Chapter 30

4035 Words
AN: Sorry po sa typos! Pakiramdam ni Elmo pinupukpok ng ilang milyong martilyo yung ulo niya habang naka-tali siya sa isang umaandar na gulong. Dinahandahan niya ang paggising pero kahit ba ganun ang ginawa niya ay parang masusuka pa rin siya. Nakaupo na siya sa may gilid ng kama niya at nakasubsob ang mga mata sa dalawang palad. Oo nalasing siya kagabi pero nakainom din siya ng pampasober at alalang alala niya ang sinabi ni Julie sa kanya. Jules... At that moment may kumatok sa kwarto niya pero kung sino man ang nasa kabila ay hindi na hinintay na magsalita siya dahil bigla na lamang ito bumukas at binungad ang kanyang Ate Maxx. Nakasimangot ito sa kanya nang lumapit. "Care to explain bakit ka pumasok sa isang bar kagabi Moses?" Hindi na kasi siya nito kinausap kagabi nang dalhan siya ng sabaw. Basta na lamang nito linapag sa may bed side table ang tray at lumabas. "Ate I'm sorry--" "Elmo naman. Kailan pa naging sagot ang alcohol? Buti sana kung nakakadisinfect talaga yan ng problema e pinalala lang niya." Maxx sighed. "Is this about Xyra?" "Oo..."Elmo sighed in answer. Umupo naman sa tabi niya si Maxx, showing na handa na siya makinig. "Binanalikan kasi siya nung ex niya." Sagot naman ni Elmo in a tried tone. His jaw clenched. "Ganun ganun na lang yun, porket ba binabalikan na siya wala na ako? Sayang lang din efforts ko. Nakakaisra ng pride." Inis na sabi ni Elmo. Tumingin siya sa kanyang nakatatandang kapatid at nagulat nang makita na nakangiti ito sa kanya. Hala... "Ate bakit ka ngumingiti?" He asked. Maxx had the same smile on her face as she asked back. "So hindi ka naman nagseselos doon sa ex niya?" "Sus." Elmo shrugged his shoulders. "Eh bahala silang dalawa kung gusto nila magsama." By this time napahagalpak ng tawa si Maxene dahilan para mapatingin sa kanya si Elmo. Nasisiraan na ata ang ate ko... "Fix yourself na Elmo at kumain ka na sa baba. Lunch na. Tulog ka buong umaga eh." Sabi naman ni Maxx na tinapik pa ang hita niya bago tumayo. Napatigil naman si Maxene sa may doorway nang tawagin ulit siya ni Elmo. "Ate..." "Hmm?" Maxx said. "Si Julie..." Sabi ni Elmo, looking sullen and sad. Napahinga ng malalim si Maxx at bumalik sa may harap banda ni Elmo. "Si Julie lang naman ang sumundo sayo sa bar at inalagaan ka kagabi. Now ewan ko kung ano sinabi mo sa kanya pero alam ko na something is wrong." Sabi ni Maxx na nakapamaywang kay Elmo. "If I were you Elmo Moses I'd be quick to think about things. Baka magsisi ka kapag may Julie Anne San Jose na mawawala sa buhay mo." ============= Hindi alam ni Julie kung ano gagawin niya. She practically confessed to Elmo last night! Pinagdarasal na lang talaga niya na masyado lasing si Elmo at nakalimutan nito ang pinagsasabi niya kagabi. Pero sigurado naman kasi na magkikita sila mamaya sa simbahan dahil nga pareho silang choir. "Ugh! Bahala na!" Nasabi niya sa sarili habang yakap yakap ang kanyang SpongeBob na stuff toy sa taas ng kama. Sakto naman na may nagtext sa kanya at napakunot ang noo niya nang makita na si Joyce ito. Madalang naman kasi sila magkatext ni Joyce. Usually nga kaya lang sila magkakatext ay dahil sa mga assignment at kung ano ano pang project sa school. Jules! May gagawin ka ba ngayon? Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ng kaibigan pero sumagot din naman. Wala naman, magsisimba lang mamayang hapon bakit? Wala pa isang minuto ay nakareply kaagad si Joyce. Sama ka sa amin nila Kris sa mall! Okaayyy. Bakit naman kaya nagyayaya itong isang ito? Uh sige sure wala naman ako ginagawa eh... Ano oras? Saka saan tayo magkikita? Sunduin ka na lang namin ni Kris. Kotse ko Mga 1:30. Nagsend na ng huling okay na reply si Julie sa kanyang kaibigan bago dumeretso na sa kanyang closet at pumili ng susuotin. She decided na sa living room na lang siya maghihintay sa mga kaibigan at nakabihis nang bumaba sa may ground. Nakita naman niya ang kuya Christian niya na nandoon sa may sala at nagbabasa ng libro, hindi rin kasi uso ang pagnuod ng T.V. sa kanila. "Kuya magmmall lang kami ng friends ko ah." Pagpapaalam naman niya sa nakatatandang kapatid. Binaba ni Christian ang binabasa na libro at tiningnan ang kapatid. "Sa mall? Sino naman kasama mo?" "Sila Joyce, kuya, friends ko po from school." Sagot naman ni Julie habang dumudungaw sa labas ng bintana. Napatingin naman siya sa orasan at nakita na 1:15 pa lang. May 30 minutes pa sita if ever on time nga kung dumating ito si Kris at Joyce na hanggang ngayon ay lahat din sila nagtataka if may something nga sa dalawang iyon. "Ano nga pala nangyari kagabi?" Biglang tanong ni Christian. Tuluyan na nitong isinantabi ang librong binabasa bago hinarap ulit si Julie. "Sabi sa akin ni manang sinundo mo daw si Elmo dahil nalasing." Ambilis naman mamalita ni manang. Napabuntong hininga naman si Julie. "Ewan ko ba doon. Love problems." "Love problems?" Natatawang sabi ni Christian. "Bakit? Inaway mo?" Julie looked at her brother in a weird manner. "Hala bakit naman ako involved?" "Eh sabi mo love problems eh..." "And so?" Napatawa nanaman si Christian, showing off his perfect teeth. "Ewan ko sa inyo. Wala ka ba talaga nararamdman para kay Elmo?" Napatingin sa baba si Julie. "It doesn't natter naman kuya." Haay... "Nako bunso. Hindi na rin kasi uso na lalaki ang unang umaamin. Wala naman masama kung babae ang mauuna eh." "Hala naman kuya!" Sabi ni Julie. May tuktok na ata itong kapatid ko na ito. "Eh kasi naman Jules. You care for the guy more than just a friend." Christian pointed out. Napabuntong hininga nanaman si Julie sa sinabi ng kapatid. "Buti sana kung nakikita niya iyon kuya eh. Besides, I told you it doesn't matter. He likes someone else." Magsasalita pa sana is Christian nang may pumitpit na kotse sa labas ng bahay nila. Sumilip naman sa may bintana si Julie habang hinahawa ang mga kurtina. Nakangiting kumaway sa kanya si Joyce habang nakaupo sa may driver's seat.  In fair naka Vios... "Ayan na sila kuya, text na lang po ako bago makauwi. Pero baka deretso na lang po ako sa simbahan." Julie said. Hinalikan niya sa pisngi si Christian bago lumabas na ng bahay. "Hi g--" Julie's voice was cut off when she opened the car's back door and saw Simon smiling up at her. "H-hi Julie..." ================= Binilisan ni Elmo ang paglalakad habang papunta ng bahay nila Julie. He needed to talk to her. Badly. Nasa may gate na siya at kaagad pinindot ang doorbell. Naghintay lang siya ng ilang segundo ng biglang sumilip naman sa kanya si Christian. "O Elmo..." Bati nang doctor pagkabukas nito ng pinto. "Ah. Hello po kuya Christian." Bati naman ni Elmo na tumatango pa. "Wala si Julie Moe eh..." Sabi naman ni Christian na nakatayo pa rin sa may pintuan banda. "Umalis... May double date ata..." Tumigil saglit ang pagtibok ng puso ni Elmo at lumaki naman ang mata niya. "D-double date po?" "Oo. Kasi sinundo siya nung mga kaklase niyo daw? Sila Joyce and Kris?" "S-sino po yung isa pa nilang kasama?" Elmo asked. "Hindi ko alam pangalan eh." Sabi naman ni Christian, looking thoughtful. "Basta lalaki na medyo bilugan yung mata... matangos amg ilong saka medyo manipis ang labi." Hindi sigurado si Elmo kung sino yon pero ibebet niya ang kanyang Xbox na si Simon iyon. Ewan niya pero kumulo ang dugo niya dahil doon. "Kuya alam niyo po kung anong oras sila makakauwi?" Tanong naman ni Elmo. "Hmm. Baka daw sa simbahan na lang siya deretso." Nakangiting sagot ni Christian. "Text mo na lang din Moe." Elmo sighed at that. He didn't think just texting Julie would be enough. "Okay lang po kuya. Hintayin ko na lang po siguro siya sa simbahan." "Okay sige.. See you later Moe." Christian waved goodbye and entered the house yet again. Elmo stayed in that same position, staring at the ground while still holding on to the grills of the San Jose gate. Tangina lang. His jaw clenched. ============== "Hindi niyo ata nabanggit sa akin na kasama pala si Simon." Sabi ni Julie kay Joyce at Kris habang nakaupo siya sa may backseat sa tabi mismo ni Simon. "Ah! Bigla na lang kasi sumama yan! Hehe! Impromptu!" Sabi naman ni Kris na tinitingnan si Julie mula sa rear view mirror ng kotse ni Joyce. Sumulyap naman si sa Julie sa gawing kanan niya at nakita na namumula ang muhka ni Simon. "Hahaha may bibilhin ka din sa mall?" Mahinang tanong naman ni Julie. Simon shook his head and smiled at the girl. "Wala naman. Wala lang din kasi ako magawa sa bahay so I decided to head out. Sakto naman na lalabas din sila Kris..." "Ows talaga lang pare ah!" Napatigil naman sa pagsasalita si Kris nang sipain ni Simon ang likod ng upuan niya. "Ayos tol naggddrive ako!" "Ugh, ang ingay niyong dalawa talaga..." Sabi ni Joyce habang umiikot ang mga mata. Si Julie naman ay panay lang ang pagtawa sa may tabi ni Simon. Tapos napatanong naman siya sa kanigan. "Oo nga pala Joyce, bakit naman bigla kayo napaaya ni Kris na maggala?" "Ayun good thing you mentioned nga pala Jules, magpapatulong kasi itong mokong na ito, bibili daw ng bagong gitara." Sabi naman ni Joyce habang tinuturo si Kris na patuloy lang sa pagdrive. Alam naman kasi ng lahat na maestra ito si Julie Anne pagdating sa mga instrumento. Excited na napa lean forward si Julie. "Talaga Kris? Eh saan na yung dati mo na gitara?" "Wala na yon!" Kris answered looking at the rear view mirror again. "Luma na kasi eh pangit na yung surface nung frets niya. Saka itong si Simon mahilig din tumugtog kaya din ako nagpasama." At dahil doon napatingin naman si Julie sa kaabing lalaki. "Talaga Simon? Hindi ata kita nakikitang nagpperform? Sayang. Sana kasama ka din sa mga intermission number." Saka naman nahalata ni Julie na namumula ang tenga ng katabi niya. Haha. Ang cute... "Nako Jules, baka kasi kapag ikaw kasama niyan magperoform magkandamali-mali siya sa pagtugtog." Comment nanaman ni Kris kaya ayan, naramdaman nanaman niya na sinipa ang upuan niya. "Kulit mo tol kapag tayo talaga nabangga!!" Natawa na lang pareho si Julie at si Joyce. Nakapasok na sila sa mall at kagaya ng lahat ng kabataan, kailangan muna kumain bago mag-gala. "Saan tayo kakain?" Julie asked them. "Basta doon sa nagsserve ng kanin ah... nagugutom ako eh." Sabi ni Kris at hinahagod hagod pa ang tiyan. "Oo nga baka kapag sa iba baka hindi ako mabusog." Sabi naman ni Simon. "Mga lalaki talaga hindi mabuhay ng walang kanin." Joyce whispered to Julie's ear who only chuckled in answer. At dahil nga choosy ang boys nila, naghanap pa sila ng makakainan preferrably na din sa may unlimited rice para wala ng angal ang kasam nilang dalawa na lalaki. Sa Chickboy na sila dumeretso. "Ako na oorder ano gusto niyo?" Tanong ni Kris. "Sama na din ako sayo matagal ako pumili e." Sabi naman ni Joyce. Tiningnan ni Julie at Simon ang menu bago nagbigay ng sarili nilang mga order. Saka naman dumeretso na sa may counter si Kris at Joyce. Tahimik lang pareho si Julie at si Simon, linabas muna ng una ang kanyang telepono para lamang may dahilan na wag muna magsalita. Medyo naiilang din kasi siya lalo na at silang dalawa na lang. Napakunot naman ang noo niya nang makita na nagtext sa kanya si Elmo. Jules we need to talk please, saan ka ba ngayon? Binaba lang niya ang kanyang telepono at hinayaan iyon doon dahil hindi pa talaga siya ready makipagusap kay Elmo lalo na sa sinabi niya dito kagabi. "Okay ka lang?" Napaangat naman siya ng ulo sa nagsalita at nakitang nakatingin sa kanya si Simon. "Ah oo..." "Para kasing naiinis ka diyan sa katext mo." "Huh." Julie scoffed. "You got that right." "Haha bakit?" Natatawang sabi ni Simon. "Sino ba yan?" Napatingin naman si Julie sa kasama at nakita na hinihintay nito ang sagot niya. "Wala... Si Elmo lang." "Ahhh." Biglang napasandal naman si Simon sa upuan niya at parang napaisip. Lumipas ang ilang segundo at binalik nito ang tingin kay Julie. "Boyfriend mo ba yan? Sabi kasi nila hindi naman daw." Aba deretso din magtanong itong isang ito ah. "No he's just a friend." Sagot naman ni Julie. "Talaga lang ah..." Naiintriga na sabi ni Simon at bahagya pa itong napapangiti. "Bakit? Kinakabahan naman ako sa tono mo." Sabi ni Julie na bahagyang natatawa Pero hindi sinagot ni Simon ang tanong niya. Instead he asked back with a question of his own. "E bakit parang boyfriend siya kung umasta sayo?" Julie froze at that. "Ha? H-hindi naman ah..." "Sige sabi mo eh." Simon said with a shrug of his shoulders. "Nosy ka din pala no? Kalalaki mong tao." Panloloko ni Julie. "Oi hindi ah." Pagdepensa naman ni Simon sa sarili. "Curious lang ako, matagal tagal na rin kasi balita sa school na may something daw kayo nun ni Magalona eh." "Pwes they're not true..." Julie hoped that that didn't come out in a bitter tone. Wala na ba talaga magawa sa school at talaga namang sila ni Elmo ay isa sa mga trending topic ng buong bayan? "So kung hindi si Elmo boyfriend mo edi sino?" "Ikaw gusto mo?" Nangaasar na balik ni Julie. She had this sneer on her face and a teasing smile. Pero nagulat siya nang ibalik ni Simon yung ngiti na iyon. "Oo ba, hired na ba ako?" Natawa na lang si Julie kay Simon. Nakakaaliw din naman kasi ito akala niya medyo shy type pa nga eh. Pero kapag nakasama mo pala makulit din.  Sakto naman na dumating na si Kris at Joyce with their orders except nga lang yung kay Julie.  "Jules, wait lang daw yung sa'yo ha." Sabi ni Joyce habang sinusuksok sa number stand ng chick boy ang number nila.  "Ano nga inorder mo ulit?" Tanong naman ni Simon habang kinukuha ang plato ng kanyang pagkain sa tray na dala ni Kris at linalapag ito sa harap.  "Pork Sisig... ang sarap nung ganun nila dito eh." Natatakam pa na sabi ni Julie.  At doon naman niya nakita na nakangiti sa kanya si Simon.  "O ano yan?" Kunwaring mataray niyang tanong kaya napatawa si Simon.  "Haha. Mahilig ka pala kasi sa ganun. Ang rami ko kasing babae na kilala na pakipot sa pagkain eh. Tapos rereklareklamo na nagugutom."  "Ah, e kasi nga naman, kaysa gutumin ko sarili ko, sarap kaya kumain!" Natawa naman pareho si Simon at si Julie sa sinabi ng huli. They didn't see the knowing smiles that popped up on Kris and Joyce's faces. ============== "Huy!"  Napapitlag naman si Elmo sa inuupuan niya sa may garden banda ng simbahan. Inangat niya ang kanyang tingin at nakita na nakangisi sa kanya si Derrick.  "Ui Pare, hindi kita napansin na papalapit ah." Sabi ni Elmo. "Oo nga eh, lalim kasi ng iniisip, ano ba yan?" Sabi naman ni Derrick habang umuupo sa tabi ni Elmo doon sa wooden bench.  "Si Julie pare..." Elmo sighed. Mahinang natawa lang si Derrick at napailing. "Oh ano, narealize mo na?" "Ha?" Elmo said habang napapatingin nanaman sa kaibigan. Magsasalita pa sana si Derrick nang may marinig silang paparating na kotse. They stopped talking nang makita na sa parking lot ng simbahan dumeretso yung kotse at mula sa pwesto nila ay kita naman kung sino ang dumating. "Pare si Julie..." Derrick uttered. "Bye Kris bye Joyce!" Rinig nilang sabi ni Julie habang kumakaway ito sa mga tao na nasa loob ng kotse. By this time ay pareho nang nakatayo si Elmo at si Derrick habang tinitingnan nila ang kaganapan. Lalapit na sana si Elmo sa kaibigan niya nang mapansin niya na hindi ito nagiisa. "Pare sino yan?" Derrick asked him at the same time nudging him on the shoulder. Elmo clenched his jaw and he gripped his fist hard. "Si Sandoval..." ============== "Muhkang masayang masaya na si Kris sa gitara niya no." Nakangiting sabi ni Simon kay Julie. Papasok na sila ng simbahan at naglalakad din paakyat sa choir loft. "Eh adik kasi yun kay Sungha Jung." Sabi ni Julie. "Sayang nakasimba na kaninang umaga sila Joyce no? Edi sana magkakasama tayo ngayon." "Oo nga eh. Di bale siguro next time magkakasama tayo." Sabi naman ni Simon.  Tumigil muna sila saglit doon sa parking lot at sa may playground na katabi nung simbahan, maaga aga pa naman eh. Wala pa ngang tao sa loob. "Ah Julie Anne may sasabihin ako." Biglang sambit naman ni Simon habang nakatayo sila banda sa may slide. Tiningnan ni Julie ang kaibigan. "Ano yon?" "Hindi totoo na coincidence lang ang pagsama ko kayla Kris." Nanahimik lang si Julie. "Uhm, okayy..." She let the sentence hang since she knew Simon had more to say. Huminga muna ng malalim ang lalaki at napalagay pa ang mga kamay sa loob mg bulsa. "Pinasadya ko talaga yun kasi... Well gusto lang kita makasama." Hindi alam ni Julie ang isasagot niya sa sinabi ng kaibigan. "Simon..." "Hehehe halata naman siguro na gusto kita ano?" Nakangiting sabi ni Simon. "I don't want to implement or kung ano man... basta ba alam ko na friends tayo e, okay na sa akin." Finally ay nagsalita naman si Julie. "Oo naman Simon. Kaibigan naman talaga kita." Lumaki lang lalo ang ngiti ni Simon. "Thanks." He was too sweer. Sana sayo na lang ako nagkagusto eh. Pagkatapos non ay kung ano anong bagay na ang pimagusapan nila na ikinatuwa naman ni Julie dahil ayaw na talaga niya maging awkward dito. Paakyat na sila sa may choir loft at kaagad naman sila nakita ni Tita Nina. Natigilan ang nakatatandang babae nang makita sila Julie. "O...Julie..." At napatingin naman ito kay Simon. "Who's your friend Jules?" "Ah tita, ito po si Simon, friend ko po from school." Sabi ni Julie. "Good evening po." Bati naman ni Simon. "Ah good evening. Tutugtog ka din anak?" Nakangiting sabi ni Nina. "Ah hindi po tita haha. Makikinuod lang po yan." Sabi naman ni Julie. Nahihiya din kasi siya kay Simon. Ngumiti lang naman si Nina at nagpatuloy sa pagaayos ng mga gamit ng choir nang may marinig sila na papaakyat. "Oh Elmo, Derrick aga niyo ah." Nanahimik si Julie sa may gilid at kaagad naman naupo sa tabi sumenyas naman siya kay Simon na maupo na din sa tabi niya. She didn't even attempt to look at Elmo. Pero ramdam niya na nakatingin sa kanya ang kaibigan. "Julie..." Hindi pa rin siya tumitingin nang marinig niya na lumapit sa kanya si Elmo at tawagin ang pangalan niya. "Julie..." Ulit naman ni Elmo with the same tone to his voice. "Elmo pwede mamaya na lang? Magsastart na yung mass." She answered, finally looking up from where he stood in front of her. They stopped talking nang marinig na ang iba pa nilang choir members ay paakyat na ng loft. "Hi guys!" Si Maqui, bagong dating and Julie was so thankful for that. Ngumiti ito kay Elmo at kay Julie. "Maq upo ka na dito!" Sabi ni Julie at binigay ang katabi niyang upuan sa best friend. Pero natigilan si Maqui nang makita niya ang isa pang katabi ni Julie. "Ah Maq, class mate nga pala namin ni Elmo, si Simon..." "Hello..." Bati naman ni Simon. Napatingin naman si Simon kay Elmo na nakatayo pa rin doon. At dahil tapos na ang introductiona ay nagsalita ulit si Elmo. "Julie please saglit lang..." "Pare sabi niya mamaya na daw..." Biglang singit naman ni Simon. Napatingin si Elmo sa kaklase nila. Matalim. And his jaw was clenching again. Palapit na sana si Elmo sa lalaki nang to the rescue na dumating naman si Derrick at kaagad na hinarangan ang kaibigan. "O o, Moe, wag mo kalimutan na nasa simbahan tayo." Kaagad naman na nanahimik si Elmo sa sinabi ng kaibigan at walang nagawa kundi umupo sa pwesto niya. Supposedly katabi niya si Julie but it looked like kinuha na ni Simon ang spot niya for the night. Nakahinga ng maluwag si Julie nang maiwasan nila ang drama na iyon. Nakatingin naman sa kanya si Maqui at hinihintay na magsalita siya pero sakto naman na dumating na ang pari. ============= Natapos amg misa at iwas na iwas talaga si Julie na kausapin si Elmo dahil hindi pa siya handa sa sasabihin nito sa kanya. Hindi ba pwede magprepare muna kasi siya?! Matapos ang recessional lahat ay nagkakagulo pa dahil ang iba hindi pa naman talaga uuwi at ang iba nan ay nagmamadali na na mkauwi. O diba ang gulo. "Jules..." Elmo called out yet again. Parehong napatigil naman si Simon at si Maqui na nasa tabi ni Julie. "Elmo, uwi na lang kaya muna tayo?" Suggest ni Maqui but Elmo wouldn't have it. "No Maq, I need to talk to Julie now..." Kasabay non ay ang marahan pero mahigpit na paghawak ni Elmo sa kamay ni Julie. Hihilain na sana niya ito palabas mg simbahan pero umeksena nanaman si Simon. "Teka lang--" "Pare kanina pa ako nagtitimpi sayo ah. Please lang nasa simbahan tayo..." Sabi naman ni Elmo. Hindi na niya pinasalita pa si Simon at tinuloy ang paghatak kay  Julie papunta sa playground. They were in the exact same spot where she and Simon were just earlier that night. "Elmo--" Pasimula sana ni Julie pero pinigilan siya ni Elmo dahil nagsalita ulit ito. "Jules, I heard and remember everything you said last night..." Hindi naman nakaimik si Julie sa sinabi ng kaibigan. Nakatingin lang siya dito, tila iniisip ang susunod na sasabihin. Pero kagaya ng kanina ay nagsalita nanaman si Elmo. "Ano ibig sabihin ng lahat ng yun Julie?" Julie breathed in. Lumalamig na ang panahon. Malapit na kasi ang pasko. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit napapasinghot siya. "Ano ba sa tingin mo Elmo?" "I-ikaw sumagot..." Mahinang sabi ni Elmo. Magkaharap sila ngayon pero sa gilid ng mata niya ay nakikita niya na nanunuod ang iba pa nilang kasamahan mula sa garden ng simbahan. "Why does it matter Elmo?" Julie managed to say. Napailing siya. "I'm sorry hindi kita dapat pinagalitan na lang kagabi. I don't have any business with you and Xyra." "You're not answering my question Julie." Marahang sabi ni Elmo. Napatingin nanaman si Julie sa kanya. "Ano ba gusto mo sabihin ko Elmo? Na oo! I like you... And not just as a friend! Pero kasi natakot ako... Natakot ako na kapag nalaman mo baka maawa ka lang sa akin at maging awkward ang lahat." And here come the tears. "Natakot ako na kapag nalaman mo, lalayo ka. Natakot ako na maiilang ka dahil kaibigan lang ang turing mo sa akin pero ako hindi lang kaibigan. And I just thought..." Julie stopped for a moment just so she could get her thoughts together. "I just thought na okay lang naman talaga na kahit hindi mo alam because I was happy enough to just be your friend. And then Xyra came into the picture and okay lang din ako dahil may magagawa ba naman ako kung sino gugustuhin mo. Kaso sinaktan ka niya Moe eh. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko." She stopped talking. At si Elmo naman ay muhkang naguguluhan na nakatingin lang sa kanya. Kaya ayun. Mapait na napangiti si Julie. "I knew it, I knew this would happen..." She shook her head at mabilis na naglakad palayo pero pinigilan siya ni Elmo at kaagad na hinawakan nanaman ang kamay niya. "Jules wait..." "Elmo please? Sige ako na lang muna ang lalayo." She looked painfully at him and he mirrored her expression. With one last pull, Julie set herself free from his grasp at umalis na doon. Gumalaw si Elmo para habulin siya pero kaagad naman na humarang si Maqui sa kanya. "Moe please, let her go for a while." Mahinahon na sabi ni Maqui habang nakaharang pa rin. At wala na nagawa pa si Elmo kung hindi panuorin si Julie na paalis sa lugar na iyon kasama si Simon who had a comforting arm draped around her shoulders.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD