1 "Kumain ka muna hijo." Nakangiting sabi ni Manang Lume sakin nang makita niya ako. Naghahain ito ng pagkain sa lamesa, ngumiti rin ako sa kanya bago umupo sa bakanteng upuan. Si Manang Lume at ang bunso kong kapatid na babae nalang ang kasama ko sa bahay simula ng mamatay sina Mama at Papa tatlong taon na ang nakakaraan. Matagal na naming kasambahay si Manang Lume, siya na ang nagpalaki samin ng kapatid ko. Hindi narin ito nag-asawa at nagka-pamilya. "Salamat Manang, kumain na rin po kayo," sabi ko bago kinuha ang tinimpla niyang kape. "Nakaalis na po ba si Erica?" tanong ko kay manang. "Oo hijo, hindi na nga nag-agahan kumain lang ng tinapay at nagmadali ng umalis dahil male-late na daw siya." Umiiling-iling na sabi ni Manang, napatango naman ako. Isang teacher si Erica dito samin.

