Define lonely. Nagkatotoo na nga yung sinabi ni Julie. Naubos niya lahat ng libro sa bookshelf ng bahay nila. One week na lang ang natitira sa sembreak nila at hindi na rin niya makasama si Nico at Maqui dahil may mga sarili din itong lakad.
Ang medyo masaklap din... Dumalanag ang text sa kanya ni Elmo. Nung una natuwa pa siya na hindi ito text ng text sa kanya eh dahil nakakabasa siya in peace. Ngayon naman na wala na siyang librong binabasa, saka naman hindi nagtetext si Elmo.
Ano kasi akala mo Julie na hindi yun mageenjoy sa Sta. Rosa at panay lang text sayo ang gagawin?
She needed to stop moping. Kaya naman napagdesisyunan na magbike na lang around the neighborhood.
Kapag bored kami nun magb-bike kaming dalawa ni Elmo eh---syet naman Julie stop thinking about him!
Sabagay, pauwi na din naman daw sila Elmo in 3 days dahil kailangan din sa enrollment.
Kumanan siya at napadaan pa sa nakasara na simbahan bago napadaan sa bahay nila Derrick.
"Jules!!!"
Hindi boses ni Derrick yun. Napatigil sa pagbike si Julie at tinungkod pa ang kanang paa sa may semento bago napatingin sa pinanggalingan ng boses at nakita ang girlfriend ni Derrick.
"Ui Lex!" Julie greeted.
Nakaupo sa may terrace si Lexi at umiinom ng orange. Kaagad naman ito tumayo mula sa kinauupuan at binuksan ang gate para kay Julie para makapasok ito kasama na rin ang bike.
Pumasok naman kaagad si Julie at pinark ang bike sa tabi.
"Nagluluto sa loob si Derrick eh."
"Under mo talaga yun." Natatawang sabi naman ni Julie.
"Mahal niya ako eh haha!" Lexi replied. Sakto naman na narinig nilang bumukas yung screen door ng bahay nila Derrick at mula dito ay lumabas naman ang binata.
May dala dala itong isang tray ng pagkain at natigilan naman ng makita si Julie na nakaupo din doon.
"O, Jules!" he said, stopping from walking.
"Hi pre!" Bati naman ni Julie.
"Nandito ka pala! Teka kukuha ako ng isa pang plato!" Sabi naman ni Derrick ng may maliit na ngiti. Kaagad naman niya binaba yung tray sa harap ni Lexi bago pumasok ulit.
"Wow pinagluluto ng boyfriend, naks naman." Pagloloko ni Julie kay Lexi.
The latter smiled as she shook her head at her friend. "Love ko din naman talaga siya eh..." Lexi said sweetly at parang napapaday dream pa talaga.
Nginitian naman ni Julie ang kaibigan at wala sa isip na napahinga ng malalim. Hehehe. Sweet naman nila, kakainggit.
"Kamusta naman pala sembreak mo Jules?" Lexi asked.
Napakibit balikat lang naman si Julie. "Okay naman. At least nakapagpahinga from studying."
"Oo nga hirap ng course niyo eh." Sabi ni Lexi. "Si Elmo nga pala?"
Grabe magkadikit na ba talaga sila ni Elmo sa tadyang at lagi sila hinahanap ng magkasama?
"Nasa Sta. Rosa eh, doon nagpalipas ng sembreak."
"Ohhh..." Lexi gasped. "Edi miss mo na siya?"
Bago pa makasagot si Julie ay siya namang balik ni Derrick at may isa pang plato ng pasta.
"Ito Jules o! Luto ko yan!" Derrick said bago naman tumabi kay Lexi at inakbayan pa ito.
"Naks! Chef na chef!" Sabi naman ni Julie.
"Thanks thanks!" Proud na sabi ni Derrick. "Ilang taon ko ata yan pinerpfect!"
Tawa naman nila Julie at Lexi pero pagkatikim nila ay napakasarap nga naman.
"Balita ko nagbakasyon si Elmo sa Sta. Rosa?" Derrick said.
Julie shrugged her shoulders. "Oo nga eh, tamo yun hindi ako rinereplyan samantalang nung isang linggo panay ang text sa akin."
"Halaaaa." Nakakaloko na sabi ni Derrick dahilan para mapatingin naman sa kanya si Lexi at si Julie.
"Anong hinahala mo dyan?" Sabi naman ni Lexi.
Nakangisi pa rin si Derrick na tiningnan si Julie. "Baka kaya di na yun nagrereply sayo kasi may liniligawan na doo--aray!" Daing naman ni Derrick nang sikuhin siya ni Lexi.
"Ito talaga..." Bulong ni Lexi sa kasintahan bago binaking ang tingin kay Julie Anne. "Jules, wag ka nakikinig kay Derrick ah... Kalokohan lang niya yan."
Mahinang napangiti si Julie. "Haha! Wala naman yun sa akin, di ko naman boyfriend si Elmo." Sinungaling Julie, anong wala lang sayo eh saglit nga na tumigil yang pagtibok ng puso mo nung marinig mo sinabi ni Derrick eh.
Pero totoo naman diba? Sinubukan ni Julie na kausapin ang sarili. Crush lang naman niya si Elmo and he was free to do whatever he pleased.
"Eh!" Nagising siya sa pagdaing ni Lexi. "Gusto ko ang magkatuluyan si Julie at si Elmo..." Sabi nito na napapapout pa.
Mahinang natawa naman si Julie. "Hindi nga Lex, kaibigan ko lang si Elmo..."
"Well we don't think you two are just friends." Pagpilit naman ni Lexi.
Julie again shook her head.
================
"Julie di ka pa ba magigising?"
Nagising si Julie sa mahinang katok sa pinto niya. At kagaya ng dati pa niya ginagawa ay napatingin muna siya sa orasan sa tabi ng kama at nakita na alas singko na ng hapon. Grabe. Ang tagal ng syesta niya. Sobrang bored niya kasi ng mga nakaraang araw kaya ayan, dinaan na lang sa tulog.
"Julie anak, nakabalik na daw sila Elmo."
Pagkasabi ni manang ng ganoon ay kaagad naman napatayo si Julie mula sa kama. She looked at her calendar at nakita na oo nga, ngayong hapon ang balik nila Elmo galing ng Sta. Rosa!
Sumilip siya sa bintana at nakita na nandyan na nga ulit ang kotse ni Ate Maxx sa may garahe ng bahay nila Elmo.
Sa sobrang excite niya ay halos mapatalon siya palabas ng kwarto at halos mabunggo si manang. "Ay bata ito!" Manang exclaimed pero wala, derederetso na palabas si Julie.
Kaagad naman siya nagtext kay Elmo.
Mokong nakabalik ka na pala! Hindi ka man lang nagtext!
Hindi na siya naghintay pa ng reply at kaagad naman pumunta sa kabilang bahay.
"Moe!" Mahinang tawag ni Julie mula sa may gate. Tiningnan niya ang telepono, hinihintay kung magrereply si Elmo pero wala.
"Elmo!" Tawag niya ulit.
Saka naman lumabas si Ate Lyn, kasama sa bahay nila Elmo.
"Julie!" Bati nito.
"Hi Ate Lynn!" Julie smiled. "Si Elmo po?"
"Nako natutulog, muhkang pagod sa byahe eh." Sabi ni Ate Lynn. "Pati si Maxene nakatulog."
Saglit naman natigilan si Julie sa sinabi ng kasambay. Oo nga naman, pagod siguro ang mga ito tapos suaugod siya. Kaso kasi kilala niya si Elmo. Alam niya na gusto nito makita siya. Iiinsist pa sana ni Julie na baka pwede guluhin na lang niya si Elmo ng maramdaman niya na may nagtext sa kanya.
She checked her phone and saw na nagtext si Elmo.
Jules, ei, sorry ah... Bukas na lang. Pagod pa ako eh. Geh...
Julie stopped midway. Parang... Nakakapangtampo naman yun. Pero kasi pagod nga si Elmo... She reminded herself.
Kaya naman kahit medyo nadismaya, ngumiti na lang ulit siya kay Ate Lynn. "Sige po ate, sorry sa abala, gorabells na lang ako."
"Ah sige, sabihin ko na lang kay Elmo." Sabi naman ni Ate Lynn.
But Julie shook her head at that. "No ate okay na. Alam naman na niya na nandito ako, kaso ayun... Pagod daw eh. Sige po!" Julie waved goodbye, a smile still evident on her face. Pero the moment she turned away ay onti-onti ito nawala.
Napagdesisyunan niya na maglakad lakad na lang sa labas. Tutal, takipsilim na, malamig ang hangin, masarap magmuni muni. Bakit ganun? She knew she didn't have to think too much about it dahil nga baka pagod lang si Elmo pero kasi pati these past few days hindi na nga rin ito nagtext.
Napadaan siya sa playground at napaupo sa swing. Mag-isa lang siya dahil panigurado lahat ng bata na maglalaro ay pinauwi na.
And as she felt the cold wind blowing through her arms, she wondered... Bakit ganun? Parang iniiwasan ako ni Elmo?
===============
AN: Nagwwonder din ba kayo? Ako din eh. Haha joke :P siyempre alam ko... Anywhoo! Thanks for reading! Comment or vote po :D iboto ang Tulad Mo ni Julie sa myx!
Mwahugz!
-BundokPuno <3