11 ALEXANDER'S POV: Nagising ako nang maramdaman na may maliit na kamay na humahampas sa mukha ko, unti-unti kong dinilat ang mata ko, hindi ko mapagilan na mapangiti ng bumungad ang mukha ng anak ko, nakunot ang noo nito habang pinapalo ang mukha ko. Dito ako natulog sa sopa ng bahay nina Angel, gusto ni Angela na umalis na ako pero ayaw ko buti nalang sinabi ng Nanay ni Angela na pwede akong matulog sa sala nila, kahit kontra si Angela ay wala itong nagawa. "Good morning kiddo!" nakangiting bati ko, tumagilid ang ulo nito na parang iniintindi ang sinabi ko. Malapad akong ngumiti at bumango. Kinuha ko ang anak ko at kinandong, ginulo ko ang magulo na talagang buhok nito. "Daddy!" Malawak ang ngiti na sabi nito, hindi ko parin mapigilan ang maging emosyonal tuwing tinatawag niya akong

