Avey's POV "Hindi pa din ba sya okey?" hindi ako lumingon kay Tristan at nakatingin lang kay Kill na nakatingin sa kawalan. Napabuntong hininga ako. Isang linggo na nakakaraan simula nung nangyari sa kanila Warren. Katulad nung nangyari sa mga magulang ni Aiden lagi sya nakakulong sa kwarto o hindi kaya nandito sa garden at nakatanaw sa malayo. Mas malala lang ngayon dahil hindi namin sya makausap. Tango o iling lang ang sagot nya. Nag aalala na ako sa kanya dahil minsan binabangungot sya. Kahit hindi nya sabihin alam kong tungkol sa pagkamatay ni Warren ang napapaniginipan nya. Sinisisi nya nanaman ang sarili nya dahil may namatay nanaman. Nung nagising sya sa hospital, umiyak sya ng umiyak at sinisi nya sarili nya dahil pinatay nya daw si Warren. Inexplain nya samin ang nangyari, dap

