3

927 Words
3 ANGELA POV: "Gusto kita Angela!" nakapikit na sabi ni Alex, habang nakapatong ang noo sa noo ko. Para na naman may nagrarambulan sa loob ng tiyan ko dahil sa sinabi niya, ang bilis din ng t***k ng puso ko. "Alam kong mabilis ito at masyado ka pang bata para sakin, pero hindi ko mapigilan na magustuhan ka, at alam ko na higit pa sa gusto ang nararamdaman ko sayo, Angel!" sunod-sunod na sabi nito, iminulat nito ang mata at mataman lang nanakatingin sakin. Hindi ako makapag salita. "please angel, hayaan mo akong ipakita sayo na seryoso ako," malambing na sabi nito, habang hinahaplos ang mukha ko. Hindi ko pa alam ang pakiramdam na magkakagusto o magmamahal ang alam ko lang na pagmamahal ay ang pagmamahal ko sa pamilya ko. Alam ko din naman may nararamdaman ako kay sir Alex, hindi ko alam kung yun na ba yung love na para sa lalaki at babae o dahil lang sa sobrang bait nito sakin. "S-sir Alex!" hindi ko alam ang sasabihin ko, lalo na at nahihiya parin ako dahil sa paghalik nito sakin. "It's ok my Angel. Handa akong maghintay sayo," nakangiting sabi nito. "Pasensya na po sir Alex, hindi ko po kasi alam ang sasabihin ko, bago po ito sakin at yung nararamdaman ko po sa inyo," nahihiyang sagot ko, lumawak naman ang ngiti nito at lalo itong naging gwapo sa paningin ko. Ito na naman ang bilis ng t***k ng puso ko.. "Pumasok na tayo sa loob, malamig na baka sipunin ka," nakangiting sabi nito, bago Tumayo. Inalayan naman niya akong makatayo. "Let's go!" pinagsiklop niya ang kamay namin, sobrang lambot ng kamay nito, nahiya naman ako dahil mas malambot pa ang kamay nito sakin. Akmang hihigitin ko ang kamay ko dahil nahihiya ako na madama niya ang gaspang ng kamay ko, pero lalo nitong hinigpitan ang hawak sa kamay ko. Naglakad na kami papasok sa hotel na tinutuluyan namin. "Goodnight my Angel!" nasa tapat na kami ng room ko, hinatid niya ako. Binuksan ko muna ang room ko bago siya nakangiting tiningnan. "Goodnight s--Alex!" nakangiti kong sagot, papasok na sana ako ng bigla niya akong higitin at halikan sa pisngi ko. Mabilis lang ang pagdikit ng labi niya sa pisngi ko, malaki ang mata ko sa gulat dahil sa ginawa niya. "Goodnight. See you tomorrow, my Angel!" nakangiting sabi nito bago tumalikod at naglalakad paalis. Napahawak ako sa pisngi ko. Ano ka ba Angela, hindi lang naman pisngi mo ang nahilikan niya pati labi mo. Napakagat ako sa labi ko dahil sa naalala. "Gusto din kita Alex!" mahinang bulong ko sa sarili ko, napatakip naman ako sa bibig at nagmadaling pumasok sa loob ng hotel room, napatili ako nang maisara ko ang pintuan. Kinikilig ako, alam ko na ngayon ang nararamdaman ko kay Alex gusto ko siya.. Hindi pala... Mahal ko siya......   ANGELA'S POV: Napangiti ako nang maalala ang mga nangyari no'ng pumunta kami sa beach. Masayang masaya din ako kay ate Shiela na ngayon ay enggage na kay Mr. Oliveros bagay na bagay sila hindi hadlang ang agwat nang ginagalawan nilang pamumuhay. "Anong iniisip mo Angel?" Nakakunot ang noo ni Alex nang bumaling ito sa'ken bago ibinalik ang mata sa daan dahil nag mamaneho ito. Napangiti ako at kinuha ang isang kamay niya, bigla itong natigilan at mahinang nag mura, napasimangot ako at akmang bibitiwan ang kamay niya pero hinigpitan niya ito. Pinipigilan ko naman ang kiligin dahil sa ginawa niya kaya napanguso nalang ako. Nagulat ako nang bigla niyang itigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada, nakakunot ang noo ko na tumingin sa kanya. "Wala pa naman tayo sa rest-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong kabigin sa batok at halikan sa labi, hindi ko nagawang ipikit ang mata ko nang tumigil siya sa paghalik, ilang segundo lang na naglapat ang labi namin, pinaghiwalay niya ang labi namin at mataman akong tiningnan. "Mababaliw na ako Angel pag hindi kita naging girlfriend!" seryosong sabi nito, napanguso naman ako dahil ramdam ko ang pag init ng pisngi ko. "Hindi kana mababaliw," mahinang sagot ko, hindi ako makatingin sa kanya habang sinasabi ko yun. "Anong ibig mong sabihin Angel? Please look at me," hinawakan niya ang baba ko at pinaharap sa kanya, kinagat ko naman ng marahan ang dila ko habang kung saan-saan tumitingin ang mata ko, ayaw ko siyang tingnan ramdam ko kasi ang tagos sa butong titig niya. "Ano kasi Alex' yang kasi ano," hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko. "Yes baby?" Kunot noong tanong niya, napanguso ako yan na naman kasi ang pa baby-baby niya at ito na naman parang hinahalukay ang loob ng tiyan ko. "G-gusto kong maging girlfriend mo!" lakas loob nang sabi ko, natigilan naman ito kaya ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. "Ayaw mo ba?" Naluluhang tanong ko habang nakabaon parin ang mukha ko sa dibdib niya. "Gustong-gusto baby!" humahalakhak na sagot nito at naramdaman ko ang pagpulupot ng braso nito sa bewang ko, at paghaplos ng palad niya sa likod ko, lalo ko naman isiniksik ang mukha ko sa dibdid niya. "Girlfriend na kita?" Tanong niya kaya tumango ako. "Akin kana talaga Angel?" Tumango ulit ako, ramdam ko ang magaan paghalik nito sa ulo ko. "M-mahal kita!" sabi ko, biglang bumilis ang paghinga nito na parang nahihirapan, kaya nag alalang tiningnan ko ito. "Ok ka lang ba?" Nag alalang tanong ko, ngumiti ito at sunod-sunod na tumango. "Sobrang saya ko Angel!" bigla nitong inangkin ang labi ko. "Mahal na mahal kita!" bulong nito sa labi namin na magkadikit, ngumiti ako at sinabayan ang bawat dampi ng labi niya sakin. Sobrang saya ko sana hindi na matapos itong nararamdaman ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD