2

1550 Words
2 ANGELA POV: Namula ako habang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin.Kaya ko bang lumabas na ganito lang ang suot? Wala naman akong dapat ikahiya dahil maganda naman ang katawan ko at maputi at makinis din ako. "Kaya mo ito Angela!" pagche- cheer ko sa sarili ko, pinatungan ko ng parang net na damit ang katawan ko, pero kita parin ang swimsuit na suot ko, basta ko lang itinali ang buhok, nag suot ako ng tsinilas bago lumabas ng kwarto ko. "Wow naman Angela!" nakangising sabi ni ate Marie ng makita ako. "Anong nakapag bago ng isip mo para mag suot niyan? Sana hindi mo na isinuot yang damit na yan!" nakangiwing turo niya sa T-shirt na ipinatong ko-- "pero ok lang sexy mo parin!" tatawa-tawang sabi nito, napanguso naman ako-- "Tara andun sina sir!" hinila ako ni ate Marie papunta kina Sir. Nakatalikod samin si Sir habang nag iihaw ng BBQ. Nagsalubong ang kilay ko ng makita na may katabi itong babae. Ito rin yung babaeng kausap nito dahil sa swimsuit nito. Nakatapis ang baba nito ng balabal. "Nandito na kami!" malakas na sabi ni ate Marie, napatingin samin si ate Shiela at Jimboy, napanganga ito, pero agad din nag iwas ng tingin. Lumapit sakin si ate Shiela at ngumiti. "Ang sexy mo naman Angela," mahinhin na sabi nito, napakaganda talaga ni ate Shiela parang anghel lang. "Oo nga Shiela. Ang ganda pa, diba sir?" napalunok naman ako bigla ng laway dahil sa sinabi ni ate Marie, unti-unti kong ibinaling ang tingin ko kung nasaan si sir. At ganun nalang ang bilis ang t***k ng puso ko nang makita ang matiim na tingin nito sakin at ang pag igting ng panga nito. Napa iwas ako nang tingin nang makita ang pagkapit ng babae sa braso ni sir. "Ano ka ba ate Marie... Ayyyy!" nagulat ako nang hilahin ako ni sir, mahigpit ang pagakahawak nito sa braso ko habang galit na kinakaladkad ako. Napakagat labi ako at parang may namuong luha sa gilid ng mata ko, para kasing galit ito sakin. Huminto ito at bibitawan ang kamay ko, medyo malayo na ito kina ate Marie at wala rin akong nakikitang tao bukod samin. Nakatalikod ito sakin at nakapamaywang habang nakatingala. Nakasando at summer short lang ito pero ang lakas parin ng dating, lalo na kitang-kita ko ang matigas niyang braso. Napailing ako dahil kung ano-anong iniisip ko. "WHAT THE f**k ANGEL!" Napatalon ako sa gulat dahil sa pagsigaw nito. "WHO TOLD YOU TO WEAR That kind of s**t?" mariing sabi nito habang tinuturo ang suot ko, napatingin naman ako sa suot kong swimsuit. "Hindi po ba bagay sakin?" Nahihiyang tanong ko, "No... I mean Yes... Arhhhhh!" napasabunot ito sa sariling buhok, bago malamlam ang matang tumingin sakin at malalim na napa buntong hininga, nasaktan ako dahil sa sinabi niya. Hindi ko napagilan ang pagtulo ng luha ko. Narinig ko ang mahina nitong pagmumura. Lumapit ito sakin at hinawakan ang mukha ko gamit ang dalawang palad. "Shh. Angel," pinahiran niya ang luha ko gamit ang daliri niya. "Sobrang bagay sayo Angel.. Pero Hindi ko hahayaan na pag pyestahan ng mga mata ng gagong yun ang katawan mo... Kaya please Angel kung ayaw mo na makapatay ako... Please mag palit kana!" idinikit nito ang noo ko sa noo niya habang matiim na nakatingin sa sakin. "Pero bakit yung kasama mo na babae hindi mo pinagpapalit ng suot?" Nakangusong tanong ko, nakita ko ang pangisi nito. "Wala akong pakialam sa katawan nila, sayo lang. Because you're mine!" Bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa sinabi niya, hinalikan niya ako sa noo. "Go change, my Angel," nakangiting sabi niya, tumalikod ako sa kanya at napahawak sa pisngi ko na sobrang init at alam kong sobrang pula na nito. Lumingon ulit ako sa kanya at nakita ko na nakangiti ito sakin, agad akong tumalikod at tumakbo papunta sa silid ko para mag palit.   ANGELA POV: Pagkatapos kong magpalit ng sando at short ay lumabas na ako para balikan sila sa tabi ng dagat. Nakita ko agad si ate Marie na nakasimangot agad sakin nang lumapit ako. "Oh bakit ganyan na naman ang suot mo?, bagay naman sayo yung swimsuit na binili natin ah!" nakasimangot parin ito. "Eh kasi ate Marie nagagalit si sir!" nakalabing sagot ko--"ayaw ko naman makapatay si sir dahil ganun lang ang suot ko!" dugtong ko pa na halos ikalalag ng panga ni ate Marie kaya napakunot ang nuo ko dahil sa reaksyon nito. "Tang ina. Hanep din si sir makabakod ah!" natatawang sabi nito, hindi ko naman maintindihan ang sinasabi nito. "Sino naman babakudan ni sir?" Nagtatakang tanong ko, lalo naman lumakas ang pagtawa ni ate Marie at napapailing pa. "What's funny Marie?" boses mula sa likod ko at alam ko kay sir Alex iyon. Naramdaman ko ang pag akbay nito sakin, at ito na naman ang mabilis na pintig ng puso ko para na naman akong aatakin sa lakas. Napatingin ako sa kanya na nasa tagiliran ko at mula sa tayo ko ay kitang-kita ko na naman ang matangos niyang ilong at ang magkasalubong niyang makapal na kilay. Pati ang makadikit nitong manipis at mapulang labi. "Wala po sir. Nakakatuwa po kasi ang inyong Angel" at humagalpak pa ito nang pagtawa, kaya napatingin ulit ako sa kanya at sumimangot. "Tsk.... Anyway Angel, nagugutom kana ba? Nag ihaw ako ng BBQ!" nakangiti at malumanay na tanong niya sakin. Para naman uminit ang buong mukha ko nang narinig ko ang pagkalam ng tiyan ko, kaya napatungo ako dahil sa kahihiyan. Narinig ko naman ang paghagikgik ni ate Marie na parang kinikilig at hindi ko alam kung kanino ito kinikilig. "Let's go Angel!" tinangal ni sir Alex ang kamay niya sa balikat ko at pinagsiklop niya ang kamay namin, marahan niya akong hinila patungo sa pagkain. Iniwan na namin si ate Marie na parang nasiraan na yata ng bait dahil tawa ito nang tawa. "Sir.. Baka iba ang ipakain mo d'yan. Bata pa yan. Hinayhinay lang!" malakas na sigaw ni ate Marie, napakunot ang noo ko dahil hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi ni ate Marie. Napatingin naman ako kay sir Alex at nakita ko ang pamumula ng buong mukha nito. "Shut up Marie!" parang galit na sigaw ni sir. Pero tawa lang ang isinagot ni ate Marie. Kaya napasimangot lalo ako at binitiwan ang kamay ni sir Alex. Hindi ko alam para akong naiinis kay ate Marie at kay Sir. Nauna na akong maglakad at hindi na pinansin si sir, hindi rin ako huminto kahit pa tinatawag niya ang pangalan ko. Naiinis ako.   Angela POV: Madilim na pero naglalakad parin ako baybayin ng dagat, humahampas sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin, napakalma rin nang tunog ng dagat. Naupo ako sa isang putol na kahoy na nandon. Pinagmasdam ko ang alon ng dagat. Tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag. "Angel?" tinig mula sa likod ko, tiningnan ko si sir Alex na nasa likod ko pala. Nakapamulsa ito habang nakasuot ng white T-shirt at kaki short at tsinilas ang pang paa. Lumapit ito sakin at tumabi sa inuupuan ko. "Bakit nandito ka pa? Malamig na baka sipunin ka," malumanay na sabi nito, napatingin ako sa mapupungay na mata ni sir Alex, hindi ko alam kung ano ang sumanib sa kamay ko at natagpuan ko nalang na itinaas ko ito at marahan na hinaplos ang mukha niya, napaigtad ito kaya agad kung inalis ang kamay ko at napahiyang tumungo. "Sorry po sir Alex," nahihiyang sabi ko, narinig ko ang marahas na pagbuntong hininga nito. "Look at me baby..." Itinaas niya ang mukha ko gamit ang daliri niya. "Hindi po baby ang pangalan ko!" naiinis na sabi ko at napanguso ako, narinig ko naman ang mahina nitong pagtawa. Kaya lalo akong nainis at talagang tinawanan pa ako. "My Angel, hindi nga baby ang pangalan mo. But you're my baby," malambing na sagot nito, heto na naman ang bilis nang t***k ng puso ko, napahawak ako sa dibdib ko habang nakikipag titigan sa kanya, mapungay ang mata nakatingin ito sakin. "Ang bilis nang t***k ng puso ko!" bigla nalang lumabas yun sa bibig ko, nakita ko ang pag ngiti nito. Inagaw niya ang kamay ko at itinapat din sa dibdib niya. Nanlaki ang mata ko at napatingin sa kanya na nakangiti parin sakin. "Sobrang bilis din nang pag t***k ng puso ko Angel, at sayo ko lang naramdaman ito," puno ng emosyon na sabi nito. "Ikaw palang ang nag papabilis ng t***k nito," mapupungay na matang sabi nito, hindi ako makapagsalita--- "Angel. Gusto kita. Gustong-gusto kita!" nagulat ako dahil sa sinabi niya, humigpit ang kamay nitong nakakapit sa kamay ko na nasa tapat ng dibdib niya. "S-sir!" mahinang bulong ko nang makita ang paglapit ng mukha nito sa mukha ko, nakatingin ito sa labi ko. "My Angel," mahinang bulong nito, konti nalang ang agwat ng labi namin, Amoy ko ang mabango niyang hininga. Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa bewang ko. Nanlaki ang mata ko nang dumampi ang labi niya sa labi ko, nakapikit ito, napakalambot ng labi nito, masuyong gumalaw ang labi nito sa labi ko. Hindi ko na mapigilan ang mapapikit at damhin ang masuyo niyang halik, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil ito ang unang beses na nahalikan ako. Napakapit ako sa balikat niya, sinundan ko ang galaw ng labi niya, ginaya ko ang bawat galaw niya. Naramdaman ko ang pag ngiti niya sa labi ko, at pinagpatuloy ang paghalik sakin, mahigpit ang kanyang yakap habang hinahalikan niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD