Chapter 1

1139 Words
Chapter 1 Apple "Kumusta ka na diyan, anak?" Pasimple kong tinakpan ang mouthpiece ng cell phone ko nang marinig ang boses ni Tatang sa kabilang linya. Nakalimutan ko pala silang tawagan kaninang umaga, Heto tuloy at sula ang tumawag sa akin. Tiningnan ko ang boss ko na nasa cashier. Nang makitang abala siya ay mahina kong sinagot ang tanong ni Tatang na nasa kabilang linya. Hindi kasi pwede ang cell phone dito sa loob ng boutique. Mabait si Ma'am pero ayaw ko namang abusuhin yung kabaitan na pinakita niya sa amin. "Tatang, pasensya na po kung hindi ko kayo natawagan kanina," pagsisimula ko habang pilit na itinatago ang teleponong hawak ko. "Ayos lang, anak. Basta ba ay okay ka lang diyan." Napangiti ako dahil sa sinabi ni Tatang, Gustong-gusto ko na talagang umuwi sa probinsya. Ilang buwan palang akong nandirito sa siyudad pero hanggang ngayon hindi pa rin ako sanay sa mga tao at mga nakasanayan nila. Nahihirapan pa rin akong makipagkaibigan lalo na at puro sosyal ang mga tao sa unibersidad na pinapasukan ko. "Opo maayos lang po ako ditto. Kayo po nina mamang, kumusta?" Naalala ko tuloy si Mamang na paralisado dahil sa na-stroke ito noong nakaraang buwan, Umuwi ako pero sandali lang dahil exam namin kinabukasan. Gusto kong alagaan silang dalawa pero kailangan kong tuparin ang mga pangarap ko para maibigay ko sa kanila ang mga bagay na gusto nila. "Sina Bunso po? Inaalagaan po ba kayo?" Yung kapatid kong Grade 7 at Grade 6 na mahilig makipaglaro sa mga bata sa hasyendang malapit sa amin, paniguradong mga nakatambay sa bahay ang mga iyon dahil binilin kong alagaan nila sina Mamang ‘pag wala silang pasok. "Oo naman, ‘nak. Nandito nga si Melon, nagluluto ng tanghalian. Gusto mo bang kausapin?" Puno ng ginahawang napabuga ako ng hangin at lihim na napangiti. Sa wakas naman at sinusunod ng kapatid ko ang bilin ko sa kanya bago ako umalis. "Tatang, pasabi po sa kanila na may pasalubong sila pag-uwi ko." Malayo pa ang uwi ko pero nakareserba na ang mga ipapasalubong ko sa mga kapatid at magulang ko. Karami kasing binibigay itong si Ma'am sa aming mga empleyado niya; mga damit at gamit na mukhang bago pa. Napakaswerte nga namin at siya ang naging boss namin. "Kumusta ang pag aaral mo apple? Aba't paniguradong kahit simula palang ng pasukan ay marami ka ng kaibigan diyan!" Unti unting nawala ang ngiti sa mukha ko nang banggitin ni Tatang ang salitang "Kaibigan" Walang gustong makipag kaibigan sa akin sa eskwelahan dahil probinsyana daw ako at hindi mayaman tulad nila... Malayo talaga sa mga skwelahan sa probinsya namin naababait ang mga tao, Pwera na lang sa mga chismosang kapit bahay namin na walang alam ibang gawin kundi ang mag kalat ng mga maling chismiss. Kung may trabaho man na pwede sakanila? Yoon ay ang pagiging cctv camera 24 hours, Dinaig pa nila ang mgareporter kung makapag report ng chismiss. Dito naman sa siyudad marami din namang mga chismosa pero mas marami ang mga sosyalera, Mga taong puro yaman at pag yayabang ang alam gawin. Kaya hangang ngayon wala parin talaga akong kaibigan pwera kila Red, danica at syempre ang boss ko na ubod ng bait at ganda, Si Ma'am braze. Mahirap na pag sabayin ang pag aaral at ang part time job kong ito pero dahil malaking tulong sa pang araw araw ko ang trabaho kong ito, Nakaka kaya kong magtiis at gumawa ng paraan. Sa gabi ako nag re-review at sa umaga ang pasok sa school at trabaho. Buti na lang talaga at tatlong araw lang sa isang linggo ang pasok sa school. Ang natitira kong Free time ay sa boutique ko binubuhos. "Marami naman po tatang..." Masama mag sinungaling pero makakasama naman kung mag aalala sila tatang sa akin dito. Kaya kahit hindi magandang magsinungaling ay ginagawa ko. Ito yung tinatawag na white lies, ang pag sisinungaling na may magandang layunin. Marahas akong napabunting hininga at kakausapin pa sana ang tatang ng makita ko ang Isang matandang ginang na palapit sa akin, Muka itong sosyal at elegante dahil sa mga suot na alahas at damit. "Tatang mamaya na lang po ako ulit tatawag." Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni tatang dahil pinatay ko na ang tawag nag mamadaling itinago ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong pantalon. Sakto sa pag lapit sa akin ng matandamg ginang na mas mataas pa sa sinag ng araw ang pagkaka arko ng ginuhit na kulay. "Good morning ma'am!" Masigla kong bati sa kanya na ikina irap lang nito, Iba talaga pag mayaman. Madali lang na mag taray lalo an kung mahirap nga kaharap dahil alam nilang mababayaran nila yung tatarayan nila gamit ang salaping meroon sila. Luminga linga sa paligid ang matanda at pasimple nitong pinasadahan ng haplos ang mamahaling bestida na naka suot sa mannequin na nasa tabi ko. Mayaman nga yata si Ma'am? Yung bag niya kasi ay gawa ng Isang sikat na bag designer na galing sa paris, Hindi ko makakalimutan ang signature design ng designer na iyon. Ang mga alahas na nakasabit naman sa leeg at mga kamay ni Ma'am ay mga alahas na pino-produce ng Isa sa pinaka sikat na jewelry designer. Namilog ang mga mata ko at hindi ko maiwasang mapangiti ng mapababa ang tingin ko sa sapatos na suot ng matandang babae. Hi-Hindi ba ako namamalik mata?! Totoo ba ang nakikita ko?! "Ma'am design po ba ni Mr.Hugo alemax yan'g sapatos niyo?" Syempre para hindi ako mag mukang nakakatakot, Pinilit kong itago ang saya sa muka ko. Paborito ko kasi ang shoe designer na iyon, Lalo na at mga sapatos ang pinaka paborito kong binibili at kinokolekta. Hangang ngayon nga ay nakatago sa kwarto ko sa probinsya ang napakaraming sapatos na pag mamay ari ko simula noong bata pa ako. "Yes." Nag tatakang sagot sa akin ni Ma'am na mukang hindi na magandang ang pakiramdam sa akin. Bahagya akong tumango para hindi niya Isipin na baka nakawin ko ang sapatos niya. Sa estado ba naman ng buhay ko na mahirap at nag aaral pa lang, Paniguradong pwede akong pag bintangan na mag nanakaw at hampas lupa. Nasanay na ako na ganoon dahil sa tuwing isasama ako ni mamang noon sa hacienda para mag linis sa mga señora, Palagi akong napapagalitan at nasasabihan na mag nanakaw dahil ako ang napag bibintangan na kumukuha ng mga gamit na nawawala. Hindi talaga ako iyon dahil nakikita kong si Mang estor iyon na palaging nag nanakaw ng mga gamit upang maibenta at maipang sabong ang pera. Nalinis naman na ang pangalan ko dahil nahuli sa akto ang lalaki pero hindi mawawala dito sa puso ko ang sakit lalo na tuwing naalala ko kung paano ako sinigawan ni señora. "Paano mo nakilala ang designer na iyon?" Tanong sa akin ni Ma'am habang abala na ito sa pag pili ng mga damit na naka suot sa mga mannequins. "He's my favorite designer po." Napatango tango ang matanda at akmang mag sasalita itong muli ng umalingawngaw sa buong boutique ang nakakabinging tinig ng Isang babae. Pamilyar sa akin ang boses na iyon...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD