"Anong nangyayari?" muling saad ni Jairus. At sa pagkakataong ito ay bumangon na siya mula sa pagkakahiga. Muling tumitig kay Eman. Gusto niyang malaman kung ano ba ang itinatago ni Eman sa kanya at bakit ganoon si Jack kay Eman. "Walang nangyari." panimula ni Eman. Hindi niya gustong itago ang bagay na ito ngunit ito rin ang nais ni Jack ang sabihin niya kay Jairus ang nararamdaman niya. "Nasasaktan ako..." tila dumungaw ang mumunting luha ni Eman. Agad naman itong pinawi ni Jairus ngunit nang malapit na ang kamay nito ay pinigilan niya ito. "Huwag... Hayaan mo lang silang pumatak. Mas nanaisin kong kusa silang mahulog kaysa pawiin mo." naguguluhan man si Jairus ay hinayaan niyang magpaliwanag si Eman. "Mahal kita..." marahang saad ni Eman sa binata habang naghihintay ng reaksyon nito

