Chapter 4

2179 Words
"Mam Julie! Sir Elmo!" "Hi kuya!" Bati ng dalawa pagkaapak nila sa may gaurdhouse ng village. "Bakit galing kayo ng jeep?" Nagtatakang tanong ni Kuya Nato, sekyu ng Summit Hills. Elmo pointed to Julie. "Kasi ito kuya nakatulog eh..." "Kapaaaaaal... Next time iiwan kita kapag tulog ka." Sagot naman ni Julie. Natawa lang si Elmo. "Sige subukan mo, magigising pa rin ako kasi lagi naman ako sayo natutulog." "Nako kayo talaga mga bata kayo! Bagay talaga kayo!" Natatawa na sabi ni kuya Nato. "O siya, lakad na kayo malapit na magdilim." "Oks kuya! Thanks! See you tomo!" Julie replied kahit pa naiiling sa sinabi ni kuya Nato na bagay daw sila. Nagsimula na maglakad palayo ang dalawang estudyante. Nasa kalagitnaan ng mismong village ang mga street nila since nasa harap nga nila ang mismong plaza. "Napapagod na ako... Kalong mo nga ako Julie." "Akala mo magaan ka? Kumag na toh!" "Macho ka naman diba? Sige na!" Elmo pouted at umakbay nanaman kay Julie. Sanay na sanay na sila na ganito. Halos araw araw ba naman kasi sila magkasama. "Oi kayong dalawa!" They stopped walking when they heard the call. Napatingala sila pareho at sabay na napangiti nang makita ang kaibigan nila na nakatambay sa may balcony ng bahay nito. "Maq!" Julie greeted happily. Prenteng nakaupo sa isang lounging chair si Maqui bago tumayo at nag-lean sa railings para tingnan ang dalawang kaibigan na nakatayo pa rin sa gitna ng kalsada. "Wala ka duty ngayon?" Julie asked. Nakatingala pa rin sila kay Maqui. "From duty ako ngayon! Punta kayo dito bilis!" "Pass muna ako Maq!" Sabi naman ni Elmo. "Antok na ako eh!" "Kahit kailan ka talaga Magalona!" Maqui replied pero natatawa. "Ako hindi!" Sagot naman ni Julie. "Bihis lang ako tapos punta na ako dyan!" Tumakbo na ito papunta sa bahay nila at nakasunod naman si Elmo. In no time ay nauuna na ang lalaki at tinatawanan ang kaibigan habang humahabol pa rin ito. "Ambagal mo Julie!" "Madaya ka! 5'9" ka kaya! 5'5" lang ako mas mahaba legs mo!" Sagot ni Julie habang tumatakbo pa rin. Tumawa lang lalo so Elmo hanggang sa naabot na nila bahay ni Julie. Julie huffed. Physically fit naman siya eh pero peste naka pencil cut kaya siya! "Haha! Pawis na pawis ka o." Elmo joked sabay pahid pa ng pawis ni Julie. The latter swatted his hand away. Sakto namang bumukas bigla ang gate nila Julie at tumambad sa kanila ang loyal na kasambahay ng nga San Jose. "O, Julie, Elmo... Ano nangyari sa inyo? Bakit pawis na pawis kayo?" "Eh kasi ito si Julie nay nakipagcontest hindi naman pala kaya." Natatawang sagot ni Elmo. Tiningnan naman siya ng masama ni Julie. "Kapal mo talaga Magalona. Naka pencil cut lang ako kaya natalo mo ako no." "Excuses!" "Shut up!" "Ay kayong dalawa talaga! Parang mag-asawang nagaaway aba." Natatawang sabi ni Nanay Dora. Binuksan na nito ang gate at kaagad na pinapapasok ang alaga. "Julie Anne bilis pumasok ka na at magbihis baka matuyuan ka pa niyan.... Ikaw ba Elmo papasok?" "Hindi na po nay. Uwi na rin po ako." "Aba sipag ah, may assignment na kayo?" Tanong naman ni Nanay. Natawa si Julie tumigil sa may harap ng pintuan nila. "Nako nay, matutulog lang yan!" "Kilala mo talaga ako love! Sige na uwi na ako! See you tomo!" Tawa pa ni Elmo bago tumakbo na papunta sa bahay nila. "Stop calling me that!" Balik sigaw naman ni Julie kahit pa nakakalayo na sa kanila ang binata. Pumasok na siya ng tuluyan sa loob ng bahay habang nakasunod naman sa kanya si Nanay Dora. "Si Dad po nay?" "Nasa work pa anak, maaga pa kaya." Napatingin naman si Julie sa orasan. Tama nga si nanay. Alas singko pa lang ng hapon. Mga 6:00 pa makakauwi yung dad niya. "Si kuya po?" "Hanap mo ako?" Napaangat ng tingin si Julie at hinarapa ang stairs nila. "Hi kuya! La lang, namiss lang kita." "Asus..." Bumaba ang nakatatandang San Jose at linapitan si Julie bago halika ang tuktok ng ulo nito. Napalayo naman ito ng kaunti at napatingin kay Julie. "Julie Anne San Jose bakit pawis na pawis ka?" Napakagat labi si Julie at nginitian na lang ang kanyang kapatid. "Haha sige kuya Christian akyat na ako! Maliligo pa!" Napapailing na lang si Christian habang pinapanuod ang kapatid na paakyat ng staircase nila. Saka naman siya humarap kay Nanay Dora na napakibit balikat na lang. "Kasama niya kasi si Elmo kanina, ayun parang mga batang nagkakarera..." Christian once again shook his head pero natatawa na din. "Yung kapatid ko talaga na yan akala mo hindi 17 years old eh." =============== "Maqui!" Tawag ni Julie sa kanyang kaibigan.  She looked up at the balcony in front of her and saw that Maqui was still there. "Akyat ka na dito Jules bilis!" Nakangiting pumasok sa loob ng bahay si Julie. Nung una ay sumisilip silip pa siya kung nandyan parents ni Maqui kaso muhkang mag-isa ang kaibigan niya sa loob ng bahay kaya naman deretso na siya papunta sa kwarto ni Maqui at sa balcony nito. "Hi bakla!" Bati sa kanya ni Maqui. May nakalapag na dalawang baso ng Coke sa harap niya at yung 1.5 na bote ay tabi habang may Pic-A naman sa harap niya. "Kelan pa ako naging bakla?!" Julie yelled. "Si Nico yung bakla! Saan nga ba yon?" "Ewan ko, text mo. Alam mo namang mas mahal ka non! Iaang text mo lang pumupunta na dito!" Natawa naman si Julie sa sagot ng kaibigan. Dahil totoo naman na mas pinapakinggan siya ni Nico. Naupos siya sa upuan sa may tabi ni Maqui at linabas ang telepono para itext ang kanilang kaibigan. Unlike Elmo, mas matagal na kakilala ni Julie Anne si Maqui at si Nico. Parang senior kinder pa lang magkakakilala na sila eh. "Kamusta naman first day?" Maqui asked. Mas matanda siya kay Julie ng dalawang taon kaya naman 4th year na ito, taking up nursing. Julie shrugged her shoulders. "Ayun as usual wala naman masyado ginawa. Kakabagot na kanina eh." "Wala man lang exciting na nangyari sayo?" Saka naman naalala ni Julie yung nangyari sa kanila ni Elmo nung pauwi. Kaya hindi niya napigilan ang sarili na mapakwento. "Kainis diba? Lagpas pa tuloy kami." Julie said once she finished telling Maqui everything. Natpos na siya sa pagkwento pero nakita lang niya na nakatingin sa kanya si Maqui at ngiting ngiti. "What does that look mean?" "Oi Julie Wag mo ako ineenglish ah!" Maqui laughed. "Anyways! Inis ka ba talaga o naenjoy mo naman ang pagtulog mo kay Elmo? Bukambibig mo nanaman si Magalona!" "Abnormal ka talaga Maq! Ikaw itong nagtatanong kung anong nangyari sa akin ngayong araw tapos aasarin mo ako..." "Hoy San Jose! Ayun na nga eh! Ang tinanong ko kung ano nangyari sayo ngayong araw! Hindi ko tinanong ang tungkol kay Magalona!" Balik pa ni Maqui halatang gusto lang mangasar kay Julie. "Hoy mga bruha ano ginagawa niyo jan?" Sabay na napasilip si Maqui at si Julie sa nagsalita at nakitang si Nico ito na nakapamaywang sa may baba ng bahay nila Maqui at prenteng nakatayo sa kalsada. "Akyat na dito Nico baby! Gwapo gwapo mo talaga!" "Tseh! Tigil tigilan mo ako Frencheska Farr!" Sigaw ni Nico. Nakita naman ni Maqui at Julie na pumasok na ito sa loob ng bahay and in no time ay naglalakad na ito palapit sa kanila sa pwesto nila sa balcony. "Tabi Hulyeta..." Sabi ni Nico at sinisiksik pa talaga ang sarili sa wicker chair na inuupuan ni Julie. "Dito ka pa talaga ah! Doon ka kay Maqui mas payat sa akin yan!" "Ayun nga eh! Puro buto kaya yan masakit!" Nico replied. Tawa lang ng tawa si Maqui habang pinapanuod ang dalawang kaibigan. Kung si Maqui payat... Si Nico medyo malaman. Maputi din si Nico, mas maputi pa kay Julie at kay Maqui, may lahi din kasing intsik. Sa ibang university din ito nagaaral ng Business Management naman. "Anyways narinig ko na pinaguusapan niyo nanaman si pogi." Sabi ni Nico sabay dakot sa Pic-A. Maqui rolled her eyes. "Hoy ano ka ba bakla, wag mo na aagawan ng boylet si Julie ah. Lam mo namang NBSB itong kaibigan natin na ito eh at ang pag-asa niya lang ata ay kay Magalona." "Ugh! Will you two stop it about Elmo!" Julie groaned. Hindi niya maintindihan kung bakit ba pinagpipilitan silang dalawa ni Elmo. "Ilang beses ko ba kasi sasabihin sa inyo na kaibigan ko lang si Elmo? Parang kapatid ko yun na lagi ko kaaway." "Kapatid?!" Nico mock gasped. "Ano yun! Incest! Eh pagdating nga sayo hindi alam ni Elmo ang word na 'personal space' eh!" Julie clicked her tongue. "Wala nga kasi yun. And what made you think ba na may gusto ako don sa lalaking iyon?" She asked her friends as she grabbed more chips. "Bakit wala nga ba?" Maqui challenged habang kumukuha ng isa pang baso at binibigyan ng coke si Nico. "Alam mo ba na siya ang bukambibig mo simula pa last year?" 'Ay nung isang araw si Elmo...' 'Si Elmo kasi...' 'Kaloka talaga ito si Elmo...' Both Maqui ang Nico would've gone on about Julie and her daily rant about Elmo kaso sumingit na ang huli. "Eh siyempre lagi kasi kami magkasama non..." Pagdadahilan ni Julie pero narealize niya na hindi ganun ka firm ang pagsabi niya. Para bang siya mismo ay nagdadalawang isip. "Yun na nga Jules eh..." Nico said gently. "I mean, this isn't entirely just because of 'you', you know. Ang rami rami ko kakilala na kahit ba pareho ng inuuwian ay hindi naman sabay lagi. Naging habit niyo lang ni Elmo because you two truly enjoy being together. Kumbaaga siya rin mismo kasi ang lapit ng lapit sayo non." Si Maqui naman ang nagsalita ulit. "Ganito pa Jules... Lagi kayo magkasama... Iisang tropa lang kayong dalawa... Tapos alam mo ba na kapag hinahanap ka, si Elmo ang unang tinatanong, o di kaya kapag siya ang hinahanap ikaw naman ang unang tinatanong? Pati nga hilig niyo sa music at kung ano ano pa ay compatible talaga." "At super bagay kayo!" Kinikillig na singit ni Nico. "Kasi ikaw, maganda, matalino, mabait... Siya, gwapo, matalino din not to mention napaka gentleman kahit pa lagi ka nito binibiro!" "Hinihintay na lang talaga ng iba na maging kayo na...." Maqui pointed out. At dumagdag pa si Nico. "Oo nga friend... It makes sense kasi..." =============== Hindi na rin nagtagal ang tambay mode nila Julie, Maqui at Nico dahil may pasok pa sila lahat kinabukasan. "Hi pa..." Bati ni Julie nang makita ang ama na nanunuod ng TV sa may living room. "O, Julie... Saan ka galing?" Tanong ni Kent San Jose habang may hawak na isang baso ng iced tea. "Kayla Maqui po. Nagkwentuhan lang po kami with Nico." Sagot ni Julie bago nagmano sa ama. "Hindi niyo kasama si Elmo?" Natigilan si Julie sa sinabi ng ama. 'Ito nanaman...' "Ah. Hindi po pa, Pagkauwi namin natulog na iyon eh." "Ah ganon ba, lagi kasi kayo magkasama..." Kent merely shrugged. "May dinner nga pala diyan. Nauna na kami ng kuya mo." "Okay lang po dad, busog po ako. Deretso kwarto na lang ako." Julie replied. Dahil totoo namang nabusog siya sa Pic-A. "O sige. Goodnight." "Goodnight dad..." Akyat naman na kaagad si Julie sa kwarto niya. Naririnig niyang nagpapatugtog si Christian ng music sa kwarto niya. Siya naman ay sa sariling room na pumunta. Naghalf bath siya and changed into shorts and a sando. Humilata na siya sa kama at magbabasa sana ng 'Shiver' ni 'Maggie Stiefvater' pero hindi mawala sa isip niya yung pinagsasabi nila Maqui at Nico. Hindi nga lang sila ang nagsasabi eh. Pati yung mga classmates nila. Si kuya Nato... Si Nanay Dora... Saka papa niya. She shook her head and tried to get rid of those thoughts. Kaibigan lang niya si Elmo. 'Keep telling yourself that Julie...' Napailing nanaman siya. Eksena naman itong boses sa ulo niya. 'If ever nga na may gusto ako sa kanya parang wala naman siya gusto sa akin...' Napaupo siya sa kama. "Julie ano ba iniisip mo!" She gasped, trying to be quiet as possible. Sakto naman na may nagtext sa kanya. 'Julie! Sabay tayo bukas ah! 10 pa naman pasok! - Elmo gwapo' Natawa si Julie. 'Kalokohan talaga nito.' Nailapag niya ang phone sa gilid matapos mabilis na nagreply na okay lang sa kanya. Kapag late kasi ang klase madalas nagsasabay sila dahil hindi naghahabol si Julie na maging maaga at si Elmo naman ay hindi nagpapakabatugan na magpa-late. Pero ito nanaman yung feeling niya. That feeling of being giddy na magkasama sila ni Elmo bukas ng umaga hanggang paguwi pa. 'Shet this is not good. Damn you Maqui and Nico!' ================== AN: Hi friends :) sorry ngayon lang nakapagupdate haha! Katambay ko kasi yung mga anak ko kagabi (anak sa choir hahaha gitarista and singer po kasi ako at may mga tinuturuan ako na mas bata :P) Kamusta naman? Comments or vote po if may time :) they are greatly appreciated! Thank you po sa nagbabasa! Mwahugz! -BundokPuno <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD