"Julie Anne! Nako bata ka hindi ka ba kakain!?"
"Hindi na po manang baka po kasi malate na ako!" Parang dala-dalawang hakbang na ang ginamit ni Julie makababa lang ng hagdanan dahil for the first time ever ay hindi siya nagising sa alarm clock niya.
Ngayon pa talaga ha!
Wala na rin naman magawa si manang dahil nakalabas na siya ng bahay at dumeretso papunta sa labas ng building at dumeretso sa sakayan ng bus.
At buti naman ay nakasakay siya kaagad. Enrollment day kasi nila ngayon at knowing yung iba pa nilang kasama sa batch, magsisingitan nanaman sa pila kaya gusto niya maaga siya makakapunta para maaga din makauwi at matulog na lang.
She sat down on the bus seat and immediately placed her earphones where they should be.
Ayan may music na kaya naaalala na niya yung nangyari nung Linggo.
Natahimik si Julie sa pwesto niya matapos sabihin ni Elmo yun.
It took her a good two seconds before she was able to regain her composure and smile at him.
"T-talaga?! Naks! Binata na tropa ko!"
Napangiti naman si Elmo sa reaksyon ni Julie at finally ay bumitaw na sa kamay niya.
He smiled bashfully at her before continuing.
"Kaibigan ko siya simula bata pa lang kami, her name's Xyra. Tapos ewan. Basta enjoy ako kasama siya nung nagbakasyon kami eh. At ang masaya pa lilipat na din sila dito!"
Saglit na lumaki ang mata ni Julie. "D-dito sa village natin?"
"Hindi hindi." Tawa ni Elmo. "Around the city area lang pero hindi dito sa village."
Hindi makapagsalita si Julie. Mahinang nginingitian lang niya ang kaibigan niya. Kitang kita niya kasi na sobrang masaya ito. Wala... Di pa nga siya lumalaban talo na kaagad siya.
"Ayusin mo panliligaw sa kanya ah." She could only say. "First mo pa naman din siya if ever."
"Hehe oo nga eh. Pero di bale, promise pagbubutihin ko."
Natigil ang paguusap nila nang may kumatok sa pinto ni Julie at saka naman pumasok si Manang na may dalang tray ng pagkain.
"Elmo pakainin ko lang itong alaga ko ah. Hindi pa kasi nakakainom ng gamot yan."
Elmo looked back to Julie and smiled her way. "Paano ba yan Jules, alis na muna ako ah."
"Yeah sure..." Mahinang ngiti ni Julie.
Kinurot pa talaga ni Elmo ang ilong niya kagaya ng lagi nitong ginagawa na ikinaismid niya dahil nga puno pa iyon ng sipon pero tumawa lang ang lalaki.
Umalis na si Elmo at nagpaalam din kay manang.
"Kain ka na anak para makainom ka na ng gamot mo." Sabi ni manang.
But Julie merely shook her head. "Manang wala po ako gana eh."
"Wala ka pa rin gana? Kala ko pa nman pawala na yang lagnat mo."
"Hindi naman po yung lagnat yung dahilan eh."
Malapit na pala siya sa stop niya kaya naman tinanggal na ni Julie ang nakasukbit na earphones sa tenga niya bago hinanda ang sarili para bumaba. Ah basta makapagenroll na sana siya para naman libre na yung araw niya. Tapoa naisip naman niya na probably computer lang naman ang gagawin niya. Oh well...
Marami rami na din yung estudyante na nasa school but then again sa kanilang mga 2nd year MedTech nakalaan ang araw na ito kaya naman hindi ganoon kapatayan ang mangyayari.
Umakyat na siya sa may precinct kung saan nangyayari ang enrollment at nakita na kahit papaano ay may benteng tao na na nandoon.
Kainis. Kala ko pa naman mauuna ako. Edi sana kumain na lang talaga ako ng breakfast.
"Julie!"
Napatingin naman siya sa tumawag at nakita na kumakaway sa kanya si Bea mila sa pinakaharap na upuan. Ayos singit singit din kapag may time!
Nakangiting kumaway ulit si Julie at lumapit sa kabigan habang kinakawayan siya ng iba pang kabatch niya.
"Kahit kaipan talaga ang aga mo no?" Sabi ni Julie sa kabigan na kashare niya ngayon ng upuan.
"Eh kasi. Alam mo naman na mas gusto ko na lang matulog sa bahay. Bakit kasi hindi pa sa atin uso ang online enrollment." Sagot naman ni Bea na napapairap pa ng mata.
Natawa naman si Julie at nagsimula maglabas ng mga requirement. Nakuha na din niya yung pera na bigay sa kanya ng Kuya Christian.
"Wala po ba tayong prof na magfafacilitate ng enrollment?" Julie asked. Pareho lang naman kasi sila ni Bea na gusto na umuwi.
Magsasalita na sana ang kaibigan niya nang nakita nila ang isang prof na nagngangalang Mrs. Cajayon ang lumalapit bago umupo sa first station ng enrollment.
""Sana magkakaklase pa din tayo ano?" Julie said, facing her friend.
"Nako basta panigurado nasa top ka no." Bea said.
Hihirit pa sana si Julie na hindi naman pero at that moment ay tumayo si Mrs. Cajayon at nginitian sila lahat.
"Hello sophomores!" Bati nito. Bata pa naman si Mrs. Cajayon kahit na may asawa na e muhka pa rin na dalaga kaya naman marami ang nagkakacrush sa kanya.
"Good morning po mam!" Bati naman ng mga kabataan.
"Start na tayo ng enrollment ah. Alam niyo naman na ranking system pa rin kayo and the top 20 ay nasa section A okay?"
All students nodded naman. May mga limang estudyante na nauuna kay Julie at kay Bea kaya naman they both just waited patiently hanggang magturn na nila.
"Wala pa si Jhake?" Tanong ni Julie sa kaibigan.
Bea shrugged her shoulders. "Alam mo naman yun. Napakatamad. Eh ako gusto ko na talaga tapusin ito ng umaga pa lang."
Sabay harap naman nito kay Julie. "Eh si Elmo?"
Saglit na kumabog ang dibdib ni Julie nang marinig ang pangalan ng kaibigan. Pero kaagad naman siya naka sagot.
"Ah, isa pa yun eh. Diba tamad din yun." Mahinang tawa ni Julie. Baka napuyat kakatext doon sa bagong nililigawan. Ano ba Julie stop it. Ano naman karapatan mo magselos e kaibigan ka lang naman ni Elmo?
"Jules..."
"Ha?" Napapitlag naman si Julie nang marinig na tinatawag pala siya ni Bea.
Paano ngiti ng ngiti sa kanya yung mga kabatch niya na nauna na magenroll. Bakit naman kaya?
"Congrats Julie!" Sabi ni Hannah, isa sa mga kabatch nila.
Napatingin naman si Julie sa kanila, takang taka. "B-bakit?"
"Eh kasi rank 1 ka ulit!" Sabi naman ni Emma.
At dahil napakalakas ng boses ng mga ito, rinig na rinig sila ng buong area.
Ngumiti lang si Julie sa mga kamagaral nang maramdaman niya na may nagtext at kaagad tiningnan ang phone na nakakabit ata sa kamay niya.
Jules school ka na? Pasongitin mo ako ah! Dito ma ako sa lobby hehehe
Julie sighed. Simula kasi nung iaanounce ni Elmo na may liniligawan ito ay hindi na sila nakapagkita ulit. Hanggang text lamg at pati kasi iyon madalang na.
Malamang kasi Julie yung Xyra na iyon yung pinagtutuunan niya ng pansin.
"Julie turn na natin."
Tatayo na sana si Julie nang may marinig silang dalawang boses na tumatawag sa kanila ni Bea.
Napatingin naman sila sa entrance qt nakita na papalapit sa kanila si Elmo at si Jhake.
"Oh ayan ma yung dalawang kumag, saan na kaya si Tippy?" Bea commented.
Nanahimik lang si Julie hangga't sa makaabot sa kanilang dalawa si Elmo at si Jhake.
"In fair mas nauna kayong dalawa kay Tippy." Natatawang sabi ni Bea.
At dahil nga uso ang singitan, naupo na si Jhake at Elmo kung saan nagsisiksikan si Bea at Julie kanina.
Tutal hindi naman makareact yung iba nilang kabatch dahil sila nga ang Team Di-ma-reach.
"Magkakaklase pa naman tayo diba?" Jhake asked.
Tumango naman si Bea bilang sagot. " Top 1 si Julie, top 2 si Tippy, top 3 ako, top 4 ka Jhake at top 5 ka Moe."
"Ayos!" Moe cheered. "Edi walamg hiwalayan pa rin."
All the while namamahimik lang sa gilid si Julie. Mas gusto niya talaga na makauwi na lang.
"Jules una na kayo ni Elmo para naman kami ni Jhake amg magkasabay."
Kinginis Bea kahit kailan talaga perfect timing ka e.
Pero ano nga naman ba magagawa niya kundi umoo dahil baka magtaka ang mga kaibigan niya kapag umangal siya.
"Yun nakasingit pa!" Elmo cheered.
Sabay na sila naupo at nginitian naman sila ni Mrs. Cajayon.
"Hello mga anak. Wala talaga kayo mintis pareho no?" Nakangiti pa rin na sabi ni Mrs. Cajayon. "Magkasama nanaman kayo."
"Ah... Buntot ko po kasi yan mam." Sabi ni Julie. Idaan na lang lahat sa biro. And she really shouldn't be that worried about her friend. Masyado lang siya mahahalata kapag nagpaapekto pa siya and didn't want that to happen. Just go with the flow para bang wala ito sinabi na may liniligawan na ito. Ouch lang. Ang sakit oa rin isipin. Okay snap out of it Julie. You can do this.
Ngumiti lang naman si Elmo bilang sagot. The whole process ng enrollment, puro paguusap tungkol sa school at wala ng iba pa ang ginawa nilang barkada.
Patapos na sila Julie nang humabol naman si Tippy. Muhkang nalate ng gising.
"Tips, bakit ngayon ka lang?" Julie asked.
Tippy smiled sheepishly at them. "Eh kasi ang sarap matulog haha!"
Julie could only shake her head. She and Elmo were literally at the last stages of the enrollment kaya naman nagpaalam na si Tippy na sisimulan na niya at baka abutin siya ng hapon para lang sa enrollment na ito.
"Tara na?" Sabay yaya naman sa kanya ni Elmo.
Napatingin si Julie Anne sa kaibigan dahil nakalimutan niya na kasama pala niya ito.
"Ah tara sige..."
Madalian lang naman sa last stop; Papicture ulit ng ID.
Nauna na sa loob si Julie at si Elmo naman ang sumunod at dahil mabilisan nga lang ay hinintay na din ni Julie ang kaibigan sa labas.
Napatingin siya sa orasan niya at nakita na maglulunch time na din pala. Nako if she knew Elmo ay yayain muna siya nito kumain bago sila umuwi.
"Kahit kailan talaga hindi ako sanay na pinipicturan!" Ayun ang bungad sa kanya ni Elmo pagkalabas nito sa kwarto kung saan kukuha mg ID picture.
Hawak hawak na rin nito ang bagong pagawa na ID habang pati si Julie ay hawak ang sa kanya.
Sumilip naman bigla si Elmo sa hawak ni Julie bago pa mailayo ng dalaga ang hawak na ID pic.
"Elmo ano ba!"
"Bakit ikaw maganda naman kinakalabasan ng pic?!" Parang nagmamaktol na sabi ni Elmo.
Julie clicked her tongue as she looked at her friend. "Maganda talaga kalalabasan niyan maganda ako e. Ano tara na? Kakain ba muna tayo bago umuwi?" Naglalakad na sila pababa dahil sakto din naman na nagtext sila Bea na mauna na sila dahil matagal pa proseso ng sa kanila. And finally nakadating sila sa entrance.
Sa tanong na iyon ni Julie ay natigilan bigla si Elmo bago ito napakamot sa likod ng ulo. Tapos sabay kuha naman nito ng phone sa bulsa at nagcheck.
"O bakit? Anong problem?" Julie asked Elmo.
"Uh, ano kasi Jules, magkikita kami ni Xyra."
Natigilan saglit si Julie pero kaagad naman na nasalo ang sarili. "Ah ganon ba..."
Parang nagpanic din naman si Elmo at kaagad na sinabi. "Gusto mo ba sumama? Para magkakilala na din kayo?"
Ay shet. Hindi pa ako handa...
Julie slowly shook her head. "Maybe some other time Elmo. Gusto ko na din kasi umuwi. Sige ingat ka una na lang muna ako." Nginitian niya ito.
"Jules..."
She turned to him as he called and was able to show a smile. "Oi Elmo bilisan mo na dahil kapag gabi ka umuwi baka mapagalitan ka pa ni Ate Maxx..."
Elmo smiled sheepishly at that bago tumango. "Sige Jules, dito na ako sa kabila dadaan. Ingat pauwi."
"Okay ikaw din." Julie nodded her head. Naglakad na siya palayo, holding her bag close. Nandoon pa rin yung nakapaste na ngiti sa muhka niya pero habang nararamdaman niya na palayo na siya ng palayo kay Elmo ay unti unti na din ito nabubura.
Sumakay na siya ng bus pauwi, dahilan para makapagisip isip na siya.
Sa totoo lang bilang yung beses na hindi sila sabay umuwi ni Elmo. Kung papasok na hindi sila sabay okay lang pero yung pauwi sobrang madalang talaga na hindi sila magkasama ni Elmo. Siguro dapat masanay na siya na hindi na nga sila ganoon kalagi magkasabay ni Elmo. Lalo na at busy na ito sa... well, sa panliligaw.
She smiled sadly to herself and cuddled her bag closer. Muhkang wala naman nahahalata si Elmo sa pakikitungo niya eh.
Tama nga ata si Maqui, sana pwede na ata ako tumanggap ng Oscar na trophy.
=============
AN : Hello people! Happy New Year! Sorry sa mga typo! I can feel na marami hahaha!
Anyways! Thanks po sa lahat ng nagbabasa! Vote or Comment po! Thanks again!
iboto ang Tulad Mo sa myx! Number two na siya! Kayang kaya mag number 1!
Mwahugz!
-BundokPuno<3