3rd POV "Alam mo ang bait talaga nila sa atin ano?" sambit ng isang lalaki sa kausap niyang katrabaho habang nakaharap dito. "Hindi lahat ng tao sa mundo ay nabibigyan nang ganitong opportunity. Akalain mong mga bobo ang hina-hire nila pagkatapos ay binibigyan pa nila ng libreng training." sambit pa nitong muli. At alam mo ba na after that ay feeling ko ang talino ko nang sobra." sabi pa nito. Sila ay ang empleyado isang kumpanya na kilala sa pangalang 'Limitless'. "Oo nga. Kaya ginagawa ko ang lahat para masuklian ang kabaitan nila sa akin e. Habang buhay kong tatanawing utang na loob ang tulong nilang ibinigay sa akin." sagot naman nito sa kausap. Iilan lang sila sa mga empleyadong natulungan ng Limitless na talaga namang bilib na bilib sa company na ito. Simula nang mailayo sila ni

