Kill's POV
Tatlong buwan na simula nung huling hinalikan ako ni Avey ay umiiwas na ako sa kanya. Ayoko ng gulo kaya ako na mismo ang umiiwas. Alam kong napapansin nya yon lalo na mas lalong lumamig ang pakikitungo ko sa kanya. Madalang na lang kaming mag-usapan at puro sa training lang ang napag-uusapan namin. Madalas ko na din sila nakikita ni Warren na magkasama kaya mas okay na yon, napagtutuunan nya si Warren kaysa sa paglandi sakin.
Si Scarlette, kahit anong sabi ko sa kanya na tigilan ako hindi nya ako tinatantanan hanggang sa ako na ang sumuko at hinayaan na sya. Mas malala ang kakulitan ni Scarlette kaysa kay Avey. Mabuti na lang madalang na din kami magkita dahil lagi sila may laban. Pero lagi nya pa rin ako kinakamusta kahit na sa ibang bansa sya, hindi ako manhid para hindi mapansin na may gusto sya sakin pero dahil kaibigan lang ang turing ko sa kanya at ayoko syang masaktan, umiiwas din ako sa kanya. Pareho kaming babae at mali makipagrelasyon sa kapwa babae, mali yon sa mata ng mga tao at sa diyos.
"Kaboring ngayon!" tumingin ako kay Noimi na sumigaw, rest day namin ngayon dahil halos lahat ng players ay nasa laban. Semi Final na ng Asian Cup kaya kailangan pagbutihan. Sina Juls, Ella, Lexie at Sun lang ang natira dito.
"Pwede kaya tayong lumabas ng camp? miss ko na kasi magshopping." sabi naman ni Krytal.
"Ako, miss ko na boyfie ko" malungkot na sabi ni Gail.
"May boyfriend ka?" takang tanong ni Ashley, nahihiyang tumango naman si Gail.
"Hindi nagkwe-kwento!" at binato nilang lahat si Gail ng unan. Hindi pa sila nakutento at pinaghahampas nila si Gail ng unan.
"Waah! tama na! aray!" nagtatawanan sila habang pinaghahampas pa din si Gail. Wala naman magawa si Gail dahil hindi sya makapalag.
"Yan ang nangyayari sa hindi nakwe-kwento." natatawang sabi ni Noimi, tumigil na sila sa paghampas kay Gail pero si Gail parang nirape dahil sa itsura nya.
"Wow huh? para naman kayo nagkwe-kwento, eh hindi nga natin masyado kilala ang isa't isa." inis na sabi ni Gail habang inaayos ang sarili nya.
"Oo nga noh? puro kasi tayo practice kaya hindi na natin nakilala ang lubusan." sabi ni Shiela. "Para may magawa tayo, magkwentuhan na lang tayo tungkol sa buhay natin, ano game?" sumang-ayon silang lahat kay Shiela.
"Ako mauuna!" biglang sigaw ni Maybelle. "May kaya ang pamilya ko tapos ang dalawang kuya ko naman ang nagpapaaral sakin bago napadpad dito. Kilala ang mga kuya kong yon dahil panget sila, sina Kuya Mike at Kuya Miko, the ugly duo."
"Ohmygosh! kuya mo sila?!" sigaw ni Gail.
"Kaya pala parang may kamukha ka, kuya mo pala yung kambal na basketbolista ng Gatorade." sabi ni Ashley.
"Sira, ikaw yung panget hindi yung mga kuya mo." komento ni Krystal kaya natawa sila.
"Gago." lalo silang natawa sa sinabi ni Maybelle.
"Lovelife?" tanong ni Noimi, napaisip muna saglit si Maybelle bago sumagot.
"Nagkaboyfriend ako, naging kami ng two years pero nawala din nung nalaman ko na gay sya. Masakit nung una pero tinanggap ko na wala na talaga kami dahil parehas pala kami ng hanap, lalaki." natawa ng bahagya si Maybelle. Napangiti na lang din sila Noimi ng makitang okay lang kay Maybelle yung nangyari. Naramdaman kong tumingin sakin si Shiela kaya tumingin ako sa kanya. Nginitian nya lang ako at tumingin ulit kanila Noimi.
"Ako guys may aaminin ako sa inyo." napatingin kaming lahat kay Krystal. "Lesbian ako." nagulat kami sa sinabi nya. Hindi kasi halata sa kanya na isa syang lesbian, babaeng babae syang kumilos kaya nagulat kami sa nalaman namin.
"Di nga?" hindi makapaniwalang tanong ni Ashley. Tumango si Krystal at yumuko.
"Kung iniisip mo na nandidiri kami sayo, nagkakamali ka. Tanggap ka namin Krystal." sabi ni Noimi at niyakap si Krystal agad naman syang ngumiti samin.
"Thank you guys." medyo naluluhang sabi nya.
"So sino naman napupusuan mo dito?" taas babang kilay na tanong ni Ashley, namula naman agad si Krystal at tumingin sa malayo kaya lalo syang kinatiyawan nila Ashley.
"Ayiie! sino yan huh? aminin!" tukso sa kanya ni Maybelle.
"Uy wag nyo ganyanin si Krystal sobrang pula na ng mukha oh." pang-aasar ni Gail.
"Wag nga kayo!" sigaw nya at nakita naming lahat ang pagmumula ng mukha ni Krystal ng sobra.
"Sabihin mo na kasi, tayo tayo lang naman ang makakaalam eh." napakagat ng labi si Krystal at nagdadalawang isip ata kung sasabihin ba samin o hindi.
"Si..Shh....Shh.." patigil tigil na sabi nya.
"Sino?! Si Shiela?!" sigaw ni Noimi.
"Ohmygosh! ako crush mo Krystal?!" sigaw din ni Shiela. Magbestfriend nga naman.
"Hi-hindi ah!!" sabi agad ni Krystal.
"Edi sino nga?" sabay sabay nilang sabi.
"Si...Sharm." pagkasabi nyang pangalan ni Sharm lalo syang namula at umiwas ng tingin. Si Sharm pala huh.
"Sharm?!" sigaw ni Gail at Noimi.
"Sharm ka pala huh." natatawang sabi ni Ashley.
"Infairness maganda si Sharm at ang sexy nya huh may taste ka girl!" sabi ni Maybelle.
"Ayie!! kaya pala panay ang titig mo sa kanya may lihim na pagtingin." katiyaw ni Shiela. Namula ng todo si Krystal kaya lalong natawa sila Bear sa kanya. Lakas talaga magtrip ng mga 'to.
"Ikaw naman Kill! hindi natin napag-usapan yung tungkol sa inyo nung Nicolo." sabi ni Ashley at napabaling ang lahat ng tingin sakin. Tumingin ako sa kanila ng seryoso. Si Noimi tumango sakin. Napabuntong hininga ako. Hindi naman siguro masama kung sasabihin ko sa kanila.
"He's my first boyfriend, naging kami ng three years pero nagbreak din dahil nahuli ko syang may ibang babae sa mismong araw ng anniversary namin." walang ganang kong sabi. Nag-usap na din naman kami ni Nicolo nung isang buwan na nakakalipas, naging okay na din kami at balik ulit sa magbestfriend pero nandon pa din yung awkward tuwing may mga bagay na ginagawa nya sakin na nakasanayan nya.
"Ouch naman." sabi ni Ashley.
"Saklap anniversary pa." sabi ni Gail.
"Okay lang, nag-usap na din kami at bestfriend na lang kaming dalawa, tanggap ko na hanggang don na lang kami at inamin nya din ang kasalanan nya." sabi ko.
"Eh anong meron sa inyo ni Scarlette?" tanong bigla ni Noimi.
"Oo nga ang sweet ninyo minsan" sabi ni Krystal.
"May hindi ba kami alam Bear?" masusing tanong ni Shiela, tinignan ko lang sila.
"Hoy!" sigaw ni Ashley. Bumuntong hininga ako.
"Kaibigan ko lang sya, straight ako." sagot ko.
"Kahit kung anong straight mo mababaluktot pa din yan, tandaan mo yan Kill." ngising sabi ni Krystal, hindi ako umimik dahil tinatamad na ako magsalita baka ano pa masabi ko hindi maganda sa kanya at isipin nya pa nandidiri ako sa mga katulad nya. Sadyang hindi lang talaga ako pumapatol sa kapwa ko babae.
"May tanong ako Kill. Bakit ka ganyan? I mean, ang cold mo." tanong ni Ashley.
"Nasaktan kasi yan ng todo kaya naging ganyan." natatawang sabi ni Shiela kaya sinamaan ko sa ng tingin.
"Alam ninyo ba girls katulad lang namin yan ni Shield dati na maingay, masayahin at pala asar. Minsan nga nangtri-trip pa yan eh." inirapan ko si Noimi. Sinabi pa yon.
"Seryoso? hindi ko maimagine na ganon si Kill." tinaasan ko ng kilay si Maybelle sa sinabi nya.
"Masakit siguro kaya ganyan ang naging ipekto sa kanya." sabi ni Krystal.
Bakit parang ako na ata ang pinag uusapan ng mga 'to? ako ang nanahimik dito..
Gabi na natapos ang kwentuhan naming pito at nagsibalikan na kami sa kani-kanilang room. Wala si Avey ngayon kaya makakapagrelax ako ngayon. Kinuha ko ang laptop ko at binuksan. Nag-f*******: ako dahil matagal na din hindi ako nakakapag open ng f*******: account. Madaming friend request akong natanggap, mula sa red team at blue team tsaka ang mga seniors samin. Inaccept ko lahat yon. Akala ko walang mga f*******: account ang mga seniors namin dahil sa sobrang sikat nila.
Tumingin ako sa newsfeed. Mga post agad nila Ashley ang nakikita ko dahil sa pag-accept ko sa mga request nila. Tumigil ako sa pag scroll down sa post ni Nicolo.
Tama bang mahalin ka?
Mukhang may problema si Nicolo sa bago nyang mahal. Iniisip ko kung sino ang taong yon, mabait at caring si Nicolo, gwapo pa at matalino. Halos lahat ng babae nagkakagusto sa kanya kaya maswerte na lang kung sino ang taong mamahalin.
Nagscroll down ulit ako at nakita ko ang bagong profile picture ni Avey, kakapalit nya lang kanina pero umabot na agad ng thousand ang likes, reacts at loves nya. Stolen yung picture nya na nasa loob sya ng court habang pinupunasan nya ang pawis nya sa pisngi na malapit sa bibig nya gamit yung jersey nya. Seryoso yung mukha nya don at medyo pawis sya, masasabi ko na ang hot nyang tignan. Nilike ko na lang yung picture at nagscroll down.
Ngayon si Scarlette naman ang nakita ko. Profile picture din nya yung pinalitan nya. Hindi katulad ni Avey nakatingin ito sa camera, nakangiti na halos wala ng matang makikita dahil chinita si Scarlette habang nasa hintuturot nya yung bola na pinaikot nya siguro. Nilike ko din yung sa kanya at naglog out na pero binuksan ko ang twitter account ko. Katulad sa f*******: finallow nila ako at finallow back ko din sila.
Saglit lang ako nagtwitter at nahiga na ako sa kama. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko na nang makarinig ako ng malakas ng kalabog kasabay ng sigaw. Agad akong tumayo at lumabas ng room. Nakita ko sila Shiela na lumabas din ng room nila at may halong pagtataka sa mga mukha nila. Nagsibabaan kami at nagpunta sa sala. Nakita namin sila Juls. Si Sun umiiyak habang pinapakalma sya ni Ella, si Lexie nakatayo sa harapan nila Sun sa tabi nya ang nakataob na couch. Sinong may gawa non para matumba yon?
"Anong nangyari?" takang tanong ni Ashley, napalingon naman samin si Lexie at napaatras sila sa tingin ni Lexie, para syang hindi si Lexie na nakilala namin na masayahin. Ibang Lexie ang nasa harapan namin, galit na galit sya na halos makakapatay na sya sa titig lang.
Bumaling ulit si Lexie kanila Sun. Napatingin ako kay Sun na may mga pasa sa katawan, anong nangyari sa kanya?
"Sino?!" nagulat kami sa sigaw ni Lexie, galit na galit na talaga sya. Hinawakan ni Juls yung braso ni Lexie na parang pinipigilan pero tinabing lang ito ni Lexie. "Sabihin mo sino nangrape sayo?!" halos lumabas na yung ugat ni Lexie sa leeg nya sa sobrang galit.
Pero teka, narape si Sun? kaya ba may mga pasa sya sa katawan? Lalong umiiyak si Sun, kaya bigla ako naawa sa kalagayan nya. Mabait si Sun at happy go lucky siguro kinuha nung gagong yon ang pagkakataon para rape si Sun.
"Sabihin mo! sino?!" napatili ang iba nang biglang ihagis ni Lexie yung flower vase. Lumapit kami ni Juls kay Lexie para pakalmahin sya.
"Lexie! kumalma ka lang!" sigaw ni Juls kay Lexie habang pinipigilan namin syang magwala.
"Pano ako kakalma kung yung girlfriend ko nirape ng gagong punyetang demonyong yon?!" sigaw nya at lalong nagwala kaya nasasaktan na din kami ni Juls sa pagpigil sa kanya. Nasuntok nga ako sa mukha eh, iba pala magalit si Lexie, halimaw.
"Walang magagawa yang pagwawala mo! imbis na si Sun ang unahin mo, yang galit mo pinapairal mo! hindi ka ba naawa kay Sun?! narape na sya pero hindi mo man lang magawang damayan sya! unahin mo naman girlfriend mo!" medyo galit na din na sabi ni Juls, napatigil saglit si Lexie at tumingi kay Sun na hanggang ngayon umiiyak pa din.
Nagulat kami ni Juls ng bigla kaming itulak ni Lexie, padabog syang pumunta sa kusina.
"Woah." sambit nila Shiela.
"Lesbian si Lexie at Sun?" sabi ni Bea. Hindi ko alam na nakarating na din pala ang Blue team.
"Hindi lang sila Lexie ang magkarelasyon dito. Si Ella at si Joey maggirlfriend din yon." sabi ni Juls habang inaayos ang sarili.
"Weh?! si Joey lesbian din?" natatawang sabi ni Shiela.
"Uy makatawa naman ito, nandito yung girlfriend oh." sambit ni Krystal kaya tumigil sa pagtawa si Shiela at nagpeace sign kay Ella.
"It's okay at tsaka hindi lang din kami. Sina Nathalie at Hans, Sharm at V din." tumingin ako kay Krystal at nakita kong lungkot sa mukha nya, tinapik sya ni Ashley.
"Tapos M.U sina Rei at Willma, medyo playgirl si Rei kaya hanggang ngayon ligawan portion pa din." natatawang sabi ni Juls.
"Hala hindi nga? hindi halata na lesbian kayo." sabi ni Anya. Ngumiti lang sila Ella at tumingin kay Sun na hindi na masyado umiiyak.
"Okay ka na?" tumango si Sun kay Ella pero umiling din.
"Si Lexie.." sambit nya kasabay non na lumabas si Lexie sa kusina na may dalang basong tubig pero halata pa din sa mukha nya yung galit. Lumapit sya kay Sun at binigay yung tubig pero imbis na kunin yon ni Sun niyakap nya si Lexie.
"I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry." paulit ulit na sabi ni Sun kay Lexie habang nakasubsob sa leeg ni Lexie. Binigay ni Lexie yung tubig kay Ella at niyakap din si Sun.
"Wala ka dapat ikahingi ng tawad, wala kang kasalanan, biktima ka lang." medyo kumalma na si Lexie. Iba siguro epekto ni Lexie kay Sun, isang yakap lang nawala agad yung galit.
"Ang baboy ko na..sorry.." napatingin ako sa iba na ngayon ay medyo naluluha na habang pinapanood ang dalawa.
"I don't care, mahal pa din kita. Atleast ako nakauna sayo hindi sya pero pagbabayaran nya ang ginawa nya sayo." ewan ko kung seryoso ba si Lexie ngayon dahil medyo nagbibiro na din sya at nakangiti na.
"Ano ba! nakakahiya sa mga rookie." natawa sila sa reaction ni Sun, hinampas nya pa si Lexie sa likod.
"Samin ka pa nahiya Sun?" natatawang sabi ni PJ.
"Open minded naman ang mga yan kaya ayos lang diba girls?" ngising sabi ni Lexie kaya hinampas ulit sya ni Sun.
"Ewan ko sayo!" napangiti si Lexie kay Sun na kahit nagtatampo si Sun hindi pa rin bumitaw sa yakap ni Lexie.
"So care to share what happened?" naging seryosong na ulit si Lexie. Humiwalay sa yakap si Sun at naupo ulit. Umupo naman sa tabi nya si Lexie, kami itinayo muna namin ang couch tsaka naupo, yung iba nasa carpet umupo.
Kwineto lahat ni Sun ang nangyari. Napag-utusan sya ni Avey na dalhin ang papers na pipirmahan ng Captain ng DBB na si Warren, maayos nya nadala yon kay Warren. Pauwi na sya non nang may bigla daw may nanghatak sa kanya sa liblib na lugar at don sya nirape. Hindi daw sya makapalag non dahil limang lalaki ang may hawak sa kanya at pinagsasaktan sya kapag pilit syang lumaban kaya may mga pasa sa katawan. Dahil sa pagod at walang laban ay napagsamantalahan sya.
"Nakakadiri sila, mga demonyo sila!" naiiyak na sabi ni Sun, pinapakalma naman sya ni Lexie pero hindi pa rin maiwasan na hindi magalit sa narinig nya. Masakit talaga yon lalo na girlfriend mo ang ginahasa.
"Sino sila Sun?" seryosong sabi ni Ella.
"Sila Jerome!" nakitang napayukom sila tatlo nang banggitin ang pangalan ni Jerome, natatandaan ko sila, sila yung mahangin na walang binatbat.
"Pagbabayaran nila ito." matigas at seryosong sabi ni Lexie.
-----------------