3 "Nandito na po ako," agad na sabi ko nang makaranting ako sa bahay. "Narinig nga namin Kuya ang sasakyan mo, halika na Kuya sa kusina," rinig kong sigaw ni Erica na galing sa kusina. Agad akong pumunta sa kusina at duon ko nga nakita si Erica kasama si Aling Lumi at Andrea. May nakahain na rin na pagkain sa lamesa. "Ang aga mo yatang umuwi ngayon Kuya?" Tanong ni Erica pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang mapanukso nitong tingin. "Wala na kasing akong gagawin sa baranggay hall," sabi ko at ginulo ang buhok niya, lumapit ako kay Manang Lumi para magmano. "Asus! Baka may na miss ka agad," mapang-asar na sabi nito. Agad akong napatingin kay Andrea na ngayon ay nakakunot ang nuo habang may hawak na cellphone at seryosong-seryoso ang mukha, gamit nito ang cellphone ni Erica. "Tumig

