"Julie Anne..."
Napatigil si Julie nang umaga na iyon habang dala dala ang kanyang backpack at isang paper bag na may lamang change of clothes.
"Yes kuya?"
"Bakit ganyan ang suot mo?" Tanong sa kanya ni Kuya Christian.
Napatingin naman siya sa suot niya. Sports kasi ang PE nila for this sem at pinagawan sila ng uniform which consist if a jersey shirt and shorts, ang problema lang, shorts kung shorts eh.
"Bakit ang ikli niyan?" Tila nagtitimpi na tanong ni Christian habang may hawak hawak na isang tasa ng kape.
"Eh kasi sabi ko din doon sa magtatahi na habaan eh kaso..." Julie started explaining. Naalala nanaman niya yung nangyari nung isang araw.
"Bea saan ba daw?" Tanong ni Julie sa kaibigan.
"Sa may 2nd floor daw eh. 212 ata.." Sagot naman ni Tippy.
Magkakasama ang girls ng 2A dahil susukatan daw sila para sa uniform nila sa basketball and volleyball. Actually sila Bea, Tippy, Julie at mga ilan pa lang ang nandoon dahil ang iba ay uunahin muna talaga ang chumibog kaysa magpatahi. Ang mga lalaki susunod na din daw. pinaglinis kasi ang mga ito ng classroom.
"Ayan, yung lalaki na may hawak na tape measure." Bea pointed out.
Lumapit naman sila at si Julie na ang nanguna.
"Um, kayo po ba si Kuya Zeny?"
Tiningnan siya ng masama nung lalaki bago nagtaas ng kilay at tumayo mula sa kinauupuan sa loob nung classroom. "Excuse me, hindi ako Kuya, Ate ako."
Natigilan naman si Julie pero tumango na lang. Aba sige, ipush niya pagiging kuya niya. Wala naman siya kaso sa bakla eh. Isa nga sa best friends niya 50-50 din eh.
"Ah, sorry po, A-ate Zeny, kayo daw po ang mananahi nung uniforms namin?" Sabi naman ni Julie.
At bigla naman ngumiti itong bakla--este, mananahi na ito. Bipolar lang?
"Ako nga! Kakilala ko si Nora, ikaw ba yung Julie Anne?" Sabay tanong nito.
Napatingin naman si Julie sa mga kasamahan na napakibit-balikat lang. "Ah, ako nga po."
"Sabi ko na eh, ikaw yung kinukwento ni Nora, in fair view ha. Kulang pa yung description niya sa'yo eh, maganda ka daw kasi, dapat ang description sayo, DYOSA. O diba. At dahil diyan simulan na natin ikaw uunahin ko."
Ang rami sinabi ni Kuya-ay, Ate Zeny, hindi man lang nakapagsalita si Julie. And before she knew it she was being pulled forward before Zeny started taking measurements.
Sa totoo lang. Ilang na ilang na si Julie, panay kasi ang comment ni Zeny na hindi na lang niya sinasagot.
"Ay! Maganda ang boobs! Size 35! O... waist naman, ayan sige... bongga 25!! Hips mo ba 35? Edi perfect na yan!" Ratsada pa rin si Zeny sa pagcocomment kay Julie na ngayon ay namumula na ang muhka sa kahihiyan habang ang kanyang so-called friends ay nagipipgil lang ng tawa sa may gilid.
By this time si Zeny ay sinusukat na ang length ng shorts.
"Hanggang dito pwede?"
Nanlaki naman ang mga mata ni Julie. Sana kasi sinabi na lang nito na nagpanty lang siya!
"Uhm kuya pwede po habaan? Yung mga hanggang tuhod sana?" Julie requested pero pinamaywangan lang siya ng sastre.
"Ganda naman, sayang legs mo. Ipakita mo na lang!"
"Eh baka hindi po ako makagalaw ng maayos kapag naglaro po..." Sana naman gumana yung dahilan niya na iyon.
"Ipakita mo na lang yang legs mo ganda! Para madistract yung kalaban." Ayaw pa rin paawat na sagot ni Zeny.
"Eh babae din naman po kalaban namin..."
"Kahit babae madidistract yang mga yan!"
In the end napagusapan na lang nila na sige, hindi naman ganun kaiksi ang gagawing shorts para kay Julie pero hindi din ganun kahaba.
Nang matapos siya ay naupo sa isang upuan si Julie habang si Julie at Bea naman ang pinagpyestahan ni Zeny.
Nakanguso siya ngayon dahil sa inis niya. Panigurado kasi na iiksian talaga ng baklang ito yung damit niya. Laking gulat na lang niya nang may kumurot sa kanyang pursed lips.
"Aray!" Sigaw niya bago nakitang humahagikhik si Elmo sa harap niya kaya naman napalo niya ito sa braso habang umumupo ito sa tabi.
Kaso wa-epek kasi nginitian at tinawanan lang siya nito lalo.
"Problema mo Magalona at bigla bigla ka na lang nangungurot?" Inis na sabi niya.
"Ang cute kasi ng lips mo." Tawa ulit ni Elmo. "Bakit ka ba kasi nakanguso?"
Pasimpleng ngumuso si Julie kay Zeny na ngayon ay tuwang tuwa sa buhok ni Tippy.
"Ayan kasi eh! Pinagpyestahan ako, gusto na maikli ang shorts ko!"
Lumaki naman ang mata ni Elmo dahil doon. "Ha? Sabihin mo wag! Edi pinagpyestahan ka?"
"Kaya nga eh... Saka ayaw ko talaga kasi hindi ako makakalaro ng maayos." Sagot naman ni Julie.
Hindi ma nagsalita pa si Elmo pero kilala ni Julie ang kaibigan at alam niya na may binabalak ito, kita kasi sa pagkunot ng noo nito at pagnguso.
After ilang minuto ay ang boys naman daw ang susukatan dahil all girls ay tapos na.
Nauna na si Elmo dahil gusto niya talaga makausap ang sastre. "Uhm, kuya..."
Zeny gasped. "I'm not a kuya! Ate tawag niyo sa akin okay? Gwapo ka pa naman sana!"
Nalito na din si Elmo kaya napakamot na lang sa likod ng ulo. "Ah sorry po. Ano po uhm, ate sasabihin ko lang kung pwede sana medyo habaan niyo po talaga yung kay Julie Anne San Jose ah. Ayoko po kasi na masyado revealing suot niya."
Narinig ni Julie at mg iba pa nilang kaklase ang pinagsasabi ni Elmo kaya naman hindi magkandamaliw sa kilig itong mga ito. Pati na si Zeny.
"Bonggalicious! Kayo ba ni ganda? Ang gaganda at ang ggwapo naman ng mga magiging babies niyo!" Nagchcheer na sabi ni Zeny.
Napafacepalm na lang si Julie sa gilid. Kung alam lang ng mga ito na hindi totoo amg mga pinagsasabi nila.
"Ah eh, basta po wag niyo na lang masyado iklian ah." Sabi naman ni Elmo.
"Sige ba pogi..." Sabay kindat naman ni Zeny.
Tiningnan ni Christian ang kapatid. "Eh pinagsabihan naman pala ni Elmo bakit ang ikli pa rin niyang shorts mo?"
Julie sighed. "Eh hindi naman niya talaga pinakinggan si Elmo. Iniklian pa ata lalo. Ayan. I'm stuck with these shorts."
Natigil ang paguusap nila nang narinig nila ang doorbell. Si Julie na sana ang titignin kung sino ito kaso si manang na ang unang naglakad papunta sa harap ng bahay. Ilang segundo lang at may pinapasok na sa loob si manang.
"Elmo?" Julie uttered nang makita niya ang kanyang crush/kaibigan. Anong ginagawa nito dito? Maaga ata ito nagising? Kagaya ni Julie ay naka jersey na din ito.
"Hi Jules! Good mo--" Natigilan si Elmo at napakunot ang noo nang makita ang suot ni Julie. "B-bakit ganyan yan!? Pinaiklian ko na kay Ate Zeny yan ah!"
Julie rolled her eyes. Lahat naman sila problema itong shorts niya na nagmumuhka ng 'perfect' shorts. "Well it looks like wala na tayo magagawa pa at matigas ulo non. Pero pwede ba, male-late na tayo sa P.E. pambawi na din sa grades yung attendance!" Julie said.
Kaagad naman sila hinarangan ng Kuya Christian niya. "E ano plano mo? Magcocommute? Gusto mo magka-aneurysm ako kakaisip diyan sa suot mo?"
"Magbibihis naman ako after ng PE class kuya eh." Julie pointed out.
Pero hindi epektib kay Christian dahil umiling ito at sinenyasan si Elmo. "Moe, sabay ka na, iddrive ko na kayo ni Julie sa school."
At wala na nagawa ang dalawang bata dahil halatang protective older brother ito si Christian. Sumabay na din si manang dahil mamamalengke na din daw ito.
Hindi naman magkandamayaw si Elmo sa loob ng kotse. "Alam ko na Jules, iwrap mo na lang itong jacket pagbaba natin."
Julie clicked her tongue. "Ano ba Elmo, ano expect mo habang naglalaro ako nakawrap din yang jacket sa akin?"
"Basta gawin mo na lang!" Inis din na sagot ni Elmo.
Julie harshly grabbed the jacket from him and didn't speak to him for the rest of the ride.
Pati si Elmo ay nanahimik lang pero nakahalukipkip at panay ang tingin kay Julie. Si Christian naman at si Manang ay nagkakatinginan at parehong tinatago ang tawa.
"Thanks Kuya..." Sabi naman ni Julie nang isara na niya ang pinto ng kotse at nakababa na sila sa may harap ng school.
"Oo naman baby girl, basa every PE niyo kailangan ihahatid kita okay?" Sabi ni Christian bago tiningnan si Elmo na nakabakod naman kay Julie dahil nagsisimula na tumingin ang ibang estudyante. "Elmo, ang prinsesa namin ah, pakitingnan-tingnan."
"Roger that kuya." Seryosong sabi naman ni Elmo.
Umalis na rin ang kotse at nagmadali na naglakad si Julie; Elmo's jacket wrapped tightly around her waist. Naiinis siya. Naiinis siya kasi ang protective ni Elmo sa kanya gayong hindi naman dapat; may iba nga itong liniligawan diba?
Gaga ka talaga Julie, bakit, bawal na maging protective ang isang kaibigan? Kahit isang kaibigan lang?
Napatigil siya sa paglalakad nang maisip niya iyon. Oo nga naman. Siya lang itong apektado. Mas gusto niya kasi na protective ito sa kanya kasi boyfriend niya ito. Eh ambisyosa ka pala Julie Anne eh. Hindi mo naman magiging boyfriend yan. Magising ka nga sa katotohanan!
Kaya naman napabuntong hininga siya at hinarap si Elmo na nakasunod pala sa kanya. Napaatras siya. Sobrang lapit kasi nito. Kainis. Gwapo mo talaga.
"Uhm..." Elmo uttered pero siya na ang unang nagsalita.
"Sorry kanina Moe, sinungitan pa kita. Thanks nga pala dito sa jacket." Ayon na lang sinabi niya bago naglakad na papunta sa court ng school kung saan gaganapin ang PE class nila.
"Bongga! Sabay kayo pumasok?" Sabi ni Nora nang makita na magkasunod si Julie at si Elmo na naglalakad palapit sa kanila.
"Uhm, hinatid kasi kami ng kuya ko." Tanging nasabi na lang ni Julie.
At ito nanaman si Nora na nagmumuhkang tanga dahil kinikilig sa kanila.
"Ihii legal na pala talaga kayong dalawa!" At bago pa may masabi si Julie o si Elmo ay naglakad na palayo si Nora.
"2A! Upo muna sa harap ko!" Sabi ni Sir Milo na teacher nila. Tropa lang din nila ang teacher na ito. Bata pa kasi. Halos lahat naman ng teacher sa minor subject bata pa eh.
Nagform na naman ng lines ang magkakaklase. Magkatabing umupo si Julie, Tippy at Bea.
Nagsimula naman magsalita ang prof nang kalabitin ni Bea si Julie at Tippy na lumapit pa sa kanya.
Sumunod naman ang dalawang dalagita at umakto pa na nakikinig sa professor pero yung totoo ay hinihintay lang ang sasabihin ni Bea.
"Guys lam niyo ba, parang may liniligawan si Elmo."
Agad naman kumabog ang dibdib ni Julie sa sinabi ng kaibigan. Ayaw niya ng topic na ito. Una kasi baka madulas siya at panagalawa, masakit lang talaga sa puso.
"Lam mo parang hinala ko din yan." Balik bulong naman ni Tippy.
"Diba?" Sambit naman ni Bea. "Nakita ko kasi one time sa cellphone niya na may tinetext siya na nakalagay 'baby'"
"Nananahimik ka diyan Jules?" Biglang tanong naman sa kanya ni Tippy.
Napapitlag si Julie nang marealize na siya pala yung kinakausap ni Tippy. "Ha?"
Magsasalita pa sana si Julie nang magkagulo ang mga kaklase nila sa may likuran.
"Gago Jhake ibalik mo kasi yan!" Inis na sabi ni Elmo habang pilit na inaabot ang cellphone mula sa kaibigan.
"Haha sino kasi un pare!" Jhake said at finally binalik na ang cellphone kay Elmo.
"Mr. Vargas, Mr. Magalona! Among giangawa niyo diyan?" Marahang tanong ni sir Milo.
"Kaagad naman na umiling si Elmo. "Wala po sir!"
Convinced, nagpatuloy na lang sa paglecture si Sir Milo.
Julie slowly shook her head at that. O diba. Kahit anong pagkaprotective ni Elmo, bilang isang friend lang yon. It didn't have to do with anything deeper.
Napatingin naman sa kanya si Tippy at si Bea.
"Friend may alam ka ba?" Tanong ni Tippy.
Paramg gusto na niya din ilabas. Tumango siya. "Meron."
=============
Binitin muna ni Julie ang mga kaibigan
wala siya sinabi sa mga ito hangga't sa hindi pa natatapos ang lesson nila para sa araw na iyon.
3 hours ang PE. Kaninang first 30 minutes ay naglecture muna si sir Milo at ang sumunod na isa't kalahating oras ay mismong drills na para sa kanilang lahat.
"Okay last hour free time!" Sigaw naman ni sir Milo sa kanila.
Nagsicheer naman ang mga lalaki dahil sa libreng libre sila maglaro. Sa totoo lang gusto sana makilaro ni Julie dahil naglalaro naman talaga siya ng basketball pero wala siya nagawa dahil hinila siya bigla ni Bea at Tippy sa mga bleachers.
"Aray! Aray girls ano ba--oof!" Lumanding siya sa matigas na bleacher at napasimangot sa dalawang kaibigan na nakatingin pababa ngayon sa kanya. Ngayon lang nila nagagawa yan dahil usually mas matangkad siya sa dalawang ito.
"Spill Julie, matagal ka na pala may alam tapos di mo man lang sinasabi sa amin!" Nakalabing sinabi ni Bea.
Hala weakness talaga ni Julie ang pagpout ng tao sa kanya eh.
She sighed and gestured for the two to sit down beside her.
Kaagad naman umupo sa tabi niya ang dalawa na parehong excited sa malalaman nila.
"Nung paguwi pa lang ni Elmo alam ko na na may liniligawan siya."
Parehong nanlaki ang mata ng dalawa niyang kaibigan kaya naman inunahan na niya ang mga ito. "Siya mismo ang nagsabi sa akin at alam niyo naman si Elmo. Diba may pagkaprivate yan?"
"Pero ano na? Kilala mo yung liniligawan niya?" Tippy asked.
Julie slowly shook her head. Hindi naman sa hindi niya kilala pero kasi kakameet pa lang niya dito nung isang araw diba?
Kaya naman linahad niya ang mga pangyayari nung araw na iyon sa restaurant minus the last words na sinabi ni Maxx sa kanya bago pa sila kumain.
Natapos niya amg kwento na tulala amg dalawa niyang kaibigan.
Saka naman nagsalita si Tippy. "Kala ko pa naman ikaw yung gusto niya..."
Scripted ba talaga ang mga tao sa paligid? Bakit kaya panay ganun ang mga sinasabi ng mga ito?
She wanly smiled. "Haha. Hindi nga kasi totoo yan." Paninimula niya. Nagisip muna siya saglit bago ituloy ang sinasabi. "Akala lang siguro ng tao na merong something kasi nga lagi kami magkasama pero kaibigan ko lang talaga siya."
Both Tippy and Bea rolled their eyes bago nagsalita ang huli. "Sus. Pero ikaw gusto mo siya diba?"
Julie bowed down and breathed in. "What does it matter?"
"It does matter!" Tila naiiyak na sabi ni Tippy ma ikinabigla naman ni Julie. Nagpatuloy pa ito. "Sinabi mo ba kay Elmo ang feelings mo?"
Napatingin naman si Julie sa kaibigan. "H-hindi. Baka kasi maging awkward lang kami eh."
"Baka naman kasi may gusto din sayo si Elmo." Sabay sabi ni Bea.
Muli ay napailing lang si Julie sa dalawa niyang kaibigan. "Paanong may gusto eh may liniligawan ngang iba."
Magsasalita pa sana si Bea at si Tippy pero pinigilan na niya ang mga ito. "Look guys I'm okay. I guess that's just the way the cookie crumbles." Tumayo siya at nginitian sila. "Pero friends pa rin kami ni Elmo don't worry. Wag niyo na lang muna sasabihin sa kanya na alam niyo na ah." Then dumeretso siya sa iba pa nilang kaklase na ngayon naman ay naglalaro ng volleyball.
===============
Kakatamad. After kasi ng PE nila ay Social Studies ang subject. Pero at least buhay naman ni Rizal kaya parang nagkkwentuhan lang sila ng prof nila.
"O alam niyo na na may quiz tayo bukas ah." Sabi ni Mam Kevina. Haha what a name lang.
Nagayos na ng gamit ang tropa at sanay sabay na bumaba hanggang sa may lobby.
"Una na ako guys ah! See you tom!" Kaway naman ni Tippy.
"Bea daan muna tayo ng mini stop pauwi ah. Gutom ako eh." Sabi ni Jhake sa kaibigan.
"O siya sige na." Sabi naman ni Bea bago harapin sila Julie at Elmo. "Paano guys una na kami ah?"
"Sige ingat kayo." Elmo waved to them.
Kaya ayun. Sipang dalawa na lang ang natira sa kay lobby. Usually ang line ni Julie kay Elmo by this time ay; 'Ano tara na?' Pero things change. Araw araw ganito na ang tanong niya;
"May lakad ka ba?" Kung meron, papaalam na siya na mauuna. Kapag wala edi tuloy pa rin na sabay sila sa pag-uwi. Pero 60% of the time kasi, may lakad talaga ito, particularly kay Xyra at yung 40% naman ay wala.
"Um, meron eh." Elmo said uneasily. Tapos biglang natigilan ito. "Pero mamaya pa daw kami magkikita eh. Kaya siguro magaral na lang muna ako ng Rizal sa library."
Tumango lang naman si Julie at nagbigay ng maliit na ngiti sa kaibigan. "Ganoon ba, sige una na ako. Ingat na lang Moe."
"Ingat din Jules." Sabi ni Elmo na may maliit na ngiti sa labi.
Nagbigay ng huling kaway si Julie bago naglakad palabas ng gates.
At least medyo nasasanay na siya na mag-isa umuuw. Yay!
Nakalabas na siya at nagsimula na maglakad pasakay ng jeep nang may tumawag sa kanya.
"Julie Anne..."
Napatingin siya sa nagsalita at nagulat sa nakita kung sino. "X-Xyra?"
Ngumiti ang magandang babae sa kanya. "Pwede ba tayo mag-usap?
==============
AN: Hello everyone! *kaway kaway* Salamat po sa lahat ng nagbabasa bumoboto at nagcocomment :) keep them coming! They're greatly appreciated :)
Mwahugz!
-BundokPuno<3