CHAPTER 3

1451 Words
Nang sagutin ni Joyce si Anthony lalo pang mas nagalit ito at sumimangot ang mukha sa galit. “Anong karapatan mong sagutin ako ng ganyan!" Pasigaw nitong sinabi sa dalagang sekretarya. Gamit ang isang daliri, dinuro niya si Joyce. “Ipaaalala ko lang sayo, ako pa rin ang boss mo rito, Ms. Imperial. Kaya't wala kang karapatan na pagtaasan ako ng boses at sagot-sagutin ng ganyan." “Hindi ko nakakalimutan Sir." Mabilis na sagot ni Joyce. “But sana hindi rin kayo nakakalimot na isa rin akong empleyado rito.” sagot niyang muli kay Anthony. “Ewan" inis na sabi ng mabagot na siya makipagtalastasan sa kanyang sekretarya. “Ayoko na makipagtalo pa sayo Ms. Imperial, nasasayang lang oras ko. Just print it, 10 copies per piece, I need now. Pakibilisan, yon lang." Sabay inilapag ang ilang piraso ng papel at tumalikod na ito. “Mag-uutos lang pala nilait-lait pa ako. Letseng boss ko na 'yon sarap patayin." Inis na sabi ni Joyce matapos makaalis ang kanyang Demon na Boss. Matapos tuluyan makaalis ang kanyang boss na si Anthony ay madali na dinampot ang ilang papel na ibinigay nito. “Just print it, 10 copies per piece, I need now. Pakibilisan, yon lang.” Bubulong-bulong na inulit niya sa sinabi ng kanyang arroganteng boss. Haist naku, kung hindi kay Milca ay hindi ko tinanggap ang position na maging panandalian na sekretarya niya. Sino bang tao ang gugustuhin na pagsilbihan siya ng ganon kapangit ang ugaling meron siya. Naiinis na bumubulong habang siya ay naglalakad upang tumungo sa copying room. Ewan, kung papaano natatagalan ni Milca ang ugali ng kanyang duper evil na Boss. Grabe sa pagkaarogante, kung makalait wagas. Bakit hindi niya muna tingnan ang sarili niya bago tumingin sa iba. Kakainis! Habang naglalakad papunta sa copying room ay bubulong-bulong pa muli si Joyce. Inis na inis sa kanilang Boss na nilait-lait ang kanyang pagkatao, maging ang istilo ng kanyang pananamit. “Ano bang problema sa pananamit ko?" sabay sulyap sa salamin. “Ayos naman." Kakainis andami mapapansin yung pananamit ko pa talaga. Papadyak-padyak na naglalakad sa wall ng kanilang opisina, habang ang ilan sa kanyang nasasalubong ay mga nakatingin sa kanya. Para na siyang nasisiraan sa kanyang ginagawa na para bang bata na nagmamarakulyo sa hindi nakuha ang kanyang gusto at makagalitan siya ng ama. “Badtrip ka?” tanong ng isang kasama ng mapansin ang badtrip na mukha. “Halata ba?” sagot na sabi niya, umirap at tumaas ang kilay. “Mukha naman" Ngumisi ito at saka muli ay nagsalita. “Nasinghalan ka ba ng aborido mong Boss? Mukhang sa itsura mo ay nasampulan ka ng husto.” pabiro na sabi sa kanya ng isang kaopisina. “Hindi lang sample!" nais niya sanang isagot. Sa dinami-rami ng mga araw ngayon pang maganda ang gising niya ng pumasok sa opisina. Nadismaya tuloy si Joyce at nasira ang araw niya. Kay ganda ng pasample na pagsalubong ng kanilang magaling na Boss. Kung may pamimilian lang, hindi talaga niya kukunin ang position na yon. Ayos na siya sa Designing Team taga analyze ng mga gawa ng kanilang Team bago isubmit sa kanilang Head. Okay na iyon sa kanya kesa araw-araw na makikita ang ungas na Boss na walang ginawa kundi mambwisit at magalit sa tuwing hindi gusto ang trabaho ng kanyang mga empleyado. “Ayaw ko nito, yan na ba pinakamagandang naisip niyo?" sa galit nito ay sabay balibag sa ilang piraso na drawing sheet na gawa ng magagaling na staff sa Designing Team. Nakita ko naman iyon bago sinubmit ng kanilang Team Leader sa Presidente ng kumpanya, para makita nito lahat ng designs na gawa ng kanyang mga magagaling na empleyado sa designing team. Ang gaganda nuon. Walang halintulad, unique. Pero ano, ayun itinapon at binalibag ng kanilang magaling na boss. I can't imagine na babaliwalain niya lang lahat ng mga pinaghirapan ng aking mga kasamahan. Ang sama niya! First day ko nung araw na yon! Ngunit napaka grande ng aking unang araw. Napaka-raming pasabog na aking nakita at nasaksihan sa loob ng opisina ng presidente. Parang isang bomba na sunod-sunod sumasabog, pumuputok sa sobrang tindi at lakas ng tensyon sa loob. Mapapahawak ka na nga lang sa magkabilang tenga, dahsil maging magkabilang Eardrums mo ay posibleng sumabog sa pagkalakas na pagsabog na ginagawang pag-wawala ng aming nag iisang president. “Day' napatulala ka pa?" tumawa siya at nabalik ako sa aking ulirat. hininga ako muna at sumagot sa kanya. “Anong klase yan? anlalim ata?" pero bago pa ako nakasagot siya ang nauna. “Wala, naiisip ko lang sobrang risky pala nitong napasukan ko. First day but andaming risk na ang nakita at nasaksihan ko. Alam ko lang na ganito katindi ang mga pagdadaanan ko, umayaw na ako sa una pa lang." Sambit ko na para bang pinagsisihan ko na tinanggap ko pa itong trabaho na inialok ni Milca sa akin, malaki nga ang sasahurin ko pero malaki rin pala ang pagdadaanan ko sa Demon na yon. “Tiisin mo nalang! Andiyan ka na, saka ilang buwan lang naman." tudyo na sabi at ngumiti. “Yun nga masaklap! Ilang buwan nga lang pero mukhang hindi ako tatagal sa lugar na yon.” para na kong susuko na sinabi ko. Nahihirapan ako. Naiiyak. “Hayaan muna! Mabait naman iyan, si Sir Anthony.” Panggagatong nito, sinabi na kinagulat ko. Nanlaki ang aking mata, napakalakas ang boses sa gulat sa wika niyang sinambit. “Mabait?" “Sino nag sabi nun at mabatukan ko! Nagpapakalat nalang ng tsismis mali pa ang kanyang sinabi. Hayop pa sa demonyo ang kademonyohan, ang ugaling meron siya at baka hindi pa nakikita ng nagbigay ng maling impormasyon sayo.” galit na inis na sabi ko. Tumulo na tuloy ang luha ko. “Si Milca" sagot nito. “Sabi niya mabait naman raw si Sir Anthony, strikto lang." bulas na sinabi ng aking ka-officemates. Mas nagulat naman ako sa sinabi nito. “Si Milca?" Gilalas ko, tumango siya sa akin. “Sinabi talaga niya iyon?" Napangisi ako. “Kung insultuhin nga ako non sa unang araw ko pa lang sa opisina non, mabait pa sa kanya yon? Wala ngang tigil ang bibig sa kakasigaw at madalas na galit, mabait pa sa lagay na yon?” Singhal ko, naibulalas ko sa aking kausap. “Bakit ininsulto ka ba?” gulat na tanong nito. “Ano pa nga ba!" sabi ko. “At hindi lang basta insulto, sukat sabihan akong kaladkaring babae ng dahil sa istilo ng pananamit ko!" Nanggagalaiti kong wika na sinabi sa kanya. Bumuntong hininga ako “Ano bang masama at mali rito?" Turo ko sa damit na aking suot. “I'm wearing white blouse at mini skirt, pang office attire naman ito hindi naiiba sa mga sinusuot ng iba. Although medyo may kaigsian nga pero bagay naman at naaayon naman sa policy ng opisina." Sinabi ko. “Saka anong mali sa suot ko? Tingnan mo ngang mabuti, gusto ata ng siraulo na yon ay magbestida ako ng pagkahaba dito sa opisina, habang rumarampa sa kanyang harapan." Inis at galit kong sinabi muli. “Teka, bakit ako ang inaaway mo?" Tumatawa ito, sinabi niya muli. “Baka gusto na maging Manang ka sa kanyang mata.” Pabiro na sabi niya sa akin. Gulat ako, napalakas ang boses. “What manang?" “Nasisiraan na ba siya? Para ihalintulad ako sa isang Manang? Hindi ba siya helo, para gawing isang manang ang kay gandang mukha na 'toh..." Natatawang gilalas ko na naiwika sa kanya. Sa ganda ko na 'toh, gagawin akong isang Manang, sa harap niya? Kung hindi ba siya nahihibang. Daig ko pang pinatay ang sarili ko, kung sakaling nagkataon na siya ang masususnod. Ito na nga lang nakakapagpasaya sa akin, ang mga damit na nabibili ko ng mura sa ukay-ukay at naisusuot ko rito sa opisina, pagbabawalan pa! “Malay mo naman type ka ni Boss, si Sir Anthony." Muli ay banat na biniro ako, ngumisi. “Type?" Gilalas sa gulat ay aking naisambulat. “Sorry siya, he's not my type." Maarte kong binigkas, na tila nandiri sa sinabi niya. “Sa totoo lang, buti pa sana kung siya si Sir Allan." Sinabi ko, ngumiti at nag-imagine. “Baka sakali pang patulan ko ang kanyang kabaliwan. Pero hinding hindi mangyayari yon, sa ugali pa lang ng taong yon malabo na magustuhan ko.” Paninindigan kong sinabi, diretsyahan ko ring sambit sa kanya. Kahit anong mangyari ay pangangatawanan ko ang aking sinabi. Kaylaman ay hinding-hindi mangyayari na magkagusto ako sa siraulo kong boss iyon. Never on my dead body. Kasi evil siya, isa siyang masamang demonyo. Kaya kahit anong mangyari, hindi ako papayag na dumating sa point na mahuhulog ako sa baliw na tao na yon. Sunod-sunod akong napahugot ng malalalim na hininga, habang nag-iisip ay mariin kong sinabi na kahit kelan hindi talaga mangyayari na sa isang gaya niya lang ako mahuhulog. Mamamatay muna ako, para sa isang demonyo ay malabo akong mapunta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD