Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaratay. At hindi ko alam kung ano ang kakaibang nararamdaman ko. Basta feeling ko ay energized ako. Unti-unti kong ini-mulat ang talukap ng aking mga mata. Parang may kakaiba nga sa akin. Kakaibang pakiramdam na hindi ko maintindihan. Kakaiba talaga. Pagmulat ko ay nasilaw ako sa aking nakita. Sa lugar kung saan ako naroroon. Maputi ang paligid. Amoy gamot. Amoy betadine. Data analyzing... Processing... Sa bawat paglingon ko sa mga direksyon kung saan nakapukol ang aking mga mata ay tila awtomatikong may lumalabas na impormasyon. Tila isang computer screen ang nag-appear sa aking harapan. Mayamaya pa ay parang may lumabas na data sa screen sa harap ko habang nakahiga ako. Teka. Ano ito? Naguguluhan ako. Bakit ko nakikita ang mga ito? Ku

