"Nako Julie Anne itong boyfriend mo kukutusan ko na talaga ah." Inis na sabi ni Maqui nang makapark na sila sa may Margin, isang bar na malapit lang naman sa village nila.
"Hindi ko nga boyfriend si Elmo!" Julie sneered before going out of the car.
Nakasunod naman sa kanya si Nico na pumipikit pikit na ang mata.
"Alam mo Jules, kung si Maqui kukutusan lang yang boyfriend mo ako tatadyakan ko na!" Nico said at finally ay nabukas ang singkit na mga mata. "Panira siya ng beauty sleep ko eh!"
Nasa harap na sila ng entrance ng bar, it was packed. Halata naman sa tao na nagsisipasok at nagsisilabas.
"Hindi ko naman kayo isasama kung marunong ako magdrive at hindi lasing yung hunghang na yun." Julie sighed.
Mabuti nga nasabi pa sa kanya ni Elmo kung ano pangalan at kung saan yung bar bago nito naibaba yung tawag.
"Paano naman kaya nakapasok yun?" Sabi ni Nico habang nakatayo sila ni Maqui sa tabi ni Julie. Nakatingin sila sa bar na nasa harap nila at iniisip kung papaano ang gagawin nilang tactic.
"Diba underage din si Elmo?" Sabi naman ni Maqui. Magka-age nga lang naman talaga sila ni Elmo. Mas matanda lang ito sa kanya ng mga 20 days so pareho silang 17 years old pa lang.
Si Maqui naman 19 na habang si Nico ay 18 kaya sila both ay pwede na pumasok sa loob mismo ng bar.
"Jules..." Napatigil sa pagiisip si Julie nang makita niya yung lalaki na parang nalilitong lumabas ng bar.
"Hindi ba si Harold yan? Yung mahilig din maglaro ng basketball sa atin?" Nico pointed out.
Hindi na naghintay pa si Julie at kaagad linapitan ang sumusuray na lalaki.
"Harold!"
Kaagad naman napatingin ang muhkang nalilito pa rin na lalaki sa tumawag sa kanya at napangiti naman nang makita na si Julie ito.
"Julie! Buti nandito ka na, susunduin mo ba si Elmo?" Nakangiti pa rin na sabi ni Harold.
Matalim na tinitigan ni Julie ang lalaki. "Hoy Harold, ikaw ba ang nagsama kay Elmo dito sa bar? Underage pa siya!"
Nakatayo silang dalawa banda sa may entrance kaya kaagad naman sumenyas si Harold kay Julie na hinaan lang ang boses.
"Jules ano ba, matangkad naman si Elmo eh saka muhka na siyang 18 kaya wag ka magalala--aray!" Napahawak si Harold sa braso niya na malakas na pinalo ni Julie.
"Anong wag mag-alala?! E tumawag sa akin lasing na lasing!" Namumula na ang muhka ni Julie sa galit. "Asan siya?!"
"N-nasa loob..."
"Jules ano na nangyayari?" Tanong naman ni Maqui at ni Nico na ngayon ay nasa harap na nila.
Hindi pinansin ni Julie ang dalawang kaibigan bagkus linapitan pa si Harold at nanlilisik ang mga mata na sinabi; "Ikaw sasamahan mo ako sa loob at tutulungan mo kami nila Maqui at Nico maipasok siya sa kotse, malinaw?"
Parang pinapagaliatang bata na tumango si Harold at talaga namang napalunok din sa takot kay Julie.
Sa gilid ay natirang tumatawa si Maqui at si Nico habang mahina na tinutulak ni Julie si Harold para dalhin siya sa loob.
In fairness dahil naniwala naman ang mga bouncer na 18 na rin si Julie. Dinaan na din niya sa charms niya at sa connection ni Harold sa bar.
Mausok sa loob at ayaw na malaman ni Julie kung ano ba yung naamoy niya sa mga kasuluksulukan ng lugar.
"Asan siya Harold?!" She yelled through the loud music beating across the place. Ayaw pa naman niya ng ganito. Para kasing tainga ng aso yung tainga niya, ang lakas makapick up.
"Nasa may bar!" Balik sigaw ni Harold. Hindi sila magkakarinigan kapag hindi ito linakasan ang boses.
"Asan daw Jules?!" Tanong din naman sa kanya ni Nico. Umiwas pa ito dahil sa mga taong talaga naman sa dance floor pa naglampungan at hindi na lang sa kwarto ginawa ang kababalaghan na kinaiinitan nila. "Kadiri! Hanapin na natin yang boyfriend mo Julie Anne at feeling ko madikitan lang ako dito mabubuntis na ako!"
"Kapal mo bakla e wala ka namang matres!" Maqui yelled as they all followed Harold who was already walking to the direction of the bar.
"Kahit kailan ka talaga Frencheska Farr napaka bully mo!"
Naririnig pa rin ni Julie ang pagbabangayan ng dalawa niyang kaibigan sa likod habang siya ay nakasunod lang kay Harold, dapat lang hindi ito mawala sa paningin niya.
Sa may dulong bahagi ng lugar na sila nakapunta at doon nakita ni Julie ang kaibigan na nakasalampak sa may bar counter. Define K.O.
"Julie, checheck ko lang kung nandyan pa yung kaibigan ko na may ari nung bar, para hindi kayo mahuli ni Elmo." Sabi ni Harold na muhkang natatakot pa rin kay Julie.
Tumango lang naman ang nahuli at kaagad na linapitan si Elmo.
"Elmo..."
Wa.
"Elmo..." She tried harder and this time sa may ulo na din niya ito tinatapik.
That seemed to work dahil unti-unti na nagigising si Elmo.
"Elmo..." She tried one last time. By this timd nasa likod na din niya si Maqui at si Nico na hinihintay lang sa mga plano ni Julie.
"Mmmm...." Groggy ang muhka ni Elmo ng magising ito at halatang nakainom nga dahil namumula ang muhka, or was that the mark of the jacket his face was placed on starting to show itself.
"Good gising ka na. Let's go." Julie moved to help the young man stand up.
"Jules?" Sambit ni Elmo. Parang ngayon lang nito narerealize na, oo si Julie nga ang nasa harap niya ngayon at sinusundo siya sa maingay at magulong bar na iyon.
"Pwede ba Elmo, buhatin mo din ang sarili mo kahit papaano, hindi ka magaan." Sabi naman ni Julie. Then she turned to Nico and Maqui as if asking for help.
"Bakla, tulungan mo na magbuhat si Julie Anne."
"Hala bakit ako?" Nawiwindang na tanong ni Nico.
"Eh ala namang ako ha, kita mo ba yan si Magalona? Kalaking tao eh!" Comment naman ni Maqui.
"Tsk fine!"
Sakto naman na nawawalan nanaman ng ulirat si Elmo kaya buti na lang talaga at lumapit na sa kanila si Nico.
"Elmo!" Sigaw naman ni Nico sa inis. Nakaalalay siya sa kaliwang braso ni Elmo samantalang si Julie ay sa kanan ni Elmo.
"Punyeta naman Jules, nagwowork out ba ito si Magalona? Nararamdaman ko maskels niya eh." Biglang sabi naman ni Nico.
"Tumigil ka nga bakla at dalhin na lang natin sa kotse yang si Elmo." Sabi naman ni Maqui.
Hindi na nila hinanap pa kung saan man napunta si Harold dahil parehong nabibigatan na si Julie at si Nico kay Elmo.
Sa wakas ay nalagpasan nila ang mga tao na muhkang magdamagan pa ang magiging pagparty doon sa Margin.
"Leche Elmo ang bigat mo!" Naiinis na sabi ni Nico. Kaso wala... Currently knockout ang kausap niya ngayon.
Pumasok na sa may back seat si Julie at doon na din nila pinaupo si Elmo habang si Maqui ay dumeretso na sa driver's seat at si Nico sa passenger seat.
"Asan na yung kumag na sinama pa yang si Elmo sa bar?" Tanong ni Maqui habang stinastart yung makina.
"Pinatay ko na." Inis na sabi ni Julie pero sa totoo lang ay tinetext niya ito ngayon para ipaalam na pauwi na sila.
Elmo's head kept lolling to the side at muhkang naging komportable ito sa paghiga sa may balikat ni Julie.
"O saan natin iuuwi yan?" Nico asked.
Napabuntong hininga naman si Julie. "Kanino pa edi sa ate niya."
"OH.MY.GOD." Ayun ang bumungad sa kanila nang makarating sila sa Magalona residence.
"Ano nangyari?" Nalilitong tanong ni Ate Maxx habang pinapasok ni Julie at ni Nico ang kasalukuyang knockout na si Elmo sa loob ng bahay.
"Ate, si Maqui na muna ang mageexpalin, dalhin na lang namin si Moe sa taas." Sabi ni Julie.
Kaagad naman na inakyat ni Julie at ni Nico ang kanilang kaibigan sa kwarto nito.
"Ayoko na Julie!" Sabi ni Nico once na maihiga nila sa kama si Elmo. "Ang bigat ni Elmo!"
Hindi na sumagot si Julie dahil talaga namang kahit siya ay napagod kakabuhat kay Elmo.
Umuungol ungol lang ang lalaki at halatang nahihilo na sa sobrang kalasingan.
"Nico salamat, ako na bahala dito." Sabi naman ni Julie. Nahihiya na din kasi siya sa kaibigan at talaga namang ginambala ito para lang sunduin nila si Elmo.
"Oh my gosh Julie." Sabi naman ni Nico at talaga namang may patakip takip pa sa bibig na nalalaman.
Julie's eyebrows raised slightly at that. "Bakit? Oh my gosh oh my gosh ka dyan?"
"Wag mo sabihing... Ah!" Nico gasped at kunwari pa'y naiiyak. "Hahalayin mo si Elmo--aray!" Impit na sigaw naman ni Nico sa pagbato sa kanya ni Julie ng isang unan galing sa kama ni Elmo.
"Puro kalokohan yang utak mo bakla! Sige na go! Salamat!"
"Wushu if I know!" Natatawang sabi ni Nico. "Sige na enjoy ka na diyan sige go."
At humahalakhak na lumabas ito ng kwarto ni Elmo.
Nanahimik naman si Julie at napailing na lang bago ibaling ang kanyang tingin sa ngayon ay lasing na lasing niyang kaibigan.
"Nako naman Moe..." She sighed before going over to him.
Pabaling baling ang ulo ni Elmo at talaga namang muhkang punong puno ng alcohol ang sistema nito.
"Moe, gising saglit kailangan mo magpalit ng damit." Sabi ni Julie habang tinatapik ang balikat ni Elmo. Pero wala namang bisa ang ginagawa nito dahil knockout kung knockout ang peg ni Elmo.
"Moe sige na bilis." Julie sighed. She reached for him and had him sit up straight, his head resting on the head board.
"Mmm...Xyra." Leche. Lasing na at lahatyung babae pa rin na iyon ang iniisp. Gumalaw naman ulit ito. Ay sa wakas. Muhkang nagkakaroon na si Elmo ng ulirat. Unti unti nitong binuksan ang mga mata at groggy na napatingin kay Julie. "J-Jules?"
"Oo, Elmo, ano ba problema mo at naisipan mong maglasing? Sa bar pa! Mas okay na sana na dito lang kayo sa loob ng village!" Naiinis na sabi ni Julie habang tinatanggal ang T-shirt ni Elmo. Wag ka titingin Jules, kahit ba maganda abs niya. Naglakad siya papunta sa damitan ni Elmo at kaagad naman bumunot ng twalya bago dumeretso sa nakakabit na banyo ng lalaki at binasa ito ng tubig.
Nang bumalik siya sa kwarto ay naka-tulala lang sa kawalan si Elmo. Nagulat na lang si Julie nang bigla ito tumayo at patakbong linagpasan siya papasok ng CR.
Ang maingay na pagsuka nito ang sunod na narinig ni Julie. Kaya naman mabilis siyang sumunod sa lalaki at hinagod hagod amg likod nito habang linalabas nito lahat ng nakain at nainom.
Nakalipaw din ang isang minuto at pagod na napasalampak sa may sahig si Elmo.
Julie clicked her tongue as she watched her friend helplessly lying there on the floor. Kahit nahihirapan ay pinatayo niya ito at tinulungan na maghilamos at mag tooth brush. Para akong may alagang bata eh.
After that ay dinala niya ulit ito papasok ng kwarto at pinahiga sabay punas sa katawan nito.
"O! Painumin yan ng gamot." Napatingin si Julie sa nagsalita at nakita na pumasok sa loob ng kwarto si Maxx. May dala itong inumin na nakikita ni Julie sa Ministop kung minsan, alam niya pampatanggal amats yun eh.
Elmo was still lolling his a head at inis na napatingin naman si Maxx dito. "Nako talaga Elmo Moses, patay ka sa akin paggising mo bukas." Huminga ito ng malalim kumbaga ay pinapakalma ang sarili bago harapin si Julie. "Baby pabantay muna saglit sa kanya ah. Magluluto lang ako ng sabaw na pwede niya kainin."
"Sige po ate."
Lumabas naman na si Maxx at naiwan ulit silang dalawa nang magsalita ang bunsong Magalona.
Ininom naman ni Elmo yung dala ni Maxx at hinayaan na gumana ito sa sistema niya. After a few minutes gumalaw nanamn ito.
"Jules, ang sakit ng ulo ko." Elmo moaned.
Napailing nanaman si Julie habang patuloy na pinupunasan ang braso ng kaibigan. Maigi niyang tiningnan nito. "Bakit ka ba kasi naglalasing? At si Harold pa talaga ang kasama mo eh alam mo naman na isa pa yung ugok." Tanong pa ng tanong Julie kahit alam naman niya yung dahilan pero gusto lang din niya talaga maconfirm.
Hindi naman siya sinagot ni Elmo at napatingin lang ito sa may gilid.
Julie sighed. O sige edi wag mo sabihin sa akin. Lalasing lasing hindi naman pala kaya.
"Naiinis kasi ako kay Xyra." Biglang sabi naman ni Elmo.
Kaagad naman napaangat ng ulo si Julie. Wow. Nagsalita. Napabuntong hininga naman si Julie. Laking hirap naman na binibigay nung babae na iyon sa iyo.
"Binabalikan kasi siya ni David tapos may balak naman ata patusin." Elmo explained, his words were a little slurred but Julie could understand perfectly well what he was saying.
Tumigil na si Julie sa pinaggagawa niya at tiningnan na lang si Elmo. "So dahil doo naglalasing ka. Elmo naman! Edi kausapin mo si Xyra tungkol doon. Hindi yung iinom ka dahil gusto mo lang makalimot."
Elmo clicked his tongue and scratched the back of his head in annoyance. "Para ano pa? Para ipamuhka niya sa akin na pumayag lang siya magpaligaw sa akin when truth is hinihintay lang niya na balikan siya ni David."
"Well then you're both at fault!" Sabi ni Julie. Hindi niya napigilan ang pagsigaw. Inis na kasi talaga siya. "Napakdrama mo naman kasi Elmo! Parang ganun lang!"
"Hindi mo naman kasi naiintindihan ang naiintindihan ko!" Elmo yelled back. Nawawala na din ang slur sa boses nito at nakaupo na ito sa gilid ng kama habang si Julie ay nakatayo sa harap niya. "I care about Xyra tapos para sa kanya laro lang! Alam mo ba yung feeling na iyon?!"
"Alam mo kung ano masakit Elmo?" Julie asked slowly dahil baka kapag dinerederetso niya ay hindi siya makapagtimpi. "Yung you care about someone pero alam mo na wala talaga e, yung sinusubukan mo na nga lang na hindi pansinin yung feelings mo para doon sa tao na iyon dahil alam mo na wala naman talaga chance. Yung gusto mo na nga lumayo kasi each passing day mas lalo ka lang nahuhulog, pero paano mo iyon magagawa eh lagi kayo magkasama, tapos alam mo walang chance dahil may gusto itong iba at hindi ka naman sasaluhin. At kahit anong iwas mo pa hindi ka makatakas dahil halos lahat ata sa paligid mo yung tao lang na iyon ang pinapaalala sayo. Natutuwa ka kapag sinasabi na bagay kayo pero kahit ba isipin ng lahat na kayo na lang dapat para sa isa't isa, it doesn't change the fact that he likes someone else and that someone isn't you." Hindi namalayan ni Juli na may luha na palang nahuhulog mula aa kanyang mga mata. "So suck it up Elmo! Kung gusto mo edi ipaglaban mo si Xyra, choice mo na kung habulin mo pa rin siya e ginagago ka lang din naman niya."
Hindi na niya hinintay pa magsalita si Elmo at lumabas na sa kwarto ng lalaki. Tumigil muna siya sa may corridor para magpunas ng luha. Baka makita pa siya ni Ate Maxx na ganun ang itsura at ayaw niya mangyari iyon. Nang masigurado ay kahit papano hindi na halata na umiyak siya, nagsimula na siya maglakad pababa ng stairs. Sakto naman na paakyat na din si Ate Maxx, carrying with her a tray of soup.
Halatang nagulat ito nang makita na pababa si Julie. "Baby? U-uuwi ka na?"
"Ah, opo ate baka hanapin na po ako nila papa eh." Sabi ni Julie at nakayanan naman ang magpakita ng maliit na ngiti kay Maxene. "Sige po ate. Baka kapag nakakain na po yan si Elmo mas umokay na po ang kalagayan niya." Lumapit na lang siya para makipagbeso dito bago mabilis na bumaba ng hagdan, lumabas nagmamadaling umuwi sa sariling bahay. Bahala na kung ano isipin ni Elmo sa mga pinagsasabi niya. Bahala na.
===============
AN: hello friends! sa lahat, sorry po sa late update! Haha! Dapat kanina pa ito pero ang rami ko distraction haha! Sorry din po sa typos! Sorry din kung sabaw :P
Salamat po sa lahat ng nagbabasa at sa mga nagfollow po sa akin :D Please do vote or comment :) Thank you!
Mwahugz!
-BundokPuno <3