CHAPTER 4

1713 Words
“Okay, Let's see." Sagot niya sa'kin, ngumiti. “Mahirap magsalita ng tapos." Sinabi pa muli nito. “Sa huli, baka mamaya ay kainin mo lahat ng iyong sinabi.” Banta ba yon o paalala? Nginitian ko siya. “Okay" “Pero kaylanman sisiguraduhin ko sayo na hinding-hindi 'yan mangyayari, kung ano man ang iniisip mo.” Gagad kong sabi at muli ay ngumiti. “Oh siya, sinabi mo, abangan ko yan." Nang-aasar na biro pa. “Baka hinahanap ka na. Ano bang iniutos sayo at saan ka pupunta?” Sa sinabi nito saka ko lang naalala, nang mapansin pala nito ang bitbit kong folder na aking dala. “s**t" nang maalala ko na inutusan pala akong magphotocopy. “Nalimutan ko na! Ikaw kasi.” Gilalas kong sambit at sinisi siya. Yung kangina pa ako dinadaldal, ang aking kasama sa opisina. “Bakit ako?” gulat na turan nito. “Dinaldal mo kasi ako, ayan napasarap. Lagot na ako nito bilin pa naman ay magmadali ako.” kabadong-kabado sabi ko sa kanya. “Sige na aalis na muna ako saka na muli tayo magkwentuhan.” lakas takbo na tinungo ang Copying Room. Nagmamadali na si Joyce na tinakbo ang copy room kung saan ay duon siya dapat napunta kangina kung hindi siya nahinto at madaldal sa kanyang kasamahan. Buti nalang at walang ibang tao ruon kundi ay mapapakwento na muli siya. Subalit ang hindi alam ni Joyce, kangina habang nakikipagkwentuhan siya ay may isang tao na maligid na nakatingin at nagmamasid sa kanya habang nakikinig ito sa kanilang masayang pag-uusap ng kanyang kasama. Palihim na sinundan ni Anthony ang kanyang panandalian na sekretarya upang siguraduhin na pupunta agad ito sa Copying Room, ngunit tama ang naging kutob ng magawa pa nitong makipagkwentuhan habang kanyang mahigpit na bilin na bilisan nito sa pag photocopy ng kanyang ibinigay at inutos rito. Habang masayang nagtatawanan ang dalawang empleyado ay inis ang naramdaman ni Anthony para sa kanyang bagong sekretarya. “Ang babaeng yon.” sambit niya habang inis na inis na pinapanuod ang dalawa habang walang tigil sa pagtsi-tsismisan. Pero mas ikinabigla niya ng maurinigan niya sa dalawa na siya pala ang puno at dahilan ng dalawa sa pagkukwentuhan. “Nagawa pa talagang ako ang pag-usapan!" Galit na nasambit ni Anthony. Nais niyang lapitan ang dalawa sa inis niya. “Teka nga at malapitan sila ng mapagsabihan." Pero napahinto siya sa mga sandaling maging ang kanyang kakambal ay maurinigan niyang pinag-uusapan ng dalawa. “Anong sabi niya?" Napatigil sa kanyang paghakbang. “Anlakas ng loob niyang sabihin yon, ang kapal rin ng mukha ng babaeng yon. Hindi ako ang type niya kundi ang kakambal kong si Allan." Natatawa niyang nasambit habang naiinis siyang napahinto ng marinig ang muli pang pinag-uusapan ng dalawa. “Talaga pala ang kapal ng mukha ng babaeng yon, maging ang aking kakambal ay nagawang pagpantasyahan. Pero sorry siya dahil hindi tulad niya ang mga tipo ng babae, kinahuhumalingan ni Allan." Tumatawa-tawa siyang bubulong-bulong habang muli ay nagtago ng hindi siya mapansin ng mga ito. Habang nakatingin siya sa dalawa, wala naman ang tigil ng kabubulong ni Anthony. “Ou at babaero si Allan, pero mapili naman siya sa mga babaeng pinapatulan niya. At hindi tulad ng pipitsuging sekretarya na yon ang mapagdidiskitahan ng aking kambal." Nakangisi, habang sinasabi sa kanyang sarili. “At hindi tulad niya ang papatulan at kalolokohan ng magaling kong kakambal. O baka pwede pa! Magawa lang siyang tikman at parausan, gaya ng madalas nitong ginagawa sa maraming babae." Muli ay patawa-tawa niyang sambit, si Anthony na panay ang pag-iisip sa lihim na paghanga ng kanyang bagong sekretarya sa kanyang magaling na kakambal na madalas rin pasakitin ang ulo niya. Makaraan makaalis ng kanyang bagong secretary na kaibigan ni Milca, upang tumungo sa Copying Room ay mabilis na rin umalis si Anthony sa pwesto kung saan siya ay nagkubli habang pinanunuod ang dalawang empleyado niya na masayang pinagtatawanan siya habang pinag-uusapan. Tumungo na siya pabalik ng kanyang opisina upang duon nalang antayin ang magaling niyang sekretarya na kanyang inutusan, subalit nakipagkwentuhan. Habang si Joyce ay masayang-masaya ng matapos rin niya sa wakas ang lahat ng mga papel na kailangan niyang maizerox. Nakangiti siya tuwang-tuwa niyang sambit. “Sa wakas tapos na rin ako.” Habang iniisa-isang sinusuri ang lahat, to make sure na wala siyang nakalimutan sa lahat ng papel na kanyang dala. Mabilis niyang inayos iyon saka mabilis na umalis sa kwarto kung saan ay siya naroroon. “Kailangan ko ng makabalik agad kundi ay abot-abot na sermon ang aking matatanggap tiyak" Lumabas na siya ng pinto at napahinga pa saka napangiti ng maglakad. Sa muling pagkakataon ay madadaanan na naman niya ang dahilan kung bakit nagkadelay-delay ang kanyang pagbalik sa opisina ng kanyang boss na Demon. “Tapos ka na?” Sabi na nga ba at hindi pwedeng hindi niya mapansin ang pagdaanan ko. Tinanong niya ako, ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Napansin raw niya ang pagmamadali ko, kaya't naitanong niya iyon. “Ou tapos na rin sa wakas.” Sagot ko sa kanya, pero hindi na ako huminto bagkus ay nagpatuloy lang ako sa aking lakad patakbo papunta sa opisina ng presidente. “Sige na, bilisan mo at baka mapasabugan ka muli ng malakas na bomba. Baka itsyahan ka pa ng granada oras na magtagal ka pa." Tumatawang biro nito, hindi ko na siya nilingon pa. Sumenyas nalang ako habang tumatakbo at nakatalikod sa kanya. Isa-isa nang nagpupumiglas ang mga bagay na hindi ko naman maintindihan habang papalapit na ako sa opisina ng presidente. Sunod-sunod na rin ang malalakas ko na paghinga, para bang nais kong huwag ng tuloy at iwanan nalang sa labas ng office niya ang mga papers na zenerox ko. Nang makarating sa destinasyon. Agad kong inayos ang aking sarili bago sinimulang kumatok. “Joyce kaya mo yan!" “Relax ka lang" “Pasok lang sa tenga, sabay ilabas sa kabila. Huwag kang matakot." Panay-panay ang aking bulong mula sa labas ng pinto ng office ni Demon. Nang marelax na ako, kumatok ako ng makatatlong katok ako, wala naman sumasagot. Nagdesisyon akong pihintin ang seradura at buksan ang pinto. Kahit malakas ang kaba, ginawa kong mabuksan ang pinto at sumulip sa loob. “Walang tao" sambit na sabi ko habang niluwangan ang pagkakabukas ng pinto. “Sir" tawag ko sa Demon kong boss. Walang tao, walang sumasagot. Sa pagkakasilip ko sa nakabukas na pinto, inihakbang ko na ang aking dalawang paa at inilulan ang aking katawan upang makapasok sa loob. “Sir" Tumawag ulit ako, pero wala talagang sumasagot. “Sir” Muli ay tawag ko, pero mukhang wala ang arogante kong boss sa loob. Inilingap ko pa ang mga mata ko sa loob at baka nagagawa lang akong pagkatuwaan ng dahil sa matagal na pagbalik ko mula sa inutusan niya akong mag-zerox. “Saan naman kaya pumunta iyon?” Bulong ko, habang naglalakad at iginagalang mabuti ang magkabila kong mga mata. Nasisiyahan ako sa aking mga nakikita mula sa loob ng opisina ni Boss. Talagang napakalaki nitong opisina niya at labis akong namamangha sa mga nakikita ng aking mga mata. “Wow" Sumambulat na sabi ko nang makita ang kabuuan ng kwarto, ngayon ko pa lang ito napagmasdan ng mabuti, kesa sa mga araw na napapasok ako rito para lang magtimpla ng kape. Dahan-dahan pa ako na naglakad upang hindi makagawa ng kahit anong ingay at baka mamaya ay naririto pala talaga siya at bigla nalang akong masigawan. Mabuti ng nag-iingat kesa mabulyawan. Mas gugustuhin ko pang makalabas na rito agad kesa maabutan pa niya ako at makita, tiyak na iinit na naman ulo nun. “Kainis, kung bakit kasi nagawa ko pang makipagkwentuhan kangina." Malapit na ako sa mesa niya, maingat kong inayos at inilapag ang dala-dala ko. “Iiwanan ko nalang muna rito, makikita naman niya kung sakaling dumating na siya at makalapit sa table niya." bulong ko, nagsasalita habang wala naman kausap. “Haist salamat" nakahinga na rin ako sa wakas, kangina ay tila ako kakapusin sa aking paghinga. Napapalunok pa ako ng dahil sa kaba, pero ngayon makakalabas na rin ako ng tahimik. “Thanks, God." Sumulyap pa ako muli sa kwarto ni Demon, gandang-ganda talaga ako. Hanggang napagawi ang mga mata ko sa nakabukas na kwarto. Ang private room ni Boss Demon. Pero hindi ko na tinangka na sumilip roon. Nais ko ng magmadali na makalabas at baka maabutan pa ako, tiyak na malilintikan ako. Nagmadali na ako sa aking paglabas, malalaki na ang hakbang na aking ginawa, makalabas lang ng tuluyan sa kwarto na toh. “Miss Imperial" boses mula sa likod. “s**t" Napakagat ako sa labi at napabulong. “Sinasabi ko na nga ba!" sambit ko, sa gulat at takot. Hindi nga ako nagkamali na baka naririto lang ito sa loob at kumukuha lang ng tyempo bago lumabas at harapin ako. “Saan ka naman pupunta?” galit ang boses, sinabi ni Anthony kay Joyce. Gulat na gulat si Joyce nang maurinigan ang buong-buo at galit nitong boses. Hindi niya pa alam kung papaano niya ba ito haharapin gayon na siya ang mali ng late ng makabalik. “Saan ka pupunta, Miss Imperial?" Muli ay tanong ni Anthony. Napahinto sa paghakbang si Joyce at bago pa siya makalabas ay lumabas ang boss at galit na nagtanong sa kanya. “Lalabas na po, Sir." Sagot ko, nang pumalingon ako pabalik sa likod kung saan ay nagmumula ang galit niyang boses. “Hinatid ko lang po yung iniutos niyo na izerox ko. Tapos ko na po lahat, inilapag ko na rin po sa table niyo." Muli ay sinabi ko, garalgal ang boses nanginginig at paputol-putol. “Inayos ko na rin po pala yan, pinaghiwa-hiwalay ko na rin para di kayo malito." Muli ay kabado, pero sinabi ko sa kanya. “Bakit ngayon ka lang?” “Poh?” gulat ko, sambit sa kanya. “Kailangan bang ulitin ko pa?" “Ho?" Kaba, kabang-kaba nanginginig na maging dalawa kong paa. “Anong klaseng sagot yan?" Tumaas na yung boses ni Anthony at napahinto saglit sa kanyang pagsasalita. Sa muli ay sumisigaw na ito, dinuro ako. “Hindi ba sinabi ko sayo, pagkalinaw pa! I need asap! Bakit ngayon ka lang?" Sigaw nito sa akin. “Kasi Sir, inayos ko mabuti isa-isa yang lahat ng documents. Pinaghiwa-hiwalay ko na po at pinagsunod-sunod." Ano ba yan, nakuha ko pa talagang magpaliwanag sa kanya. Inis, lalo pa tuloy sumimangot ito. Mas lalo pa tuloy akong kinabahan sa mga titig at tingin niya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD