Kill's POV "Ano bang ginagawa ninyo dito?" nakabusangot kong taong sa mga taong nakatambay sa sala ng bahay namin. Halos mapuno ang sala namin dahil sa kanila. "Hi! Goodmorning Bear!" bati ni Shiela. "Kill, mag-ayos ka nga muna. Para kang nirape dyan ni Avey." sabi ni Noimi. Sinamaan ko sya ng tingin. "Ano ba kasing ginagawa ninyo dito?" takang tanong ko sa kanila. Napuno ang sala dahil nandito ang buong Dragon Empire. "Nandito kami para magmove on." sabi ni Anya. Napataas ang kilay ko. Dalawang araw na nakakalipas pagkatapos ng Summer Cup. Naging busy kami kahapon sa mga interview ng sports channel at mga reporter. Ngayon lang kami makakapagpahinga pagkatapos ng Summer Cup pero nandito naman ang Dragon Empire para guluhin ako. Nagising ako sa ingay nila kaya hindi ko na nagawa pang

