bc

The new boss

book_age18+
18.1K
FOLLOW
112.7K
READ
possessive
age gap
second chance
pregnant
drama
comedy
twisted
bxg
office/work place
small town
like
intro-logo
Blurb

WARNING SPG

Two different story in one book

Book1: lahat gagawin ni Angela para maipagpatuloy ang pag-aaral, hindi siya nagdalawang isip na pumunta sa maynila para makipag sapalaran. Naging maayos naman ang pagdatibg niya sa maynila dahil agad siyang nakahanap ng trabaho, maayos na ang lahat sa trabaho niya pero dumating gwapo at bago nilang boss na magpapagulo sa tahimik na mundo ni Angela.

Book2:

Isang kapitan ng maliit na barangay si Edward Clemente, tahimik na lugar ang pinamumunuan niya kung ganu katahimik ang lugar niya ay ganun din ang buhay niya, wala sa pangarap niya ang mag-asawa o lumagay sa tahimik sa edad nitong bebte syete. Pero sa hindi inaasahan na pagkakataon isang gabi ay makikilala niya ang magpapagulo sa buong sistema niya, ang babaeng walang ginawa kundi ang tawagin siyang kuya.

chap-preview
Free preview
1
1 Maagang nagising si Angela, may pasok siya sa trabaho, mag iisang linggo narin siya sa pinapasukan, mababait ang katrabaho niya maging ang naging boss niya. Napabuntong hininga siya nang maalala ang pamilya sa probinsya, miss na miss na niya ang mga ito pero kailangan niya mag trabaho, gusto niyang makaipon para makapag aral next-year. Bumangon si Angela sa kanyang manipis na higaan, sanay naman siya sa matigas na higaan, nag re-rent lang siya sa maliit na apartment. Ok naman ang apartment niya may maliit na kwarto, kusina at banyo, mura lang rin ang rent niya dito, mag-kakadikit rin ang bahay kaya hindi siya natatakot. Nag-madali na siyang manligo at magbihis, agad siyang umalis sa apartment niya, dumaan siya sa maliit na skinita, medyo malayo ang restaurant sa apartment niya, nilalakad nalang niya sayang din kasi ang pamasahe kung mag tricycle pa. Nang makarating siya sa trabaho ay nadatnan niya si Shiela, Marie, Nelson at Jimboy na binubuksan na ang restaurant. "Good morning Angela," masiglang bati ni Jimboy kay Angela. Ngumiti lang si Angela, medyo naiilang siya kay Jimboy, matanda lang ito sa kanya nang dalawang taon, ayaw naman niyang maging praning kaya lang hindi niya talaga feel ang lalaki. Ngumiti lang sa kanya ang iba, nag simula na siyang mag trabaho, nag linis siya, pinunasan niya ng malinis na malambot na tela ang mga baso, pinggan at iba pang gamit. Medyo naging busy sila dahil madaming naging costumer ng araw na iyon, hapon na at wala ng masyadong costumer kaya nag walis-walis siya sa restaurant. Biglang dumating ang boss niya na may kasamang lalaki, sobrang gwapo nito sa paningin ni Angela, dinaig pa nito ang mga artistang napapanuod niya sa TV. Pinatawag silang lahat ng boss nila kasama ang lalaki dahil may sasabihin daw ito. Nagulat silang lahat nang sabihin nitong pinagbili na nito ang restaurant sa pinsan niya at kasama n'ya nga ito. "Hi everyone, I'm Alexander Santillan, simula bukas ako na ang hahawak ng restaurant na ito," matigas na sabi nito at inilibot ang mata para tingnan ang kanyang magiging empleyado. Tumigil ang mata niya sa isang babaeng may maamong mukha, may mapupungay na mata, maliit na matangos na ilong,maninipis at mapupulang labi na para bang kay sarap halikan. Namula ang mukha ni Angela nang makitang titig na titig ang bagong boss niya sa kanya, halos sunod-sunod ang paglunok niya ng laway nang makita niya ang pag taas ng sulok nang labi nito. "I'm sure na mag e-enjoy ako na laging nandito," sabi nito na nakatingin kay Angela na hindi naman makatingin sa kanya dahil sa lakas nang t***k ng puso niya at hindi niya alam kong bakit.   Hindi mapakali si Angela sa kanyang ginagawa lalo na at laging nakatingin ang bagong boss niya. "Angel pwede mo ba akong ipagtimpla ng kape?" Malumanay na utos ng bagong boss nila na si Alexander Santillan kay Angela. Nagulat naman si Angela dahil hindi niya napansin na nasa tabi na pala niya ang boss. "O-ok po," magalang na tugon niya sa boss. Tumango naman ang boss niya. Naglakad na siya papasok ng kusina ng restaurant para ipagtimpla ng kape ang boss niya, nadatnan naman niya doon si Jimboy na nag lalagay nang mga bagong deliver na karne sa malaking freezer doon. "Hi Angela!" nakangiting sabi ni Jimboy sa kanya. Ngumiti naman si Angela sa kanya at nag hello. Dumiretso si Angela kung nasaan nakalagay ang kape. "Ahmm Angela?" Napatingin siya kay Jimboy dahil sa biglang paglapit nito sa kanya. "Ahmm?" Nakakunot ang noo na tanong ni Angela, napakamot naman ng ulo si Jimboy. "Bakit Jimboy?" Nagtataka si Angela na parang hindi mapakali si Jimboy "may problema ba Jimboy?" Itinuon niya ang atensyon sa pagtitimpla ng kape. "Ano kasi Angela ahmp," putol-putol ang salita ni Jimboy at naiirita na si Angela dahil doon. "Ano ba Jimboy may sasabihin kaba?" Nakakunot ang noo ni Angela habang hinahalo ang kape na tinimpla niya. "Gusto sana kitang ayain mamasyal sa linggo kung ok lang?" Napakamot si Jimboy sa ulo niya, napaisip naman si Angela hindi pa siya nakakapamasyal dahil busy siya sa trabaho at isa pa hindi siya sanay sa Manila baka maligaw siya. Wala silang pasok tuwing linggo kaya pwede siya at wala naman din siyang gagawin sa apartment niya. "O--" "Tapos na bang gawin ang kape ko?" Malakas na boses na galing sa pintuan ang nakaputol sa sagot sana niya sa tanong ni Jimboy. Napatingin siya doon at nakita niya ang gwapong boss niya sa may pintuan. Na nakahalukipkip at magkasalubong ang kilay. Napalunok nang laway si Angela dahil parang galit ang boss niya. "Ito na po." dala niya ang tinimplang kape habang lumalapit sa boss niya. Inabot niya ang tasa na may kape sa boss niya na tinangap naman nito. "Next time kung gusto ninyong magkwentuhan make sure na wala na kayong gagawin!" matapos sabihin iyon ay tumalikod na ito dala ang kape na ginawa niya. Napabuga ng hangin si Angela, isa lang ang nasa isip niya galit nga ang boss niya dahil nag kukwentuhan sila ni Jimboy. Napalabi siya at lumabas na sa kusina.   Gustong makausap ni Angela si Jimboy dahil hindi siya nakasagot sa paanyaya nito kanina dahil sa pagdating ng boss nila. Pero tuwing lumalapit siya kay Jimboy ay para umiiwas ito sa kanya, iniisip nalang niya na madami itong ginagawa kaya lagi itong natataranta. "Ah Jimboy!" tawag niya dito,lumapit siya dito dahil malayo ito sa kanya, out na rin nila sa work at gabi na. "A-angela bakit?" Napakunot ang noo niya dahil nauutal ito. "Tungkol sa tanong mo kanina," nakangiting sabi niya, "sasabihin ko sana----." "Naku yun ba Angela wag mo nang isipin yung tinanong ko kanina, may gagawin pala ako sa linggo," napakamot ito sa kanyang ulo, nalaglag naman ang balikat ni Angela dahil sa narinig. "Ganun ba, ok," malungkot na sabi ni Angela. "Ah sige Angela mauna na ako!" nagmamadali itong umalis at parang iniiwasan talaga siya. Napabuga nang hangin si Angela lumakad na siya para umuwi na, wala siyang kasabay dahil iba ang direksyon ng apartment niya sa mga ito. Naglalakad siya sa gilid ng highway nang may bumusina sa kanya, napalingon siya nakita niya ang isang pamilyar na kotse na nasa tapat na niya ngayon, bumaba ang bintana ng driverseat. Bumilis ang t***k ng puso niya nang makita kung sino iyon. "Sir," mahinang bulong niya, tumabi sa gilid ang kotse at ipinarada, napatigil sa paglalakad si Angela. "Angel!" nakangiting sabi ng boss niya nang makalabas sa kotse nito. "Sir," nahihiyang sagot niya. "Ihatid na kita," paayaya ng boss niya, binuksan nito ang front seat ng kotse. "Naku sir wag na po malapit na naman po ako eh," nahihiyang tanggi niya sa alok ng boss niya. Umiling ito sa kanya at lumapit, hinawakan nito ang kamay niya, nanlaki ang mata ni Angela dahil parang may kuryenteng dumaloy sa kamay nilang makahawak, hinila siya nito papalapit sa kotse niyang bukas. "Wag na po sir!" binawi niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito, tumingin ito sa kanya, kaya nag iwas siya nang tingin dahil hindi niya kayang makipagtitigan dito dahil pakiramdam niya ay nang hihina siya mula sa mga titig nito. "Please ihahatid kita Angel," malambing na sabi nito kay Angela, nanlalaking ang mata naman ni Angela na humarap dito. Mapupungay ang mata nito na tumingin sa kanya, para naman nag init ang mukha ni Angela dahil sa nakikita sa mata nito. "Sige po sir," tumango siya, ngumiti si Alex kay Angela dahil sa pagpayag nito, inakay niya ito papasok sa kotse. "Thankyou po sir," nahihiyang sabi niya sa boss niya dahil si Alex pa ang nagkabit ng seatbelt niya. "Pwde bang wag ka ng mag po para kasing ang sobrang tanda ko na thirty-one palang ako," seryosong sabi nito sa kanya. "at pag wala tayo sa trabaho Alex nalang ang itawag mo saken, pwede ba yun Angel?" "Ok p- A-alex!" pakiramdam ni Alex ay nililipad siya sa alapaap dahil sa pag tawag ni Angela sa kanya ng Alex. Piningot ni Alex ang ilong ni Angela dahil ang cute nito sa pamumula ng mukha. "Aray si- Alex," napalabi si Angela at tinapik ang kamay ni Alex, napatawa naman si Alex, sinara niya ang pintuan ng front seat at umikot patungo sa driver seat. Matapos ikabit ang sariling seatbelt ay napatingin siya kay Angela, napangiti si Alex nang makita si Angela na iniikot ang tingin sa loob ng kotse niya. Mukha talaga siyang anghel, his own Angel, sabi ni Alex sa kanyang isip. Nagtagpo ang mata ni Alex at Angela, sobrang ang naging pamumula ng mukha ni Angela nang mahuli niyang nakatingin ang gwapo niyang boss sa kanya, ngumiti si Alex kay Angela na nagpabilis nang pintig ng puso ni Angela. Kinindatan pa ni Alex ang namumula na si Angela bago nag simula ng mag drive ng kanyang kotse. Napahawak si Angela sa tapat ng dib-dib niya, at ramdam niya ang bilis ng t***k ng puso niya.   Hindi na pumayag si Angela na ihatid siya ng boss niya sa looban kung nasaan ang maliit niyang apartment. Kahit na gustong-gusto ng boss niya na ihatid si Angela ay hindi pumayag si Angela. Napabuntong hininga si Alexander nang makitang pumasok si Angela sa maliit na apartment nito, lihim niyang sinundan ang dalaga dahil nag aalala siya. Iniisip niya kung ligtas ba dito ang dalaga, napansin niyang madaming tambay ang kanyang dinaanan at natatakot siya sa kaligtasan ng dalaga. Umalis na si Alexander sa tapat ng apartment ni Angela nang makitang patay na ang ilaw ng kwarto nito hudyat na tutulog na ang dalaga. Nag-lakad na siya papunta sa kotse niyang ipinarada niya sa may gilid. Pumasok siya sa kotse niya. Ayaw ni Alexander na manatili ang dalaga sa maliit na apartment nito, iniisip palang niyang isang sipa lang sa pinto ng apartment nito ay mapapasok na ang dalaga, at ang mga tambay na nadaanan niya ay parang mga lango sa alak at pinagbabawal na gamot. Hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa dalaga, kaya naiisip niyang ibili ito ng sariling apartment na malapit lang sa trabaho nito at sa bahay niya. Napapikit siya habang ang mga kamay ay nakapatong sa manibela ng kotse niya, napangiti siya nang maalala ang maamong mukha ng dalaga. Agad din naman siyang napamulat at nag igting ang panga nang maalala si Jimboy na halatang may lihim na pagtingin sa kanyang Angel, sakanya lang ang dalaga walang pwedeng umagaw dito sa kanya. Napangisi naman siya nang maalala ang pagbabanta niya kay Jimboy na kung hindi iiwas kay Angela ay mawawalan ito ng trabaho alam niyang kay Jimboy lang umaasa ang pamilya nito. "Angel, my Angel," nakangiting bangit niya sa pangalan ng babaeng nagpapabilis nang t***k ng puso niya, pinaadar na niya ang kanyang kotse at umalis sa lugar na iyon. Bago siya tuluyan nakaalis doon ay naka-plano na ang gagawin niya bukas para mapalapit nang husto sa kanyang Angela. Sisiguraduhin niyang tatangapin nito ang apartment na ibibigay niya dito.   Naalimpungatan si Angela dahil sa katok sa pintuan niya, napatingin siya sa cellphone niyang de-keypad at tiningnan ang oras at nakita niyang alas syete palang ng umaga. Tumayo siya at binuksan ang pinutaan ng apartment niya. Nakita niya ang land Lady niyang si aling Martha na siyang kumakatok. "Naku hija magandang umaga!" nakangiting bati ng land lady niya. "Magandang umaga din po aling Martha, bakit po pala kayo kumakatok?" Nakangiting tanong ng dalaga, napakunot ang noo ni Angela nang makita na hindi makatingin sa kanya ng diretsyo ang land lady. "Kasi hija pasensya kana talaga, pero kailangan mo nang umalis dito," malungkot na sabi ng matanda na nagpabigla kay Angela. "darating kasi ang pamangkin ko at kailangan niya ng matutuluyan, ibabalik ko nalang ng kompleto ang ibinayad mo sakin pasensya na talaga." "Po, pwede po bang bigyan nyo pa po ano ng isang linggo para makahanap po ano nang malilipatan," nag mamakaawang sabi ni Angela, para naman nakonsensya ang matanda pero kailangan na talaga niyang mapaalis ito. "Naku hija pasensya kana talaga pero kailangan mo ng umalis dahil darating na mamaya ang pamangkin ko," sagot naman ng matanda. "Ito pala yung bayad mo sa rent," ibinigay nito ang binayad ni Angela sa kanya, halos manlumo naman ang dalaga nang makaalis ang matandang landlady. "Pano na yan?" Mahinang bulong ni Angela sa sarili, nalalag ang luha na kanina pa pala niya pinipigilan. Nag-empake siya nang konting gamit niya dahil wala na talaga siyang magagawa dahil pinapaalis na siya. "Maaga pa naman para pumasok, siguro naman makakahanap pa siya nang matutuluyan," mahinang bulong niya sa sarili habang naglalakad palabas ng maliit na eskinita habang buhat ang kanyang mga gamit. Nagulat naman si Angela nang pag-labas niya sa eskinita ay nakita niya ang boss niya na nakasandal sa kotse nito at tila may hinihintay. Nang makita siya ng boss niya ay ngumiti ito sa kanya. "Ano po ang ginagawa n'yo dito sir?" Magalang na tanong niya nang lumapit siya dito. "Hinihintay ka," sabi nito at kinuha mula sa kanya ang bag na dala niya, nagulat naman si Angela sa ginawa ng boss niya. "Po bakit n'yo po ako hinintay at bakit n'yo po kinuha ang bag ko?" kukunin na sana ni Angela ang bag niya pero inilagay na ni Alexander iyon sa backseat ng kotse. "Base sa dala mo na maliit na bag ay napagtanto ko na pinaalis ka sa apartment mo?" "Opo sir kaya kailangan ko po mag hanap ng bagong apartment, pwede po bang mag absent ako ngayon?" Nahihiyang tanong niya sa boss niya. "Don't worry , meron akong alam na apartment, at diba sabi ko wag ka na mag po saken?" Nakataas na kilay na sabi nito. "Ay sorry p-Alex, pero yung murang apartment lang po sana," nahihiyang sagot niya. "Don't worry mura lang yun, so let's go?" Aya nito sa kanya at binuksan ang front seatng kotse niya, nahihiya naman pumasok si Angela sa kotse ng boss niya. Napangisi si Alex nang maisara niya ang pintuan ng kotse niya, umaayon sa plano niya ang nangyayari, binayadan pa niya ng isangdaang libo ang landlady ng dalaga para lang paalisin ito, alam niyang naging masama siya para pagplanuhan ito. Pero ok lang maging masama kung ang bunga naman nito ay maging ligtas ang dalaga at malapit siya dito.   Dinala ni Alexander si Angela sa isang ten floor building na hindi alam ni Angela ay pag mamay-ari ni Alex. "Si--Alex baka po mahal dito wala po akong pang rent sa ganitong kagandang apartment?" nakatingin lang si Angela sa building. Hindi niya napansin na kanina pa nakatingin sa kanya si Alex. "Wag kang mag-alala ako na ang bahala dito at kung nag alala ka sa rent kahit kailan mo gustong magbayad ok lang!" nakangiting sabi nito, nakakunot ang noo ni Angela na tumingin sa boss niya. "Pwede po ba yun kahit kailan pwedeng mag bayad?" Nagtatakang tanong niya.ngumiti lang si Alexander at hinawakan ang kamay niya saka siya hinila papasok ng building. Bitbit ni Alex ang bag ni Angela na naglalman ng kanyang mga gamit, hindi niya hinayaan na mag-bitbit ang dalaga kahit pa inaagaw ito sa kanya. Halos lumuwa naman ang mata ni Angela nang pumasok sila sa isang unit, napakalaki nito at napakaganda, hindi pa siya nakakapasok sa ganitong kagandang apartment, may kamang malaki at malambot, malinis na banyo, may malaki rin TV sa kwarto at may aircon din. "Alex bakit po may mga gamit na?" Nagtatakang tanong niya, kasi sa lahat ng apartment na tinirahan niya ay wala naman gamit dapat ikaw ang bibili. "Kasama yan sa babayaran mo," malumanay na sabi niya, nanlaki naman ang mata ni Angela dahil sa narinig, dahil sa isiping mahal ang apartment na ito. "Naku sir tara na po!" natataranta na sabi ni Angela at hinila ang boss niya, natulala naman si Alex dahil sa ginawa ni Angela pero agad din napangiti. Tumingin si Angela sa boss niya ng hindi ito nag salita, halos mamula naman ang buong mukha ni Angela nang makita na nakangiti sa kanya ang boss niya na tila na aaliw. Agad niyang binitiwan ang kamay ni Alexander at umiwas ng tingin. "Look at me, Angela?" mahinang sabi nito, hinawakan ang baba niya para iharap sa kanya, sumulyap naman si Angela pero agad din ibinaba ang mga tingin dahil sa tigtig sa kanya ni Alexander. "Wag kang mag-alala sa bayad sa rent, ok lang kahit kailan mo bayaran" malumanay na sabi niya kay Angela. "Hindi naman po pwede yun. Pano po pag nagalit ang may ari ng building na ito," nahihiyang sagot naman niya. Kinuha ni Angela ang wallet niya at kumaha ng tatlong libo dahil yun lang naman ang laman ng wallet niya. "Ito po pwede po ba kayo nalang ang mag bayad nito sa may-ari," inabot niya ang tatlong libo na kinuha niya sa wallet, nakakunot naman ang noo ni Alexander at hindi tinangap ang bayad. "Itago mo nalang yan," inilagay ni Alexander ang dalawang palad sa bulsa ng kanyang jeans--- "maghanda kana,sabay na tayong pumunta sa restaurant," sabi nito. Tiningnan ni Angela ang oras at nanlaki ang mata niya nang malapit na palang mag bukas ang restaurant. Hindi na siya nakipagtalo sa boss niya tungkol sa bayad at nag madali siyang nagtungo sa banyo para mag ayos.   ANGELA POV: Sabay kaming pumasok ni sir Alex sa trabaho, dumiretsyo ito sa kanyang opisina samantalang ako ay tumulong sa pag-reready ng restaurant. "Oy nakita ko kayo ni sir pogi, sabay kayong dumating!" sabi ni ate Marie na lumapit sakin, at nginitian ako na parang nang-aasar. "pano na si Jimboy?" Napakunot ang noo ko dahil sa tanong niya. "Anong pano si Jimboy, ate?" Nagtatakang tanong ko, nakita ko naman na parang nalugi ang mukha nito. "Ang manhid mo, Angela!" naiinis na sabi ni ate Marie at umalis na ito sa tabi ko at pumasok ng kusina, napalabi nalang ako ano kaya ang pinagsasabi ni ate Marie?. "Let's go, Angela!" nagulat ako ng hilahin ako ni Sir Alex palabas ng restaurant. "Saan po tayo pupunta si- Alex?" sinaman kasi ako nito ng tingin, pero agad din ngumiti nang tinawag ko siyang Alex. "Mag de-deposit ng pera Angel," nakangiting sabi nito at ngumiti sakin, bumibilis talaga ang t***k ng puso ko tuwing tinatawag niya akong Angel at nginingitian. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng frontseat. "Ahn Angel?" Napatingin ako sa kanya nang tinawag niya ako, busy ito sa pag da-drive, nakatagilid ito sakin kaya Malaya kong napagmamasdan ang matangos nitong ilong. "Bakit po?" Tanong ko sa kanya, pinagmasdan ko ang labi niya na sobrang pula na parang may lipstick ito, pero alam kong natural naman yun, napaiwas ako nang tingin nang makita ko ang pagtaas ng gilid ng labi nito. "Gusto mo bang magbakasyon?" Napatingin ako ulit sa kanya. "Opo! Tapos kasama sina ate Shiela at Marie pati na rin si Jimboy--," napatigil ako sa pagsasalita ng makitang tumigil na pala ang kotse at madilim ang mukha ni Alex, na pa sobra yata ang daldal ko---"sorry po sir!" nahihiyang sabi ko. "It's ok Angel," sabi nito at hinawakan ang ulo ko at hinaplos iyon, kahit naiilang ako ay hindi parin maiwasan ang sobrang bilis ng t***k ng puso ko, ano bang nanyayari sa puso ko? May sakit ba ako sa puso?! Naku wag naman sana!. "Sir kasalanan n'yo ito!" naiiyak na sabi ko kay sir, nakakunot naman ang noo nito. "Dahil sa inyo magkakasakit ako!" Naiiyak na bintang ko sa kanya. "WHAT?!! WHY?! Tell me baby, anong masakit?" Lalo naman bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa pagtawag niya sakin ng baby. "Sobrang bilis po ng t***k ng puso ko pag malapit kayo tapos tinawag nyo pa akong baby!" Naiinis na sabi ko, nakita ko naman ang pagkabigla nito, pero agad din napalitan ng pagkaaliw ang mukha nito, kaya napalabi ako. "My god! You're so cute Angel!" natatawang sabi nito, pero agad din sumeryoso ang mukha. "Sobrang bilis din ng t***k ng puso ko pag malapit ka Angel," seryosong sabi nito at inilagay sa likod ng teynga ko ang takas na buhok ko. Para naman tinambol ng drum ang lakas ng t***k ng puso ko habang nakatingin sa mapupungay niyang mata.   Angela POV: Nililipad ng hangin ang suot kong summer dress. Nandito kami ngayon sa isang beach resort sa Laguna para sa short vacation namin. "Halika na Angela!" pinipilit ako ni ate Marie na mag suot ng swimsuit pero ayaw ko "hubadin mo na ang dress mo at magpalit ka na ng swimsuit, ibandira mo ang ganda ng katawan mo. My god!" parang naiinis na ito at pinaypayan pa ang mukha gamit ang kamay. "Mag short at sando nalang ako ate. Nakakahiya kasi," nakangusong sabi ko. "Tingnan mo nga sila, may nakita kaba na naka short at sando?" nakapameywang na sabi ito at tinuro ang mga nag se-swiming. "At day, look at me!" maarti itong umikot at pinakita ang suot nitong two piece swimsuit na kulay yellow, napangiwi naman ako. Maganda naman kasi ang katawan nito kaya ok lang na ibalandra, maganda din naman ang katawan ko pero nahihiya lang talaga ako. "Ikaw nalang talaga ate," umiiling na sabi ko, nakasimangot naman ito at tumingin sa paligid. "Ang sexy naman ng kasama ni Sir Alex!" napakunot naman ang noo ko-- "ayun oh!" tiningnan ko ang tinuturo niya at parang may mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib ko nang makita ko ang kausap ni sir, kahit nasa malayo ay masasabi ko na mganda at sexy ito sa suot na two piece white swimsuit. "Hoy saan ka pupunta?" Tawag sakin ni ate Marie nang mag walk out ako, hindi ko ito pinansin at deretsyo lang naglakad papunta sa room ko. Hindi ko maintidihan kung bakit ako naiinis kay sir Alex at doon sa babae. Parang basta!. Nagdadabog akong umupo sa kama, naiinis ako! Yun talaga, hindi ko na alam kung para saan ang inis na nararamdaman ko kung para kay sir Alex ba, sa babae na kasama niya o sa sarili ko kasi nararamdaman ko ito. "Hayyy." napabuntong hininga ako at napatingin sa bag ko kung nasaan ang gamit ko, kinuha ko ito at binuksan. "Wala naman masama kung mag susuot ako nito," mahinang bulong ko sa sarili ko, kinuha ko ang dalawang maliit na tela na kulay pula. Napapikit ako. "Normal na mag suot ng ganito pag nasa beach!" nag mulat ako at napakagat labi. Buo na ang pasya ko na isuot ito-- "sorry Nanay at Tatay, kung magsusuot ako ng ganito," sabi ko na parang kinakausap ang magulang ko.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Son's Father

read
583.2K
bc

Wife Of A Ruthless Mafia Boss (R18)

read
453.6K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.6K
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.7K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.6K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.2K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
325.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook