5 Nakahalumbaba ako habang mataman na pinagmamasdan si Andrea na naka-upo sa sofa dito sa loob ng opisina ko. Kanina pa naka-alis si Manang, nagpa-iwan si Andrea. Kahit hindi naman ako ang dahilan ng pananatili niya dito sa opisina ko. Busy na naman kasi ito sa pag-gamit ng cellphone ko. Napailing ako habang nakangiti. Mukhang magiging karibal ko pa yata ang sarili kong cellphone. Agad akong tumayo sa inu-upuan ko nang marinig ko na may kumatok sa pinto ng opisina ko. "Ito na po ang meryenda na pinabili nyo Capt." Inabot ng secretary kong si ate Merna ang supot na may lamang pagkain na pinabili ko dito. Kinuha ko ito sa kanya at ngumiti. "Salamat ate Merna." pasasalamat ko dito. Tumango lang ito at tumingin sa likod ko. "Capt. girlfriend mo ba talaga siya?" Mahinang tanong ni ate Mern

