"Sira ba itong controller mo?!"
"Bano ka lang talaga maglaro!"
Inis na binigay ni Julie lahat ng moves na pwede niya gawin sa paggamit kay Jin kaso talo pa rin siya ni Elmo na ang gamit naman ay si Asuka.
"Mandaraya ka talaga Magalona!"
Natawa naman si Elmo sa kanya. "Lahat naman nagiging madaya ang kalaban basta ba matalo eh!"
"Tseh ka talaga!" Sabi naman ni Julie. Nangiinis pa yung background nung laro at sinasabing natalo siya.
"Ambilis kasi gumalaw niyan ni Asuka!" Julie uttered yet again.
At kagaya kanina ay walang ginawa si Elmo kundi tumawa.
"Elmo inaaway mo nanaman si Julie!" Siya namang dating ni Ate Maxx sa loob ng kwarto.
"Ate hindi ka ba marunong kumatok?!" Sigaw naman ni Elmo.
Humalukipkip naman sa harap niya si Maxene. "Bakit Elmo Moses? May ginagawa ka bang kababalaghan dito?!"
Impit na napatawa si Julie dahil sa pagaaway ng dalawang magkapatid.
Si Elmo ay sumimangot lang sa sinabi ng ate habang si Maxene naman ay umiiling lang.
"Saka kay Julie ka nanaman kumakampi." Elmo said with a small pout.
Maxene looked at him. "Eh sa totoo naman na inaaway mo si Julie e!"
Elmo then looked at his friend. "Tingnan mo, kamping kampi sayo si Ate..."
"Nguso mo Elmo humahaba nanaman eh, kurutin ko yan!" Julie teased. Nakakagigil kasi. Pout ng pout. Leche ka, porket alam mo ang cute mo kapag nagp-pout eh.
"Tama na muna yang paglalaro niyo at kumain na tayo."
Sabay naman na napatayo si Elmo at si Julie sa sinabi ni Ate Maxx.
"Yay! Hinihintay ko yang Cordon Bleu mo ate eh, the best!" Julie cheered before reaching out to hug Maxene.
"Mas masarap ngayon baby kasi nandito ka eh." Sabi naman ni Maxx habang sabay na sila ni Julie na naglakad pababa sa dining room habang nakapout pa rin si Elmo na sumusunod.
"Sino ba talaga kapatid mo ate, ako o si Jules?" Kunwaring tampo ni Elmo.
Maxene looked back to her brother and gave him a small smile. "Kapatid kitang tunay Moe pero mas mahal ko lang talaga si Julie."
"Haha beh!" Sabi ni Julie at makulit na binelatan si Elmo.
Pero imbis na gantihan si Julie, ngumiti lang naman pabalik si Elmo at napailing pa.
"Kayong dalawa kain ng marami ah!" Sabi ni Maxene habang nagp-prepare naman ng mga plato ang iba nilang kasama sa bahay.
"Baby wag mo isipin yung jogging natin kanina haha!" Natatawang sabi ni Ate Maxx. "Basta kain lang ng kain ah?"
"Roger that ate..." Nakangiting sabi ni Julie habang sabay sila na umuupo ni Elmo sa may hapag.
"Special made ba ito ate para kay Jules?" Elmo asked curiously as he absent-mindedly started plating up some food for Julie to eat.
"May dagdag pagmamahal." Sagot naman ni Maxene habang marahang nginingitian ang kapatid. Pano, lagay ng lagay ng pagkain sa plato ni Julie habang siya (Elmo) wala pang laman ang sariling plato.
"Moe okay na ako, tataba ako lalo niyan eh." Julie said with a small smile.
"Kailangan mo kaya kumain, baka naman work out ka ng work out tapos hindi ka naman pala kumakain, baka magkasakit ka niyan." Elmo said nonchalantly.
Parehong napatigil si Julie at si Maxene sa sinabi ng lalaki pero patuloy lang ito na naglalagay na ng pagkain sa sariling plato.
"Kanina inaaway mo si Julie ngayon naman concerned ka." Maxene pointed out with a certain glimmer in her eye.
Bigla naman pati si Elmo ay napatigil but quickly regained his composure. "Iba naman yun, mamaya kung ano pa mangyari diyan kay Jules."
They left it at that. Napahinga lang ng malalim si Julie habang si Maxene naman ay tumayo at umiling iling.
Maya maya parehong narinig ni Elmo at ni Julie na bumubulong ito.
"Mga bata talaga, sarap batukan..."
===============
Kasalukuyang nakaupo sa may garden si Elmo at si Julie at naglalaro naman ng pusoy dos, kahit ba hindi ganun kagamay ni Julie, may magawa lang habang patapos na din yung araw.
"Jules anong balak niyo ngayong sembreak?" Elmo suddenly asked, dealing the cards.
Napatingin naman si Julie sa kaibigan at nakitang binabalik lang din naman nito ang tingin niya.
Hmm. Ngayong sembreak?
"Wala naman. Baka ubusin ko na lang yung natitirang mga libro sa bookshelf namin."
"Haha bakit..." Elmo started. "May natira pa pala na libro sa inyo na hindi mo pa nabasa?"
Mahinang tumawa si Julie. "Kapag naubusan edi bili..." She replied. Some would say that she should just download the ebook but then again, the feeling wasn't the same if it wasn't real paper.
Her thoughts were cut off when she realized she didn't know what Elmo would be doing during the break.
"Bakit, kayo ba? Ano balak niyo ni Ate Maxx?"
Elmo simply shrugged, habang inaayos ang mga baraha. "Diba 3 weeks sembreak natin? Balik daw muna kami doon sa dating bahay namin sa Sta. Rosa. This Monday na."
"Sa Laguna?"
Tumango naman si Elmo.
Parang nalungkot si Julie. Tatlong linggo kasi yun e halos araw araw magkasama sila ni Elmo. But then again, maybe this was the time to get rid of her crush for him.
Nginitian niya ito. "Naks, enjoy ka don ah haha. Kumpara dito mas masarap hangin doon eh."
"Haha oo nga eh. Kaso pano yan, wala ka?" Nakangising sabi ni Elmo sa kanya.
Julie scrunched up her face in mock annoyance. "May iba ka naman doon na makakatambay ano ka ba haha. Clingy friend ka e no?"
"Siyempre tropa kita eh." Sabi ni Elmo at umabot para akbayan ito pero kaagad naman umiwas si Julie at tinulak ang muhka nito.
"Madaya ka Magalona sisilipin mo baraha ko eh!"
"Hahaha pano mo nalaman?!"
"Mandurugas, bilis! Ikaw na titira!"
Nagtawanan sila habang bumira na ng tira at sa dulo, si Julie ang nanalo.
"Nanalo ka?! Samantalang nasa akin yung tatlong alas!" Elmo shrieked.
Tawa naman ng tawa si Julie sa itsura ng kaibigan. "Wala eh, magaling lang talaga ako maglaro."
"Tss." Elmo scowled and Julie couldn't help but smile as she shook her head.
"Alam ko na!" Biglang tayo naman si Elmo at hinatak din patayo si Julie.
"O bakit saan tayo pupunta?" Julie asked bewilderingly.
"Libre mo na lang ako isaw!"
"Aba! Ikaw nga natalo ikaw dapat manlibre!"
"Natalo ka sa Tekken!"
"Kayong dalawa nagaaway nanaman ba kayo diyan?!" Rinig na rinig nila si Ate Maxx mula sa living room.
"Si Elmo po kasi ate!" Balik sigaw naman ni Julie.
Saglit na nanlaki ang mata ni Elmo kay Julie bago naman nila narinig na sumigaw ulit si Ate Maxene.
"Elmo! Stop it! Awayin mo pa si baby lagot ka sa akin!"
"Hahaha beh." Sabi naman ni Julie bago belatan ulit si Elmo na napakamot na lang sa likod ng ulo.
"Sige na nga! Sa susunod kasi ililibre mo sa akin buffet!" Tawa ni Elmo.
"Saan kayo pupunta?" Maxene yelled back still inside the living room.
"Itatanan ko na si Julie ate b-bye!" Pagloloko ni Elmo at kaagad naman siya kinurot sa tagiliran ni Julie.
Narinig naman nilang tumawa si Maxene mula sa loob. "Okay sige bye! Balitaan mo na lang ako kapag naghihirap na kayong dalawa..."
Sa may kanto banda ng village nila tinitinda yung paborito nilang isaw at barbecue.
"Hi Manang Minda!" Bati ni Julie sa babae na nagiihaw.
May grupo din ng mga kalalakihan na doon na rin nakatambay kay Manang Minda banda, katabi kasi nito may sari-sari store pa. Yung iba umiinom pa. May araw pa umiinom kaagad???
"O Julie! Elmo!" Masayang bati ni Manang Minda. "Isaw no?"
"Saka po tokneneng manang! Libre naman ni Moe eh." Nakangiting sabi ni Julie.
Tumawa lang si Manang at kaagad naman naghanda ng kakainin ng dalawang kabataan habang si Elmo ay bumubunot na ng pera mula sa wallet.
Si Julie naman ay nagsimula na pumili ng mga kakainin nila ni Elmo. She was in the middle of choosing when from her peripheral vision she saw one of the guys sitting on the curb eyeing her.
Nung una hindi lang niya pinansin at nagpatuloy sa pagpili pero nakita niya na unti-unti itong ngumingisi sa kanya, parang hinahagod ng mata nito ang katawan niya.
Makatingin ito, kadiri, kala mo kung sinong gwapo.
Inirapan niya ito at patuloy ang pagpili sa kakainin nang mapansin niya na nakangisi nanaman ito. Pucha naman...
"Hoy--"
"Pare baka pwede tigil tigilan mo kakatingin sa kaibigan ko? Nababastusan na ako eh!" Bigla namang sigaw ni Elmo.
Nagulat na din si Julie at si Manang Minda sa sinabi nito.
Tumayo naman yung lalaki at para bang hinhamon si Elmo na tumapat dito. Ang diperensya lang e mas matangkad si Elmo.
"Bakit pare di mo naman pala girlfriend eh! Saka nagpapabastos naman talaga yan eh, tingnan mo yung shorts ang iksi!"
Hindi na natiis ni Elmo at bumira ng isang malakas na suntok.
"Tangina ka pala eh!" Elmo yelled.
Si Manang Minda naman at si Julie ay parehong napahawak sa isa't isa.
Tumayo yung lalaki at nagpunas pa ng dugo sa labi bago ngumisi muna kay Elmo.
"Moe!"
Pero wala, nakaganti na rin ito ng sapak kay Elmo hangga't sa nagrambulan ang dalawa at nakailang suntok din sa isa't isa.
"Tama na yan tama na!"
Inawat ng isang kaibigan yung lalaki habang si Julie naman ay pilit na hinihila pabalik si Elmo.
"Wag ka nambabastos ng babae tangina ka!" Galit na sabi ni Elmo habang hawak ni Julie ang braso niya.
Hinihingal na binalik ng lalaki ang galit na tingin kay Elmo. "May araw ka din sa akin gago ka!"
"Aba putang--"
"Moe tama na!" Higit pa ulit ni Julie. May balak nanaman kasi sumugod ang isang ito.
"Umuwi na nga kayo!" Sabi ni Manang Minda sa mga lalaki. "Iuwi niyo na yang kaibigan niyo!"
Nagsialisan naman ang mga lalaki at ang iba ay nagsorry pa.
Saka naman tumingin si Manang Minda kay Julie at kay Elmo. "Mga anak pasensya na kayo ah. Hinahayaan ko din kasi sila uminom eh muhkang nasobrahan yung isa."
"Okay lang po manang pero kailangan ko na po iuwi ito si Elmo..." Sabi naman ni Julie.
Tiningnan niya si Elmo na nakatingin sa baba kaya naman dahan dahan niya itong pinatingin sa kanya.
Nagsisimula na magkaroon ng pasa ang kaliwang pisngi nito.
"Tsk, ayan nagpapasa na... Bakit mo pa kasi pinatulan?" Julie whispered.
Napakunot naman ang noo ni Elmo. "Gago siya eh. Binabastos ka. Halatang manyak lang talaga. Hindi naman maigsi shorts mo." Elmo pointed out.
Umuwi na sila sa bahay nila Elmo at kaagad naman na naghysterical si Maxx nang makita ang itsura ng kapatid.
"Elmo! Ano nangyari sayo?!"
"Kasi ate..." Julie started at kaagad naman sinabi ang nangyari habang si Elmo ay pinapuwesto nila sa may sofa.
"Gago yung mga yun ah, ikaw ba Julie okay ka lang?" Tanong naman ni Ate Maxx nang nakaupo na rin silang lahat.
"Okay naman po ate. Hindi naman po nila ako hinawakan." Julie whispered.
Kinuha na ni Maxx ang first aid kit at kaagad naman inabot ito ni Julie.
"Ako na po bahala kay Elmo Ate Maxx." Sabi naman ni Julie.
"O sige, magluluto lang ako ng dinner ah, Julie, dito ka na rin magdinner, text mo si Manang na hindi ka na uuwi." Tumatawa na sabi ni Maxene.
Binalik lang naman ni Julie ang tawa. "Pagalitan pa ako nun ate kahit ba tapat bahay lang ito eh."
Nang makaalis na si Maxx papuntang kitchen ay siya namang harap ni Julie kay Elmo.
"Dumudugo pa labi mo... Tsk." Sabi ni Julie. Naglabas na siya ng kagamitan at dahan dahan na linilinis muna ang sugat ni Elmo.
"Aray!"
"S-sorry..." Nagpapanic na sabi ni Julie. "Mabigat ba kamay ko?"
"Hindi naman..." Sagot ni Elmo. "Malaki lang talaga itong pasa ko na ito."
"Gago kasi yung nga iyon." Julie whispered at tuloy na ginagamot ang sugat ng kaibigan. Nakikita niya na paminsan minsan any ngumunguwi ito kay sinigurado niya na bilisan para makapagpahinga na ito.
Sa wakas ay natapos na and Elmo felt much better.
"Thanks Jules." He said, trying to smile but it sort of hurt.
"Welcome, and sorry nga pala ha. Napaaway ka pa dahil sa akin." Julie sighed.
Elmo comfortingly smiled at her. "Ano ka ba, you're my friend, of course I'll always protect you."
"Salamat..." Sabi ulit ni Julie kahit ba medyo naguiguilty siya. Kaya naman dahan dahan siyang tumayo at saka nagayos ng sarili. "Kailangan mo na magpahinga Moe, paalam na lang ako kay Ate Maxx na uuwi na ako." Guilty pa rin talaga siya eh.
Lalakad sana na siya palayo kaso pinigilan siya ni Elmo at mahigpit na hinawakan ang kamay niya. "O, akala ko ba dito ka magdidinner?"
"Eh kasi..."
"Magagalit si ate..." Elmo pouted.
Julie looked at him and sighed. "Moe you need to rest."
"Diba aalis ako ng tatlong linggo?" Biglang sabi ni Elmo. "Sige na please?"
Nako dinaan ako sa puppy dog look niya.
Wala na nagawa si Julie at kumain talaga ng dinner doon kayla Elmo na ikinatuwa din naman ni Ate Maxx. Pagkatapos ay napagpasyahan nilang dalawa na manuod ng movie sa TV sa living room.
Magkatabi lang sila nakaupo at kumakain pa ng chips.
"Magreply ka naman kapag nagtext ako ah!" Sabi ni Elmo bigla. "Baka kasi ineglect mo yang phone mo habang nagbabasa."
"Parang di mo naman alam na nakaattach yung telepono ko sa kamay ko." Julie pointed out. And she was doing it right now dahil panay ang Twitter at f*******: niya.
"Eh baka nga kasi kapag nagababsa ka hindi mo pansinin..." Elmo replied.
Tumawa lang si Julie. "Napakaclingy mo talaga." Nginitian niya ito at binalik naman nito ang gesture bago tumingin muli sa TV.
They stayed there in silence hanggang sa naramdaman ni Julie na tuluyan na siyang kinuha ng tulog.
============
Katatapos lang ni Maxx gumawa ng natira niyang trabaho at naisipan na icheck ang dalawang kabataan. Gabi na at hindi pa nagpapaalam sa kanya si Julie na uuwi na ito which only neant na hindi pa ito nakakauwi.
Sumilip siya sa may living room at napangiti nang makita na tulog na tulog ang dalawa. Julie's head was resting on Elmo's chest while the latter had his on top of Julie's. Nagrurun pa rin yung movie sa harap nila kaya naman pinatay na ito ni Maxx bago umakyat sa kwarto ni Elmo at bumunot ng isang kumot at bumalik sa baba.
Nakangiting pinagmasdan niya ang dalawa before placing the blanket on top of them.
"Sleep well kiddies." She said. Saka na rin siya tumawag sa San Jose residence para ipaalam na nakatulog ang dalaga sa bahay ng mga Magalona.
===========
An: hey guys! Malamig ba? Cuddle cuddle din! Haha! Anywhoo! Salamat sa mga nagbabasa! Comment or vote po :)
Boto natin ang Tulad Mo ni bebe Julie sa myxph.com :D
Mwahugz!
-BundokPuno <3