"Miss, we're going to the cafe in an hour." saad ni Mr. Luther kay Sea Lion. Lingid sa kaalaman nito na may nakakarinig na nang usapan nila at hindi na nila na-secure ang lugar. "Please be ready. I will call you when I'm ready." sabi pang muli ni Mr. Luther. Naghanda naman sina Sea Lion at Walrus. Agad na tumango ang mga ito sa client nila at naghanda para sa peligrong susuungin nila. Nang pumasok na muli sa kwarto si Luther ay nagtanguan naman ang dalawa para sa plan B nila. Agad na inihanda ng mga ito ang naplano nila. Nang matapos mag-asikaso ang kliyente ay agad silang tinawag nito. Inalalayan nila ito patungo sa parking lot at muli at pinaharurot ni Walrus ang sasakyan patungo sa pupuntahan nila. Ang hindi nila alam ay nasa itaas ang drone na nakasunod sa kanila kung saan man sila

