Chapter 18

2391 Words
"Tagal naman ni bakla..." Julie groaned. Nagyaya kasi si Nico na magshopping daw muna sila sa mall, daanan na lang daw siya nito sa bahay nila at si Maqui naman ay dederetso na doon dahil may inutos pa ang mom nito sa kanya. "Anak sino ba hinihintay mo at di ka napakali diyan?" Tanong naman ni Manang Dora sa kanya. Kanina pa kasi siya paikot ikot sa may living room at panay din ang tingin sa cellphone at sa bintana. "Si Nico po manang, magm-mall po kasi sana kami ngayon..." "Ah... Akala ko si Elmo." Mahinang napabuntong hininga si Julie. "Umalis na yun manang eh..." "Ha?!" Biglang sabi ni manang at napatigil pa sa pagdust sa mga picture frame na nandoon sa living room. "Umalis na sila? Lumipat ng ibang bahay?" "Hindi manang." Natatawang sabi ni Julie. "Bumalik daw muna sila ni Ate Maxx doon sa bahay nila sa Sta. Rosa, bakasyon lang ulit." "Akala ko naman umalis na talaga sila. Pagalitan ko yung bata na iyon at hindi man lang nagpaalam." Manang kept shaking her head before going back to her work. At napatingin nanaman si Julie sa bintana. Pakatumal talaga ng bakla na ito. Pero sa totoo lang miss na din niya si Elmo. 3 days pa lang ito nawawala kaso ganun na kaagad yung pagkamiss niya. Siyempre Julie, araw araw mo ba naman na kasama eh... BEEP BEEP! "Julie!" "Anak! Kanina pa bumubusina yan si Nico di ka pa lumalabas!" Sabi ni Manang. Kaagad naman na napapitlag si Julie at tumayo mula sa pagkakaupo sa may sofa. Inayos na niya ang sarili for the last time bago kumaway na kay Manang. "Manang Dora sige po una na po ako ah!" "O sige sige magiingat kayo ah!" "Opo manang!" Binilisan ni Julie ang paglabas sa bahay. Okay lang kasi na siya ang maghintay pero kapag si Nico ang pinaghintay mo panigurado na may gyera na mangyayari. "Bilis bakla asar ako sa driver ko imbyerna!" Sabi ni Nico habang nakadungaw sa bintana. "O bakit? Asan si kuya Bogs?" Julie asked as she got into the passenger seat of Nico's car. "Eh kasi! Sabi ko tinatamad ako magdrive ngayon tapos yun pala pinuntahan yung jowa kaya naman hindi available." Sabi ni Nico. "Pero kasi siyempre medyo late na nung sinabi ko na magm-mall pala tayo. Kaya sige forgiven na siya." Natawa na lang si Julie at tumango habang tinuloy na ni Nico ang pagdrive, inggit lang niya kasi ito marunong na, siya baka next year pa. "Ano ba balak mo bilhin sa mall?" Julie asked. Siya kasi wala naman pinakabalak bilhin pero sigurado pagdating doon dederetso ng NBS. "Wala na kasi ako pantalon! Ang jijikip na." "Hinay hinay daw kasi sa cookies bakla..." Natatawang sabi ni Julie. Inis na naningkit ang mga mata ni Nico bago tingnan si Julie. "Hoy Julyeta, porket napakaganda ng katawan mo eh..." "Hoy bakla hindi ah, tumataba na din kaya ako..." "Pakshet! Tumataba ka na ng lagay na yan?! Ano ako? Balyena?!" Natawa naman lalo si Julie at inabot pa para yumakap sa kaibigan. "Mmm namimiss na kita Nico baby!" "Kadiri Julie! Wag ka nga ganyan at kinikilabutan ako! Mabangga pa tayo!" Sabi ni Nico habang linalayo ang sarili kay Julie. Tumawa lang naman si Julie habang patuloy na nagd-drive si Nico. Pero maya maya ay pilyong napangiti si Nico at tiningnan si Julie. "Namiss mo lang ako kasi nawawala si Elmo eh..." "Oy grabe hindi ah!" Sabi naman ni Julie. "Hindi ba pwede na miss ko din naman kayong dalawa ni Maqui talaga?" "Wushu! Sige na nga... Pero kamusta naman at wala si Magalona? 3 weeks din yun ah!" "Grabe!" Julie uttered. "Hindi naman siya lumipat ng ibang bansa para mamiss ko kaagad..." "Pero aminin moooo...." Kinikilig na sabi ni Nico. "Namimiss mo na nga siyaaaa!" Julie looked away and shook her head, but then again. Oo namimiss ko na... =============== "Bakla, Starbuck's na lang..." "Di ba kayo nagsasawa sa kape?!" "O sige Coffee Bean..." "Pinapatawa mo ako bakla? Kape pa rin yun!" Tawa naman sila ng tawa na tatlo. "Ay ito girls o..." Nico pointed out. May iaang maliit at cozy looking na cafe na nandoon din naman sa loob ng mall. At least doon hindi ganun karami ang tao pero muhka namang masarap pa din yung kape at maganda yung ambiance. "Ano ulit pangalan ng cafe na ito?" Maqui asked as she looked around the interior of the whole place. "Zing's cafe..." Basa ulit ni Julie habang nauna na umupo. "Bongga! Gusto ko yung ambiance!" Sabi naman ni Nico habang pinagmamasdan ang paligid nila. Kakaunti lang ang tao na nandoon sa cafe which was what Julie liked. Pumipili na sana sila ng kakainin sa menu na binigay sa kanila ng isa sa mga waiter doon nang maramdaman ni Julie ang pagvibrate ng telepono niya na hawak hawak niya. Jules! Haha wala lang! Kain tayo ng lunch! Mainggit ka! It was a text from Elmo na may kasama pang picture ng isang plato ng okoy at kanin. Napangiti at napailing si Julie habang rinereplyan ang kaibigan. Kain ka ng kain diyan sige taba pa more! Wala pa isang minuto nang magreply si Elmo. Whoo mamimiss mo lang abs ko kapag tumaba ako eh! Saglit na namula si Julie. Baka nga... Kapaaaal. Sige kumain ka na diyan! May reply nanaman kaagad. Ito naman joke lang! Miss na kasi kita! Sige kain ka na din Jules! Wag masyado work out! Baka mapagod ka! Hindi naman napigilan ni Julie ang kiligin and at the same time mainis. Hay nako Magalona, I'm supposed to get rid of these feelings for you but you're not helping! Oo na oo na! Kumain ka na diyan! Ako ba hindi mo miss? Arte mo Elmo! Oo na miss na din kita! Ingat ka diyan lagi! "Hoy Julie!" "Ha?" Doon lang narealize ni Julie na kanina pa siya kinakausap ng dalawang kaibigan. "Nako Julie!" Comment naman ni Maqui. "Si Elmo yan no?!" "H-hindi no!" Sige Julie deny ka pa e huling huli ka na eh... "Anong hindi!" Sabat naman ni Nico sabay baba ng hawak hawak na menu. "Nakita ko na usapan niyo no! Mga malalandot na bata! May pa 'Hindi mo ba ako namimiss' pa yan si Magalona!" "Napakabionic talaga niyang mata mo Nico e knowing naman na wala kang mata!" Balik naman ni Julie. "Tigil tigilan mo kakaasar sa pagkakainstik ko Julie Anne ha!" Maqui couldn't do anything about what was happening with her friends at napatawa na lang. "Hay nako order na nga lang tayo!" Sabi din naman ni Maqui at kaagad na sumenyas sa isang waiter. Kanya-kanyang order na sila at nang umalis na ang waiter ay siya namang harap ulit ni Nico kay Julie. "So ano na score niyo ni Magalona?" Julie's eyebrows raised up at that. "Score? Bakit? Naglalaro kami ng scrabble?" Tumaas din ang kilay ni Nico na mas maganda pa ata ang pagkakahubog ng kay Julie. "Tigil tigilan mo ako Hulyeta ah. If I know miss na miss mo na yan si Elmo." "Grabe--" "Sabihin mong hindi!" "Ayan na yung order natin mga bakla!" Sabi bigla ni Maqui na kanina pa entertain na entertain sa dalawa niyang kaibigan. Pagkalapag na pagkalapag ng kape sa harap ay kaagad naman uminom si Julie. Oh coffee I love you... "More than you love Elmo?" Napatingin si Julie kay Maqui at nakitang nakangisi ito sa kanya. "Ha?" "Sabi mo kasi you love coffee." Nakangisi pa rin na sabi ni Maqui. "Just checking if you love it more than you love Elmo..." Sabay na naghagalpakan ng tawa si Nico at si Maqui dahil doon at si Julie naman ay napapangiti na lang kahit ba nararamdaman niya na nagiinit ang kanyang pisngi. Hindi naman kasi siya talaga manalo nalo sa dalawang ito. "When will you guys let it go?" "Favorite ko din yan Jules! Frozen! Pwedeng pwede ako na Elsa diba?" Sabay tawa ni Nico. Julie could only shake her head dahil tawang tawa na rin siya sa kanyang kaibigan. "Osige na Jules titigil na kami." Sabi naman ni Maqui kahit ba nagpipigil pa rin ng tawa. Trip lang talaga nila na asarin ang kaibigan. "Change topic na! Ano pa balak niyo ngayong sembreak?" Julie asked. Baka sakali makalusot at tigilan na siya ng dalawa niyang kaibigan. "Mag-gagala daw kami nila Bill eh." Sabi naman ni Nico, pertaining to his college friends. "Ewan ko naman kay mommy..." Sabay sabi naman ni Maqui. "May balak ata na pumunta doon sa bahay namin sa Batangas." Huhu iwan nanaman ako dito... Julie sighed. Nanahimik lang muna siya at uminom mula sa kape niya habang si Nico at Maqui ay nagsimula na magdaldalan ng tungkol sa kung sino mas magaling; One Direction o 5SOS. Napatingin naman ulit si Julie sa phone niya at nakitang kanina pa pala kung ano ano tinetext sa kanya ni Elmo. Hindi lang niya masagot dahil nga inaasar siya kanina ni Nico at ni Maqui. Jules! Reply naman! Julie Julie gawa mo Julie? Jules grabe, yung dalawang aso dito naglalampungan sa harap ng bahay namin! This time napigilan ni Julie ang kanyang pagtawa kahit ba kanina pa niya gusto gawin iyon. Leche ka Elmo, namimiss ko lalo kakulitan mo eh... "Jules..." Ay shet nakita nanaman ba siya ni Nico at aasarin siya nito? Nagangat siya ng tingin, nagreready na na kung ano ano nanaman ang sasabihin sa kanya ni Nico pero nakita niya na sa iba ito nakatingin. "Bakit?" She asked softly. "Sino yun?" Sabay naman na napatingin si Julie at si Maqui kung saan nakatingin si Nico at nakita na sa isang lalaki sa gilid ito nakatingin. Ang kaso lang, yung lalaki nakatingin kay Julie. "Kilala mo yan?" Tanong naman ni Maqui. At dahil ayaw naman niya tumingin ng ganun ganun na lang, pasimple muna ang pagsulyap niya. Kilala nga niya ang lalaki. Kabatch din niya sa SAU at MedTech din ang kinukuha. Pero hindi sila magkaklase. Siya section A tapos yung lalaki naman section B. Kapag hindi siya nagkakamali ang pangalan nito ay Simon. "Ka-batch ko yan." Julie answered nonchalanty. She shrugged her shoulders and drank from her coffee again. "Girl ang lagkit makatingin!" Sabi naman ni Maqui. "Baka crush si Nico." Julie laughed, earning her a soft slap on the arm from Nico. "Gagetch! Eh sayo nakatingin!" Sabi naman ng baklang intsik bago napabuntong hininga. "Pero sana nga sa akin na lang, ang gwapo eh!" Napasulyap nanaman si Julie kay Simon. May katangkaran din ang lalaki, bilugan ang mata saka may katangusan ang ilong. Manipis din ang mga labi nito. Pero wala siya sa Elmo ko...ay! Maka-Elmo ko ka Julie, maghunus dili please! "Yiii! Muhkang crush ka nga girl!" Biglang sabi naman ni Maqui! "Patusin mo na habang wala si Elmo! Sembreak romance kumbaga!" "Ay ewan ko sa inyo! CR lang muna ako." Sabi ni Julie at mabilis na tumayo mula sa kanyang upuan at dumeretso sa mga restroom. Mag-isa lang siya sa loob, kaya naman nakapagmonologue siya. "Bakit ba kasi pinagpipilitan yang love life na yan!" Sabi niya sa sarili habang naghuhugas ng kamay. Di bale na magmuhkang nasisiraan ng bait at least mag-isa siya.  "Diba pwede mabuhay ng walang landian? Walang harutan? Grr, paguntugin ko yung dalawa na iyon eh." She kept muttering to herself while exciting the restroom at dahil doon ay hindi napansin na may kamuntikan na siya mabunggo. "Ay miss sorry..." "Ah okay...lang." Napaangat ng tingin si Julie at natigilan nang makita si Simon. Nung una ay nagkatinginan lang muna sila hanggang sa si Simon na ang unang ngumiti. "Ui..." He said in somewhat a greeting. "Ui." Ayun na lang din nasabi niya. At least alam nila kasi na magka-school at magkacourse pa sila. "Uhm, kabatch mo ako sa SAU..." Sabi ng lalaki habang ngumingiti. "Simon..." Pagpapakilala niya sa sarili. Mahinang ngumiti naman si Julie. "Ah uhm, Ju--" "Julie Anne San Jose, I know, sinong hindi makakakilala sayo." Pagngiti ni Simon sa kanya. Medyo naflatter din naman si Julie. Hindi naman niya kasi consider ang sarili niya na maraming kilala siya eh. "Ah haha, kilala mo na pala ako. Uhm, sige Simon, balik na ako doon sa table namin. See you in school na lang." "Sige..." Nagmamadali na umalis na si Julie sa cramped space na iyon at mabilis na napaupo sa tabi ni Nico. "Bakit girl, hinahabol ka ba ng mga pulis?" Maqui asked. "Bakit nagmamadali ka?" "Ha?" Julie looked at her friends. "W-wala... Wala..." "Keme ka talaga gurl!" Sabi ni Nico bago biglang hinawakan si Maqui. "Nakita ko bakla, nakabanggaan niya yung boylet na nakatingin sa kanya kanina! Nako! Tinay na pag-ibig na yan!"  "Ano nanaman yang pumapasok sa isip mo bakla!" Julie yelled. "Hindi pa enough na si Elmo na ang inaasar mo sa akin pati ba naman si Simon." "Haha! Palibhasa kay Elmo ka lang talaga! Pakaloyal mo diyan Hulyeta! E ikaw na nga itong nagsabi na friend ka lang niya! Edi mag Dora the Explorer ka na! Magellan! See new sights! Places! Boylets!" Sabi ni Nico with matching wagayway pa ng hands na para bang nagdedeclaim. At kagaya ng kanina ay napailing lang si Julie. Sakto naman na lumabas na din gaking ng CR si Simon at nagtama pa ang tingin nila. Ngumiti nanaman ang lalaki sa kanya and well, it would be rude if she didn't return it and so she did. "Tamo tamo!" Sabi nanaman ni Nico dahil nakita niya ang pangyayari. "Cute kaya siya Jules! Baka nga mas cute pa kay Elmo na yan eh!" Pinili na lang ni Julie na hindi magsalita at baka madulas pa siya. Ayan nanaman at nagtext nanaman ang pinaguusapan nila. Love! Skype tayo mamaya ah! Namimiss ko na yang muhka mo eh hahaha! Di mo ako mahahampas sa pagtawag ko ng 'love'ang layo layo mo eh! Mwahaha! Skype ah! Mamayang 8 ng gabi... Kaechosan mo Elmo, may emoji ka pa na nalalaman. Oo na oo na! Mamayang 8! Lagot ka sa akin pagbalik mo dito!  Julie texted back. Yii excited na si Love ko! Text you later! May pinapagawa si ate! Mwah! Mali si Nico. Para kasi sa kanya wala na mas c-cute pa kay Elmo. =============== AN: Merry Christmas everyone! Hope you had a great one! At dahil diyan iboto ang Tulad Mo ni Julie sa Myx! Nuod na din tayo ng Kubot ahaha! Kami bukas manuod :D Thanks for reading! Comment and/or vote po! Mwahugz! -BundokPuno <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD