"Si Agent Eman Ecan." nanlalaki ang mga mata ng lahat nang makita nila si Agent Cactus. Tunay nga ang balita na napakaganda nito. Ang mahaba nitong buhok na dati ay pinagupit nito na panlalaki. Ang akala nga nila ay hindi na ito tutubo pa pero ngayon ay napakalago na nito at puwede nang ipangpa-commercial ng shampoo. "E-eman?" puno ng katanungan na saad ng isip ni Jairus. Base sa ekspresyon ng mukha nito ay hindi siya makapaniwala na buhay ito. Ang buong akala niya ay patay na ito. Ngunit wala namang tumugma sa autopsy nito maliban sa cactus na wristwatch nito na natagpuan sa bangkay na nakita nila sa building ng sindikato. "Hi Jairus. Oo. Buhay ako." isang matamis na ngiti lamang ang iginawad ni Eman kay Jairus nang marinig nito ang nasa isipan ng binata. Magkatulad sila ng ability ni J

