Chapter 14

2177 Words
"O girl anyare diyan sa kamay mo?" Ayun ang bumungad kay Julie isang araw na wala silang pasok. Nakaupo siya sa harap ng laptop nang biglaan na bunukas yung pinto ng kwarto niya. Hindi na siya nagulat nang makita na si Maqui at si Nico na papasok ng kwarto niya. Yung totoo bawal kumatok? "Wala ka duty ngayon Maq?" Julie asked. Sinimangutan naman siya ng kaibigan. "Ano Hulyeta pinapalayas mo na ako ganon?" "Di naman." Julie answered with a sheepish smile. Hinarap niya nag dalawang kaibigan na nakaupo pa rin sa may computer table habang si Maqui at Nico ay naupo sa kama niya. "Ano girl, nagkandasunog sunog yang kamay mo." Biglang sabi ni Nico. "Kakatitig ba yan kay Magalove-of-your-life kaya di mo namalayn na natapunan ka na ng kemikal?" Julie sighed habang si Maqui ay matiim siyang tinitingnan. Oo nabalita na din naman niya sa isa pa niyang best friend na totoong may pagtingin na talaga siya kay Elmo. "Gaga, hindi kasi nakita nung isa ko na classmate na nasa likod niya ako kaya ayun, nabangga niya ako." Julie simply explained habang nakatingin pa din sa kanya ang kanyang dalawang kaibigan. "O bakit ganyan kayo makatingin?" She asked nervously. "Eh kasi ngayon lang tayong tatlo nagkita ulit, seryoso ka na mananahimik ka lang diyan sa discovery mo na may gusto ka na talaga kay Elmo Moses Arroyo Magalona?" Maqui asked. Naaalala nanaman kasi ni Julie yung mismong moment na natapunan siya nung sulfuric acid at kung gaano nagalala si Elmo sa kanya. But remember Julie Anne, to him you're just a friend, nothing more... "Crush ko lang naman siya eh. I mean, nakakapagtaka kung hindi ko siya magiging crush diba?" Maraming babae ang nagkakandarapa dito. Kagaya na lang ni Bianca. Ang pinaka advantage lang naman niya siguro kasi lagi niya ito kasama. "Alam mo kung ano pa isa na nakapagtataka Jules?" Biglang sabi naman ni Nico. Sabay na napatingin si Julie at si Maqui sa kaibigan,  hinihintay kung ano sasabihin nito.  "Nakakapagtaka kung totoo nga na wala ding gusto sayo si Elmo. I mean, don't you look at yourself? Hindi mo ba alam na isa kang nagandang nilalang ha Hulyeta?" Biglang sabi ni Nico. Sasagot na sana si Julie kaso hindi siya pinayagan ni Nico dahil nagsalita nanaman ito. "At hindi lang iyon. You don't just have looks, you also have talent, brains and an effing good heart kaya naman Julie, hindi ka rin ba nagtataka kung bakit hindi pa sayo umaamin si Elmo?" Julie sighed as she shook her head art get friend. "Look Nico, thanks for all you said pero naman. Porke't ba ganun ako e magugustuhan kaagad ako ni Elmo? He only thinks of me as a friend. And... I'm okay with that." Sige Julie kaya mo yan, keep telling yourself that. Nung una pareho lang nananahimik si Nico at si Maqui pero kita naman ni Julie ang panay ng ikot ng mata ng baklang kaibigan. Saka naman bigla tumayo si Maqui at binunot yung action figure na Spongebob ni Julie bago ibigay ito sa kanya. Tinanggap naman ni Julie pero tiningnan yung hawak hawak na laruan. "Ano ito?" "Wala kasi ako Oscar trophy, baka pwede na sayo yan, best actress ka kasi." Hindi na napigilan ni Nico ang pagtawa ng dahil sa ginawang iyon ni Maqui habang si Julie ay masamang tiningnan ang kaibigan. "I'm not acting, alright?" Sabi ni Julie sabay lapag nung Spongebob action figure sa may lamesa. "Kaya ko naman talaga to stay friends with him..." Hindi nanaman nagsalita yung dalawa matapos niya sabihin yung mga katagang iyon. Kaya lagi kinakabahan ito si Julie sa dalawa niyang kaibigan eh, pareho kasing unpredictable. "Alam mo Jules..." Finally nagsalita si Maqui. "Naniniwala naman ako na kaya mo, but that doesn't mean na hindi ka masasaktan." Pero ayaw naman lumayo ni Julie kay Elmo. Dahil kahit baliktarin mo pa ang mundo, crush man niya ito o hindi, siya pa rin yung lagi niya kasama at kumbaga ay kasangga sa lahat ng bagay. =============== It was their break time. 3 hour break to be exact dahil may sakit yung isa nilang prof kaya naman libreng libre sila gawin kung ano man ang gusto nila. At ngayon ay nakatambay sila sa may basketball court dahil natripan maglaro nila Elmo at ang iba pa nilang kaklase na lalaki. Masyado binubusy ni Julie ang sarili sa pagaaral. Aba finals na nila, kailangan ikeep up ang grades. "Aral pa rin Jules?" Napaangat siya ng tingin at nakita ang isa nilang classmate na nagngangalang Joyce. "Hi Joyce." Ngiti ni Julie. Madalang lang niya makausap si Joyce, isa kasi ito sa mga tahimik sa klase at puro pagaaral lang din ang inaatupag. "Bakit ang layo mo?" Joyce asked. Nasa bandang taas kasi siya ng bleachers habang si Tippy, Bea at iba pa nilang kaklase ay nasa baba banda. Ngumiti naman siya bilang sagot kay Joyce. "Eh kasi ang daldal nila Bea, hindi ako makakapag aral." Natawa doon si Joyce dahil tama si Julie. Ang layo layo kaya nila pero rinig nila ang boses ni Bea na may kinukwento kay Tippy. "Wag ka na magaral! Panigurado naman pasa mo ang lahat." Sabi ni Joyce. "Haha. Sige mamaya na lang." Binaba naman ni Julie ang notes na kanina pa rinereview at tiningnan si Joyce. "Kamusta na nga pala kayo ni Kris?" Napatingin bigla si Joyce kay Julie. Alam naman kasi ng lahat na may gusto sa isa't isa si Joyce at si Kris, ang magulo lang, wala sila official na title. "Kami ni Kris?" Biglang sabi ni Joyce. "Okay naman, kayo ni Elmo?" Gantihan ba ito? Binalik ni Julie ang tingin sa kaibigan. "What do you mean kami ni Elmo?" "Hindi pa ba kayo?" Joyce asked. Again, Julie looked at he friend. "Hala, eh wala naman--" "Nako lokohin mo pa ako Jules." Natatawang sabi ni Joyce. "Eh kitang kita naman sa inyong dalawa na may something." Julie sighed to herself. Kahit ano naman kasi iwas siya oarang pabalik balik yung issue na ito. Kung tutuusin parang pareho sila ng sitwasyon ni Joyce, ang kaibahan lang, requited yung kay Joyce... Sa kanya... Hindi. "Asan si Joyce?" Hindi pa nakakasagot si Julie sa tanong ni Joyce nang ito naman si Kris, still sweaty from the basketball game at hinahanap siya. "Sige Jules, mamaya na lang." Sabi naman ni Joyce. Bumaba na siya sa may pinaka court. Pinanuod naman ni Julie habang binibigyan ng tubig ni Joyce si Kris at pinupunasan pa ang pawis nito. Napangiti siya. Sana magkatuluyan na kasi itong dalawa na ito. "Inggit ka?" Muntik na malaglag yung hawak na notebook ni Julie nang may magsalita sa tabi niya. Nakita niyang nginingitian siya ni Bea at ni Tippy. "Kagulat naman kayo pareho!" Sabi ni Julie. "Titig ka kasi." Natatawang sabi ni Bea. "Puntahan mo daw si Elmo, pawis na pawis na eh." Makabawi nga. "Si Jhake din daw nauuhaw na bilhan mo ng tubig." Balik ni Julie. Tumawa naman si Tippy sa dalawang kaibigan at hinila na ang mga ito pababa. "May panyo ka ba Jules?" Bungad sa kanya ni Elmo. Pawis na pawis nga ito. Nako panigurado sita nanaman abutin nito sa susunod nilang prof si Mam Estevez pa man din yun. "Wala ka ba pamalit?" Biglang sabi ni Julie. "Baka magkasakit ka nyan eh." Sabi niya habang inaabutan ng twalya si Elmo. Oo may baon siya lagi na ganun. Pinunasan naman ni Elmo ang pawisang muhka. "Wala eh..." Sabay lahad nung twalya. "Palagay naman ako sa likod Jules." Pucha ano ako nanay mo?! Pero hindi na nagsalita pa si Julie at linagay na nga yung twalya sa likod ng kaibigan. "Yiiiiiiiiii!" Napapikit ng mariin si Julie. Nako ito na. Aarangkada nanaman ang mga kaklase niya. Pagtingin niya ay nakita niyang yung grupo nanaman nila Nora ang kinikilig. "Jules may langgam iwas iwas!" Julie shook her head just as she finished up with putting the towel on Elmo's back. Si Elmo naman ay nanlolokong ngumiti at inakbayan si Julie. "Sweet talaga ni love no?" "Aysos! sige pa Moks!" Sabi naman ni Kris na umiinom ng tubig sa tabi ni Elmo. Usually iirapan ni Julie si Elmo na may kasama pang 'Tseh...' pero ngayon kasi wala siya sa mood. Kaya naman umalis lang siya sa pagkakaakbay kay Elmo bago harapin sila Tippy. "Una na ako sa classroom ah..." Naglakad siya palayo at iniwang nagugulahan ang buong class 2A. "Elmo LQ ba kayo?" Tanong ni Jhake. Kahit si Elmo ay naguguluhan. Hindi siya sanay. Maski sila Nora muhkang nagalala. ============= Umakyat na si Julie sa susunod nilang classroom para sa araw na iyon. Sakto naman na lumalabas na yung mga 1st year na gumamit before them. "Hello Ms. San Jose." Bati sa kanya nung prof ng mga freshmen. "Hello po Dr. Perez." Bati ni Julie. Isa ito sa paborito niyang prof dahil bukod sa mabait, napakagaling din magturo. "Kayo ba susunod na gagamit ng room?" Dr. Perez asked. "Ah opo mam..." "Oh alright then sige una na ako Ms. San Jose may next class pa ako eh." Ngiti naman ni Dr. Perez. Umalis na ito matapos magbigay ng ngiti si Julie. Pumasok naman na ang huli at umupo sa pinaka right pero sa harap para hindi siya ganun kalapit sa aircon. Mahirap na, baka kasi sipunin siya eh.  Umupos siya sa upuan at magsasalpak na sana ng earphones nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Elmo. Naka T-shirt lang ito imbis na nakauniform dahil nga naglaro kanina ng basketball. Tsk. Elmo naman eh. This is not a good time. Tumabi ito sa kanya at walang preno na nagtanong. "Jules, galit ka ba sa akin?" Napatingin naman sa kanya si Julie at kumunot ang noo. "Ha? Hindi. Bakit naman ako magagalit sayo?" "Eh kasi bigla ka na lang umalis kanina." Elmo said. Napapapout na ito kaya naman umiwas ng tingin si Julie. Mahirap na. Baka bumigay siya eh. "Hindi, wala lang yun. Ang init kasi sa court kanina kaya dumeretso na muna ako dito." Palusot pa niya. But she really just needed to get away from him.  "Okay ka lang ba? Baka naman masama pakiramdam mo?" Elmo asked at bigla namang linahad ang palad sa may noo ni Julie.  Dahan dahan naman tinanggal ito ng dalaga at mahinang napatawa na lamang. "Moe, ano ka ba, okay nga lang ako... ikaw ang baka magkasakit diyan. Maglalaro-laro kasi wala naman pala pamalit." Mahirap nga itong ginagawa niya. Parang habang tumatagal kasi lalo lang nahuhulog loob niya dito, lalo na kapag ayan at nagiging caring nanaman. Sa sinabi niyang iyon ay bigla naman ngumiti si Elmo. Hala, may nakakatawa ba sa sinabi ko? Baka nabagok ulo nito nung naglalaro?  "Nginingiti ngiti mo diyan?" Mataray niyang tanong sabay akyat pa ng isang kilay. "Wala..." "Tsk, suot mo na nga yang polo mo na yan, may makakita pa sayo na prof pagalitan ka pa." Sabi ni Julie. Tumingin siya sa cellphone basta wag lang makita si Elmo. "Jules..." "O?" Sagot ni Julie ng tawagin siya nito pero hindi pa rin tumitingin dahil bigla naman nagtext si Bea, tinatanong kung nasaan siya. Nakapagreply na siya na kasama niya si Elmo sa susunod nilang classroom nang tawagin nanaman siya ng kaibigan. "Jules..." "Ano nga Elmo?" This time nakatingin na siya ay bigla nanaman siya nginitian nito. "Wala... cute mo." Sabi nito at bigla naman kinurot ang ilong niya. "Ehem ehem, Ms. San Jose and Mr. Magalona..." Kaagad napatingin ang dalawa at nakita si Mam. Estevez, dala dala pa nito ang laptop at bag. Akala ni Julie kung ano sasabihin nito pero ngumiti lang ito sa kanila.  "Instead na naghaharutan nanaman kayong dalawa diyan, baka pwede sabay niyo na kunin yung speaker saka LCD sa media center?"  Napabuntong hiniga si Julie. Nako baka kasi ano nanaman ang iniisip nito ni Mam Estevez eh. Pero tumayo na sila pareho ni Elmo bago tumango. "Sige po mam." Sabi naman ni Julie at naunang maglakad.  Sakto naman na nakasalubong nila ang iba pa nilang kaklase na obviously ay tumakbo dahil nakita na papasok na si Mam Estevez ng kwarto.  "Saan kayo pupunta?" Jhake asked, medyo hinihingal pa with Bea and Tippy follwing after him.  "Sa amin pinakuha yung gamit eh." Elmo explained at inangat pa yung Media pass na meron lahat ng teacher. "Pasok na kayo sa loob nandoon na si Mam." At walang sabi sabi na hinila niya si Julie papunta sa mga elevator. All the while ay gusto sana kumawala na ng kamay ni Julie mula sa pagkakahawak ni Elmo pero sadyang malakas ang hawak sa kanya ng lalaki.  Napatignin siya dito at binalik din naman nito ang ngiti niya at parang mas lalo pa hinigpitan ang hawak sa kamay niya, kala mo wala sa school eh. Haay, ang hirap hirap magkagusto sayo Elmo... ======================== AN: Hi guys! Sorry sa typos ah XD haha! Naiinis na din ako sa pagsulat sa phone dahil mataba ang aking thumbs... and everything else haha!  Anyways! Comment or vote po, they mean so much to me and push me to write the next chapters XD And of course salamat sa lahat ng nagbabasa :D -BundokPuno<3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD