Nagkatinginan ang mga aswang na tila ba nagpapakiramdaman kung ano ba ang tamang gawin. Sa aura pa naman ng katunggali na lalaking-lalaki at palaban, nagdadalawang-isip na sila kung itutuloy pa ba ang pag-atake o uurong na. Subalit, mabubuwag ang mala-superhero na imahe ni Spartan sapagkat may naliligaw pala na mabahong ipis sa kinaroroonan nila. Sa gitna ng malupit na labanan ng mga aswang versus hunters, napagpasyahan pa nito na umeksena at lumipad sa batok ng binata. "Ay!" nasambit niya bigla nang maramdaman ang magagaspang na paa na nagdulot pa ng kiliti sa kanya. Inakala niya na lamok lang iyon subalit napuno na siya ng kilabot nang nagtatakbo ito pailalim sa loob ng kanyang t-shirt. Hindi niya kailanman makakalimutan ang aligasgas ng nilalang na para sa kanya ay mas nakaririmarim k

