"Tara na Xendy." saad ni Max habang hinahaplos ang likod ng dalaga na halos magbaha na ang luha nang dahil sa pag iyak niyo. Masama ang loob niya dahil ilang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin nagpapakita si Jairus. Ano na nga ba ang nangyari? "Agent X." halos sabay na napalingon sa bandang likuran na kinaroroonan ng tinig sina Max at Xendy. At nang makita nila si Pier sa morgue ay hindi na napigilan pa ni Xendy na lalong maging emosyonal. "Pier..." sambit ni Xendy at walang ano anong agad itong yumakap sa binata. Hindi na nito alintana ang hiya ay humagulgol ang dalaga sa kasamahan. Hindi naman alam ni Pier kung ano o paano iko-comfort ang dalaga dahil sa alam niya na mangyayari ito. Noong nasa ospital siya ay ito ang nakita niya. Nakita na niya ito at pinili niyang hindi sabihin na

