Chapter 1 The First Hello
Kakatatapos lang ng ulan nang bumaba si Zhynia mula sa bus. The city lights reflected on the wet streets habang dahan-dahan siyang naglalakad papunta sa paborito niyang coffee shop.
Pagod siya galing trabaho at gusto lang niyang mag-relax bago umuwi.
Pagpasok niya sa shop, agad siyang sinalubong ng amoy ng freshly brewed coffee.
"One caramel latte, please," sabi niya sa barista.
Habang hinihintay ang order niya, napatingin siya sa paligid. Doon niya napansin ang isang lalaki na nakaupo malapit sa bintana.
Tahimik itong nagbabasa ng libro habang umiinom ng kape.
For some reason, hindi maalis ang tingin ni Zhynia sa kanya.
Parang may kakaibang feeling na hindi niya maipaliwanag.
Biglang nag-angat ng tingin ang lalaki.
Nagtagpo ang kanilang mga mata.
Nataranta si Zhynia at mabilis na umiwas ng tingin, kunwari ay may chine-check sa cellphone niya.
"Nice one, Zhynia," bulong niya sa sarili.
Makalipas ang ilang minuto, tinawag na ng barista ang kanyang order.
"Caramel latte for Zhynia!"
Lumapit siya sa counter pero hindi niya napansin na may isa ring taong papalapit.
Bang!
Nagkabanggaan sila.
"Oh my God, sorry!" agad na sabi ng lalaki.
Napatingin si Zhynia.
Siya iyon. Ang lalaking nakita niya sa may bintana.
"It's okay," sagot niya habang bahagyang nahihiya.
Ngumiti ang lalaki.
"I'm Caelum."
"Zhynia."
For a few seconds, parang huminto ang oras.
Pareho silang napangiti.
"Well, this is probably the weirdest way to meet someone," natatawang sabi ni Caelum.
Napatawa rin si Zhynia.
"Maybe."
"Can I make it up to you? Coffee's on me."
Nagulat si Zhynia.
Hindi naman sila magkakilala, pero somehow she felt comfortable talking to him.
"Titingnan ko," biro niya.
Tumawa si Caelum.
At sa simpleng usapan na iyon, may isang bagay na nagsimulang mabuo sa pagitan nila.
Something neither of them expected.
Something that would soon change their lives forever.
To be continued... ❤️📖✨