To say na pagod si Julie would be an understatement.
Nakauwi din sila sa wakas galing ng school pero it still was not an easy thing to do. Nalaman nila na sa sobrang baha ay talaga namang may mga nastall na sasakyan at may mga pasahero pa nga daw na sa mga pampublikong sasakyan na nagpalipas ng gabi.
Kahit papaano ay maswerte sila na nasa school sila nang abutan ng kasagsagan ng bagyo.
"Moe dito na ako salamat." Sa may gitna ng court silang dalawa pero hindi pa rin paawat si Elmo dahil kailangan maihatid niya hanggang pinto si Julie.
"Ano ka ba Jules ayan lang bahay ko kaunting hakbang lang kaya okay na."
Nasa may harap na sila ng San Jose residence nang biglang bumukas ang pinto at nagpakita si Manang Dora.
"Julie nako anak ayos ka lang ba?!" Manang Dora asked in a frantic manner. Binuksan nito ang gate at kaagad namang inapproach si Julie at yinakap ito sabay check sa buong pagkatao ng dalaga.
"Wala namang masama na nangyari sa inyo? Hindi kayo sa bus nastranded diba? Delikado doon eh! Sa school naman kayo diba? At lwast doon may security kayo at lahat!"
Hindi napigilan pareho ni Julie at ni Elmo ang matawa sa lovable na matanda.
"Okay lang po kami manang." Si Elmo na ang sumagot kay manang dahil medyo natatawa pa rin si Julie.
"Ikaw Elmo nagpakita ka na ba sa ate mo? Aba'y umuwi ka na at alalang alala na iyon sa yo!" Sabi naman ni manang once napansin din niya si Elmo na nakatayo doon.
"Pauwi na po manang, hinatid ko lang po si Julie." Elmo replied. He faced his friend and offered a small smile. "Paano ba yan Jules, una na ako ah. Sa Wednesday na daw resume ng classes?" He asked, confirming if what he heard was true.
Tumango naman si Julie. Sabado ngayon at dahil nga sa bagyo, sa Wednesday pa ang susunod nila na pagpasok. Masklap man aminin pero marami nasalanta ng bagyo.
"Oo daw eh. Magtext na lang ako tungkol sa details." Sagot naman niya sa kaibigan.
Ngumiti naman sa kanya si Elmo at kumaway ng paalam. "Sige sige, uwi na rin ako. Baka nagwawala na si ate eh."
Julie gave a small laugh before missing her head. "Okay sige. Thanks ulit ha Moe."
"Oo naman." Elmo gave one final smile before retiring to his own home.
Tumingin naman si Julie kay Manang Dora. "Pasok na po tayo manang? Gusto ko na po talaga maligo at matulog eh."
"Nako bata ka wag ka muna maliligo at pagod pa yang katawan mo. Magpahinga ka muna sa kwarto. Magpapainit lang ako ng tubig mo. Katukin na lang kita tapos pwede ka na maligo." Sabi ni Manang Dora.
Pumasok na silang dalawa sa loob ng bahay.
"Sila Kuya at Papa nga po pala?" Julie asked.
"Papa mo chineck yung resto, Kuya mo naka on call sa ospital." Sabi ni Manang Dora. "Marami daw kasi nasalanta ang bagyo kaya marami din na nainjure."
Napailing na lamang si Julie. Kakaiba talaga kasi kapag kalikasan na ang bumabanat.
Sinunod naman niya si Manang at nagpahinga muna. At kagaya ng sabi ng matanda, kinatok siya nito para sabihin na mainit na ang tubig pangligo niya.
After showering, hindi na niya kinaya kaya naman derederetso siya sa kama at natulog.
===============
Sakto pa lang na naalimpungatan si Julie nang bigla na lamang may pumatong sa kama niya at halos maubusan siya ng hininga sa nakadagan sa kanya.
"Ooff!!!"
"Gising na Jules!" Two voices echoed through both of her ears, possibly damaging them.
Nang mapaupo naman siya sa kanyang kama ay doon lang niya narealize na si Maqui at Nico pala ang mga nilalang na nagbblock ng paghinga niya.
"Paano kayo nakapasok?" Julie asked still in a groggy tone. Gulo gulo pa nga ang buhok niya at halos hindi pa nila mabuksan ang mga mata.
"Sa bintana Jules, ayaw ko kasi talaga magkaroon ng sariling business gusto ko lang maging akyat bahay." Sabi ni Nico.
Inikutan naman ni Julie ng mata ang kaibigan. "Haha very funny..."
"Natural Julie Anne pinapasok kami ni Manang Dora!" Maqui replied. "Minsan talaga nagtataka ako kung bakit top 1 ka eh."
"Tseh! Harsh mo talaga sa akin kahit kelan " Sagot ni Julie. Tumayo naman siya at dumeretso sa sariling cabinet para naman makapag suklay. Kahit papaano ay nahihiya naman siya sa dalawang kaibigan na ganoon yung itsura niya.
"Kamusta ka pala?" Nico asked, making himself comfortable on Julie's bed.
Doon lang bumalik ang lahat kay Julie dahil sinusumpa talaga niya ang araw na iyon.
"Grabe, akalain mo na sa school kami nakatulog? Kainis naman kasi doon. Isang dura mo lang babaha na kaagad. Kakainis." Julie said, shaking her head.
"Marami rami din ba kayo nastranded?" Maqui asked. "Sino kasama mo?"
"Sila ano... Si Bea, si Jhake, si Tippy saka--"
"Girl, di mo na kailangan sabihin pangalan ni Elmo alam naman ng lahat na siyempre kasama mo yun." Nico commented.
Pero hindi nga masyado pinansin ni Julie ang sinabi ng kaibigan dahil naalala niya yung pananakot ni Elmo.
"Bwisit nga yon eh!"
"O, ano nanaman?" Maqui asked in an amused tone.
At kaagad naman nagsumbong si Julie na parang bata sa kanyang mga kaibigan.
At kagaya ng ineexpect, tumawa lang si Maqui at si Nico ng marinig nila ang pagrereklamo ni Julie.
"Tumawa pa talaga kayo." Inis na sabi ni Julie.
"Eh paano kami hindi tatawa. Ang epic lang eh." Sabi naman ni Maqui.
"Nako Jules..." Pagsimula naman ni Nico. "Baka naman kaya ka sinundan doon ni Elmo kasi may gusto siyang gawin na milag--ay aray! Farr nasakit yun ah!" Biglang sabi ni Nico habang minamasahe ang braso ba pinalo ni Maqui.
"Grabe, hindi niyo talaga ako titigilan kay Elmo ano?" Julie asked her two friends.
"Kunwari ka pa kasi!" Sabi naman ni Maqui. "Eh kitang kita kaya na may gusto ka naman talaga diyan sa tropa mo na yan!"
"Wala nga pramis..." Julie sinply said.
"Ay ayan ayan! You proved it!" Biglang sabi ni Nico.
Nalilito naman na napatingin si Julie sa kaibigan. "Prove ang alin?"
"Sabi mo 'promise' at alam mo naman na promises are made to be broken."
"Bahala kang bakla ka. Gusto niyo ba ng maiinom? Magtimpla lang ako..." Tatayo na sana si Julie kaso pinigilan siya ni Maqui at mabilis hinila para umupo ulit.
"Hindi kami nauuhaw, umupo ka diyan."
Julie sighed. Weren't they going to give this up?
"Since wala naman tayo ginagawa at hindi pa rin ganun kaganda ang panahon, paguusapan natin lovelife mo." Maqui insisted.
"Bakit kailangan lovelife ko?" Tila nagmamaktol na tanong ni Julie. "Bakit hindi pwede lovelife niyo?"
"Kasi ako wala namang lalaking umaaligid..." Maqui explained. "And well, muhkang si Nico ay wala ding lalaki na unaaligid."
"Oo girl, kahit pa dream ko din magka papa, baka sa future na kaai mangyari yun. Kaya wag ka nagiinarte kasi at least ikaw may Elmo Magalona. Kahit paano ang rami nagkakandarapa sa kumag na yon no!" Sabi naman ni Nico.
Julie couldn't help but sigh. Oo attractive nga si Elmo kagaya ng sinasabi ng kanyang mga kaibigan but that didn't mean that she had any feelings for him.
"Guys..." Marahan niyang sabi na para bang nageexplain sa mga batang puamapasok pa lang sa kinder. "Kaibigan ko nga lang si Elmo... And if ever, ever lang naman na kunwari may gusto ako sa kanya, hindi naman guaranteed na may gusto din siya sa akin."
Sa sinabing iyon ni Julie ay nagkatinginan muna si Maqui at si Nico bago hinarap ulit si Julie.
"So may chance nga na magkagusto ka sa kanya?"
Julie simply shook her head. Parang kasi walang pumapasok sa kokote ng mga kaibigan niya na ito kapag nagsasalita siya eh aba. "Eh hindi nga ako gusto non!"
"Bakit? What made you say that?" Maqui asked. "Sinabi na ba niya ever na, 'Julie sorry pero hindi ako magkakagusto sayo...'?"
And like always natameme nanaman si Julie sa sinabi ni Maqui.
"Malay mo kasi Jules may gusto pala yan si Elmo boy sayo." Nico said matter-of-a-factly.
Julie sighed. "Wala nga..."
"Ah ewan bahala ka!" Sabi ni Maqui. "Kain na lang kaya tayo tara na!" Hinila niya patayo si Nico at si Julie bago sila bumaba.
All the while naman ay nananahimik lang si Julie. Paano kasi... Yung totoo? Natatakot siya. Kasi alam niya may certain attraction na siya para kay Elmo pero hangga't sa maaari ay wag na sana ito tumuloy pa sa ibang bagay. Baka sa huli masaktan lang siya. Baka maging assuming lang ang labas niya. At ayaw niya maexperience yon. Hindi ba pwede na magkaibigan na lang talaga si Elmo? Wala namang masama sa ganun diba?