Julie nervously tapped her fingers on the back of her phone. Kaya pala mamaya pa ang lakad ni Elmo at ni Xyra kasi kakausapin siya ng huli. They were currently inside a fast food restaurant just near SAU but not too near dahil baka makita sila ni Elmo.
"Uhm, ano gusto mo pagusapan Xyra?" Finally nasabi ni Julie after a long time na nananahimik lang silang dalawa.
Nginitian naman siya ni Xyra bago magsalita. "Um, ayoko na rin kasi tumagal pa itong usapan natin. Uh, pwede ba mahingi number mo?"
Oh my gosh. Tibo si Xyra?!-- ano Julie nakahithit ka nanaman ng katol.
"Uh--"
Ngumiti nanaman si Xyra sa kanya. "Haha. Alam ko awkward it's just that, ikaw yung pinakaclose ni Elmo and if ever man may tatanungin ako or what gusto ko kontakin na rin kita."
Hindi pa rin nabibigay ni Julie yung number niya kay Xyra nang magsalita nanaman ito. "Saka magaan kasi loob ko sayo. Wala lang parang gusto ko pabantayan sayo si Elmo. Alam mo naman yun, gwapo marqming umaaligid. Just want to protect what's mine."
Gusto sana umakyat ng kilay ni Julie. Mine agad? Eh nanliligaw pa nga lang. Unless...
Huminga ng malalim si Julie. Kahit ayaw niya kasi malaman yung sagot, natanong niya; "S-sinagot mo na ba si Elmo?"
Xyra chuckled but shook her head. "No... hindi pa..."
Ewan ni Julie kung marerelieve ba siya o ano kaya naman dinaan na lang niya sa pagtango at sa pagngiti. At sa wakas ay linahad niya ang kamay, hinihingi ang telepono ni Xyra na binigay naman ng babae.
Inenter na niya ang kanyang number bago nakangiting binalik ito kay Xyra.
"Thanks Julie." Sabi naman ni Xyra. "Buti na lang may kaibigan si Elmo na kagaya mo."
Mahinang ngumiti si Julie. Master na niya ata itong pagngiti niya kahit medyo nasasaktan na siya. But then again, Xyra was nice and a lovely girl. If ever naman gusto niya mapunta si Elmo sa ibang babae, okay na siya kay Xyra.
==============
Kumain lang si Julie paguwi tapos nagpahinga saglit bago nagsimula na magaral.
"Bakit ba kasi masipag itong parents ni Rizal eh?" Bulong ni sa Julie sa sarili habang nakatambay nanaman sa may second floor garden nila. Kinabukasan kasi may quiz nga sila sa Rizal kaya naman ito, nagsisipag siya imemorize ang mga kapatid ni Rizal in order of birth at kung ano ano pang facts tungkol sa pamabansang bayani nila.
"Kaya mo ito Jules sige onti na lang."
"Hindi na pwede ng pa-tapal tapal lang yan!" May sumigaw naman mula sa baba kaya napatingin si Julie at medyo nagulat nang makita si Elmo. Diba may lakad ito kanina kasama si Xyra? Sabay napatingin siya sa orasan ng telepono niya at nakita na alas ocho na ng gabi. Medyo late na din pala.
"Akyat ako ah!" Sabi bigla ni Elmo, cutting off Julie's thoughts.
Nakatingin na si Julie sa stairs na nasa may likod niya banda at nakita na papaakyat na si Elmo sa pwesto niya.
"Aral nanaman? Tigil mo na yan!" Elmo teased and he sat down beside her.
"Eh baka kasi bumagsak ako sa quiz bukas!" Pagdadahilan naman ni Julie. Inayos niya ang nagulong salamin sa bridge ng kanyang ilong at tumingin ulit sa libro niya.
"Sus ikaw? Babagsak sa quiz?" Natatawang sabi ni Elmo. "Kailan ba nangyari iyon?"
Julie only clicked her tongue. Basta ayaw niya nang pumapasok sa school nang hindi nakakapagaral. Nasisiraan kasi siya ng bait kapag ganun.
"Mamaya ka na magaral bilis." Sabi ni Elmo at bigla naman tinanggala ang salamin na suot ni Julie dahilan para mainis ang dalaga.
"Elmo ano ba..." Sabi niya pero mginitian lang siya ng binata.
"Sige na Jules, daldalin mo na lang ako."
"Tsk. Wala ka nanaman magulo ano? Ako na lang algi mong target na gambalain." Sabi ni Julie.
Pero hindi pa rin nawawala yung ngiti sa muhka nito at mas lalo pang nginitian si Julie.
"Alam mo ikaw na talaga yung hindi pwede ng patapal tapal na lang eh. Bakit ka ba ngiti ng ngiti?" Naasar na tanong ni Julie.
"Eh kasi ang cute mo kapag nagtataray ka." Elmo answered at napapahagikhik pa talaga.
"Entertainment mo din talaga ako no?" Julie asked with a sickeningly sweet smile. At dahil alam niya na hindi na talaga siya patatahimikin ni Elmo ngayong gabi ay tinago na niya ang kanyang mga notes at libro bago harapin muli ang kaibigan.
"Ilabas mo na kung ano gusto mo ilabas Moe at baka hindi ka patahimikin niyan."
Ang kaninang nakangiting itsura ni Elmo ay sumeryoso na.
"Jules..."
"Oh?" Pati siya kinakabahan eh.
"Kamusta naman si Xyra? I mean, what do you perceive of her?" Biglang tanong ni Elmo na ikinagulat naman ni Julie. Ano naman kasi irereply niya doon sa tanong nito?
"Hindi ko pa naman kasi siya ganun kakilala Moe, ano naman masasabi ko?" Bigla niyang sabi.
"Alam ko naman yun." Elmo said softly pero linapit pa lalo ang sarili sa inuupuan ni Julie. "Pero kumbaga ano first impression mo sa kanya?"
Saglit na nagisip si Julie bago hinarap ulit si Elmo. "Mabait siya. Saka muhakmg masayahin naman."
Ngumiti naman si Elmo sa sinabi ng kaibigan at napatingin pa sa baba habang mahinang tumatawa. "Haha. Ang kulit nga nun eh. Ewan. Basta magaan naman loob ko kapag kasama ko siya."
Tiningnan ni Julie ang kaibigan habang panay pa rin ang pagngiti nito. Ang bittersweet ng nararamdaman niya. Sagad. First and foremost kasi kaibigan niya si Elmo at sa pagiging magkaibigan nila parang ngayon lang niya ito nakitang masaya na ganito. Pero okay na yun. Masaya ka naman dapat kapag yung taong mahal mo masaya din diba? Oo aminin man niya o hindi, pero at this point inaamin na nga niya, mahal na niya talaga si Elmo..
She gently shook her head, the bittersweet smile still evident on her pretty face.
Eeehhh mej masakit. Stop na Julie. Baka makahalata pa si Elmo. Hindi ka pa rin ganun kagaling sa acting kagaya ng iniisip mo.
Pero kahit papaano ay napigil niya yung luha na kanina pa nagbabadya.
"Jules?" Sambit naman ni Julie kaya napaangat siya ng ulo.
"Hmm?" Julie said. "Ay sorry nagspspace out ako. Um. Buti naman Moe. Nakahanap ka din ng katapat mo." Mahina siyang tumawa. Itutuloy tuloy na niya ito. "Basta Moe, kapag kailangan mo ng kaibigan, nandito naman ako."
She gave one last smile bago tumayo. "Nagdinner ka na ba? Alam ko nagluto ng chicken curry si manang. Kain ka na rin dito?"
Pero hindi siya sinagot ni Elmo. Tumayo lang ito at hinawakan ang kamay niya.
She froze at that, looking at their enclosed hands.
And sa wakas ay nagsalita na ulit si Elmo. "Thank you Jules ah. Sa lahat."
Hindi alam ni Julie kung saan siya nakahanap ng lakas pero nabalik niya yung grip ni Elmo at mahinang ngumiti dito. "Oo naman. Tropa tayo diba?"
=============
"Julie sorry pero may emrgency meeting ulit tayo."
Julie's shoulders fell sa sinabi ni Rocco. Ang sarap na kasi sana ng buhay dahil uwian na at wala sila pasok kinabukasan kaya naman uwing uwi na siya. Gusto na kasi niya magpahinga dahil nakatatlong quiz ata sila sa araw na iyon.
"Okay lang kuya. Saan tayo magmemeet?"
"Sa may 5th floor, 504 na lang." Sabi naman ni Rocco.
Bumibili sana ng brownies si Julie sa may canteen ng bigla na lang sumulpot si Rocco. At pauwi na rin sana sila kaso nagsidaan pa sa locker.
"Kita na lang tayo doon Jules ah."
"Sige kuya. Kitakits." Julie smiled. Next year talaga ayaw na niya magofficer. Gusto niya puro sa schoolwork na lang ang kanyang focus.
As always naman kasi sa lobby magkikita kita ang lahat kaya doon siya dumeretso pagkabili niya ng brownies.
"Natagalan ka ata girl?" Tanong naman ni Tippy pagkaharap sa kanya.
"Hay." Julie sighed before she started explaining to her friends. "Nakita ko kasi sa may canteen si Kuya Rocco. Ayun, may meeting daw ulit kami."
"Nge edi hindi ka nanaman makakauwi ng maaga ulit?" Sabi ni Jhake.
Julie shrugged. "Yeah I guess so." Saka naman niya nakita ang muhka ni Elmo na parang nagaalala. Grabe sobrang kilala na niya ito. Alam niya na naoobliga nanaman
kasi ito na samahan siya gayong alam niya na may lakad ito kasama si Xyra dahil nga end of the week. At hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Elmo na alam na ng katropa nila na may liniligawan siya.
So she saved him the trouble of finding a way to tell her that he wouldn't be able to wait for her. "Sige guys, see you on Monday!" Sabi na lang niya at naglakad palayo.
She vaguely heard Bea talking to Elmo. "Hoy Moe, akala ko ba sabi mo sasamahan mo lagi si Julie?"
Hindi na niya narinig pa ang sagot ni Elmo dahil nakasakay na siya sa may elevator.
In the first place kasi dapat hindi niya inoobliga si Elmo na hintayin pa siya whenever they had meetings.
Papasok na sana siya sa classroom ng may mareceive siyang text sa taong lagi naman nasa isipan niya.
Text mo ako kapag matatapos na ang meeting niyo ah. Susunduin kita.
Kaagad naman siya nagreply.
Moe ano ka ba, okay lang. Kaya ko naman umuwi mag-isa. Ingat ka ha.
Papasok na sana siya sa loob ng classroom nang magvibrate nanaman ang phone niya.
Hindi. Susunduin kita. Itext mo ako ah.
Hindi tuloy napigilan ni Julie ang mapangiti at kahit pigilin niya, ang kiligin. Sweet talaga ni Elmo kahit ano pa ang mangyari.
Mahaba haba din ang pinagusapan nila para sa magiging leadership training seminar nila na mga miyembro ng RCY.
Nakikita ni Julie ang paglubog ng araw sa may gawing kanan niya na bintana. At nang matapos na ang meeting ay nakita niya na alas syete na pala ng gabi. Nakapagtext naman na siya sa Papa niya at kay manang na late siya uuwi eh. Kaya okay na. Saka tinext na din niya si Elmo na tapos na yung meeting.
Nagpack up na sila pagtapos ng meeting at hinarap naman ni Rocco si Julie. "Jules, wala ata yung body gaurd mo ngayon?" He asked habang inaayos nila both ni Julie ang gamit nila.
Mahinang tumawa naman si Julie. "May date kasi yun kuya."
"Weh."
"Oo nga."
Tumawa lang ulit si Rocco. "Joker ka din pala ha Jules. Pero saan nga si Elmo?"
Mahinang napabuntong hininga na lang si Julie. Hindi naman kasi siya titigilan nito ni Rocco. "Paparating na un kuya."
"Ah buti naman."
Nakababa na silang dalawa sa may lobby. Si Rocco pa tqlaga ang sumilip silip at timingnan kung nasa may lobby si Elmo. Hindi naman mahirap dahil halos wala na nga tao sa loob ng lobby.
"Asan na siya Jules?" Rocco asked again.
"May pinanggalingan nga kasing date kuya."
Tumawa nanaman si Rocco sa tinuran ng kaibigan. "Haha. Ewan ko sayo. O sige Jules, una na ako ah. Baka himihintay na din kasi ako ni babycakes ko eh."
"Yuck kuya! Babycakes tawagan niyo ni Ate Lovi?" Natatawang sabi ni Julie.
"Wag ka nga!" Natatawa din na sabi ni Rocco.
Umupo naman na si Julie sa isa sa mga waiting chairs sa lobby bago magpaalam na ng tuluyan sa kanya si Rocco. "Alis na ako ah Jules, ingat ka pauwi."
"Yes kuya, ikaw din. Salamat."
At finally si Julie na lang ang nandoon at ibang mga security guard.
Tumingin siya ulit sa oras at nakitang it's been 30 minutes since she texted Elmo pero hindi nga ito nagreply sa kanya kanina eh.
Moe san ka na?
She busied herself with playing a game on her phone.
Napatingin nanaman siya sa oras. Quarter to 8 na. Still no reply from Elmo.
Sabi na kasi sayo Jules eh. Tanga ka din. Asa ka naman na susunduin ka nun eh nasa date nga. Malamang sa malamang nageenjoy yun kasama si Xyra. Pero hindi sige, bakaatraffic lang.
She waited a few more minutes.
"Anak hindi ka pa ba uuwi?" Biglang tanong sa kanya ng isang sekyu.
Mahinang ngumiti naman siya. "May hinihintay lang po kuya."
"Ganun ba? Buti naman. Mahirap na na umuuwi mag-isa yung mga babae na kagaya mo. Abay kagandang bata mo pa naman." Sagot namn ng sekyu.
Napangiti ulit dito si Julie. "Salamat po Kuya."
Naglakad na palayo ung mabait na security gaurd at napatingin nanamn si Julie sa hawak niyang phone. Ni ha ni ho wala siya nakukuha kay Elmo. Gusto sana niya mainis pero bigla niyang pinaalala sa sarili niya; Ikaw din kasi Jules, in the first place hindi ka na dapat nagexpect.
Napatingin nanaman siya sa orasan. 8:30.
Baka kapag naghintay pa siya dito na siya sa school makatulog. She gathered up her things and bid goodbye to the confused looking security guard. Siguro kasi sinabihan na nga niya ito na may susundo sa kanya pero asan naman? Wala.
Madilim na sa labas pero kahit papano ay marami pa rin naman tao. She walked papunta sa sakayan ng jeep nang maramdaman niya na may munting patak ng tubig na lumanding sa ilong niyang matangos.
Ay leche. Pati ba naman panahon hindi pa umayon sa akin.
She brought her umbrella out and started walking, the rain matching perfectly with how she felt.
============
AN: First and foremost, sorry po sa typos! Haha! And thanks po sa lahat ng nagbabasa. Comment or vote din po kapag may time :) Salamat.
Mwahugz!
-BundokPuno <3