4
ANGELA'S POV:
"Hindi mo alam kung gano ako kasaya Angel!" sabi nito habang hinahalikan ang kamay ko, kanina n'ya pa ginagawa yun, nandito kami ngayon sa loob ng opisina niya habang nakakandong ako sa kanya, bago kami pumasok sa opisina niya ay nakita ko ang mapanuring tingin ni ate Marie kasama ang dalawang bagong pasok na waitress napayuko nalang ako pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang pag ngisi nito. Sobrang init na ng mukha ko dahil nahihiya ako, pero patuloy parin ito sa ginagawa.
"I love you!" bulong nito sa teynga ko, kinilabutan ako at parang may kuryente na dumaloy sa buong katawan ko ng maramdaman ko ang paghalik nito sa leeg ko.
"A-alex!" hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at lalo ko pang binigyan siya ng access sa leeg ko.
"Call me baby, my Angel," napahagikgik naman ako dahil sa kiliti na naramdaman ko ng tumama ang hininga niya sa leeg ko, nag taasan ang balahibo ko dahil sa ginawa niya.
"Pero hindi kana baby!" nakangusong sagot ko habang pinipigilan ang pagtawa dahil talagang nakikiliti ako sa ginagawa niya sa leeg ko. Tumigil ito sa ginagawa, hinawakan nito ang pisngi ko gamit ang kanyang malalaking kamay, mapupungay ang mata na nakatitig ito sa'ken.
"B-bakit ganya ka makatingin?" Tanong ko sa kanya pero umiling lang ito at inilapat ang noo sa noo ko.
"Mahal na mahal kita!" puno ng lambing ang boses nito habang sinasabi yon, ito na naman ang puso ko na mabilis na tumitibok, napangiti ako.
"Mahal din kita.... Baby!" nakagat ko ang dulo ng dila ko nang bigla itong natigilan, ilang sigundo rin itong natigilan bago ngumiti at sinapo ang mukha ko, bago pinagdikit ang mga labi namin, malambing at ingat na ingat siya sa paghalik sakin parang ayaw niya akong saktan sa bawat dampi ng labi niya. Ilang minuto din na magkahinang ang labi namin, ipinatong niya ulit ang noo n'ya sa noo ko habang nakapikit katulad ko ay naghahabol din siya ng hininga.
"Sobrang saya ko Angela, ikaw lang ang nakapagpasaya sakin ng ganito!" magkadikit pa din ang noo namin habang nakatingin siya sa mata ko, hindi ko mapigilan ang haplosin ang pisngi niya, hinuli niya ang kamay kong humahaplos at hinalikan ito.
"Sabihin mo sakin na akin kana talaga?" tumango ako.
"Sayo lang ako Alex!" nakangiting sagot ko, ngumiti ito at pinaglapat ang mga labi namin, kakaiba ang halik na ibinibigay niya sa'kin parang gigil na gigil siya, ang mga kamay niya ay humahaplos na sa ibat-ibang parte ng katawan ko, napasabunot ako sa buhok nito nang bumaba ang halik nito sa leeg ko, hindi ko mapagilan ang mapadaing nang maramdanan ko ang pagkagat nito nang mahina sa leeg ko kasabay ng pagsisip nito. Parang may sariling isip ang kamay ko na gumapang sa loob ng polo nito. Napakagat labi ako nang maramdaman ko ang paghaplos ng kamay nito sa gitna ng hita ko kahit nakasuot pa ako ng pants randam ko ang pagkabasa ng panloob ko, hindi ko alam kong ano itong nararamdaman ko parang gusto ko na pagtuon niya nang pansin ang nasa gitna ng hita ko, parang nababasa niya ang nasa isip ko patuloy siya sa paghaplos do'n, napahawak ako sa balikat niya habang patuloy ang paghalik niya sakin.
"SIR ALEX!" para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang boses ni Ate Marie habang kumakatok sa pinto, agad nag hiwalay ang labi namin, gusto kong umalis sa kandungan niya pero mahigpit ang kapit niya sa bewang ko.
"Si ate Marie nasa labas," mahinang sabi ko, hindi ito sumagot at ngumiti lang, pinaupo niya ako sa swivel chair niya, tumayo ito para buksan ang office nito. Nakita ko si ate Marie na may inabot kay Alex, parang gusto ko naman lumubog sa kinauupuan ko nang sumilip sakin si ate Marie na nakangiti at parang alam nito ang nangyari sa loob ng office ni Alex nakita ko rin ang pag kindat nito bago umalis. Pag kaalis ni ate Marie sa harap ng office ni Alex ay isinarado rin agad ni Alex ang pinto at lumapit sa'kin ipinatong nito ang ibinigay ni ate Marie sa may table.
"K-kailangan ko ng magtrabaho!" nahihiyang sabi ko, nakita ko ang paghalukipkip nito at seryosong nakatingin sakin.
"Simula ngayon dito kana sa loob ng opisina ko mag tatrabaho!" Seryosong sabi nito, napakunot ang noo ko.
"Bakit?kailangan mo ba nang taga linis ng opisina mo?" Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng opisina niya, malinis naman ito. Napahawak ako sa dibdib ko nang makitang malapit na pala ang mukha ko sa mukha niya halos isang dangkal nalang.
"Wala kang ibang gagawin kundi ang yakapin ako habang nagtatrabaho ako," napanguso ako sa sinabi niya, pinagloloko yata ako nito.
"Anong klasing trabaho yon?" Naiinis na tanong ko, lalo naman humaba ang nguso ko nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa at bigla nalang idinampi ang labi niya sa labi ko pagkatapos ay marahan na ginulo ang buhok ko. Lalong lumakas ang tawa nito at masasabi ko na kay sarap nitong tingnan habang tumatawa.
ANGELA'S POV :
Nakasimangot ako habang nilalaro ang ballpen sa ibabaw ng table ni Alex, bagot na bagot na ako habang hinihintay si Alex sa loob ng office niya. Ilang araw na akong ganito hindi kasi talaga siya pumayag na hindi ako sa loob ng opisina niya mag tatarabaho. Lagi rin akong inaasar nina ate Marie, pansin ko rin na mas umiiwas si Jimboy at hindi ko alam kung bakit, pero dahil siguro naging busy na ito sa trabaho mas madami na rin kasi ang naging costumer simula ng si Alex ang humawak ng restaurant at halos karamihan sa costumer namin ngayon ay mga babae. Napakagat labi ako habang iniisip ang mga babaeng harapan nag papakita ng interest kay Alex at halos lahat sa kanila ay magaganda at parang model ang katawan.
"Anong iniisip ng baby ko?" Nagulat ako ng bigla sumulpot sa tabi ko si Alex at hinalikan ang pisngi ko, agad naman namula ang pisngi ko. Napatingin ako sa kanya at nakitang nakayuko siya habang nakahawak sa sa gilid ng upuan ko.
"W-wala naman naiinip lang ako sa loob ng opisina mo. Gusto ko nang magtrabaho sa labas nito," sabi ko nalang sa kanya. Mabilis niya akong hinalikan sa labi.
"Baby, ayaw kitang napapagod," hinaplos niya ang mukha ko, napasimangot ako dahil sa sinabi n'ya.
"Pero sanay naman ako sa hirap!" nakasimangot na sagot ko sa kanya.
"Oo sanay ka sa hirap, pero ayaw kong maranasan mo ulit yun!" nakakunot ang noo ani niya, lalo naman akong napasimangot at hindi nalang sumagot kasi hindi naman ako mananalo sa kanya.
--
Isang katok sa pintuan ng Office niya ang nakapaghiwalay sa mga labi namin na mag kadikit, ganito lang naman ang ginagawa namin tuwing nasa loob kami ng office niya at hindi siya nakaharap sa loptop niya, ewan ko ba tuwing hahalikan niya ako ay hindi ako makatangi.
"Ako na ang magbubukas," hinahapong bulong ko daig ko pa'ng nakipagkarera. Marahan naman itong tumango habang nakapikit habol din nito ang sariling hininga. Tumayo ako sa kandungan niya para buksan ang pintuan.
"Where's Alex?" Medyo may pagkamaldita ang tanong ng babaeng nasa harap ko at tiningnan ako mula ulo hanggang paa, agad naman akong inilipin ng hiya dahil ang babaeng nasa harap ko ay parang dyosa, para itong model mas maganda pa sa model. Tumaas ang kilay nito at ngumisi sa'kin, nilampasan nito ako at diretsyong pumasok sa loob ng Office.
"Babe! I miss you!" agad na sigaw nito agad akong humarap para tingnan sila at daig ko pa ang sinampal nang malakas nang makita na mag kayakap ang dalawa. At parang gusto ko nang umiyak nang makita ang paghalik nito sa pisngi ni Alex na hindi manlang nito pinigilan.
"What are you doing here Aubrey?" Nakakunot ang noo na tanong ni Alex sa babae, nakita ko naman ang pagtulis ng nguso ng babae na tinawag ni Alex na Aubrey.
"Na miss nga kita!" sabi nito habang nangunguyapit ang braso sa leeg ni Alex. Tumikhim ako at pilit inaalis ang bara sa lalamunan ko dahil sa pagpigil na lumuha, agad naman napatingin sakin sina Alex tinangal din nito ang braso ng babae na nasa leeg niya. Napanguso naman ang babae dahil sa ginawa nito.
"Lalabas muna ako, baka may importate pa kayong pag usapan," pilit akong ngumiti sa harap nila, agad akong tumalikod at mabilis na naglakad narinig ko pa ang pagtawag ni Alex sakin pero hindi ko na'to pinansin. Naiinis ako hindi ko alam kung para kainino kay Alex ba o do'on sa Aubrey, basta alam ko nasaktan ako nang makita ko na hinalikan niya si Alex kahit pa sa pisngi lang. Maganda si Aubrey at lalo akong naiiyak habang iniisip kung isa ba ito sa mga naging girlfriend ni Alex kaya ba'to bumalik dahil mahal pa nito si Alex, tapos mapagtatanto ni Alex na mahal pa rin niya ito. Pano ako? Tuluyan nang lumaya ang luha ko.