Ilang buwan na ang nakalilipas simula nang mamatay ang ama ni Xendy ngunit wala pa rin si Jairus. Hindi na niya alam kung magkikita pa ba sila nito. At ayon naman sa autopsy ng pagkamatay ng daddy niya ay atake sa puso ang ikinamatay nito. Hindi pa rin niya matanggap ang lahat pero wala na siyang magagawa. Pakiramdam niya ay iniwan na siya ng mundo. Wala na ang ama niya at wala rin ang pinakamamahal niyang si Jairus. "Sorry, supremo... kailangan kong ipagpatuloy ang naiwan ng daddy ko..." iyan ang huling usap nila ni Supremo. Siya na ang nagpatuloy ng MSA at humiwalay na siya sa mga taga SAOJ. Hindi na rin siya nakikipagkita sa mga ito. Wala na siyang balita kina Pier, Fred, Choi at Jarred. Hindi na rin siya bumalik sa kinikilala niyang mga magulang n sina Xena at Andy. At kahit ang kuya

