"Po? Opo, sige po pa... Si Elmo po? Nandito sa tabi ko po..."
Napatingin si Elmo habang kausap ni Julie ang papa nito sa cellphone.
"Okay po, sige po pa. Ok po. Bye."
Binaba na ni Julie ang phone niya at napahinga ng malalim. Nakaupo sila ni Elmo at Tippy sa may corridor at nakasandal sa mga locker na nandoon.
"Ang tagal naman ata nila Bea?" Julie said. Kanina kasi pumunta sa canteen si Bea at si Jhake at naiwan naman sila nila Elmo at Tippy.
"Baka naghaharutan pa." Reply naman ni Tippy. Mamaya maya titingin ito sa kanyang telepono tapos ibabalik nanaman sa loob ng bulsa.
"Natext mo na ba parents mo?" Julie asked her friend.
Tumango naman si Tippy pero napabuntong hininga pa rin. "Nagpapanic na nga si mama eh. Bakit daw kasi hindi pa kaninang umaga nagsuspend ng classes. Ayan, we're stuck here." Saka naman napatingin si Tippy kay Julie at nagtanong, "Yung totoo Jules, si Elmo yung hinahanap ng papa mo?"
Napatingin naman si Julie kay Elmo na ngumisi lang sa tinanong ni Tippy.
"Papa's just making sure na hindi ako mag-isa dito." Sabi naman ni Julie.
"Haha. Ang sabihin mo legal lang na talaga kayo ni Elmo." Tippy laughed.
Here they go again. "Ewan ko sayo Tippy."
"O bakit?" Tippy said, sounding innocent. Tapos humarap naman kay Elmo. "Ano masasabi mo Moe? Legal na kayo ni Julie?"
Bago pa makareply si Moe ay siya namang may tumatawag sa kanya.
Hindi na kinailangan pa ni Elmo ilapit sa tenga niya yung telepono, paano rinig na rinig yung boses sa kabilang linya kahit di pa nakakalayo.
"Elmo Moses! Okay ka lang ba dyan?"
Parehong natawa si Julie at si Tippy habang pinapanuod si Elmo na iwas na iwas sa sariling telepono.
"Okay nga lang ako ate!"
"Okay lang ba kayo diyan? Nasa school kayo? Si Julie kasama mo?"
Huli. Doon na tumingin si Tippy kay Julie at ang muhka ay parang; I-told-you-so effect.
Napabuntong hininga na lang si Julie.
"Oo kasama ko! Oo sige sige... Mas concerned ka pa sa kanya ah!"
Patuloy naman na pinapanuod ni Julie at Tippy ang kaibigan nila habang nakikipagusap ito sa ate niya.
"O sige na bbye!"
Gigil na inend ni Elmo yung call bago muling ibalik sa bulsa ang telepono.
"Kamusta ang bakabakan with ate Maxx?" Nakakalokong tanong ni Julie habang nakangiti kay Elmo.
The guy was still scowling her way.
"O bakit? Ano ginawa ko sayo?" Julie asked.
Elmo still had that scowl on his face. "Ang kulit kasi ni ate. Alagaan daw kita."
"O, bakit ganyan ka makatingin sa akin? Kasalanan ko ba na mas mahal ako ng ate mo kaysa sayo." Julie sneered.
"Tss..." Elmo shook his head causing Tippy to laugh at their antics.
"Pero oo nga Moe, mas mahal nga ni ate Maxx si Julie sayo haha!" Tippy then commented.
Sakto naman na dumating na ulit si Bea at Jhake na may dalang pagkain at inumin nila.
"Okay lang kayo?" Tanong ni Elmo sa dalawa niyang kaibigan lalo na kay Jhake. "Pare bakit parang ginahasa ka ng sampung kabayo?"
"Bakit pare nakakita ka na ng ginahasa ng sampung kabayo?" Pagbibiro ni Jhake dahilan para matawa si Elmo.
Sumingit na si Bea sa paguusap ng dalawang kaibigan. "Paano parang nagbibigay ng relief goods soon sa may canteen kahit binebenta pa rin naman nila yung pagkain." Sabi niya. "Ilang estudyante pa kaya ang natira dito sa school, marami rami pa tayo. Walking dead ang peg."
Swerte lang nung ibang estudyante na maaga ang uwian nung araw na iyon.
Nagsalo salo naman silang lima sa biniling pagkain nila Bea. Para bang nagpipicnic lang sila. Amg iba pa nilang kaklase ay nakakalat din nan doon sa corridor at naghaharutan. Yung ibang babae wala na pakielam na nakaskirt sila at hala sige ang paglalaro. Akala mo mga hindi college eh.
The rain wasn't stopping in any way that night. Tumingin si Julie sa kanyang orasan at nakitang ala-sais na ng gabi. Parang ayaw niya isipin na kinabukasan pa siya makakauwi. Gustong gusto na kasi niya matulog sa sariling kama. Siguro naman icacancel na nila yung pasok kinabukasan?
"Oi may ichichika nga pala ako!" Sabi ni Bea which caught Julie's attention.
Lahat naman sila ay napatingin sa kaibigan.
"Ano nanaman yan Bea? Kaw talaga kahit kailan ang tsismosa." Sabi ni Jhake habang linalantakan yung Nova chips.
"Wag ka ngang kontrabida." Bea said, rolling her eyes at her friend before speaking yet again. "Anyways, nakita namin ni Julie yung may crush kay Elmo kanina."
"Bea naman!" Atungal ni Elmo pero wala na siya magagawa dahil kapag nagsimula si Bea wala na siyang laban.
"Bianca Pascual yung pangalan haha! 1st year na MedTech din."
"Maganda ba pare?" Jhake asked.
Elmo shrugged and smirked in answer. "Ewan. Okay lang?" he said in an unsure tone.
"May itsura naman siya ah."
Napatingin ang apat pang miyembro ng tropa na iyon nang magsalita si Julie.
Kahit si Julie ay nagulat na bigla siya nagsalita. "Uhm, ano kasi... May itsura naman talaga siya."
Si Elmo nakatingin lang sa kanya habang sila Bea at ang dalawa la nilang kaibigan ay nagusap gamit ang kanilang mga mata.
Saka naman humarap si Jhake kay Elmo at nakakalokong ngumiti. "I'll change the question pare, mas maganda ba yung Bianca kay Julie?"
"Ano ba namang tanong yan Jhake!" Angal pa ni Bea. "Hindi mo ba nakikita si Julie? Ang layo naman kumpara doon sa Bianca!"
"Pwede ba change topic na lang tayo?" Julie asked dahil kanina pa talaga siya naawkwardan sa sitwasyon.
Hindi naman na pinilit pa ng mga kabigan niya na ituloy nga iyon kaya naman nagsimula na lang magkwento ng nakakatakot si Jhake.
"Diba may mumu daw doon sa CR sa may 5th floor?"
"Ay puta Jhake wag ka ganyan baka hindi na talaga ako makagamit doon!" Sabi ni Bea.
"Meron nga!" Pagpilit pa ni Jhake. "Tara tara! Doon na lang tayo!" Tumayo ito at hinila patayo si Bea.
"Ui teka sama ako!" Siya namang tayo din ni Tippy.
Naiwan na nakaupo sa sahig si Julie at Elmo. Tatayo na sana ang huli para sumunod sa kanilang nga kaibigan nang pigilan siya ni Elmo by holding her hand.
Napatingin naman si Julie sa magkahawak nilang kamay. Siya kasi nakatayo na at si Elmo naman ay nakaupo pa rin sa sahig.
"Hindi ba tayo susunod sa kanila?" She asked him.
"Kakatamad eh." Elmo replied. "Upo na lang kaya tayo dito? Papagurin pa natin sarili natin e buong gabi kaya tayo dito."
Napadalawang isip si Julie. She again looked at Elmo. In the end, naupo na lang ulit siya sa tabi nito.
Satisfied, Elmo let go of her hand.
Pareho lang sila nakaupo doon at nananahimik, ang tanging tunog na naririnig nila ay ang maingay buhos ng ulan sa labas pati na rin ang daldalan ng iba pa nilang kaklase na nandoon din sa corridor.
Bigla naman nagring ang message alert tone ni Elmo. Napatingin si Julie habang linalabas ng kaibigan ang phone.
Saglit na nagbasa si Elmo at maya maya ay napasmirk.
"Sino yan? Si ate Maxx?" Julie asked.
Elmo shook his head. "Si Bianca, nagsosorry sa ating dalawa."
Napakunot ang noo ni Julie sa sinabi ng kaibigan. "Sa ating dalawa? Bakit?"
"Eh kasi diba narinig natin yung mga kaibigan niya na linoloko siya aa akin. Tapos pati ikaw nadamay."
"Nakakahiya doon kay Bianca..." Julie whispered, catching Elmo's attention.
Napatingin naman ang lalaki sa kaibigan at nagtatakang nagtaas ng kilay. "Nakakahiya? Paano?" Elmo asked.
Napakibit-balikat naman si Julie. "Eh kasi, linoloko siya nung mga kaklase niya kanina tapos nakita pa tayo. Ikaw kasi! Napaka touchy mo!" She joked.
Akala niya mapapangiti din si Elmo. Pero hindi. Naging thoughtful ito.
Kaya naman nagsalita ulit si Julie. "Text mo na lang siya, sabihin mo kaibigan mo lang ako."
"Hindi na..."
Julie stated at her friend. "Hindi na? Okay ka lang? Edi naniwala yan na girlfriend mo talaga ako."
"Wala naman kaso yun eh." Sagot ni Elmo na para bang bored na bored sa topic nila. Nakatingin siya sa kabilang row ng lockers habang nagsasalita. "Hindi ko rin naman siya type."
"Paano yan, e muhkang crush na crush ka nga..."
Sa sinabi na iyon ni Julie ay napangisi si Elmo sa kanya.
"O, what's with that face?" Julie asked. Ayaw niya kapag gumaganon si Elmo. Alam niya kasi na may kalokohan itong naiiisip kapag ganun ang itsura.
"Bakit, nagseselos ka?"
"Kapal talaga ng muhka mo Elmo... Hindi no!"
Natawa nanaman si Elmo before he shrugged his shoulders. "Eh kasi pinagpipilitan mo pa ako kay Bianca. Pinapatahimik lang kita." Nakangising sabi ni Elmo.
"Aaaaaaaahhhhhh!"
Parehong nagulantang si Julie at si Elmo sa narinig at akmang tatayo na ng dumaan si Jhake, Bea at Tippy na naghahabulan habang pinaghahampas pareho ng dalawang babae si Jhake ng notebook.
"Aray aray masakit!"
"Gago ka talaga Jhake!"
"Oo buset toh! Muntik na tumalon yung puso ko papuntang ground!"
"Problema niyo?" Natatawang tanong ni Elmo sa mga kaibigan.
Si Julie naman din ay nagpipigil ng tawa habang umuupo ulit.
"Ito kasi si Vargas na ito! Pumasok kami ni Tippy doon sa CR ng babae sa 5th, wala naman mumu. Paglabas namin nawawala siya kaya hinanap namin, nandoo pala sa isang classroom!" Galit na explain ni Bea habang sinuaubukan hamapasin si Jhake ng notebook ulit pero nagtago lang ang lalaki.
"Sige pagpatuloy niyo yan." Tawa ni Julie. "Hanggang bukas pa tayo. Magtakutan pa kayo at walang makaktulog mamaya."
================
It was 9:00 in the evening at nakakaramdam na din ng antok si Julie.
Naguusap si Elmo at si Jhake habang si Bea naman ay basa ng basa ng libro.
Magkatbi naman sa lapag si Julie at Tippy. Nakahiga ang ulo ni Tippy sa balikat ni Julie habang ang huli ang panay lang ang twitter at f*******:. Buti na lang 90% battery niya. Siguro naman survive na niya yung night.
"Jules..." Biglang sabi naman ni Tippy.
"Hmmm?"
"Wala ka talaga gusto kay Elmo?"
Napatingin naman kaagad si Julie kay Tippy. What brings this?
"Hala saan naman galing yun?" Julie asked.
Dumeretso naman ng upo si Tippy at muling hinarap si Julie. "Eh kasi... Bagay talaga kayo eh. Are you seriously telling me that you aren't attracted to him? Because he seems to be attracted to you."
Napatingin naman si Julie kay Elmo at nakitang seryosong nakikipagusap ito kay Jhake.
Tumingin naman ulit siya kay Tippy. "Muhkang hindi naman. Magkaibigan nga lang kami, hindi ba pwede maging friends lang ang babae at lalaki?"
Tippy sighed first before answering. "Ganito kasi Jules, kami ni Elmo... Kami yung magkaibigan. Kayong dalawa? Iba eh..."
Dinaan na lang sa tawa ni Julie ang lahat. "Nako, antok ka lang Tips, tulog ka na kaya."
Tumawa lang si Tippy bago naman tumayo. "CR lang muna ako..."
Papalayo na sana si Tippy ng may pahabol pa si Julie.
"Hindi ka natatakot sa multo?!"
Kaya ayun, kinaladkad siya ni Tippy para samahan sa CR.
===============
Nagising si Julie ng sumasakit ang batok. Paano ba namang hindi sasakit katawan niya, eh siya ang ginawang unan ni Bea at ni Tippy. Madilim na sa corridor, ang tanging ilaw ay nanggagaling sa maliit na bumbilya na nasa dulo, banda sa may fire exit.
Dahan dahan na tumayo si Julie at ang tindi din naman ni Bea a t ni Tippy dahil hindi sila nagising sa paggalaw niya.
Tinatawag na siya ng kalikasan eh.
Gamit ang cellphone bilang flashlight, tinahak niya ang daan papuntang CR.
Matapang ka Julie, hindi naman totoo na may mumu eh...
Mantra niya ito habang dahan dahan ang paglakad, may mga natutulog din kasi sa daan. Muhka tuloy sila zombie apocalypse.
Sa wakas nakarating siya sa may CR pero nagdalawang isip. Naalala niya kasi yung sinabi ni Jhake.
At kahit ba sumasakit na yung pantog niya, napagdesisyunan niya na bumalik at magpasama na lang kay Tippy.
Umikot na siya.
"Aaahhh--mpff!"
"Ssshhh! Jules ano ba! Gigisingin mo yung buong corridor."
Pumiglas siya.
"Linchak Elmo! Gusto mo ba atakihin ako sa puso ng dahil sayo?!" Naiinis niyang sabi.
Tumawa naman si Elmo at tiningnan siya. "Kahit madilim Julie nakikita ko na unti unti pumupula yang maputi mong muhka."
"Bakit mo ba ako sinusundan?! At talaga bang walang tunog yang paa mo? Di ko man lang narinig na nakasunod ka!"
"Jules ang volume baka marinig tayo." Nangiinis pa rin na sabi ni Elmo.
Julie rolled her eyes. "At dahil jan, hintayin mo ako, mag C-CR ako."
"Di ka natatakot sa mumu?"
Kinginis naman eh...
Marahas na napatingin si Julie kay Elmo at sinimulan itong itulak papasok sa CR ng girls.
"Oi teka Julie ano ba!"
Pero wala na nagawa si Elmo dahil ngayon ay pareho na sila ni Julie na nasa loob ng CR.
Binuksan ni Julie yung ilaw at pinatayo sa gitna si Elmo. "Diyan ka lang ah!" Sabi niya bago pumasok sa loob ng isang cubicle.
Hindi naman ako siguro sisilipan ni Elmo...
She was doing her business just fine at nang nagsusuot ulit ng skirt ay biglang namatay yung ilaw.
"ELMOOOOOOO!!!!"
Mabilis na naihook ni Julie ang skirt at paglabas ng CR ay muntik na mabungo si Elmo na tumatawa.
Bumukas din ang ilaw dahil kapa ni Elmo ang switch.
"Bwisit ka talaga!" Galit na sabi ni Julie pero mahigpit pa rin na nakayakap kay Elmo. Masyado creative yung imagination niya. Kung ano ano tuloy nakikita niya sa dilim.
"Haha! Sorry na sorry na... Sarap mo kasi lokohin." Sabi ni Elmo na binabalik naman ang yakap ni Julie.
Nagkatinginan sila saglit.
"Ay! Mga bata kayo bawal yan dito!!!"
Kaagad naman na napatingin si Julie at si Elmo nang bumukas bigla ang pinto ng CR. Pareho din silang humiwalay sa isa't isa nang makita na si Ate Chona pala ito, yung janitress nila.
"Ate mali po iniisip niyo! Nagpasama lang po ako kasi madilim!" Kaagad na depensa ni Julie.
Napatingin naman sa kanila si Ate Chona at tumawa na lang. "O siya sige, sabi mo eh. Balik na kayo sa tulog. Nakita ko kasing bukas yung ilaw akala ko may nakaiwan."
Kaagad naman lumabas si Julie at Elmo bago isara ni Ate Chona yung pinto.
Ginamit ulit ni Julie yung cellphone niya pabalik habang naglalakad.
"Bwisit ka talaga Elmo..." She hissed.
To which Elmo only laughed. "Eh kasi naman Jules, nakakatawa ka matakot!"
"Glad I'm your source of entertainment for tonight." Inis na sabi ni Julie.
Nakabalik na sila kung saan sila nakapwesto kanina kaso nakita na masyado na presko ang pagkakahiga ni Bea at Tippy sa isa't isa.
Julie merely shrugged and proceeded to grab her bag to use it as a pillow.
"Yan talaga gagamitin mo?" Tanong naman ni Elmo.
"Eh bakit, ano gusto mo gawin ko?" Julie asked. "At bakit ka ba nandito? Balik ka na doon kay Jhake."
Pero hindi siya pinakinggan ni Elmo. Imbis, umupo ito at tumabi sa kanya bago ioffer ang balikat.
"Alam ko sumakit katawan mo kanina, unan ka nila Tippy eh. Ako naman ngayon unan mo."
Nung una ayaw pa ni Julie. Pero dahil nga inaantok na siya, humiga na lang din talaga siya sa balikat ni Elmo.
"Swerte ka masyado ako pagod para awayin ka ngayong gabi..."
"Hindi mo pa ba ako inaaway kanina?" Elmo joked.
Mahina siyang sinuntok ni Julie sa tiyan. "Matulog ka na rin. Tomorrow this will all be over."
"Hahaha fine fine. Goodnight Jules..."
Hindi na sumagot pa si Julie dahil antok na antok na rin siya.
Infairview, ang sarap matulog sa balikat niya... Oh stop it Julie, he's just a friend to you right?
===============
AN: Hello friends! Alam ko late pero... Congrats sa Diamond album ni Julie!!! *confetti* pati ako naiyak nung umiyak siya haha! So proud of her!
Anyways! Pahirapan ba sila ngayong gabi? Hahaha! Totoong nastranded dati mga estudyante sa school... Haneps.
Stay safe everyone! Buti tumitila na ulan dito.
Comment or vote po!!! Sa mga nagbabasa po...Teinks! Sorry nga po pala sa typos!
Mwahugz!
-BundokPuno <3