Chapter 8

2045 Words
Mabilis na nakapagbihis si Julie ng hapon na iyon. 5:30 ang mass pero bago pa mag 5 dumederetso na siya doon lalo na at kailangan pa nila magayos ng gamit sa choir loft. Pwede naman siya magbagal bagal eh. Isang kanto lang naman layo nung chapel simbahan nung village nila; baka matraffic siya if ever... Lumabas siya ng bahay at nagulat nang makita si Elmo na nakaupo sa steps ng harap nila. "O? Bakit parang gulat ka?" Tanong sa kanya ni Elmo habang tumatayo. "Diba sabi ko sayo sabay tayo pupunta ng simbahan." Julie shrugged her shoulders. Hindi lang niya expect na tototohanin ni Elmo ang sinasabi niya kanina. "Si Maq ba hindi natin dadaanan?" Tanong ni Julie. Natawa naman si Elmo habang inaayos ang pagkaayos ng strap ng guitar case na nasa balikat niya. "Talaga Jules? Pupuntahan natin si Maq? Baka gusto mo hindi natin masimulan yung mass?" Point taken. Dahil kung si Maq ang gagalaw, well let's just say na mas mabilis pa ang pagong. "Alright fine tara..." Nagsimula na maglakad si Julie habang nasa tabi lang niya naglalakad si Elmo. "Tagalog ba tayo ngayon o English?" Julie asked, pertaining to the mass that they would be attending. Napaisip saglit si Elmo, bumabalik sa last week. "Hmmm, English tayo last week eh so, tagalog..." "Tagalog? Edi may Papuri, ang haba nun eh." Julie sighed. Mahinang natawa naman si Elmo at napatingin kay Julie. "At least hindi ka maggigitara mamaya. Baka gusto mo din tumugtog?" Elmo offered. Kung tutuusin kasi mas magaling naman talaga sa kanya si Julie maggitara at proud siyang aminin iyon. "Hindi na, sige kaya mo na yan." Natatawang sagot ni Julie. Finally nakaabot na sila sa simbahan at nakita na parami ng parami na din ang tao na pumapasok. Dumeretso silang dalawa sa may choir loft ng simbahan. At kaagad naman sila sinalubong ng choir mistress nila; si Tita Nina. "O mga anak! Ang aga niyo ah!" Sabi ni Tita Nina habang inaayos ang mga cord ng microphone. "Hello po tita." Bati pareho ni Elmo at Julie sabay beso sa mas nakakatandang babae. Nasa 40s na si Tita Nina, medyo malaking babae na nakasalamin at hanggang likod ang buhok. Wala itong asawa pero masaya naman sa buhay lalo na sa mga anak niya dito sa choir. Nagsetup na rin ng gitara si Elmo habang si Julie naman ay tumulong sa pag-ayos ni Nina ng mga mic. "Yung solo mo Jules ah..." Pagpapaalala sa kanya ni Tita Nina. "Opo Tita..." Balik ngiti naman ni Julie habang tinitingnan ang kopya niya ng clearbook. "Anong solo mo?" Elmo asked. "You Are Near." Sagot ni Julie. Isa yun sa pinakapaborito niyang kantang pangsimbahan.  "Kaya tara Elmo magpapraktis tayo." Sabi naman ni Tita Nina. Pumwesto ang babae sa harap ng piano habang si Elmo naman ay hinanda ang gitara at linipat ang page ng dalang clearbook sa kantang ipapraktis nila. Umintro na ang instrumento habanag si Julie naman ay dineretso na ang pagkanta. Pilit tinatago ni Elmo ang ngiti niya. Kunwari ay tutok na tutok lang siya sa clearbook pero yung totoo ayaw lang niya makita ni Julie na sobrang laki ng ngiti niya. Natutuwa kasi siya sa boses ng kaibigan. Nakakahele, parang may anghel na kinakantahan sila. Kaunti lang ang tao na may ganoong talento at talaga namang isa si Julie sa nabiyayaan ng ganun. "Perfect Jules!" Pagpuri ni Tita Nina. Sobrang laki ng ngiti nito sa labi at talaga namang kaunti na lang ay tumalon ito sa piano stool sa sobrang tuwa. Then they heard a series of claps from where the choir loft's stairs began and saw a dear friend of theirs. "Derrick nandito ka na pala!" Masayang bati ni Julie. "Hi guys!" Derrick greeted, looking dashing in his checkered polo and jeans. "Bihis na bihis pare ah." Elmo teased, still sitting down and holding into his guitar. "May date ka?" "Kami ni Julie oo meron." Derrick joked as he approached where Julie was standing and wrapped over arm around her shoulders. That got Elmo sneering at him. "Nako akala ko iindyanin mo ako sa date natin eh." Pakikisakay naman ni Julie at kunwaring yumakap pa kay Derrick. "Si Elmo nga inindyan mo kanina nung maglalaro kayo ng basketball eh." Nanlaki naman ang mata ni Elmo doon kasabay ng pagkalito ni Derrick. "Basketball?" Derrick uttered at parang napaisip. "Kasama mo si Lex kanina, may pinuntahan kami, wala naman kami usapan ni Elmo." Napatingin naman si Julie kay Elmo na sunesenyas sana kay Derrick na makiride na lang kaso ang slow nito eh. "Uh... Ano ka ba pre!" Elmo exclaimed. "Diba sabi mo maglalaro tayo pero cinancel mo kasi sasamahan mo nga girlfriend mo..." Tumingin naman si Julie kay Derrick at doon kinuha ni Elmo ang pagkakataon para senyasan si Derrick na sana magets na nito ang sinasabi niya. "Ah..Ah! Oo nga oo nga... Haha. Sorry pare. Lam mo naman. Mas gusto ko kasama si Lexi kaysa sayo." That seemed to satisfy Julie enough and so merely shrugged and nodded her head. Nakita naman ni Elmo si tita Nina sa may piano na pangiti ngiti at umiiling. "Jules halika, pagusapan natin ang ippractice mamaya pagtapos ng mass." sabi ni Tita Nina. Lunapit naman si Julie, allowing Elmo and Derrick to talk amongst themselves. "Ano naman yun pare?" Derrick asked Elmo. Sinigurado muna ni Elmo na hindi naman nakatingin si tita Nina at si Julie bago kwinento kay Derrick na ginamit niya ang kaibigan para maging dahilan sa pagsama niya kay Julie. Tuloy tuloy na rin ang kwento niya nung nakadating sila sa gym pati na ang pagkainis niya. "O edi selos ka..." Natatawang sabi ni Derrick. Tumingin naman si Elmo sa kaibigan. "Ha? Anung selos?" "Ay puta pare deny ka pa rin?" Napapailing na sabi ni Derrick. Kumunot naman ang noo ni Elmo. "Alam mo pareho lang kayo ng sinasabi ni Ate Maxx. Bawal ba maging protective sa kaibigan ko?" By this time umiling na lang ulit si Derrick before shrugging his shoulders. "Sige sabi mo eh... Pero lam mo pare, bahala ka... Ang rami kaya nagkakagusto diyan kay Julie... Nakabakod ka lang kaya mga hindi makalapit." "Nakabakod? Hindi ah!" Depensa ni Elmo. Seryosong tiningnan muna ni Derrick ang kaibigan. "So ibig sabihin, okay lang sayo na may manligaw diyan kay Julie?" "O-oo naman." s**t. Why am I stuttering? Muli ay tiningnan siya ni Derrick na para bang binabasa ang nata niya. And honestly it was awkward. Pero kaagad din naman nagiwas na lamang ng tingin si Derrick. "Sige pare sabi mo eh..." Hindi na rin pa nagsalita si Elmo. Binaling niya ang tingin sa hawak na gitara bago inangat ang ulo para naman makita si Julie. Nakangiti ito na kausap pa rin si Tita Nina. Muhka namang nakahalata ito kaya napatingin sa kanya at umangat ang isang nagtatanong na kilay. Elmo immediately shook his head in answer as if dismissing it which Julie answered with a nonchalant shrug. Kaibigan ko lang naman talaga si Julie eh... ============== Grr... Ang lakas ng ulan! Abnormal... Hindi naman sinuspend. Mawawala din naman daw kasi mamaya. May quiz pa sila Julie sa Chemistry at hapon na nung time na yon. Okay naman ang kinalabasan ng quiz para kay Julie, kahit para sa kanya hindi pa sapat yung pagaaral na ginawa niya e, okay lang naman ang pagsagot niya. Isa siya sa mga unang tumayo. Binigay na niya ang papel kay Mr. De Leon na Chemistry teacher niya. "Perfect ba Ms. San Jose?" Nakangiting tanong sa kanya ng kanilang guro. Ngumiti naman pabalik si Julie at napailing. "Nako sir hindi po." "Sus! Ikaw pa!" Tawa ni sir. "O sige, you may go..." "Thank you po. Bye po sir..." Lumabas na siya ng kwarto pero nagstay pa rin sa may corridor sa labas. Sumilip silip siya sa loob at nakitang seryoso pa rin sa pagsagot ang mga katropa niya. Panigurado si Tippy ang mahuhuli diyan. Grabe kasi yun mag review ng mga sagot. Kakasandal pa lang niya sa mga lockers sa labas ng bumukas nanaman ang pinto at si Bea ang lumabas. "Girl nastress ako sa quiz!" Ayun ang bungad sa kanya ni Bea paglabas nito at tumabi sa kanya sa may mga locker. "Ako nga din eh! Parang ang rami ko mali..." Julie sighed. Inaalala pa niya ulit ang mga sagot ng biglang may maliit na boses na nagsalita sa gilid niya. "Uhm, excuse me po." Napatingin naman si Julie at nakita ang isang babaeng freshmen na maliit na nakangiti sa kanya. Parang nakita na niya ito before? "Yes po?" Balik tanong niya. Ngumiti ulit yung babae sa kanya at tumuro doon sa locker. "K-kuha lang po ako ng gamit sa locker." Kaagad naman naliwanagan si Julie at kaagad din siya umayos ng tayo. "Ay sorry sorry hehe!" Sabi na lang niya at nagmake way para makagamit yung babae. The girl showed a thankful smile before proceeding to open her locker. Tumabi naman ulit si Julie kay Bea at nakita na nakatingin ito doon sa babae. "Bea huy..." "Huh?" Tiningnan ulit ni Julie ang kaibigan at nakitang nakatingin ito doon sa freshmen. "Kilala mo?" "Parang yan yung nanghingi ng number ni Elmo..." Mahinang bulong ni Bea. Hindi pa niya tapos sabihin yung sentence ng may grupo nanaman ng mga first year na lumapit din doon sa babae at panay ang hagikhikan. Hindi rin naman naiwasan nila Julie ang marining ang sinasabi ng mga ito. "Hoy Biancaaaaa! Kunwari ka pa naglolocker gusto mo lang maspot yung crush mo eh!" Sabi ng isang first year doon sa babaeng nagexcuse kay Julie kanina. Nanahimik pareho si Bea at si Julie at patuloy na nakikinig, all the while ay kunwaring nakatayo lang at nagcecellphone. E pareho talaga sila tsismosa eh... "Wag nga kayo!" Sabi nung Bianca. "May kukunin naman talaga ako dito! Saka diba klase natin yan sa kabila?" Turing nito habang tinuturo yung katapat na classroom kung saan galing sila Julie. "Washu! Kunwari ka pa eh! Ano nga ulit pangalan nung crush mo? Elmo? Haha! Muppet?!" "Shhh! Ang ingay niyo!" Bianca hissed. Sakto naman sa moment na iyon na bumukas ang pinto at lumabas si Elmo. Muhkang nahirapan din ito doon sa quiz dahil lumapit ito kaagad kayla Julie ng may naguguluhang ekspresyon. "Kamusta Moe?" Julie asked. "Patingin nga ako ng notes mo Jules, naguguluhan ako doon sa isang tanong eh..." Sagot naman ni Elmo. Mula sa bag ay linabas naman ni Julie ang chemistry notebook at linipat sa page kung saan nasa current topic nila. "Saan ka naguluhan? Anong number?" Tanong ni Julie habang nakatayo lang si Bea sa gilid nila at nakatingin na di. Sa notes ni Julie. Lumapit pa si Elmo and peeked from behind Julie's shoulder. And kagaya ng ginagawa niya kahit dati pa, pinatong niyang braso sa may balikat ni Julie at patuloy na tinitingnan ang notes ng kaibigan. Saka naman nila narinig ang mahinang; "Awwww..." Sabay sabay naman na napatingin si Bea, Julie at Elmo doon sa mga first year at nakitang linoloko ng mga ito si Bianca. "Wala ka pala Bianca! May girlfriend!" "Oo nga ang ganda pa hahaha!" Ayaw naman sana magpahalata ni Julie kaya naman si Bea ang hindi napigilan at napahagikhik. Nakita din naman ni Elmo yung Bianca at yung mga first year at siya mismo ay nahihiya. "Ano ba guys!" Obvious na nahihiyang sabi ni Bianca. Pulang pula na ito ngayon. At pagkatapos ay kaagad na umalis at hinila ang nga kaklase palayo. Elmo quickly turned away and returned to looking at Julie's notes nang biglang may magannounce sa P.A. Attention, attention... Classes and offices are now suspended due to heavy rain, please be safe... Nagkatinginan naman sila Bea, Julie at Elmo. "Suspended?! Eh alas kwatro na ng hapon tapos last class na natin ito!" Naiinis na sabi ni Bea. Doon din naman lumabas na ang iba pa nilang kaklase. "Parang sira!" Galit na sabi ni Jhake. "O bakit? Bagsak quiz mo?" pagloloko ni Bea. Binelatan lang siya ni Jhake na binalik naman ni Bea. "Oh you two!" Sabi naman ni Tippy. "Paano kasi... Kahit ba pauuwiin nila tayo. Trapik na sa labas... Roads are closed... We're stuck here for the night..." "HA!?" ============ AN: stay safe po tayo people! Bumabagyo naaaa. Salamat po sa lahat ng nagbabasa :D Comments or votes po if may time... :D -BundokPuno <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD