Chapter 2

1240 Words
Chapter 2 Apple "Mama!" Kilala ko kung sino iyon! Sabay na tumuon ang tingin namin ng matanda sa dalagang kapapasok lang ng shop. Hindi nga ako nag kakamali... Nakasuot ng mamahaling dress si clarise habang may bitbit na sandamakmak na paper bags na mukang pinamili pa nila sa ibang mga boutique. Si clarise ay isa sa mga kaklase ko sa unibersidad, Sikat siya at napaka ganda. Hindi ko nga lang gusto ang ugali dahil may pagka maldita ito lalo na sa isa pa naming kaklase na palaging tahimik sa gilid ng classroom. "This is so heavy bakit mo ba pinapadala sa akin ito?!" Maarteng litanya ng babae na ikina ikot ng mata ni Red. Pasimple kong binawal ang kaibigan ko dahil baka mapansin nila ma'am ang pag irap niya, Customer din ito kaya dapat na pag silbihan namin sila ng maayos. "Where is our driver ba?!" Sigaw pa ni Clarise sabay pakawala ng Isang nakakabinging sigaw ng makita ang Damit na masa pinaka gitna mitomg boutique. Napangiwi ako dahil sa sakit ng tenga. Hindi ko inaakala na may ilalakas pa pala ang boses ng babaeng ito pag nasa labas. Kahit papaano kasi ay mahina ang boses nito sa classroom dahil bawal ang maingay sa skwelahan. Tuwang tuwa na binitawan ni clarise ang mga dalang paper bags at hindi ko napigilan ang mapatawa ng mahina ng makita ang pag kinang ng mga mata niya. Type niya yung dress na new arrival at fresh from new york, fifth avenue. Sikat din ang nag disenyon niyan at galing sa pinaka mayamang kompanya. "I am really finding a beautiful dress that my daughter can wear later on her 21st birthday." Rinig kong sabi ni Ma'am kaya naman muli kong tinuon ang pansin sa kanya bago ako tumango. "Ma'am marami pong mga dress na kadarating lang from thailand and new york, Gusto niyo po bang icheck yon?" Ngumiti sa akin ang matanda kaya naman hindi ko maiwasang mamangha ng makita kung gaano kaayos at kaganda ang mga ngipin nito, Meroon pa siyang Isang gintong ngipin na talaga namang sumusuntok sa kayamanan. Iba talaga pag mayaman... "Ma-Oh my g!" Muli nanamang napatili ng malakas si Clarise kaya nalukot ang muka ko. Buti na lang talaga at sa siyudad nakatira itong babaeng ito kasi hindi pwede sa probinsya ang ganito kalakas na boses. Irereklamo siya ng mga kapit bahay niya kung nagka taon, Nanlalaki ang mga mata ng lumapit sa akin si clarise. Napaka ganda nito dahil sa make up na bumagay sa kanya kasama ng mga pala muting nasa maalon at mahaba niyang buhok. "You are one of my classmates right?" Hindi ko ineexpect na maalala niya ako, Lagi lang kasi akong tahimik at nag aaral kaya nakakapag taka na kilala pala niya ako. "O-oo ako si Apple." Nauutal kong sagot, Nautal ako kasi naiilang ako sa ginagawa niya. Grabi kasi siya makatitig, Nakakapang hina ng tuhod lalo na sa tuwing matitigan ko ang kumikinang niyang mga mata dahil sa glitters ng make up niya sa mata. "Woah. That's nice!" pinag salikop ng babae ang mga kamay niyang kapwa napapaligiran ng gintong mga sing-sing at porselas bumagay ang kulay niyon sa napaka puti at napaka kinis niyang balat. Malayong malayo sa balat kong tuyot at hindi kaputian. Halatang laking bukid ako, Pero hindi ko iyon kinahihiya dahil sa bukid ko natagpuan yung saya at kapayapaan na hindi ko makita kita dito sa siyudad. "It's my birthday today and mamay magkakaroon ng party sa bahay," Ano namang ngayon? Dapat ba akong mag regalo or ano? "Ha-Happy birthday sayo!" Masaya kong sigaw at akmang kukuha na ng stocks na dress sa stock room ng hawakan ni Clarise ang kamay ko, iiwas ko na sana ang mga kamat ko dahil nahihiya ako sa lambot ng palad niya ng pigain iyon ng kaklase ko atsaka ako sagad na nginitian. "Please pumunta ka! You're the only one I invited sa room natin kasi I don't like the girls out there!" Hala? Totoo ba itong narinig ko? Iniimbitahan ako ni clarise na pumunta sa birthday niya?! Pero... Hindi naman kami close atsaka madami siyang kaibigan sa room, Impossibleng hindi niya kinumbida ang mga yon. "Nako hindi kasi ako pwede at mag re-review-" hindi ko na natapos pa ang pag papaliwanag ko ng mapalabi sa akin ang kaklase ko. "Mama...I want her to be there." Ingit ni clarise sa ina niya na prente lamang na pumipili ng mga damit na pwedeng suotin ng anak, Hindi talaga kasi ako pwedeng hindi mag review. "Iha pag bigyan mo na yang kaklase mo, Minsan ka na lang makakapunta magarbong party." Napasimangot ako at hindi ko mapigilan na masaktan dahil sa narinig kong sinabi ng ginang. Parang pinalalabas niya na hindi pa ako nakakapunta sa Isang sosyal na party, Tama naman siya kasi never pa talaga akong nakapunta sa mga sosyal na party pero may idea naman ako kung ano yon. "Atsaka iha maraming masasarap na pagkain don, Hayaan mo at bago ka umuwi bibigyan kita ng Isang malaking babaunan ng mga foreign foods." Tapos ngayon pinag muka niya akong patay gutom... Palihim akong napasulyap kay red at nangunot ang noo ko ng makita ko ang pang gigil sa muka niya, Mukang narinig ni red ang sinabi ng ginang. Agad akong napailing ng Iamba ni Red ang kamao niya, Naku wag naman ngayon... "Kaya pumayag ka ba, Please?" Marahang piniga ni Clarise ang kamay ko at tatanggi palang sana ako ng makita ang pag irap ng mata ng Mama niya bago nito initawan ang damit na sinusuri. "Anak let's go, Ayoko ng ma-" Dahil pa yata sa akin kaya hindi mapapabili ang mga ito ng dakit dito sa boutique ni Ma'am. Hayys mukang wala na akong magagawa kundi ang pumayag sa gusto ni clarise. Kahit labag sa loob ko ay nginitian ko ang mag ina bago ako tumango, "Si-Sige po aattend po ako sa birthday party ni clarise." Sana lang talaga hindi mali ang desisyon ko na pumunta sa birthday party ng kaklase kong hindi ko naman kaclose at hindi ko pa gusto ang ugali. Nag tatalon satuwa si clarise at syempre nag tatalon din ako sa tuwa ng malaman na marami silang bibilhin sa damit dito sa boutique ni Ma'am. Hindi mapugto pugto ang ngiti na nakapaskil sa labi ko habang sinusundan si Clarise at ang mama niya sa pamimili ng mga damit. "This is cute Mama, I want this!" Tukoy ni clarise sa farm damit na nasa Italian collection, Mamahalin ang mga damit diyan dahil made in italy. Lahat naman ng mga damit dito sa boutique ni Ma'am ay mamahalin sadyang hindi lang ako masanay dahil sa amin sa probinsya, hangang 300 pesos lang ang budget sa pagbili ng damit. Mas gugustuhin naming ilaan sa importanteng bagay ang malaking pera dahil alam namin kung gaano kahirap kumita ng pera. "Kunin mo lang ang lahat ng gusto mo and I will buy it, Just for you my fear daughter." Nakangiting bilin ni Ma'am sa Anak niya na agad nag tatakbo papunta sa pinaka mamahaling damit dito sa boutique. Sige lang bumili lang kayo ng bumili para kumita si Ma'am braze. Yoon ang nasaisip ko ng bigla akong lapitan ng Ina ni clarise atsaka nito inabot sa akin ang Isang kulay pulang envelope. "That's my daughter's invitation card, Hindi ka makakapasok kung wala yan at kung hindi..." pinasadahan ako ni tita ng tingin at hindi maipag kaila ang pagka digusto sa muka niya ng ipinagpatuloy ang sasabihin. "Maayos ang attire mo. We want everything perfect because my husband's business partners will attend the party. Wag kang nagkakalat," mataray na litanya ni Tita na ikinapawi ng ngiti ko. Akala ko ay mabait siya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD