyo man lang ako hinintay!" biglang ako kinabahan nang marinig ko ang pamilyar na boses na yon.
"Nicolo." pagpapaklaro ni Shiela sa taong dumating. Lalo akong kinabahan. Ibigsabihin sya nga ang may nagmamaari ng boses na yon.
Dahan dahan kong inimulat ang mga mata ko at tumingin sa kanya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita sya. Gulat na nakatingin sya sakin. Mukhang napansin iyon ng mga kasamahan namin dahil napatingin din sila sakin.
"Kill." mahinang sabi nya. Napayukom ako ng palad. Naramdaman ko na naman ang sakit na naramdaman ko noon. Akala ko wala na pero nandito pa din pala.
Tumayo ako at naglakad palayo. Hindi ako lumingon nang tawagin nila ang pangalan ko. Gusto kong umalis sa lugar na yon. Ang sakit pa din pala. Akala ko nakamove on na ako sa kanya pero akala ko lang pala. Madami nga talagang nagkakamali sa akala. Parang dinudurog ang puso ko tuwing naalala ko ang araw na niloko nya ako. Ang araw na nakita ko syang may kasamang ibang babae. Alam kong hindi dapat ako maghinala nung una pero nung makita ko silang magkaholding hands at naghalikan, alam kong niloloko nya na ako.
Kaya pala palagi syang umaalis nung isang buwan bago kaming magbreak, may iba na pala. Ang saklap lang dahil hindi muna sya nakipagbreak sakin bago sya lumandi sa iba. Pero mas masaklap pa nang mahuli ko sya ay anniversary namin. Nilapitan ko sya non at sinabing break na kami. Hindi na ako humingi ng paliwanag sa kanya, basta tapos na kaming dalawa. Hindi naman nya ako hinabol pa non. Mukhang mas pabor pa sa kanya yon kaya hindi ko na sya nakita pa simula non.
Dahil sa kanya kaya ako naging ganito. Naging mailap at naging malamig sa mga tao. Tatlong taon, tatlong taon ang pagsasama namin ni Nicolo nasinayang nya lang. Wala akong ibang ginawa kundi gawin ang pagpapasaya sa kanya. Ni minsan hindi ko sya niloko. Sa mga bagay na pinagbabawalan nya sakin, ginagawa ko naman. Kaya bakit nya ako niloko?
"Panyo?" nag-angat ako ng tingin sa taong nagmamaari ng kamay na nasa harap ko habang hawak ang panyo. Kumunot ang noo ko sa kanya. "May tumutulong luha sa mga mata mo." sa sinabi nyang yon ay hinawakan ko ang pisngi ko.
Hindi ko napansin na napaluha pala ako. Masakit naman kasi. Sya ang first love ko na akala ko magiging last ko na. Minahal ko sya ng sobra pero niloko lang ako.
"Tanggapin mo na." hinawakan nya ang kamay ko at iniligay ang panyo. "Ngayon, alam ko ng tao ka din pala." napailing ako.
"Lahat ng bato, nadudurog." sabi ko at ginamit ang panyo nya kahit na nahihiya ako nang makita nya akong ganito.
"Hugot." inirapan ko ito. Nginitian nya ako at tumabi ng upo sakin. Pinatong nya ang ulo nya sa balikat ko pero dahil ayokong may dumidikit sakin lalo na hindi ko naman close umusog ako kaya natumba sya sa lupa.
"Ang sakit non huh!" angal nya pero hindi ko sya pinansin. "Pagkatapos pahiramin ng panyo." bulong nya pero narinig ko. Nangonsensya pa. "Ano bang problema mo?"
"Wala." sabi ko. Wala akong rason para sabihan sya. Kung si Noimi o si Shiela ang dumating maari ko pang kausapin dahil sila ang nakakaalam ng tugnkol samin ni Nicolo.
"Wala eh naiiyak ka dyan." sabi nya.
Peste ang taong ito. Gusto ko ngang mapag-isa pero nandito sya tapos nangungulit pa. Tumayo na ako at naglakad palayo sa kanya pero makulit ang taong ito at sinundan pa ako. Hindi naman sya nagsalita pa kaya hindi ko na sya tinaboy. Pero hinawakan nya ang kamay ko at hinila pabalik kung nasaan sila Avey. Pumipiglas ako pero nung mapansin na nila Ashley na palapit kami ay hindi na ako pumalag. Masasaktan ko ang taong ito.
Napatingin sila samin. Sabay sabay pa silang tumingin sa kamay naming magkahawak. Pinilit kong tanggalin yung kamay nya sakin pero mahigpit nya itong hinawakan. Masasaktan ko talaga ito.
"Kill, can we talk?" tumingin ako kay Nicolo at medyo napaatras sya nang ipagtaka ko pero hindi ko yon pinansin.
"Hindi pwede." napatingin kaming lahat sa katabi ko sa sinabi nya. "May practice sila at inistorbo lang ninyo. Naturingan pa naman kayong Captain na lovers kayo pero naglalambingan kayo sa oras ng training? Hindi pwede yan." iling na sabi ni Jacey. Nakahalata na ba ito kung ano ang problema ko kaya ngayon inilalayo nya ako kay Nicolo? ang bilis naman nyang makapick-up.
"Badtrip ka naman Jacey, ngayon lang ulit kami nagkaroon ng time ni babe don ka naman sisingit." natatampong sabi ni Warren.
"Ah ganon?" may pananakot sa tonong sabi ni Jacey.
"Joke lang ito naman. Ito na nga oh, aalis na kami." sabi ni Warren at hinila si Nicolo. "Babe tawagan kita mamaya ah. I love you!" pahabol nya habang nakasunod na ang tatlo sa kanila.
"Okay, dahil gusto ni Jacey na magpractice kayo. Back to practice tayo." sabi ni Avey.
"Awww!" reklamo nila Shiela. Natawa sila Jacey. Hinugot ko na ang kamay ko kay Jacey nang lumuwag ito kaya agad ko naman natanggal ang kamay nya sakin. Napatingin sya sakin pero hindi ko na sya pinansin at nilapitan sila Shiela.
"Ayos ka lang ba?" tanong sakin ni Noimi. Umiling ako sa kanya. Sa kanilang dalawa lang ako nagsasabi ng nararamdaman ko kaya hindi ko kailangan magsinungaling sa kanila.
"Ngayon, papahawak na namin kayo ng bola." sabi ni Avey. Kaninang mukhang nalugi ang mga mukha ni Ashley, ngayon natuwa na.
"Hindi ba masyado pang maaga para pahawakin sila ng bola?" sabi ni Jacey.
"Jacey naman eh! ayaw na naming tumakbo." reklamo ni Krystal na ikatawa ni Jacey.
"Hindi pwede. Ganyan din nangyari samin kaya gawin ninyo. Isang buwan kayong hindi hahawak ng bola." sabi ni Jacey.
"Isang buwan?!" sabay sabay na sabi nila Shiela.
"Ganon talaga." tumingin si Jacey kay Avey. "Ano kaya kung patakbuhan na lang natin sila mula fountain hanggang dito?" suggest ni Jacey.
"Wait, yung fountain ba na tinutukoy mo yung nasa gitna ng gubat?" tanong ni Ashley.
"Yun nga." sabi ni Sharm.
"Ang layo non!" sigaw nya kasama nya si Krystal na magreklamo na ikatawa lang nila Sharm.
"Malapit lang yon. Naligaw ko lang kayo kaya mukhang malayo." sabi ni Sharm. "Ituturo naman namin ang daan sa inyo kaya wag kayong mag-alala."
"Okay, yun na lang ang gagawin ninyo. Pakisabihan si Ella na isasama natin ang Blue team sa training natin ngayon." sabi ni Avey kay Joey. Sinunod naman agad ni Joey si Avey. "Juls, pakisabihan ang iba pa at ihanda ang mga gamit pati ang sasakyan." utos ni Avey. Ngayon ko nakikita ang pagiging kapitan nya ngayon.
"Okay." sabi ni Juls at umalis din.
"Jacey and Sharm. Kunin ninyo ang ankle weight." utos ni Avey sa dalawang natira.
"Gaano kabigat?" tanong ni Jacey. Sabay na tumingin samin ang dalawa.
"Twenty kilogram." ngising sabi ni Avey.
Nagulat kami sa sinabi nya. Twenty kilogram? seryoso ba sya? ang bigat kaya non tapos tatabukhin namin? paano kami makakatakbo sa bigat non?
Dalawang van ang ginamit namin para makarating sa fountain. May mga dala silang bike na nakaangkas sa itaas ng van at sa likuran nito. Gagamitin daw nila yon sa paghabol samin. May mga dala din silang tubig at towel.
Nakarating kami sa fountain. Nagpicture picture muna sila Shiela kasama ang Blue team at ilan na seniors samin habang yung iba binababa ang bike.
"Kill sama ka!" aya ni Krystal pero umiling ako.
"Wag kang KJ!" hinila ako ni PJ na Blue team papunta sa kanila. Napapalibutan ata ako ng makukulit na tao. Si Hans ang nagpicture samin. Nakailang take din sila pero hindi ako ngumiti sa bawat picture nila. Sumama na din ang ibang seniors na natapos magbaba ng bike. May dala silang stand kaya sinet nila sa timer yung camera kaya nagkaroon kami ng group picture.
"Okay tama na, tuloy na natin ito." sabi ni Ella. "Pakibigay na ang ankle weights."
Lumapit sakin si Avey habang nakangiti. Hindi ko sya pinansin. Kinuha ko ang ankle weight sa kanya pero inilayo nya ito sakin at lumuhod. Nagtaka ako nung una pero iniligay nya sa kaliwang ankle ko ang isang ankle weights.
"Ako na." sabi ko pero hindi nya ako pinansin. Bumuntong hininga na lang ako. Mabuti na lang hindi lang sya yung lumuhod at niligay sa ankle ko yung weights kaya hindi sya napansin.
Pagkaligay nya ng weights sa dalawang paa ko, naramdaman ko ang bigat nito. Twenty kilogram ba naman. Sinubukan kong iangat ang isang paa ko at nahirapan ako. Mukhang lakad ang mangyayari at hindi takbo.
"Listen girls! yan weights na suot ninyo sa magkabilang paa ay may bigat na twenty kilogram. Magaan na yan kaya wag kayo mag-inarte." ngising sabi ni Lexie.
"Seriously? magaan na 'to sa lagay nila?" sabi ni Bea.
"Para maging masaya ang training ninyo, ligyan nating ng thrill." sabi ni Avey. Napansin ko naman na natigilan sila Juls. "Kailangan ninyo makarating sa camp bago mag-ala siyete ng gabi dahil kung hindi kayo nakaabot ng ala siyete, wala kayong hapunan. Bawal tanggalin nyang weights dahil babantayan namin kayo. May dala kaming tubig kapag kailangan ninyong uminom." sabi nya.
"Grabe naman!" reklamo nila.
"Wag na kayong magreklamo. Ginawa din namin yan kaya pagdusahan ninyo din." sabi ni Sun.
"Umpisahan na ninyo para makaabot kayo sa oras." sabi ni V.
Sa sinabi nyang yon ay inumpisahan na namin humakbang pero nahihirapan kaming lahat. Sa bigat ba naman? Nakarinig kami ng tawa mula sa mga seniors namin tapos vinivideohan pa kami. Ang sama nila.
"Seryoso makakaabot ba kami nito bago mag-seven?" angal ni Ashley. Hindi pa man kami nakakalayo kung saan nakatayo ang mga seniors namin.
"It's up to you kung gusto mong makakain ng dinner mamaya." asar na sabi ni V.
"Waahh! bakit kasi ang bigat nito eh!" angal din ni Shiela. Puro sila angal, hindi na lang maglakad.
"Aba, walang kahirap hirap kay Noimi ang bigat ah." sabi ni Rei na naglalakad na kasabay namin.
Nangunguna si Noimi sa amin at nakakalakad sya ng maayos.
"Naggy-gym kasi ako." sagot ni Noimi kay Rei. "Kaya makakaabot ako bago mag-seven."
"Aba nga naman." komento ni Rei.
"Buti pa si Noimi parang wala lang sa kanya yung bigat." rinig kong sabi ni Krystal. Mukhang hindi nya narinig ang sinabi ni Noimi. Tinignan ko yung iba at puro sila angal. Yung mga seniors namin na nakaupo lang sa may fountain at nagkwe-kwentuhan. Si Rei lang yung wala sa kanila.
Ilang oras na kami naglalakad pero medyo malayo pa kami sa camp sabi ng mga seniors. Si Noimi pa din yung nangunguna, baka malapit na yon o baka nasa camp na yon. Si Rei ang nagbantay sa kanya. Yung iba naman hindi ko alam kung ano na nangyayari sa kanila. May sumunod kay Noimi na taga Blue team na si Anya na mukhang sanay na din. Ako na ang sumunod kay Anya at malayo layo naman ang kasunod ko. Medyo nanghihina na din ako dahil wala pa kaming tanghalian. Alas tres na ng hapon at may apat na oras pang natitira para makarating sa camp.
"Hey, want some water?" tumigil ako sa paglalakad at tinignan sya. Kinuha ko ang inaabot nyang tubig. Nakasakay sya sa bike pero bumaba sya. Hindi ko na lang pinansin ang kilos nya. Tinignan ko yung daan kung gaano pa kalayo yung lalakarin namin. Ang sakit na kasi ng paa ko. Tumakbo pa kami kanina bago mangyari ang training na 'to.
Naibuga ko ang tubig na nasa bibig ko na ligyan ng towel ang likuran ko. Nagulat ako sa ginawa nya.
"Hindi mo kailangan gawin yon." sabi ko sa kanya.
"Magsimula ka na lang maglakad baka hindi ka umabot ng ala siyete. Malayo ka pa oh." sabi nya.
Tinignan ko sya saglit bago ibinato ang plastic bottle na wala ng laman sa basket ng bike nya. Naglakad na din ako. Binilisan ko na din dahil mukhang sya pa magiging bantay ko dahil sumunod sya sakin habang tulak ang bike na gamit nya. Kahit masakit na ang paa ko, gusto ko na ding matapos ito.
"Alam kong may something sa inyo ni Avey." biglang sabi nya na ikatigil ko at tumingin sa kanya.
"Anong pinagsasabi mo?" tanong ko sa kanya. Ngumiti sya, hindi, ngumisi.
"Nakikita ko kayong naghahalikan." sabi nya. Tinignan ko ito ng seryoso. "Easy. Hindi ako magsasabi pero layuan mo sya, may boyfriend na sya."
"Alam ko." sabi ko at tinuloy ang paglalakad. "Hindi ko rin naman papatulan ang taong iyon. Hindi ako pumapatol sa babae."
"Talaga? pero nagpapahalik ka." sabi nya. Hindi ko na lang sya pinansin dahil kung mag-eexplain ako sa kanya hahaba pa ang usapan. "Alam mo Kill, gusto kita." hindi ko pa din sya pinapansin kahit nabigla ako sa sinabi nya.
"Scarlette! nadalhan mo na ba si Anya ng tubig?" dumating si Hans na nakabike din.
"Hindi pa. Ikaw na lang. Ako magbabantay sa taong ito." sabi nya tapos tumingin sakin pero sa harap lang ako nakatingin.
"Okay. Una na ako." sabi ni Hans at nauna na.
Nang malayo si Hans, nagulat ako nang dampian ako ng halik ni Scarlette sa pisngi ko.
"Gusto kita Kill."
******
"Wow talagang hindi kayo nagpatalo. Lahat kayo nakarating sa camp bago mag-seven, naks!" manghang sabi ni Jacey.
"Putek! ang sakit ng mga paa ko!" reklamo ni Ashley.
"Gutom na gutom na ako. Wala pa bang pagkain?" sabi ni Maybelle.
"Ito na, wag kayong ata. Guys! ilabas na ang pagkain!" sigaw ni V.
Lumabas ang mga chef ng cafeteria dala ang madaming pagkain. Nilatag nila sa mahabang lamesa na pinagdikit dikit lang namin ang mga pagkain. Nakailang balik ang mga chef sa kusina para ilabas ang pagkain sa sobrang dami nilang niluto.
"Hinay hinay lang ah?" sabi ni Sun. "Pero magpakabusog kayong lahat!" naghiyawan silang lahat. Sabay sabay na kaming kumain lahat kasama sila Avey kaya si Scarlette nasa tabi ko sinusubuan ako kahit kaya ko naman kumain mag-isa kaya kinakatyawan kami ng lahat. Pagkatapos nyang sabihin na gusto nya ako, hindi na nya ako nilubayan pa.
"Say ahhh." hinawakan ko ang kamay nya para pigilan sya sa kalokohan nya.
"Please lang Scarlette kaya kong kumain mag-isa." sabi ko pero hindi nya ako pinansin at patuloy pa din sa pagsubo sakin. Sa inis ko, tumayo na ako na ikatingin nilang lahat sakin.
"Oh bakit?" takang tanong ni Ella na nasa harap namin.
"Naapakan ko ang paa nya." sabi ni Scarlette at hinila ako paupo. "Hindi na kaya kumain ka na ulit." sabi nya. Mabuti na lang tinigilan nya ako kaya maayos na akong nakakakain.
"Kamusta yung training ninyo Avey?" tanong ni Ella. Tatlong tao ang pagitan nilang dalawa ni Avey.
"So far so good. Kayo naman?" sagot ni Avey.
"Kill, ang bata mong kumain." napatingin ako kay Scarlette at lumapit sya sakin, halos three inch na lang ang layo ng mukhang namin sa sobrang lapit nya. Pupunasan lang naman nya ang dumi na nakita nya pero bakit kailangan sobrang lapit nya?
"Ehem!" may kung sinong umubo kaya lumayo si Scarlette at mapang-asar na tumingin kay Jacey. Tumingin din ako kay Jacey. Nagtaka ako dahil ang sungit ng tingin nya.
"Ingat, baka matapakan ninyo buhok ni Kill." sabi ni Ashley. Tinignan ko sila na nagtataka pero nagsitawanan lang sila.
Pagkatapos namin kumaing lahat, nagsibalikan na kami sa kani-kanilang room. Nadatnan kong nagbibihis si Avey nung pumasok ako sa loob. Mabilis kong isinara ang pinto at hindi tumingin sa kanya. Dumiretso ako sa closet kung saan nakaligay ang mga gamit ko at kumuha ng pamalit.
"Mukhang close na close kayo ni Scarlette huh." pilyong sabi nya. Hindi ko ito sinagot. Pagkasara ko ng closet ko, may salamin na nakadikit don kaya nakita ko na wala syang saplot.
"Magbihis ka nga!" sigaw ko sa pagkataranta ko sa nakita ko. Ipinikit ko ang mga mata ko pero nakikita ko naman sa dilim ang katawan nya.
"Nakita mo na din naman ito." mapang-akit na sabi nya. Nagsisimula na naman sya. "At natikman." tumaas ang balahibo ko sa katawan nang maramdaman ko sya na nasa likuran ko na sya.
Iniharap nya ako at mabilis na hinalikan sa labi.
Fuck.
---------------