Chapter 15

2393 Words
Kakatamad.... Pero kaunti na lang Julie kaya mo yan. Julie tiredly massaged her head. Kalat na kalat na lahat ng reviewer sa gilid niya. Lahat ng notes, libro, notebook at kung ano ano pa. Kanina pa siya nag-aaral eh. Correction: Trying na mag-aral. Bakit ba kasi dito siya sa may kama nakapwesto? Tinatawag na kasi siya ng mga unan. Julie... Julie... Tulog ka na.... Julie... Julie... "Manahimik kayo pillows!" Sigaw niya. Nasisiraan na siya ng bait. Kausap niya mga unan. "Julie! Julie!" "Sabihing manahimik aba!" Julie yelled. "Julie! Julie!" Natigilan siya. Hindi na yung mga unan iyon. Tumayo siya mula sa kama, wala pake na nahulog ang ibang reviewer at sumilip sa may veranda niya. Nakangiting bumungad sa kanya ang gwapong muhka ni Elmo. Nako ano nanaman kailangan ng kumag na ito. "Bakit nanaman Elmo!" She called out. Kahit pa nakasimangot siya e patuloy pa rin ang pagngiti ni Elmo. Doon lang niya narealize na dala dala ni Elmo ang backpack nito. "Aral tayo?" Biglang tanong ni Elmo. Hindi na siya nag-dalawang isip pa. Baka sakali kasi magising siya kapag may kasama siya mag-aral. Wushu, kunwari ka pa, nabuhayan ka lang ng dugo kasi nakita mo si Elmo. "Pasok ka na!" She yelled while going back inside her room at binubunot lahat ng gamit. Pakaliwa na sana siya nang muntik na sila ni Elmo magkabungguan at malaglag. "Oy!" Nabitawan ni Julie lahat ng gamit niya at napakapit kay Elmo na napasandal naman sa may dingding at napaikot ang mga braso sa katawan niya. Ang bango mo naman Elmo. Napasubsob pa ang muhka niya sa dibdib nito. Inangat niya ang ulo at nakitang nakatingin sa kanya si Elmo. His eyes were slightly hooded at mula sa muhka niya napatingin ito sa labi niya. "Hala ano ba itong mga gamit na ito..." Kaagad na naglayo si Elmo at si Julie nang marinig nila na paakyat ng hagdan si Manang Dora. "Anyare dito bakit nagkalat gamit mo Julie?" Tanong ni Manang Dora habang umaakyat. "Clumsy kasi nito ni Julie eh." Natatawang sabi ni Elmo. Mahinang siyang sinikmuraan ni Julie bago tinulungan na nila si Manang na magpulot ng gamit. "Bakit ka kasi umakyat? Sa may garden tayo mag-aral." Sabi ni Julie nang mapulot na nila lahat ng nalaglag niyang gamit. Sana lang di na namumula muhka niya. Masyado malapit muhka nila ni Elmo kanina. "Eh kala ko sa kwarto mo eh." Elmo answered, scratching the back of his head. "Mag-aaral ba talaga kayong dalawa?" Nakakalokong tingin ni Manang Dora. "Baka naman wala kayo gawin kundi magkwentuhan." "Pipigilan namin Manang." Natatawang sabi ni Julie. "O siya sige, deretso na kayo doon sa garden, dalhan ko na lang kayo ng meryenda." Sabi naman ni Manang. Ngumiti si Julie at nauna na sa garden ng bahay nila which was on the second floor. Katabi lang ng kwarto ni Julie. Open area siya na nagseserve na din as terrace ng pamilya San Jose. Binaba na ni Julie ang kanyang mga gamit sa glass table na nasa gitna nung lugar habang hinuhubad naman ni Elmo ang backpack nito at naupo sa metal chairs na nandoon. "Ano una mo inaaral?" Elmo asked. "Chemistry sana, kakatamad eh." Julie asnwered habang binubuklat ang mga gamit. "Bakit ano ba prelim saka midterm grades mo?" Tanong nanaman ni Elmo habang pati siya ay kinukuha ang mga reviewer na pang chemistry. Napaisip muna si Julie. "Uhm, 1.25 ako nung prelim tapos 1.00 ako nung midterm." Saglit siyang tiningnan ni Elmo bago ito marahan napangiti. "Ayun naman pala eh! Wag ka na magaral ng Chemistry! Turuan mo na lang ako sa Nihongo!" "Eh! Baka mababa makuha ko sa finals!" Pilit pa ni Julie. Pero yung totoo alam naman niya ang class participation grade niya at kahit ano makuha niya sa exam ay papasa pa rin siya. "Wag na yun! Nanganganib ako sa Nihongo sige na." Nakangiting sabi ni Elmo. Hindi na niya pinasalita pa si Julie at binunot ang textbook nila para sa Nihongo at tumabi kay Julie para magpaturo. "Paano ba kasi yung logic ng honorific?" Bigla namang tanong ni Elmo. Julie sighed to herself. Muhkang talo siya. Sige na nga. Sinimulan niya turuan si Elmo at kahit papaano ay nagegets naman nito. "Bakit ganon? Kapag si Asano-sensei yung nagtuturo wala ako magets?" Nagtatakang tanong ni Elmo. Napailing si Julie. "Eh siyempre iba kapag one on one, mas magegets mo talaga. Buti nga Nihongo yung Foreign Langauge Class natin eh. Kung German ito mas mahirap." Saglit na napakunot noo niya. Nako, ayaw niya kasi maimagine if ever German nga ang ituturo sa kanila. Nang nagangat siya ng tingin ay nagulat siya nang makita na nakangiti sa kanya si Elmo. He keeps on doing that. "Nakangiti ka nanaman!" Julie said frustratedly. Feeling niya kasi kapag naggaganoon si Elmo may alam ito na siya naman ay walang kamalay malay. "W-wala!" Tila natauhan na sagot naman ni Elmo. Julie only shook her head at tumingin na lang sa bukas na workbook nila. Naiilang na kasi siya sa kakatingin sa kanya ni Elmo eh. "Julie..." Tawag naman nito bigla. Tumingin siya dito. "O bakit?" Hindi muna nagsalita si Elmo, para bang nagiisip muna. Huminga ito ng malalim bago finally ay may mga salita na lumabas sa bibig nito. "Dati tinanong mo ako, kung wala ba ako nagugustuhan sa school..." Kinabahan si Julie sa panimula ni Elmo. Para bang may naghahabulan na kabayo sa dibdib niya nung time na yun. Tinuloy naman ni Elmo ang sasabihin. "...ikaw ba wala nagugustuhan sa school?" Nanahimik si Julie saglit pero kaagad naman nakapagsalita. Mahirap na, baka makahalata si Elmo. "Nagugustuhan? Wala naman..." IKAW. IKAW ANG GUSTO KO. Pero hindi ko pwede sabihin.  Julie saw a ghost of a frown on Elmo's face but maybe it was just the morning light playing tricks on her because when she looked back, he had this blank look on his face. "Ganun ba..." Nasabi na lang ni Elmo. Pareho naman sila napalingon nang dumating si Manang Dora na may dalang isang tray na puno ng sandwhich saka juice. "Oo, stop muna sa pag-aaral mga kabataan baka masibrahan ang grades." Natatawang sabi ni Manang Dora. "At hinanda ko ang famous chicken sandwhich na paborito ng maganda ko na alaga." Sabi ni Manang Dora bago halikan ang tuktok ng ulo ni Julie. Ngumiti naman si Julie sa matanda. "Manang wag mo kalimutan yung gwapo na kaibigan ng alaga mo!" Comment naman ni Elmo. "Nako nawalan na ata ako ng gana." Panloloko pa ni Julie. "Bully ka talaga." Pout pa ni Elmo. Natawa lang lalo si Manang saka si Julie. Iniwan na sila ng matanda at sumalo na ang dalawang magkaibigan. "Difto na lnggh ak tira Jules... srmpf mgluto ni Manang." Sabi ni Elmo na medyo puno pa ang bibig. Mahinang natawa naman si Julie. "Parang bata lang Moe, don't talk with your mouth full." Sabi ni Julie bago kumuha ng tissue na nasa tray na din at pinunas ang nagkalat na mayo sa gilid ng labi ni Elmo. Pareho sila natigilan. Si Julie na ang unang nag-iwas at bigla namang tumayo. "Uhm, ubos na juice natin, kuha lang ulit ako sa baba..." Binilisan pa niya ang paglakad. at tumigil muna sa may paaanan ng stairs kung saan di na siya kita ni Elmo. Inis na inis na siya sa sarili. Hindi niya rin kasi mapigilan. Napapikit siya ng mariin. Elmo what are you doing to me... =============== Nauna nanaman lumabas si Julie sa classroom pagkatapos nung exam. Sanay naman siya na siya lagi nauuna eh. Sa wakas! Tapos na ang finals! Tapos na ang second sem! At hindi naman sa pagyayabang pero sigurado naman siya na papasa na siya para sa second sem. Dahil alam niya na susunod na din ang iba pa niyang kaklase pagkalabas niya ay naghintay na lang din siya sa mga lockers. Last test na yung kanina at sa wakas ay pumayag na mag-gala sila Bea. Kahit sa mall lang naman. Kahit naman siya hindi mahilig sa mga amusement park panigurado kasi magkikita-kita ang mga estudyante ng SAU kundi sa Star City edi sa EK. Sa kakaisip hindi niya napansin na lumabas na din si Elmo kaya naman tinapik siya nito sa balikat. Napapitlag siya at muntik pa mabitawan yung hawak na malaking workbook sa Nihongo. "Kape pa Jules." Nakangiting sabi sa kanya ni Elmo. Julie clicked her tongue. Pero oo nga dapat tigilan muna niya kakakape, masyado kasi siya nagiging magugulatin. Iniba na lang niya ang usapan. "O, kamusta naman exam sa Nihongo? Perfect?" Mahinang tumawa si Elmo. "Hindi perfect pero sigurado pasado, magaling prof ko eh." "Magaling naman talaga si Asano-sensei." Tumawa nanaman si Elmo at napatingins si Julie dito. "O bakit nanaman?" "Hindi si Asano-sensei...ikaw!" Ah, oo nga naman, shunga ka rin Jules eh. Dinaan na lang niya sa biro ang pagkapahiya. "So kapag mataas score mo ilibre mo na lang ako sa bus?" Nakangiting sabi ni Julie. "Pwede rin..." Balik ngiti naman ni Elmo. "YES! YES! TAPOS NA TAPOS NA ANG LAHAT! LET'S CELEBRATE!" Parehong napatalon si Elmo at si Julie nang marinig nila ang dumadagundong na boses ni Bea. Lumapit ang babae sa kanila at inikot ang braso sa braso ni Julie. "2nd year na tayo guys! Ang saya saya!" "Beanca Marie! Ang ingay!" Sabi ni Jhake nang lumapit ito sa kanila. Doon lang narealize ni Elmo at ni Julie na nagsisilabasan na pala ang iba pa nilang kaklase. "Game? Ready na ako umalis!" Excited na sabi ni Tippy. "Nakapagpaalam na ako!" "Deretso mall! Chichibog na tayo!" Sabi naman ni Jhake. At ayun nga, kagaya ng iba oang estudyante sa SAU, excited umalis ang Tropang Di-ma-reach at duneretso sa mall. Hindi nga nagkakamali si Julie nang makita na marami estudyante sa nay Glorietta. At yung iba kakilala pa nga nila. Mga tinamad mag amusement park din. Pagkakain ay alam na ng lahat kung saan pupunta. "TimeZone!!!!" At pagdating ng TimeZone... Alam na din... "Karaoke!" Porket lahat sila marurunong kumanta eh. "Pay up guys!" Sabi ni Tippy. Nakalahad ang kamay niya sa kanilang lahat dahil tig 100 sila sa ticket. Nakabayad na lahat at dumeretso na sila sa isang booth. "Julie simulan mo na!" Sabi ni Tippy. Natatawang binunot ni Julie yung mic at pumili ng kanta sa song book bago pinapindot kay Jhake yung numero nung kanta. Nagsimula na yung intro at kumanta na rin naman si Julie. Enjoy naman siya sa pagkanta nang mapansin niya na nakatitig sa kanya si Elmo. Linchak na... Matunaw ako nito. "Elmo matunaw naman si Julie!" Pagbibiro ni Jhake. Thank God for that. At least hindi ganun kaawkward dahil tumawa na lang ang iba pa nilang kasama. Natapos ang kanta at pinagagawan na ni Elmo at Jhake yung song book. "Jules samahan mo naman ako sa labas..." Biglang sabi ni Bea. Napatingin naman si Julie sa kaibigan at sinundan na ito palabas ng walang pasabi. Baka bibili ng pagkain, gutumin kasi barkada nila. Pero hindi, dinala siya ni Bea sa may Guitar Hero banda. "Gusto mo lang pala mag-laro." Nakangiting sabi ni Julie sa kaibigan. Nagsimula na siya maglabas ng card pero pinigilan siya ni Bea. "Hindi Jules, ako na... Libre ko yung dalawang game basta ba sasagutin mo mga tanong ko eh." Hala ano naman yun... Biglang kinabahan si Julie pero hinayaan naman niya ang kaibigan na ituloy ang gagawin. Nagsimula sila ng isang game at nagsimula din naman magsalita si Bea. "May gusto ka na kay Elmo no..." Kahit kailan talaga walang preno bibig nitong kaibigan niya eh. Wala man lang ba, 'Uhm, Julie may itatanong lang ako ah...' "S-saan mo naman nakuha yan?" Way to be steady. Nautal ka pa... Tumawa naman si Bea na oanay pa rin ang tipa doon sa gitarang controller. "Magtago ka pa Jules eh kita naman kung paano mo siya tingnan. And I'vr been noticing that from you for the past few days. Tapos yung nangyari pa sa court nung isang araw." Julie stayed quiet. Dahil tama nga naman ang kaibigan niya. Pero kasi parehas si Maqui lang at si Nico ang pinakamay alam. Ayaw pa niya kasi sabihin kayla Tippy at Bea dahil masyado nila nakaksama si Elmo unlike her two other friends. It's not that she doesn't trust Bea or Tippy, mas madali madulas ang mga ito dahil kasama lagi si Elmo. "Bhe, wala lang naman ito eh. Crush lang..." Bulong ni Julie. Pero alam niya na it was beginning to be more than that. Bea sighed. Muhkang hindi nasatisfy sa answer ni Julie pero hindi naman na nagpumilit pa. "Sige, pero hindi ito makakasira sa atin ah..." She saod softly. "Alam mo naman, mahal ko tropa natin." She smiled comfortingly at Julie who did the same. "Saan kayo nanggaling?!" Agitated na tanong ni Tippy pagkabalik ni Bea at Julie sa booth. "Naiwan ako sa dalawang ito na parang parehong nakainom!" "Ang harsh mo naman Tippy!" Sabi ni Elmo. "Okay naman boses namin ah." "Pagnagsama hindi!" Lahat sila nagsitawanan habang nakasimangot si Tippy at nagpapout naman si Elmo. "Jules kanta ka na lang ukit para naman mabura yung kayla Elmo sa utak ko." Sabi ni Tippy. "Harsh ka nga Tips!" Julie said albeit laughing. Kinuha niya yung mic kay Elmo at mahinang tinapik ang muhka nito. "O request ka na lang Moe para hindi ka na sad..." "Yung 'High'ni Barbie saka ng The Speaks!" Tila nabuhayan ng loob na sabi ni Elmo. Sino ba naman kasi ang hindi mabubuhayan ng loob kapag si Julie yung kakanta diba? "Sige na nga..." Sabi ni Julie bago bunutin yung song book at hanapin yung kanta. "Yon! Tropa ko yan eh!" Sabi pa ni Elmo sabay akbay kay Julie. Saglit na nanigas sa kinauupuan si Julie. Kahit dati pa naman may nararamdaman talaga siya kapag inaakbayan siya ni Elmo pero ngayon mas laganap na yung nga damdamin niya kapag ginagawa nito iyon. Nakita niya na maingat siyang tinitingnan ni Bea. She only shrugged and nodded at her friend assuring her that she was okay. Dahil wala siya magagawa kung 'tropa' nga lang talaga siya para kay Elmo. "O ito na kakanta na!" Sabi ni Julie na dinadaan sa tawa ang pagakbay ni Elmo sa kanya. ============ AN: Good eve! Haha! Magmorning na :P di ko po alam if maka update ako sa susunod na three days dahil punta po kami ng Subic. Anyways! Hope you enjoy the chap! And the next chapters to come! Vote or comment po! Mwahugz! -BundokPuno
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD