Nang makarating si Xendy sa bahay ni Jairus ay agad niya itong hinanap. Hindi na makapapayag si Xendy na muli ay hindi sila magkausap ni Jairus. Kahit na sinabi ni Manang Belen na wala ito sa loob ng bahay ay hindi siya naniwala. Sa halip ay nagmakaawa siya rito para umamin ang matanda. "Manang Belen, please. Jairus and I need to talk. He needs me." pagsusumamo niya rito. Alam niyang malambot ang puso ng matanda at kaunti na lamang ay bibigay na ito. "Manang, may problema siya and he needs my help to resolve it. Please naman ho." pagmamakaawa ni Xendy. Halos ilabas na niya ang lahat ng luha niya para maawa lamang ang matanda sa kanya at sa wakas ay naawa rin ito. Alam rin nito na kailangan ng tulong ni Jairus. "Iha, ikaw na ang bahalang magpaliwanag kay Sir Jairus. Alam kong magagalit i

