Hindi makapapayag si Jairus na napaglaruan siya ng kapatid niyang si Jack. Kaya naman bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha nang malaman niyang hindi sila magkapatid ni Xendy. At dahil doon ay nagtungo sila kay Venus upang maliwanagan sa buong katotohanan. Sa mansyon nakatira si Venus at hindi naman din ito madalas umalis kaya naman naabutan nila ito. Pagdating ng mansyon ay agad silang pumasok sa loob at hinanap si Venus-ang ina ni Xendy. Ang tunay na ina nito. "Mom, this is Jairus... My boyfriend." pakilala ni Xendy kay Jairus sa kanyang ina. Agad naman itong lumingon sa dako nila si Venus nang marinig nito ang boses ni Xendy. Kasalukuyan itong nasa lanai habang nakatingin sa mga naggagandahang mga bulaklak doon. Mahilig kasi si Venus sa bulaklak. Kahit noon pa may ay nag aalaga na siya

