Chapter 20

1145 Words
Wala yan Julie wala yan. Bea? Anong ginagawa nito dito? May hawak itong malaking lollipop at share sila sa pagdila dito ni Jhake. Sabi ko na nga ba, magkakatuluyan din kayong dalawa eh. "Julie?" "Mmm..." "Anak, Julie..." "Dad inaantok pa ako..." Tinaklob ni Julie ang sarili at kung posible pa ay mas lalong binalot ang sarili sa loob ng kumot. Nanaginip pala siya kanina. At medyo weird yung panaginip dahil ano naman kinalaman ni Bea at Jhake sa isang malaking lollipop. At iisa lang ang ibig sabihin kapag nananaginip siya ng ganoon. "Julie anak, linalagnat ka, ang taas!" Narinig niyang sabi ng Papa niya. Sa sinabing iyon ng tatay niya ay napatayo mula sa kama si Julie. Nako dapat hindi niya ginawa iyon dahil bigla naman sumakit ang yung ulo niya at feeling niya ay masusuka siya. "Oh! Dahan-dahan lang anak!" Sabi ni Kent habang pinagmamasdan ang dalaga. Nang mahimasmasan ay siya namang pagbagsak ni Julie sa kama ulit at mas lalo pa binalot ang sarili sa mga kumot. Sheeet. Ayoko ng feeling na ito. Saglit na nawala ang kanyang papa at pagbalik ay kasama na ang kanyang Kuya Christian. "Kuya..." Julie moaned. Ayaw na ayaw niya talaga ang feeling na may sakit siya. Kahit sino naman ayaw ng ganung feeling eh. "Ano nangyari sayo baby girl?" Christian asked as he placed a palm on the surface of Julie's forehead. "Mmmmm...." Naramdaman na din niya ang sipon niya. Saka naman pumasok sa loob si Manang at tiningnan ng maigi ang dalaga. "Nako naman. Paano kasi yang batang yan naglakad lakad kagabi. Ayan sinipon tuloy." Sabay naman na napatingin si Kent at si Christian kay Julie. "Anak, totoo ba iyon?" Tanong naman ni Kent sa anak. Hindi na sumagot pa si Julie dahil hilong hilo na talaga siya. Ugh, I hate this so much. "Sunday pa naman ngayon..." Biglang sabi ni Kent. Halos mapatayo nanaman si Julie sa sinabi ng Papa niya. "O-oo nga pala!" "No, no you'll stay here and rest. Wag matigas ang ulo baby girl...Kahit gaano ka pa kagaling kumanta, kakayanin naman ng choir na wala ka mamaya." Sabi ni Kuya Christian. Hinayaan niya na humiga ulit ang kapatid. "Ano ba kasi iniisip mo at nagikot ikot ka pa?" " Na-feel ko lang mag-emote." Julie replied as she burrowed herself inside the blankets. Naramdaman niya na inaayos ng Papa at Kuya niya ang kama niya habang si Manang naman ay lumabas. Di bale, tatakas na lang mamaya. Kanina pa siya nakahiga lang sa kamat at kanina pa din siya tulog ng tulog kaya siguro hindi na siya makatulog ulit. Saka naman niya naalala si Elmo. Buong araw na siya nakahilata dito at siguro naman nakapagpahinga na ito pero hindi man lang siya tinetext. Totoong nakakatampo na talaga ito ah. Halos ibagsak niya ang phone sa may bed side table nang maalala niya na kailangam niya itext si Tita Nina na hindi siya makakapag-simba ngayong gabi dahil nga ayaw siya pakawalan ng mga tao sa bahay. Pagkatext niya ay siya namang reply ni Tita Nina. Nako pahinga ka anak ah. At alagaan mo yang boses mo. Ginto yan. Get well soon anak! Ngumiti si Julie bago ilagay ang phone pabalik sa bed side table at napagdesisyunan na humilata na lamang doon. Hindi nanaman maalis sa isipan niya na kahit ba nakabalik na from Sta. Rosa si Elmo ay hindi pa rin sila nagkikita. Kaso kasi ayaw niya isipin nito na naghahabol siya kaya hinayaan na lang niya yung phone niya. Bahala siya. Kung di siya feel nito kausapin edi wag. Sa kakaisip hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Ano po nangyari? Ewan ko diyan, natripan daw na magemote sa labas kagabi eh.... Shit kasalanan ko ata yun... Basta Elmo ikaw na bahala sa kanya... Unti-unti nagising si Julie sa mga boses na naririnig niya. Napatingin muna siya sa orasan sa may ding ding at nakita na alas-siyete ma ng gabi bago napaikot at napatingin sa may pintuan niya banda. Laking gulat niya nang makita niya si... "Elmo?" "Jules!" Biglang sabi naman ni Elmo at napalapit pa talaga sa kanya bago umupo sa tabi niya sa may kama. Dinama pa nito ang kanyang noo kaya naman napahawak siya sa kamay nito at linayo pa. Kaagad nama n nahalata ni Elmo iyon. "Jules..." "Ano ginagawa mo dito?" Julie asked. She looked at him, her eyes still droopy from sleep. "G-galing kasi ako ng simbahan. May sakit ka daw sabi ni Tita Nina." Elmo said. "Ah oo... Tanga ko kasi eh. Nagkasipon saka lagnat tuloy ako." Julie replied. She yawned and stretched her arms above her head before looking at Elmo again. "Bakit ka nga ulit nandito? Samantalang ni hindi mo ako na-text man lang." Alam niyang hindi siya dapat nagtatampo kasi para sa kanya ang immature din pero hindi niya kasi mapigilan eh. Sasabihan siya nito bago umalis na lagi tingnan phone niya tapos ito din naman pala ang hindi makakapagtext. Imbyerna. "S-sorry na..." Sabi naman ni Elmo na halatang naguiguilty din naman sa ginawa niya. "Kasi..." "Okay lang naman kasi na hindi mo ak o itext. Eh ikaw nga itong nagsabi na tingnan ko lagi phone ko." Paghihimutok pa ni Julie. Epekto ata ng sakit ito eh. Bago pa magsalita si Elmo ay kaagad naman naisalba ni Julie ang sarili. She would not be this girl. This girl who whined just because some guy didn't have the time to text her. "S-sorry, wag mo na pansinin yung mga pinagsasabi ko." She smiled at him kahit ba medyo hindi pa rin mabuksan ang mga mata ng maigi. Mahirap na ang panay ang atsing at samahan pa ng ubo. "Kamusta naman sa Sta. Rosa?" Napatingin naman sa kanya si Elmo, para bang hindi sigurado kay Julie pero kinaya naman ng babae na ngumiti kahit papaano. "Moe..." Julie said softly. "I'm sorry, nagiinarte lang ako kanina. Wag mo na pansinin yun. May sakit lang kasi ako kaya ganito ako." Lumapit naman si Elmo at hinawakan ang dalawang kamay ni Julie. "Sorry talaga Jules... Promise babawi ako. Medyo naging busy lang talaga ako kasi." Namula naman si Julie sa ginagawa ng kaibigan. Feeling niya kasi parang ang init init ng palad ni Elmo na nakalapat din sa palad niya. Ang laki laki pa naman ng ngiti nito sa muhka. "Jules, may sasabihin ako...." Hala ano naman sasabihin niya, baka-- o tama na Julie Anne, mas madaling wag magexpect. "Bakit Moe ano ba iyong sasabihin mo?" She asked. Nakangiti lang si Elmo sa kanya hangga't sa luamaki ng lumaki ito. Lalo lang bumilis ang pagtibok ng puso ni Julie. Pero tumigil iyon nang magsalita na sa wakas si Elmo. "May liniligawan na ako!" Galing mo talaga Julie, buti hindi ka nagexpect.... =============== AN: Salamat po sa lahatmg nagbabasa! Comment or vote din po kayo kapag may time! Tuloy ang boto ng Tulad Mo sa Myx! Mwahugz! -BundokPuno
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD