Chapter 2

1988 Words
"Aysos ito na nga ba sinasabi ko eh!!!" Napapikit si Julie ng marinig ang papalapit na boses ni Nora. Kaagad naman niyang tinapik si Elmo, dahilan para magising ito. Pito sila sa grupo nila Nora at lahat ngayon ay nakangiti sa kanilang dalawa ni Elmo. "May balak ka din pala pumasok no Elmo!" Sabi ni Mitzie na katropa ni Nora, medyo chubby ito at isa sa pinakamalutong magmura. "Pumasok nga tapos natulog nanaman." Naiinis na sabi ni Julie. "Oo ikaw pa nga ginawang unan eh." Sabi naman ni Dana, ang maliit pero maangas sa grupo nila. At pagkasabi nito noon ay kaagad naman ang pagsangayon ng buong tropa at sabay sabay na kinilig. "AYIIIEEE!" Julie scowled. Wala na siyang narinig kung hindi ganun aba! Pupungas pungas pa rin si Elmo sa tabi niya pero maya maya ngumingiti nanaman at bigla na lang siyang inakbayan. "Kayo talaga... Namumula na tuloy si love..." Lalo tuloy nagingay yung tropa sa harap nila. Mahinang sinapak sa braso ni Julie si Elmo dahilan para mapalayo ito sa kanya. "Aray naman Julie!" "Kulit mo kasi!" "Ayoko na... Masyado na ako kinikilig!" Sabi ni Nora. Nagsihagikhikan naman ang mga kaibigan niya habang si Elmo ay minamasahe pa rin ang kanyang namumula na braso. "Ano ba kinain nyo? May droga yun no?!" Julie asked. Wala. Tumawa lang talaga yung nga babae sa harap nila. "Anyways! Chineck na namin yung sched natin. Wala pa daw talaga yung teacher natin for Chem. Pati yung para sa lecture natin wala. So in short ang susunod natin na class 1:30 pa..." Explain naman ni Nora. Sabay na napatingin si Julie at Elmo sa wrist watches nila. 9:30 pa lang ng umaga! 4 hours vacant nila! "Antagal naman..." Sabi ni Julie. Mas nakakatamad tuloy. Edi sana nakahilata pa siya sa bahay ngayon at tinutuloy na lang ang pinagbabasa na mga libro. “Kaya nga eh... Kakain muna kami diyan sa may Greenwhich." Sabi ni Gretchen, isa pang katropa nila Nora. “Okay thanks. NakapagGM na ba kayo sa iba?" Julie asked. “Ikaw na Miss Prez!” Maligalig na sabi ni Mitzie. “Hehe. Siguro iba naman ang iboboto niyo na president ngayong taon diba?” Julie asked hopefully. Nagkatinginan ang 7 babae bago hinarap ulit si Julie. “Hindi.” Sabay sabay nila na sagot. Julie’s shoulders slightly fell. Ayaw na niya kasi talaga ang trabahong presidente. “Ayan si Nora na lang president natin! Payag ako na VP.” Sagot pa niya, baka sakali mapapayag ang mga kaibigan. “We’ll see Jules!” Sabi naman ng pinakasosyalin sa grupo nila. “Iwan na namin kayong love birds at nagugutom na kami!” Pinanuod ni Julie at Elmo ang paglayo ng grupo ng mga kababaihan. "Ang ingay talaga ng mga iyon kapag nagsama sama ano?" Sabi ni Elmo. "Ha. Sinabi mo pa." Natatawang sabi ni Julie. Pero kahit pa ganun yung mga yun, napamahal na yung mga iyon sa kanya. Wish niya lang talaga hindi siya inominate na president ngayong sem. Baka madagdagan lang ang pagkastress niya. Tiningnan ni Julie ang kanyang cellphone pagkatapos non. Napatagal ata sila Bea? Ano kaya nangyari doon? "Saan nga pala sila Jhake?" Tanong naman ni Elmo habang nagiinat. Medyo nangawit din siya sa pwesto ng pagtulog kanina. "Kanina magaapply sana ng locker natin. Kaso kanina pa yun." Kahit si Julie ay nagtataka na. Elmo shrugged. "Ah. Eh alam mo naman yung sistema natin dito. Napakagulo." Tumayo ulit ito at naginat nanaman bago kunin ang backpack at hinarap si Julie. "Nagugutom ako. Gusto mo kumain?" Napataas naman ang kilay ni Julie sa kaibigan. "Hindi ba natin hihintayin sila Bea?" "Eh nagugutom na talaga ako. Bili lang ako tsitsirya. Kaw ba ano gusto mo?" Elmo asked. Napabuntong hininga na lang si Julie. Ano nga namang laban niya sa gutom. "Pabili na lang ako ng brownies nila." Kukunin na sana niya ang kanyang wallet mula sa bag kaso naglakad na palayo si Elmo. Julie sighed. Ililibre nanaman siya nito. She stayed sitting there by the lobby entrance. Muhkang natapos na din ang program para sa freshmen kanina since nagsisilabasan na ang mga ito. Napatingin naman si Julie sa may gawi ng mga elevator at may nakitang isang pamilyar na muhka na naglalakad papalapit sa kanya. "Hi Jules!" "Hi Jing!" Nakangiting umupo si Jing sa tabi niya. Kaklase din nila ito at isa sa malapit kay Julie. Sobrang bait kasi nito at napakamasayahin. Ginagawa din itong unan ni Julie dahil kagaya ni Mitzie ay maypagka chubby din ito. "Nagkasalubong kami ni Elmo kanina sa may elevator." Sabi naman ni Jing. "Ah oo. Bumili ng pagkain sa canteen sa taas. Lam mo naman yun." Julie shrugged at napangiti. Nakakainis nga eh. Ang takaw takaw kasi nun ni Elmo pero hindi naman tumataba. Sabi pa nga ng iba maganda daw katawan nun. Ma muscle daw. Sabay nagsalita naman si Jing. "Diba lagi kayo magkasama?" "O?" Tanong naman ni Julie. "Hindi kayo?" Natawa si Julie. Sila? Ni Elmo? "O bakit ka natatawa?" Tanong naman ni Jing. "Kasi nagjoke ka eh..." Julie replied. "Hindi yun joke no. I'm just curious kasi...bagay na bagay kayo...hindi man lang kayo??" Tila frustrated na tanong ni Jing. Magsasalita na sana ulit si Julie kaso nakita na ni Jing ang sarili nitong tropa na papalapit. "Oops. Kakain na muna kami Jules. Iwan muna kita ah." Ngiti ni Jing. Binalik din naman ni Julie ang ngiti at kumaway na sa papalayong kaibigan. Magisang napangiti si Julie. Bakit ba pinagtutulakan sila ni Elmo lagi? Hindi lang alam ng mga tao na matalik na kaibigan lang niya ito. Kung tutuusin, iba din yung dahilan kung bakit naging magttropa sila eh. 1 YEAR AGO... In fair, muhkang magiging maingay ang mga kaklase niya. Sa front door ng classroom pumasok si Julie. 1st year niya sa St. Anne's at akala niya late na siya pero wala pa prof. Doon siya dumeretso sa front door at halos lahat ay napatingin sa kanya nang pumasok siya. Ngumiti naman siya sa mga kaklase na binalik din ang ngiti bago siya mapaupo sa pinakadulo banda, yun na lang kasi ang upuang natitira. Sa gitna pa. Sa may aisle banda nakaupo ang isang lalaki tapos may bakanteng upuan sa tabi niya, then may girl naman nasa kabila in short sa gitna na lang siya pwede umupo. She made her way over there at bigla naman nagangat ng tingin yung lalaki na nakaupo sa may aisle. 'Gwapo ah...' Sabay din naman sila nagiwas ng tingin at dahan dahan na lang siyang umupo sa upuan sa tabi nito. Linapag niya ang bagong Jansport na backpack sa may likod ng chair niya. "Hi!" Napatingin siya sa kaliwa at nakitang nakangiti sa kanya yung babae. "Hi!" She answered with the same enthusiasm. "Maigay din pala mga kaklase natin eh no?" Sabi nung babae. Tumango si Julie at napangiti. "Nakita ko yung ibang classroom ang tatahimik. Parang mga hindi makabasag pinggan, samantalang tayo ang iingay." Tumingin pa si Julie sa mga kaklase na nagiingay. May grupo ng mga babae na parang kala mo hindi first time magkakakilala eh. Tapos may isang lalaki na sumasayaw na sa harap at nakikipaglokohan. "Muhkang masaya itong klase natin na ito." Sagot ng babae. "Ako nga pala si Tippy. Stephanie Dos Santos pero please call me Tippy. Ayoko ng Stephanie." "Ah... Julie Anne... San Jose. Julie na lang." At alam kaagad ni Julie na insta-friends sila ni Tippy. Wala pa yung prof. Ewan ni Julie kung ano ba importansya kasi ng klase na ito sa MedTech. NSTP. Sabagay... Lahat naman may ganun. "Oi oi sino ba magaling kumanta dito?" Biglang tanong nung lalaki sa harap. Muhkang sabik na ito sa entertainment. Ang aga kasi masyado ng klase nila. Nakakaumay lang. Nagsivolunteer naman ang mga iba pero puro kalokohan lang dahil maya maya ay naging sayawan na sila sa harap at hindi kantahan. Napatingin naman si Julie doon sa lalaking nasa tabi niya. Gulaf na lang siya nang makita na nakatingin din ito. Iwas agad siya. "Ang tagal naman dumating nung prof?" Sabi ni Tippy kay Julie. The latter only shrugged. Baka malelate lang? "Saan ka nga pala nakatira?" Tippy asked, not bothering with her earlier statement. "Ako kasi malayo pa. I have to take a jeep then a bus bago makadating ng bahay." "Ganun din." Julie answered. "Jeep papunta sa sakayan ng bus. I live in Summit Hills." "So rich kid ka pala ha." Tippy teased. Ngumiti lang si Julie. Exclusive kasi yung village na iyon. At kahit papaano alam niya na nagbibiro lang si Tippy dahil sure siya na mayaman din ito. Aba nakapagaral nga sa St. Anne's eh. Yung mga kaklase nila muhkang mayayaman din talaga. Napaikot ang mata niya sa buong room at nagulat ulit nang makita na nakatingin nanaman yung katabi niyang lalaki sa kanya. Napaisip naman si Julie habang nakatingin sa desk niya at medyo sinusulyapan yung lalaki na ngayon ay deretso lang ang tingin. 'Is there something wrong with my face?' She just shrugged it off and decided to just talk with Tippy. Ang rami rami na nilang napagusapan hangga't sa nagbell na. Signalling na tapos na yung dapat 1 hour nilang klase. Hindi nga talaga sila sinipot nung prof. Kaagad namang nagsialisan ang mga estudyante, chatting their way out of the room. Sinadya magpahuli ni Julie saka ni Tippy, mayroon kasing pila pa sa elevator. Hindi lang sila nagpahuli, may dalawa din silang kaklase na nasa loob pa ng room at parang nagpapalamig pa. "Uhm..." Julie asked hesitantly. "Hindi pa kayo aalis?" "Mamaya na... Palamig muna." Nakangiting sagot nung lalaki. "Panigurado marami pa tao dyan sa elev." Sagot nung babae. "Bea nga pala, siya si Jhake." "Julie..." "I'm Tippy." "Gusto niyo sabay sabay na tayo maglunch?" Bea asked. "Filipino next subject ng block natin, sabay na din tayo pumasok after lunch." Parehong napangiti naman si Julie at si Tippy. Alam nila na instafriends kaagad nila ang dalawang ito. Siguro naman medyo humupa na ang tao sa may elev kaya naman napagdesisyunan nilang lumabas na din ng room. Humupa na nga pero may mga classmate sila na nadoon pa rin, hinihintay ang susunod na cart. Kagaya na lang nung lalaking katabi ni Julie kanina. 'Ayan nanamn itong lalaki. Tingin ng tingin. May dumi ba muhka ko?' Kunwari ay hindi na lang din tumitingin si Julie. Gwapo kasi nito kaya medyo napapaflush din sa kakatitig nito. Nakatayo sila ni Tippy at ang kanilang two new found friends sa may waiting chairs sa floor na iyon nang may tumapik sa balikat niya. "Uh, miss..." She turned around. It was Mr. Titig. She only raised a questioning eyebrow. "Diba taga Summit Hills ka?" Tanong bigla ng lalaki. Pero hindi rin naman na hinintay sagot niya dahil nagsalita ulit ito. "I live there too." Napatigil si Julie at tiningnan ang lalaki. Buong buhay niya nakatira siya sa Summit Hills and she's never seen this guy before. Muhkang nabasa ng lalaki ang iniisip niya dahil ngumiti ito. "We just moved in last week." 'Ah kaya naman pala...' "Oh, doon ka din pala nakatira. Siguro kayo yung nakatira sa Everest St.?" Tanong ni Julie. Balita din niya kasi na may bagong lipat doon. This summer kasi sa Japan siya nagbakasyon kaya wala siya balita sa bagong kapitbahay. If ever magkatapat lang ang street nila at ang naghihiwalay ay yung park sa gitna ng village. "Ah oo. Ikaw ba saang street ka?" "Fuji St." Julie replied. At alam niya na nagets nung lalaki na magkatapat yung streets nila. "Ah... Elmo nga pala..." Sabi nung lalaki. Doon narealize ni Julie na they didn't give each other's names. "Julie..." Simple niyang reply. "Julie dito na elev!" Tawag naman ni Tippy. Medyo napalayo kasi sila nung naguusap. Pumasok na rin si Julie sa loob, sunod ng mga kaibigan niya at nakitang sumunod din si Elmo. Habang nasa loob ay nginitian siya nung lalaki. "Saan kayo maglulunch? Sabay ako ah.. " Doon nagsimula iyon eh. Instafriend nanaman sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD