Chapter 3

2162 Words
BACK TO THE PRESENT... "Finally natapos din!" Napapagod na tumabi si Bea kay Julie doon sa mga waiting chairs kung saan kanina pa nakaupo ang huli. "Wala pa rin si Elmo?" Tanong ni Jhake. Tumabi naman ito kay Bea at inayos pa ang buhok. Napatingin bigla si Bea dito. "Alam mo Jhake, patay ka nanaman kay Mam Estevez, bawal nga daw magpahaba ng buhok ng ganyan. Makapal kasi ang buhok ni Jhake tapos halos umabot na hanggang sa may kwelyo niya. Conscious na napakamot naman sa likod ng ulo niya si Jhake. "Eh kasi naman... Porke't ba science course bawal na mahaba ang buhok?" "Maarte dito sa SAU eh." Sagot naman ni Tippy. "Kamusta naman daw yung sa locker natin?" Julie asked. Oo share share na sila ng locker para tipid. Akala mo mga hindi mayayaman kung makapagtipid. "Wala pa rin si Mokong?" Tanong naman ni Bea nang makita na wala pa rin si Elmo sa paligid. "Ah. Ayun, nagutom nanaman kaya bumili ng pagkain." Julie answered. Bea rolled her eyes. "May balak din pala pumasok." "Asus, e gusto mo na nga rin umuwi kanina eh." Pagloloko ni Tippy. Naupos silang apat doon sa may waiting area nang makita na ni Jhake ang papalapit na si Elmo. "Ayan na pala si Elmo eh." May dala dala itong bag ng Pillows saka Mang Juan. "Kain tayo." Yaya nito sa mga kaibigan bago umupo sa tabi ni Julie. Kaagad naman linantakan ni Bea at Jhake yung Pillows pero pinigilan sila ni Elmo. "Teka!" "O bakit?" Tanong ni Bea. "Magyaya ka na kumain tapos babawiin mo din?" "Yung Mang Juan yung kainin niyo, kay Julie yang Pillows eh." Elmo replied before retrieving the bag of Pillows from Bea then giving it to Julie. Marahang napangiti naman si Julie at tinanggap ang bag. Hindi pa tapos dahil linabas pa ni Elmo ang isang nakaplastic pa na brownie. "Hindi naman halata na mahilig ka sa chocolate ano Jules?" Sabi ni Tippy. "Alam niyo yan..." Julie said. Pagkatapos ay nginitian niya si Elmo. "Thanks Moe. Mamaya na yung bayad libre na lang kita sa bus." "Alam mo hindi ako tatanggi diyan." Elmo replied with a small smile on his face. At dahil nga may halos tatlong oras pa sila sa paghihintay, napagpasyahan nila na dumeretso sa tambayan ng mga estudyante; ang Precinct, Actually yung quadrangle lang nila yun pero tawag nila Precinct. Halo halo yung mga course na nandoon at medyo marami ang tao. May kubo sa upper right part nung Precinct at doon lagi tumatambay ang tropa nila. According sa iba, ang tropang Di-ma-reach nga daw. Hindi naman sadya na sila sila ang naging magkatropa dahil lang matataas ang grades nila. Nagkayayaan lang magsabay sa lunch nung first day of class nung 1st year naging mga magkatropa na. Pinagtitingnan din sila ng ibang MedTech students. Bukod ba naman kasi sa matatalino e, hindi makakaila na mga good-looking and talented din sila. Bea couldn't help but click her tongue. "Bakit ba tingin ng tingin sila sa atin?" "Gwapo kasi ako." Bulong ni Jhake dahilan para mahinang paluin ni Bea ang braso niya at siya naman ay natawa lang. Prente na silang nagsiupo sa kubo at kaagad naman naglabas ng phone si Julie para i-GM sa lahat na mamaya pa ang klase nila. Natapos siya magtext at napasandal na lang sa kahoy nung kubo. Si Tippy busy magbasa ng libro habang nagkukulitan si Jhake at Bea. Matagal na nagtataka si Julie sa dalawang yan. High school pa lang daw kasi magkakilala na ito tapos hanggang college magkasama sila pero friends lang 'daw'. At dahil nabobore nanaman siya, kaagad niyang linabas ang cellphone at nanuod ng kung ano ano habang sinasalpak ang earphones. May shadow na unti unting lumilibot sa screen ng Ipod niya at ng napaangat siya ng tingin ay muntik na tumama ang ulo niya sa baba ni Elmo. "Kagulat ka naman!" Sabi niya. Pero tuloy pa rin sa pagtingin si Elmo sa Ipod ni Julie at hindi pinansin ang pagkagulat nito. "Ano yang pinapanuod mo?" He asked, inserting one earphone through one ear. Nakapatanong ang isang braso niya sa may balikat ni Julie at ang baba naman niya ay nakapatong sa braso na iyon. Julie slowly rolled her eyes pero pinagpatuloy ang pagnuod. "Kung ano ano lang..." Sagot na lang niya. Hindi na sumagot si Elmo at prenteng tinuloy ang pagnuod. Sa totoo lang bumibigat na ang balikat ni Julie dahil nga sa pwesto nila ni Elmo pero okay lang naman sa kanya. Maya maya lang ay tumatawa na sila sa pinapanuod na video. "Oi oi ano yan?" Tanong bigla ni Tippy. Sabay naman na nagangat ng tingin si Elmo at Julie, may remnants pa rin ng tawa sa muhka. "Eh kasi nakakatawa magenglish yung--" "I meant you two." Pagputol ni Tippy sa sasabihin ni Julie. Napakunot naman ang noo ng huli habang si Elmo ay curious din na napatingin kay Tippy. "What about us?" Tanong naman ni Julie. Tippy merely shook her head. "Wala sige continue..." Parehong nagkatinginan naman si Julie at si Elmo dahil pareho nilang hindi gets kung ano ang pinupunto ni Tippy. So they both just shrugged it off and continued with what they were doing. Halos buong oras na free time nila yun lang ang ginawa nila. Kaya naman sobrang nakakatamad pumasok nang time na para sa next subject nila. Lalo na at Communication skills pa yung subject na iyon. Bago yung prof nila. Well, bagong kilala nila. Lalaki ito pero pinaghihinalaan ni Julie na binabae kaso wala naman itong sinasabi sabagay bakit naman ito magpapakilala na bakla diba? Usual lang naman ang ginawa nila for that first day orientation lang naman para sa subject at mabilis din na natapos ang klase. "Guys, una na ako umuwi ah. May ipapagawa pa daw kasi sa akin si Mommy, ewan ko lang kung ano." Sabi naman ni Tippy. Kaagad ito nakipagbeso kay Julie at Bea at kumaway kay Jhake at Elmo bago nauna na sa nga elevators. Inaayos pa kasi ni Julie ang gamit niya habang naguusap si Bea at Jhake. "Magjejeep ba tayo o maglalakad?" Tanong ni Bea. "Lakad na! Malapit lang naman." Jhake replied. Swerte itong dalawa malapit lang kasi ang bahay nila sa campus. Nang maayos na ni Julie ang kanyang mga gamit ay nagsimula na silang apat bumaba. At dahil nasa 4th floor lang naman sila napagdesisyunan na din nila na magstairs na lang. Kaysa maghintay sila sa elevator kung saan mat-trapik lang naman sila. Nakadating naman sila kaagad sa lobby at doon napatigil si Elmo. "O bakit?" Julie asked. Nagsimula maghalungkat sa kanyang backpack si Elmo bago napatingin sa kanila. "Nakalimutan ko yung notebook ko sa taas." "Aysos." Comment naman ni Bea. "Ang tagal natin nakatayo lang doon hindi mo man lang nakita na nawawala notebook mo." "Aakyatin ko lang..." Sabi naman ni Elmo. Hinarap ni Bea si Julie. "Friend, una na kami ni Jhake ah. Antok na rin kasi ako. Para naman makatulog na." Julie nodded. Alam niya na walang makakapagpigil pa kay Bea if ever gusto na nito umuwi. "Sige. Sabihin ko na lang kay Elmo." "Okie okie! See you tomo!" Sabi pa ni Bea sabay beso kay Julie. Kumaway naman si Jhake bago sinundan ang kaibigan na nagmamadali lumabas ng school. And just like that Julie found herself waiting for Elmo yet again in that same chair. Marami na din kasi palabas ng school ng time na yun. May iba din siya na kaklase ang dumaan sa harap niya at kumaway pa sa kanya. 'Antagal naman ata ni Elmo.' Bulong niya sa sarili. Tumingin siya sa direksyon ng mga elevator as if naman kapag tumingin siya doon ay bigla na lang din lalabas si Elmo. May lumabas nga pero hindi si Elmo. "Hi Jing!" Bati niya sa kaibigan. Lumiwanag naman ang muhka ni Jing nang makita siya. "Julie!" Bati ni Jing bago lapitan si Julie at tabihan ito doon sa mga waiting chairs. "Hula ko..." Biglang panimula ni Jing. "Hinihintay mo si Elmo no?" Maliit na napangiti lang si Julie at si Jing naman ay napabuntong hininga na lang. "Kelan kasi magiging kayo?" "Hindi nga kasi..." Julie said slowly. "Friend ko lang talaga si Elmo." "Nako!" Comment naman ni Jing. "Yang mga 'friend friend' na yan. Asus." Humarap naman ulit ito sa kanya. "You mean to tell me na hindi ka man lang naiinlab diyan sa friend mo na kulang na lang ay maghubad ang ibang babae sa kagwapuhan nito? Plus, mayaman, matalino, gentleman... Hindi ka man lang naiinlab?" Dinaan ni Julie sa tawa. "Oi Jing, baka naman ikaw may crush sa kaibigan ko ah." "Hala ako?! May bf ako no!" "Talaga saan?" "Dito nagtatago sa fats ko." At nagtawanan silang dalawa dahil doon. Napailing si Julie after a few moments pero hindi niya makakaila na naiisip din naman niya ang sinasabi ni Jing. Tama ito. Ang rami raming babae ang nagkaka-crush dito at talaga namang naiingit dahil close siya dito. "Saka diba hindi pa nagkaka girlfriend yan si Elmo?" Biglang singit ni Jing. "Baka kaya hindi nagkaka-girlfriend yan kasi ikaw ang gusto pormahan." "Nakita ko na! Tara uwi na tayo? Oi Jing nandyan ka pala..." Tumigil naman sa paguusap si Julie at si Jing nang makita na nakabalik na pala galing 4th floor si Elmo. Muhkang hindi naman nito narinig ang pinaguusapan nila. "Hi Elmo." Bati naman ni Jing. Tumayo na rin ito at kinuha ang bag. "Gorabells na ba kayo? Ako rin jujuwi na." Jing smiled. By this time ay tumayo na din si Julie at kinalong pa ang bag. "Dito kasi ako sa may West gate dadaan. Anyways. See you tomo!" Jing said. Binigyan pa niya si Julie ng nakahulugan na tingin bago naglakad palayo. Tiningnan naman ni Elmo si Julie. "What was that all about?" He asked. Tumawa lang si Julie. "Wala... Lam mo naman yan si Jing... May sayad." Tumawa lang din si Elmo. "O ano tara? Uwi na rin tayo... Sila Jhake nga pala?" "As usual nauna na... Tara." Sasakay muna sila ng jeep papunta sa may main road na banda bago sumakay ulit ng bus na tumitigil mismo sa harap ng village nila. Kung pwede lang talaga gusto na matutuo ni Julie magdrive pero sabi ng kuya niya hindi siya tuturuan nito hangga't di pa siya 18 which was still next year. May isang bus na dumaan pagkababa nila ng jeep. Being the gentleman that he was, pinauna kaagad ni Elmo si Julie at inalalayan pa ito bago siya naman ang sumunod. Hindi naman ganoon ka puno ang bus. Julie found a seat by the window at tumabi naman sa kanya si Elmo. Hindi pa sila nakakalimang minuto sa loob ng bus na yun ng humarap si Elmo kay Julie at bigla namang nagpuppy dog eyes. "Julie..." "Ano?" Julie asked kahit alam na niya ang sasabihin ni Elmo. "Ililibre mo naman ako ng pamasahe diba?" Nakangiting sabi ni Elmo. Natawa lang si Julie. 20 pesos lang naman kasi yung pamasahe. Mas mahal pa linibre nito na pagkain sa kanya kanina. "Oo diba sabi ko kanina..." Sagot ni Julie. "Yown! Salamat! Sabi naman ni Elmo. At walang sabi sabi ay inihiga nanaman nito ang ulo sa may balikat ni Julie. Napabuntong hininga naman ang huli. 'Kahit kelan talaga Elmo napakaantukin mo...' Sakto naman na dumating din ang conductor at binigyan sila ng ticket sabay na din na pagbayad ni Julie para sa kanilang dalawa. Hapon na hapon at ang nakakahele na 'Ikaw Lamang' ng 'Silent Sanctuary' ang tumutugtog sa radyo sa loob ng bus. Hindi namalayan ni Julie na nakatulog na rin pala siya... "Ma'am... Sir..." Unti-unting bumuka ang mga mata ni Julie. 'Ang bango...' Nang tuluyan naman nakabukas ang kanyang mata, saka niya narealize na nagiba ang pwesto nila ni Elmo. Nakahiga na ang ulo niya sa dibdib nito at ang ulo naman ng lakaki ay komportableng nakapatong sa ulo niya. Dahan dahan siya gumalaw pero nagising pa rin si Elmo. At doon niya nakita na nakatingin ang conductor sa kanila. "Ma'am...Sir... Last stop na po natin." "Ha?!" Sabay nilang nasabi ni Elmo. Kaagad naman sila tumayo at bumaba ng bus. Nasa kaduluduluhab na sila. Their village was 4 stops ago. "Shet naman..." Mahinang sabo ni Julie. Natawa naman si Elmo at tiningnan ang kaibigan. "Wala eh... Masarap talaga matulog sa akin." Mahinang pinalo nanaman ni Julie ang braso ni Elmo. "Kapal mo talaga. Eh ikaw nga itong naunang natulog sa akin." "Ah oo, masarap din kasi matulog sayo." Nakangising sabi pa ni Elmo. Pinalo nanaman siya ni Julie. "Oi nakakarami ka na!" Sabi ni Elmo na natatawa. Kinuha na niya ang kamay ni Julie at hinila ito palayo. "Tara na! Jeep pa ulit tayo pabalik!" At parang mga naglalarong bata na patakbo silang tumawid sa kabilang side at parehong nagtatawanan. All the while ay nararamdaman ni Julie ang mahigpit na paghawak ni Elmo sa kanyang kamay. Ang saya saya kasi niya pagkasama niya ito...Narinig niya yung boses ni Jing sa utak niya... 'Hindi ka man lang naiinlab?' =
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD